238 | GEN 10:3 | Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma. |
241 | GEN 10:6 | Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. |
248 | GEN 10:13 | Si Mizraim ang naging ama ng mga Ludites, mga Anamites, mga Lehabites, mga Napthuhites, |
254 | GEN 10:19 | Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha. |
258 | GEN 10:23 | Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. |
261 | GEN 10:26 | Si Joktan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah, |
262 | GEN 10:27 | Hadoram, Uzal, Diklah, |
326 | GEN 13:7 | At isa pa, mayroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pastol ng mga hayop ni Abram at ng mga pastol ng mga hayop ni Lot. Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon. |
342 | GEN 14:5 | Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam, |
363 | GEN 15:2 | Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?” |
380 | GEN 15:19 | ang mga Cenio, ang mga Cenizeo, ang mga Kadmoneo, |
381 | GEN 15:20 | ang mga Heteo, ang mga Perezeo, ang mga Refiata, |
569 | GEN 22:21 | Sila ay sina Hus ang kanyang panganay, si Buz na kapatid niya, si Kemuel na ama ni Aram, |
570 | GEN 22:22 | Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel. |
719 | GEN 26:26 | Pagkatapos si Abimelec ay pumunta sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzat, kanyang kaibigan, at si Picol, ang kapitan ng kanyang hukbo. |
793 | GEN 28:19 | Tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Bethel, pero ang dating pangalan ng lungsod na iyon ay Luz. |
923 | GEN 31:49 | Tinawag din itong Mizpah, dahil sinabi ni Laban, “Nawa si Yahweh ang magbantay sa pagitan mo at ako, kung hindi natin nakikita ang isa't isa. |
1011 | GEN 34:30 | Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan. |
1018 | GEN 35:6 | Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya. |
1045 | GEN 36:4 | Isinilang ni Ada si Elifaz kay Esau, at si Basemat ay isinilang si Reuel. |
1051 | GEN 36:10 | Ito ang mga pangalan ng mga lalaking anak ni Esau: Si Elifaz na lalaking anak ni Ada, asawa ni Esau; Si Reuel na lalaking anak ni Basemat, asawa ni Esau. |
1052 | GEN 36:11 | Ang mga lalaking anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Galam, at Kenaz. |
1053 | GEN 36:12 | Ipinanganak si Amalek ni Timna, na ibang asawa ni Elifaz, na lalaking anak ni Esau. Ito ang mga lalaking apo ni Ada, asawa ni Esau. |
1054 | GEN 36:13 | Ito ang mga lalaking anak ni Reuel: Sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza. Ito ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau. |
1056 | GEN 36:15 | Ito ang mga angkan kasama sa mga kaapu-apuhan ni Esau: ang mga kaapu-apuhan ni Elifaz, na panganay na anak ni Esau: sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, |
1057 | GEN 36:16 | Korah, Gatam, at Amalek. Ito ang mga angkang nanggaling kay Elifaz sa lupain ng Edom. Mga apo sila ni Ada. |
1058 | GEN 36:17 | Ito ang mga angkang mula kay Reuel, anak ni Esau: sina Nahat, Zera, Shammah, Miza. Ito ang mga angkang mula kay Reuel sa lupain ng Edom. Sila ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau. |
1062 | GEN 36:21 | Dishon, Ezer, at Disan. Ito ay mga angkan ng mga Horeo, na mga naninirahan sa Seir sa lupain ng Edom. |
1068 | GEN 36:27 | Ito ang mga lalaking anak ni Ezer: sina Bilhan, Zaavan, at Akan. |
1069 | GEN 36:28 | Ito ang mga lalaking anak ni Dishan: sina Uz at Aran. |
