35 | GEN 2:4 | to ang mga kaganapan ukol sa kalangitan at sa mundo, nang sila ay nilikha, sa araw na ginawa ni Yahweh na Diyos ang lupa at ang kalangitan. |
36 | GEN 2:5 | Wala pang halamang bukid ang nasa mundo, at wala pang pananim ng bukid ang tumutubo, sapagkat hindi pa dinulot ni Yahweh na Diyos na umulan sa ibabaw ng mundo, at walang taong bubungkal ng lupa. |
38 | GEN 2:7 | Si Yahweh na Diyos ay ginawa ang tao mula sa alabok ng lupa, at hiningahan ang mga butas ng kanyang ilong ng hininga ng buhay, at ang tao ay naging buhay na nilalang. |
39 | GEN 2:8 | Nagtanim si Yahweh na Diyos ng isang hardin pasilangan, sa Eden, at doon niya inilagay ang taong kanyang nilikha. |
40 | GEN 2:9 | Mula sa lupa Pinatubo ni Yahweh na Diyos ang bawat punong kaaya-aya sa paningin at mabuti para sa pagkain. Kasama rito ang puno ng buhay na nasa gitna ng hardin, at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama. |
46 | GEN 2:15 | Kinuha ni Yahweh na Diyos ang lalaki at inilagay siya sa hardin ng Eden upang trabahuin at alagaan ito. |
47 | GEN 2:16 | Inutusan ni Yahweh na Diyos ang lalaki, sinasabing, “Mula sa bawat puno sa hardin ay malaya kang makakakain. |
49 | GEN 2:18 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.” |
50 | GEN 2:19 | Mula sa lupa ginawa ni Yahweh na Diyos ang bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit. Pagkatapos dinala niya sila sa lalaki upang makita kung ano ang itatawag niya sa kanila. Anuman ang itinawag ng lalaki sa bawat buhay na nilikha, iyon ang kanyang pangalan. |
52 | GEN 2:21 | Dinulot ni Yahweh na Diyos na makatulog nang mahimbing ang lalaki, kaya nakatulog ang lalaki. Kumuha si Yahweh na Diyos ng isa sa kanyang mga tadyang at isinara ang laman kung saan niya kinuha ang tadyang. |
53 | GEN 2:22 | Sa pamamagitan ng tadyang na kinuha ni Yahweh na Diyos mula sa lalaki, ginawa niya ang babae at dinala siya sa lalaki. |
57 | GEN 3:1 | Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?” |
64 | GEN 3:8 | Narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos na naglalakad sa hardin sa kalamigan ng araw, kaya ang lalaki at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa presensya ni Yahweh na Diyos sa mga punong-kahoy ng hardin. |
65 | GEN 3:9 | Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, “Nasaan ka?” |
69 | GEN 3:13 | Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.” |
70 | GEN 3:14 | Sinabi ni Yahweh na Diyos sa ahas, “Dahil ginawa mo ito, sumpain ka sa lahat ng mga hayop at sa lahat ng mababangis na hayop sa bukid. Gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at alikabok ang iyong kakainin sa lahat ng araw ng iyong buhay. |
77 | GEN 3:21 | Gumawa si Yahweh na Diyos ng mga kasuotang balat para kay Adan at para sa kanyang asawa at dinamitan sila. |
78 | GEN 3:22 | Sinabi ni Yahweh na Diyos, “Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan.” |
79 | GEN 3:23 | Kaya pinalabas sila ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden, para bungkalin ang lupa kung saan siya kinuha. |
81 | GEN 4:1 | Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.” |
83 | GEN 4:3 | At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh. |
84 | GEN 4:4 | Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog, |
86 | GEN 4:6 | Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
90 | GEN 4:10 | Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa. |
93 | GEN 4:13 | Sinabi ni Cain kay Yahweh, “Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya. |
95 | GEN 4:15 | Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan.” Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon. |
96 | GEN 4:16 | Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden. |
106 | GEN 4:26 | Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki at tinawag niya itong Enos. Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh. |
135 | GEN 5:29 | Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.” |
141 | GEN 6:3 | Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.” |
143 | GEN 6:5 | Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang. |
144 | GEN 6:6 | Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso. |
145 | GEN 6:7 | Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.” |
146 | GEN 6:8 | Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh. |
161 | GEN 7:1 | Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan. |
165 | GEN 7:5 | Ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos ni Yahweh sa kanya. |
176 | GEN 7:16 | Ang mga hayop na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng laman; pumasok sila gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Pagkatapos isinara ni Yahweh ang pintuan sa likod nila. |
204 | GEN 8:20 | Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar. |
205 | GEN 8:21 | Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko. |
232 | GEN 9:26 | Sinabi rin niya, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ni Shem, ay pagpalain at nawa si Canaan ay kanyang maging lingkod. |
244 | GEN 10:9 | Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, “Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.” |
272 | GEN 11:5 | Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan. |
273 | GEN 11:6 | Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila. |
275 | GEN 11:8 | Kaya ikinalat sila ni Yahweh mula roon tungo sa lahat ng dako ng mundo at huminto sila sa pagtatayo ng lungsod. |
276 | GEN 11:9 | Kaya, pinangalanan itong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo at mula roon ikinalat sila ni Yahweh sa iba’t ibang dako ng mundo. |
300 | GEN 12:1 | Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo. |
303 | GEN 12:4 | Kaya humayo si Abram, gaya ng sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin, at sumama si Lot sa kaniya. Pitumpu't-limang taong gulang si Abram nang umalis siya sa Haran. |
306 | GEN 12:7 | Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya. |
307 | GEN 12:8 | Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh. |
