3 | GEN 1:3 | Sinabi ng Diyos, ''Magkaroon ng liwanag” at nagkaroon ng liwanag. |
6 | GEN 1:6 | Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng puwang sa pagitan ng mga tubig, at hayaang ihiwalay nito ang tubig mula sa tubig.” |
22 | GEN 1:22 | Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, “Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo. |
28 | GEN 1:28 | Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, “Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.” |
40 | GEN 2:9 | Mula sa lupa Pinatubo ni Yahweh na Diyos ang bawat punong kaaya-aya sa paningin at mabuti para sa pagkain. Kasama rito ang puno ng buhay na nasa gitna ng hardin, at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama. |
41 | GEN 2:10 | Lumabas ang isang ilog sa Eden para diligan ang hardin. Mula roon ito ay nahati at naging apat na ilog. |
43 | GEN 2:12 | Ang ginto sa lupang iyon ay mabuti. Mayroon ding bedelio at ang batong onise. |
47 | GEN 2:16 | Inutusan ni Yahweh na Diyos ang lalaki, sinasabing, “Mula sa bawat puno sa hardin ay malaya kang makakakain. |
50 | GEN 2:19 | Mula sa lupa ginawa ni Yahweh na Diyos ang bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit. Pagkatapos dinala niya sila sa lalaki upang makita kung ano ang itatawag niya sa kanila. Anuman ang itinawag ng lalaki sa bawat buhay na nilikha, iyon ang kanyang pangalan. |
58 | GEN 3:2 | Sinabi ng babae sa ahas, “Maaari naming kainin ang bunga mula sa mga puno ng hardin, |
71 | GEN 3:15 | Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.” |
92 | GEN 4:12 | Kapag ikaw ay magbubungkal ng lupa, mula ngayon hindi na nito isusuko sa iyo ang kanyang lakas. Magiging palaboy at pagala-gala ka sa mundo.” |
94 | GEN 4:14 | Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako.” |
98 | GEN 4:18 | Kay Enoc isinilang si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mehujael. Si Mehujael ang naging ama ni Metusael. Si Metusael ang naging ama ni Lamec. |
118 | GEN 5:12 | Nang nabuhay si Kenan ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Mahalalel. |
119 | GEN 5:13 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Mahalalel, nabuhay si Kenan ng 840 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
121 | GEN 5:15 | Nang nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Jared. |
122 | GEN 5:16 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Jared, nabuhay si Mahalalel ng 830 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
123 | GEN 5:17 | Nabuhay si Mahalalel ng 895 taon at pagkatapos siya ay namatay. |
127 | GEN 5:21 | Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem. |
128 | GEN 5:22 | Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa tatlong daang taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Metusalem. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
131 | GEN 5:25 | Nang nabuhay si Metusalem ng 187 taon, siya ay naging ama ni Lamec. |
132 | GEN 5:26 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Lamec, nabuhay si Metusalem ng 782 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
133 | GEN 5:27 | Nabuhay si Metusalem ng 969 taon. Pagkatapos siya ay namatay. |
138 | GEN 5:32 | Matapos mabuhay ni Noe ng limandaang taon, siya ay naging ama nina Sem, Ham at Jafet. |
141 | GEN 6:3 | Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.” |
147 | GEN 6:9 | Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos. |
154 | GEN 6:16 | Gumawa ka ng bubong para sa arka, at tapusin mo ito sa isang kubit mula sa itaas ng tagiliran. Maglagay ka ng pinto sa gilid ng arka at gumawa ka ng ilalim, pangalawa, at pangatlong palapag. |
155 | GEN 6:17 | Makinig ka, malapit ko nang ipadala ang baha ng mga tubig sa mundo, upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay dito mula sa silong ng langit. Lahat ng bagay na nasa mundo ay mamamatay. |
157 | GEN 6:19 | Mula sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman, dalawa ng bawat uri ang dapat mong dalhin sa arka, upang mananatili silang buhay kasama mo, kapwa lalaki at babae. |