1071 | GEN 36:30 | Dishon, Ezer, Dishan: ito ang mga angkan ng mga Horeo, ayon sa kanilang mga talaan ng angkan sa lupain ng Seir. |
1074 | GEN 36:33 | Nang mamatay si Bela, saka naman si Jobab lalaking anak ni Zerah ng Bozra, ang namahala bilang kahalili niya. |
1083 | GEN 36:42 | Kenaz, Teman, Mibzar, |
1125 | GEN 38:5 | Nagkaroon ulit siya ng isang anak at tinawag siya sa pangalang Selah. Ito ay sa Kizib kung saan siya ipinanganak. |
1149 | GEN 38:29 | nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!” At pinangalanan siyang Perez. |
1396 | GEN 46:9 | mga anak na lalaki ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; |
1399 | GEN 46:12 | mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul); |
1403 | GEN 46:16 | ang mga anak na lalaki ni Gad, sina Zifion, Hagui at Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli; |
1411 | GEN 46:24 | ang mga anak na lalaki ni Neftali, sina Jahzeel, Guni, Jeser, and Silem |
1455 | GEN 48:3 | Sinabi ni Jacob kay Jose, “Nagpakita sa aking ang makapangyarihang Diyos sa Luz sa lupain ng Canaan. Binasbasan niya ako |
1518 | GEN 50:11 | Nang nakita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang pagluluksa sa giikan ni Atad, kanilang sinabi, “Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto.” Kaya ang pangalang itinawag sa lugar na iyon ay Abel-Mizraim, na nasa kabilang dako ng Jordan. |
1588 | EXO 3:8 | Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo. |
1597 | EXO 3:17 | Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. |
1670 | EXO 6:14 | Ito ay ang mga pinuno sa mga bahay ng kanilang mga ama. Mga anak na lalaki ni Ruben, ang panganay ni Israel, sina Hanoch, si Phallu, si Hezron, at si Carmi. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Ruben. |
1674 | EXO 6:18 | Ang mga anak na lalaki ni Kohath ay sina Amram, Izhar, Hebron at Uzziel. Si Kohath ay nabuhay hanggang siya ay 133 taong gulang. |
1677 | EXO 6:21 | Ang mga anak na lalaki ni Izhar ay sina Korah, Nepheg, at Zithri. |
1678 | EXO 6:22 | Ang mga anak na lalaki ni Uzziel ay sina Misael, si Elzaphan, at si Zithri. |
1679 | EXO 6:23 | Napangasawa ni Aaron si Elisheba, anak na babae ni Aminadab, na kapatid na babae ni Naashon. Ipinanganak niya sina Nadab at Abiu, si Eleazar at Ithamar. |
1681 | EXO 6:25 | Si Eleazar, na anak na lalaki ni Aaron, ay napangasawa ang isa sa mga anak na babae ni Putiel. Ipinanganak niya si Finehas. Ito ang mga pinuno sa bahay ng mga ama sa gitna ng mga Levita, kabilang ng kanilang mga kaapu-apuhan. |
2004 | EXO 18:4 | Ang isa niyang anak ay pinangalanang Eliezer, dahil sinabi ni Moises, “Ang Diyos ng aking ninuno ay aking saklolo. Niligtas niya ako mula sa espada ni Paraon.” |
2168 | EXO 23:23 | Pangungunahan ka ng aking anghel at dadalhin ka niya sa mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo. Wawasakin ko sila. |
2295 | EXO 28:1 | Tawagin mo ang iyong kapatid na si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki na sina Nadab, Abihu, Eleazar, at Itamar mula sa mga Israelita para maglingkod sila sa akin bilang mga pari. |
2311 | EXO 28:17 | Dapat mong ilagay ito sa apat na hanay ng mahalagang mga bato. Ang unang hanay ay dapat may isang rubi, isang topaz, at isang karbungko. |
2423 | EXO 31:2 | “Tingnan mo, tinawag ko sa pangalan si Bezalel anak na lalaki ni Uri na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda. |
2424 | EXO 31:3 | Pinuno ko si Bezalel ng aking Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain, |