316 | GEN 12:17 | Pagkatapos pinahirapan ni Yahweh ang Paraon at ang kaniyang sambahayan ng mga matinding salot dahil kay Sarai, na asawa ni Abram. |
323 | GEN 13:4 | Pumunta siya sa lugar kung saan niya dating itinayo ang altar. Dito tumawag siya sa pangalan ni Yahweh. |
329 | GEN 13:10 | Kaya tumingin si Lot sa paligid at nakitang sagana sa tubig ang buong kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar, katulad ng hardin ni Yahweh, katulad ng lupain sa Ehipto. Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah. |
332 | GEN 13:13 | Ngayon napakasama ng mga kalalakihan ng Sodoma at namumuhay sila laban kay Yahweh. |
333 | GEN 13:14 | Sinabi ni Yahweh kay Abram pagkatapos lumayo ni Lot sa kaniya, “Tumingin ka mula sa kinatatayuan mo, sa hilaga, timog, silangan at kanluran. |
337 | GEN 13:18 | Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh. |
359 | GEN 14:22 | Sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, “Itinaas ko ang aking kamay kay Yahweh, sa Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa, |
362 | GEN 15:1 | Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.” |
363 | GEN 15:2 | Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?” |
365 | GEN 15:4 | Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing “Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo.” |
367 | GEN 15:6 | Naniwala siya kay Yahweh, at itinuring ito sa kaniya bilang pagiging matuwid. |
368 | GEN 15:7 | Sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito.” |
369 | GEN 15:8 | Sinabi niya, “Panginoong Yahweh, paano ko malalaman na mamanahin ko ito?” |
374 | GEN 15:13 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, “Alamin mong tiyak na ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging dayuhan sa lupaing hindi kanila, at sila ay gagawing alipin at aapihin sa loob ng apatnaraang taon. |
379 | GEN 15:18 | Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates— |
384 | GEN 16:2 | Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai. |
387 | GEN 16:5 | Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, “Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin. |
389 | GEN 16:7 | Ang anghel ni Yahweh ay nakita siya sa isang bukal ng tubig sa ilang, ang bukal na matatagpuan sa daan patungong Shur. |
391 | GEN 16:9 | Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan”. |
392 | GEN 16:10 | Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami nila para bilangin. |
393 | GEN 16:11 | Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap”. |
395 | GEN 16:13 | Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya, “Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?” |
399 | GEN 17:1 | Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, “Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid. |
426 | GEN 18:1 | Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre. |
438 | GEN 18:13 | Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' |
439 | GEN 18:14 | Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki. |
440 | GEN 18:15 | Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.” |
442 | GEN 18:17 | Pero sinabi ni Yahweh, “Dapat ko bang itago kay Abraham ang gagawin ko, |
444 | GEN 18:19 | Dahil pinili ko siya para maturuan ang kanyang mga anak pati na ang sambahayan na susunod sa kanya na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh, na gumawa ng matuwid at makatarungan, nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya.” |
445 | GEN 18:20 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh, “Dahil napakarami ng paratang laban sa Sodoma at Gomora, at napakalubha na ng kanilang kasalanan, |
447 | GEN 18:22 | Pagkatapos ang mga lalaki ay umalis mula roon at pumunta patungo sa Sodoma, pero nanatiling nakatayo si Abraham sa harapan ni Yahweh. |
451 | GEN 18:26 | Sinabi ni Yahweh, “Kung may nakita kang limampung matuwid sa lungsod na iyon, ililigtas ko ang buong lugar para sa kanila.” |
458 | GEN 18:33 | Nagtungo na si Yahweh sa kaniyang paroroonan matapos siyang makipag-usap kay Abraham, at bumalik na si Abraham sa kanyang tahanan. |
471 | GEN 19:13 | Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito.” |
472 | GEN 19:14 | Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod.” Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya. |
474 | GEN 19:16 | Pero nag-alinlangan siya. Kaya hinawakan ng mga lalaki ang kanyang kamay, at ang kamay ng kanyang asawa, at mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae, dahil mahabagin si Yahweh sa kanya. Sila ay inilabas nila, at dinala sa labas ng lungsod. |
482 | GEN 19:24 | Pagkatapos, nagpaulan sa Sodoma at Gomora ng asupre at apoy si Yahweh mula sa kalangitan. |
485 | GEN 19:27 | Bumangon si Abraham nang maaga at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh. |
514 | GEN 20:18 | Dahil hinayaan ni Yahweh na ganap na hindi magkaanak ang lahat ng mga babae sa sambayanan ni Abimelech, dahil kay Sarah, na asawa ni Abraham. |
515 | GEN 21:1 | Binigyang pansin ni Yahweh si Sara gaya ng sinabi niya at tinupad ni Yahweh ang kanyang pangako kay Sara. |
547 | GEN 21:33 | Nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisko sa Beer-seba. Doon sinamba niya si Yahweh, ang Diyos na walang hanggan. |
559 | GEN 22:11 | Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!” at sinabi niya, “Narito ako.” |
562 | GEN 22:14 | Kaya tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na, “Si Yahweh ang magbibigay,” at tinatwag din hanggang sa araw na ito, “Sa bundok ni Yaweh, ito ay ibibigay.” |
563 | GEN 22:15 | Tinawag ng anghel ni Yahweh si Abraham sa ikalawang pagkakataon mula sa langit |
564 | GEN 22:16 | at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak, |
593 | GEN 24:1 | Ngayon, matanda na si Abraham at pinagpala ni Yahweh si Abraham sa lahat ng mga bagay. |
595 | GEN 24:3 | at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan. |
599 | GEN 24:7 | Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon. |
604 | GEN 24:12 | Pagkatapos sinabi niya, “Yahweh, Diyos ng aking among si Abraham, bigyan mo ako ngayon ng tagumpay at ipakita ang iyong tipan ng katapatan sa aking among si Abraham. |