158 | GEN 6:20 | Mga ibon ayon sa kanilang uri, at ang mga malalaking hayop ayon sa kanilang uri, bawat gumagapang na bagay sa lupa ayon sa kanyang uri, dalawa ng bawat uri ay pupunta sa iyo, upang panatilihin silang buhay. |
195 | GEN 8:11 | Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo. |
207 | GEN 9:1 | At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi sa kanila, “Maging mabunga kayo, magpakarami, at punuin ang mundo. |
209 | GEN 9:3 | Magiging pagkain para sa inyo ang bawat gumagalaw na bagay na nabubuhay. Tulad nang ibinigay ko sa inyo ang mga luntiang halaman, ngayon ibinigay ko na ang bawat bagay sa inyo. |
211 | GEN 9:5 | Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito. |
231 | GEN 9:25 | Kaya sinabi niya, “Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid.” |
233 | GEN 9:27 | Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan.” |
234 | GEN 9:28 | Matapos ang baha, nabuhay si Noe ng tatlondaan at limampung taon. |
237 | GEN 10:2 | Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. |
240 | GEN 10:5 | Mula sa mga ito humiwalay ang mga taong taga baybay-dagat at umalis papunta sa kani-kanilang mga lupain, bawat isa ay may sariling wika, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga bansa. |
241 | GEN 10:6 | Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. |
246 | GEN 10:11 | Mula sa lupaing iyon siya ay pumunta sa Asiria at tinatag ang Nineve, Rehoboth Ir, Cale, |
248 | GEN 10:13 | Si Mizraim ang naging ama ng mga Ludites, mga Anamites, mga Lehabites, mga Napthuhites, |
258 | GEN 10:23 | Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. |
265 | GEN 10:30 | Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mesha, hangang sa Sephar, ang bundok ng Silangan. |
267 | GEN 10:32 | Ito ang mga angkan ng mga anak na lalaki ni Noe, ayon sa kanilang mga tala ng angkan, ng kanilang mga bansa. Mula sa mga ito nagkahiwalay ang mga bansa at kumalat sa mundo matapos ang baha. |
293 | GEN 11:26 | Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran. |
296 | GEN 11:29 | Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah. |
305 | GEN 12:6 | Naglakbay si Abram hanggang sa Shekem sa kakahuyan ng Moreh. Sa panahong iyon ang mga Cananeo ang naninirahan sa lupain. |
307 | GEN 12:8 | Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh. |
337 | GEN 13:18 | Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh. |
350 | GEN 14:13 | Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram. |
354 | GEN 14:17 | Matapos bumalik ni Abram mula sa pagtalo kina Kedorlaomer at sa mga hari na kasama niya, ang hari ng Sodoma ay lumabas para salubungin siya sa lambak ng Save (tinatawag ding Lambak ng Hari). |
355 | GEN 14:18 | Naglabas si Melquisedec, hari ng Salem, ng tinapay at alak. Siya ay pari ng Kataastaasang Diyos. |
356 | GEN 14:19 | Siya ay kaniyang pinagpala na nagsasabing, “Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa. |
359 | GEN 14:22 | Sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Itinaas ko ang aking kamay kay Yahweh, sa Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa, |
361 | GEN 14:24 | Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi.” |
394 | GEN 16:12 | Siya ay magiging isang lalaking mistulang mabangis na asno. Magiging kalaban siya ng bawat tao at bawat tao ay magiging kalaban niya at mamumuhay siyang hiwalay sa kaniyang mga kapatid. |
405 | GEN 17:7 | Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan. |
415 | GEN 17:17 | Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya? |
417 | GEN 17:19 | Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan. |
426 | GEN 18:1 | Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre. |
435 | GEN 18:10 | Sinabi niya, “Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah.” Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham. |
438 | GEN 18:13 | Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' |