2476 | EXO 33:2 | Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo. |
2508 | EXO 34:11 | Sundin ninyo kung ano ang iuutos ko sa inyo ngayon. Palalayasin ko sa harap ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo. |
2562 | EXO 35:30 | Sinabi ni Moises sa mga Israelita, “Tingnan ninyo, tinawag ni Yahweh sa pangalan si Bezalel na anak ni Uri, anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ni Juda. |
2563 | EXO 35:31 | Pinuspos niya si Bezalel ng kaniyang Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa at kaalaman sa lahat ng gawaing pansining, |
2568 | EXO 36:1 | Kaya si Bezalel at Oholiab ay magtatrabaho, gayundin ang bawat pusong may karunungan na ipinagkalooban ni Yahweh ng kakayahan at pang-unawa na malaman kung paano gumawa ng banal na lugar, na sumusunod sa mga tagubilin na ibinigay sa inyo na gagawin.” |
2569 | EXO 36:2 | Tinawag ni Moises sina Bezalel, Oholiab, at ang lahat ng taong bihasa na sa kaniyang pag-iisip ay pinagkalooban ni Yahweh ng kahusayan, at ang kanilang puso na napukaw ang kalooban na lumapit at gumawa ng gawain. |
2575 | EXO 36:8 | Kaya ang lahat ng manggagawa sa gitna nila ay itinayo ng tabernakulo na may sampung kurtina na gawa sa pinong lino at asul, lila, at matingkad na pulang lana na may disenyong kerubin. Ito ang ginawa ni Bezalel, ang napakahusay na manggagawa. |
2577 | EXO 36:10 | Pinagsama ni Bezalel ang limang kurtina sa bawat isa, at ang lima pa ay pinagsama din sa bawat isa. |
2581 | EXO 36:14 | Gumawa si Bezalel ng kurtina na gawa sa buhok ng kambing para sa tolda sa ibabaw ng tabernakulo; gumawa siya ng labing isang kurtinang kagaya nito. |
2585 | EXO 36:18 | Gumawa si Bezalel ng limampung tansong kawit para pagsamahin ang mga tolda para ito ay maging isa. |
2587 | EXO 36:20 | Gumawa si Bezalel ng patayong tabla na gawa sa kahoy na akasya para sa tabernakulo. |
2591 | EXO 36:24 | Gumawa si Bezalel ng apatnapung pilak na tuntungan na suotan ng dalawampung tabla. May dalawang patungan sa ilalim ng naunang tabla na maging dalawang tuntungan, at gayundin ang dalawang tuntungan sa ilalim ng bawat iba pang tabla para sa kanilang dalawang tuntungan. |
2594 | EXO 36:27 | Para sa bandang likuran ng tabernakulo sa gawing kanluran, gumawa si Bezalel ng anim na tabla. |
2598 | EXO 36:31 | Gumawa si Bezalel ng pahalang na haligi na gawa sa kahoy ng akasya—lima para sa mga tabla sa isang gilid ng tabernakulo, |
2602 | EXO 36:35 | Gumawa si Bezalel ng kurtinang asul, lila, at pulang lana, at pinong lino na may mga disenyo ng kerubim, ang gawa ng mahusay na manggagawa. |
2606 | EXO 37:1 | Gumawa si Bezalel ng kaban sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay dalawa at kalahating kubit; ang lapad nito ay isa at kalahating kubit at ang taas nito ay isa at kalahating kubit. |
2612 | EXO 37:7 | Gumawa si Bezalel ng dalawang kerubim na minartilyong ginto para sa dalawang dulo ng takip ng luklukan ng awa. |
2615 | EXO 37:10 | Gumawa si Bezalel ng mesa sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay dalawang kubit, ang lapad nito ay isang kubit at ang taas nito ay isa at kalahating kubit. |
2628 | EXO 37:23 | Gumawa si Bezalel ng ilawan at pitong mga ilawan nito, mga panipit nito at kanilang mga bandeha ng purong ginto. |
2630 | EXO 37:25 | Gumawa si Bezalel ng altar ng insenso. Ginawa niya ito mula sa kahoy ng akasya. Ang haba nito ay isang kubit, at ang lapad ay isang kubit. Iyon ay parisukat at ang taas nito ay dalawang kubit. Ang mga sungay nito ay ginawa bilang isang piraso na kasama nito. |
2635 | EXO 38:1 | Gumawa si Bezalel ng altar para sa mga handog na susunugin sa kahoy ng akasya. Iyon ay limang kubit ang haba at limang kubit ang lapad—isang parisukat—at tatlong kubit ang taas. |
2640 | EXO 38:6 | Gumawa si Bezalel ng mga poste sa kahoy ng akasya at binalutan ang mga ito ng tanso. |
2642 | EXO 38:8 | Gumawa si Bezalel ng malaking palangganang tanso kasama ng tansong patungan. Ginawa niya ang palanggana mula sa mga salamin na pag-aari ng mga babaeng naglingkod sa pasukan sa tolda ng pagpupulong. |
2656 | EXO 38:22 | Si Bezalel na anak na lalaki ni Uri, na anak na lalaki ni Hur, mula sa lipi ng Juda, ang gumawa ng lahat na iniutos ni Yahweh kay Moises. |
2657 | EXO 38:23 | Si Oholiab na anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan, nagtrabaho kasama ni Bezalel bilang tagapag-ukit, bilang isang bihasang manggagawa at bilang mangbuburda ng asul, lila, matingkad na pulang lana, at pinong lino. |
2662 | EXO 38:28 | Sa natitirang 1, 775 sekel ng pilak, ginawa ni Bezalel ang mga kawit at ginawa ang mga baras para sa kanila. |
2667 | EXO 39:2 | Ginawa ni Bezalel ang efod na ginto, na asul, lila, at matingkad na pulang lana, at ng pinong pinulupot na lino. |
2672 | EXO 39:7 | Inilagay ito ni Bezalel sa balikat na piraso ng efod, bilang mga bato para alalahanin ni Yahweh ang labing-dalawang anak na lalaki ni Israel, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises. |
2675 | EXO 39:10 | Iniayos nila ito sa apat na hanay ng mahahalagang mga bato. Ang unang hanay ay may isang rubi, isang topaz, at isang garnet. |
2687 | EXO 39:22 | Si Bezalel ay gumawa ng balabal ng efod na tunay na gawa sa telang lila, ginawa ng isang manghahabi. |
2982 | LEV 10:4 | Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi sa kanilang, “Halikayo rito at dalhin ang inyong mga kapatid palabas ng kampo mula sa tabernakulo.” |
2984 | LEV 10:6 | Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh. |
2990 | LEV 10:12 | Nakipag-usap si Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar, na kaniyang natitirang mga anak na lalaki, “Kunin ang mga handog na pagkaing butil na natira mula sa mga handog kay Yahweh na ginawa sa pamamagitan ng apoy, at kainin ito nang walang pampaalsa sa tabi ng altar, dahil ito ang pinakabanal. |
2994 | LEV 10:16 | Pagkatapos tinanong ni Moises ang tungkol sa kambing na handog para sa kasalanan, at nalaman na ito ay nasunog na. Kaya nagalit siya kina Eleazar at Itamar, ang mga natitirang anak na lalaki ni Aaron; sinabi niya, |
3610 | NUM 1:5 | Ito ang mga pangalan ng mga pinunong dapat makipaglaban na kasama mo: Mula sa tribu ni Ruben, si Elizur na anak na lalaki ni Sedeur; |
3617 | NUM 1:12 | mula sa tribu ni Dan, si Ahiezer na anak na lalaki ni Ammisaddai; |
3669 | NUM 2:10 | Dapat magkampo ang mga hubo sa katimugang bahagi sa palibot ng bandila ni Ruben. Si Elizur na anak ni Shedeur ang dapat mamuno sa hukbo ni Ruben. |
3695 | NUM 3:2 | Ang mga pangalan ng mga Anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab ang panganay, at Abihu, Eleazar, at Itamar. |
3697 | NUM 3:4 | Ngunit namatay sa harapan ni Yahweh sina Nadab at Abihu nang naghandog sila kay Yahweh ng hindi katanggap-tanggap na apoy sa ilang ng Sinai. Walang mga anak sina Nadab at Abihu, kaya sina Eleazar at Itamar lamang ang naglingkod bilang mga pari kasama ni Aaron na kanilang ama. |