439 | GEN 18:14 | Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki. |
449 | GEN 18:24 | Marahil mayroong limampung matuwid sa loob ng lungsod. Lilipulin niyo ba ito at hindi ililigtas ang lugar alang-alang sa kapakanan ng limampung matuwid na naroon? |
450 | GEN 18:25 | Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?” |
454 | GEN 18:29 | Muli siyang nakipag-usap sa kanya at sinabing, “Paano kung apatnapu ang makita roon? Sumagot siya, “Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin.” |
456 | GEN 18:31 | Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.” |
457 | GEN 18:32 | Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon.” At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.” |
467 | GEN 19:9 | Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto. |
470 | GEN 19:12 | Pagkatapos, sinabi ng mga lalaki kay Lot, “Mayroon ka pa bang ibang kasama rito? Mga manugang, mga anak na lalaki at babae at kung sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod, ilabas mo na sila rito. |
475 | GEN 19:17 | Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol. |
481 | GEN 19:23 | Mataas na ang araw sa mundo nang narating ni Lot ang Zoar. |
489 | GEN 19:31 | Sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Matanda na ang ating ama at wala ng lalaki sa lugar na ito na sisiping sa atin katulad ng kinagawian ng mga tao sa buong mundo. |
492 | GEN 19:34 | Kinabukasan, sinabi ng nakakatanda sa nakababata, “Makinig ka, sinipingan ko kagabi ang aking ama. Painumin ulit natin siya ng alak ngayong gabi, at ikaw naman ang papasok at sisiping sa kanya para mapalawig natin ang lahi ng ating ama.” |
495 | GEN 19:37 | Ang nakakatanda ay nanganak ng isang lalaki at pinangalanan siyang Moab. Siya ang naging ninuno ng mga Moabita hanggang sa kasalukuyan. |
499 | GEN 20:3 | Pero kinagabihan, pumunta ang Diyos kay Abimelech sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya, “Masdan mo, ikaw ay mamamatay dahil sa babae na kinuha mo dahil siya ay asawa ng lalaki.” |
511 | GEN 20:15 | Sinabi ni Abimelech, “Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin. |
528 | GEN 21:14 | Maagang bumangon si Abraham, kumuha siya ng tinapay at isang lalagyang tubig at nilagay ito sa balikat ni Agar. Dinala niya ang batang lalaki sa kanya at pinaalis siya. Umalis siya at nagpagala-gala sa ilang na lugar ng Beer-seba. |
544 | GEN 21:30 | Sumagot siya, “Matatanggap mo mula sa aking kamay itong pitong babaing tupa, upang maging saksi para sa akin, na hinukay ko ang balong ito.” |
550 | GEN 22:2 | Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.” |
553 | GEN 22:5 | Sinabi ni Abraham sa kanyang mga kabataang lalaki, “Manatili kayo rito kasama ang asno, at pupunta ako roon kasama ang bata. Sasamba kami at muling babalik sa inyo.” |
568 | GEN 22:20 | Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabihan si Abraham, “Nagkaroon din ng mga anak si Milca, sa iyong kapatid na si Nahor. |
571 | GEN 22:23 | Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca. May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham. |
572 | GEN 22:24 | Nagsilang din si Reumah ang pangalan ng isa pang asawa ni Nahor, sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca. |
578 | GEN 23:6 | “Makinig ka sa amin, aking panginoon. Ikaw ay prinsipe ng Diyos sa amin. Ilibing mo ang iyong patay sa aming piling mga libingan. Wala sa amin ang magkakait sa iyo ng libingan, para ilibing ang iyong patay.” |
581 | GEN 23:9 | Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan.” |
589 | GEN 23:17 | Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa |
591 | GEN 23:19 | Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. |
605 | GEN 24:13 | Masdan, narito akong nakatayo sa tabi ng bukal ng tubig, at dumarating ang mga babaing anak ng mga tao ng siyudad upang sumalok ng tubig. |
607 | GEN 24:15 | Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham. |