195 | GEN 8:11 | Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo. |
215 | GEN 9:9 | “Samantala ako, makinig kayo! Itatatag ko ang kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhang susunod sa inyo, |
273 | GEN 11:6 | Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila. |
362 | GEN 15:1 | Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.” |
450 | GEN 18:25 | Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?” |
452 | GEN 18:27 | Sumagot si Abraham at sinabi, “Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon, kahit na alikabok at abo lamang ako! |
456 | GEN 18:31 | Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.” |
467 | GEN 19:9 | Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto. |
475 | GEN 19:17 | Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol. |
476 | GEN 19:18 | Sinabi ni Lot sa kanila.” Hindi, pakiusap aking mga panginoon! |
480 | GEN 19:22 | Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito. |
598 | GEN 24:6 | Sinabi ni Abraham sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon! |
655 | GEN 24:63 | Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating! |
791 | GEN 28:17 | Natakot siya at nagsabi, “Nakakikilabot naman ang lugar na ito! Ito ay walang iba kundi ang tahanan ng Diyos. Ito ang tarangkahan ng langit.” |
821 | GEN 29:25 | Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?” |
844 | GEN 30:13 | Sinabi ni Lea, “Masaya ako! Dahil ang mga anak na babae ay tatawagin akong masaya.” Kaya siya ay pinangalanan niyang Asher. |
1436 | GEN 47:15 | Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, “Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi? |
1585 | EXO 3:5 | Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit! Hubarin mo ang sapatos sa iyong mga paa, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay lupang inilaan sa akin.” |
1650 | EXO 5:17 | Pero sinabi ni Paraon, “Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.' |
1761 | EXO 9:18 | Makinig! Bukas sa ganito ring oras magdadala ako ng isang napakalakas na ulang may yelo, pangyayari na hindi pa nakikita sa Ehipto mula sa unang araw nito hanggang ngayon. |
1789 | EXO 10:11 | Hindi! Lumakad kayo, ang mga lalaki lamang na nasa inyo at sambahin si Yahweh, dahil iyan ang gusto ninyo.” Pagkatapos pinaalis sina Moises at Aaron sa harapan ni Paraon. |
1806 | EXO 10:28 | “Lumayo kayo sa akin! Mag-ingat sa isang bagay, nang hindi mo na ako muling makita, dahil sa araw na makita mo ang aking mukha, mamamatay ka.” |
3259 | LEV 18:7 | Huwag ninyong lapastanganin ang inyong ama sa pagsiping sa inyong ina. Siya ay inyong ina! Hindi ninyo siya dapat lapastanganin. |
4111 | NUM 14:2 | Pinuna ng lahat ng mga tao ng Israel sina Moises at Aaron. Sinabi ng buong sambayanan sa kanila, “Nais naming kami ay namatay na lang sa lupain ng Ehipto, o dito sa ilang! |
4140 | NUM 14:31 | Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan! |
4205 | NUM 16:10 | Dinala niya kayo ng malapitan, at lahat ng inyong mga kamag-anak, ang mga kaapu-apuan ni Levi ay kasama ninyo, ngunit ninanasa din ninyo ang pagkapari! |
4208 | NUM 16:13 | Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin! |
4253 | NUM 17:23 | Sa sumunod na araw, pumunta si Moises sa toldang tipanan at, pagmasdan, ang tungkod ni Aaron para sa mga tribu ni Levi ay umusbong. Tumubo ang mga usbong at naglabas ng mga bulaklak at hinog na almonte! |
4257 | NUM 17:27 | Nagsalita ang mga tao ng Israel kay Moises at sinabi, “Mamamatay kami rito. Malilipol kaming lahat! |
4315 | NUM 20:3 | Nagreklamo ang mga tao laban kay Moises. Sinabi nila, “Mas mabuti pa ngang namatay nalang kami nang mamatay ang kasamahan naming mga Israelita sa harap ni Yahweh! |
4370 | NUM 21:29 | Aba sa iyo, Moab! Napuksa ka, mga tao ng Cemos. Pinabihag niya ang kaniyang mga anak na lalaki at pinabilanggo niya ang kaniyang mga anak na babae kay Sihon na hari ng mga Amoreo. |
4452 | NUM 24:5 | Anong ganda ng iyong mga tolda, o Jacob, ang lugar na kung saan ka nakatira, Israel! |
4905 | DEU 1:11 | Nawa'y si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ay gawin kayong makalibo pa sa dami ninyo ngayon at pagpalain kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyo! |
5084 | DEU 5:29 | O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman! |
5789 | DEU 32:29 | O, na sila ay matatalino, na naunawaan nila ito, na isaalang-alang nila ang kanilang parating na kapalaran! |
5841 | DEU 33:29 | Pinagpala kayo, Israel! Sino ang katulad ninyo, mga tao na iniligtas ni Yahweh, ang sanggalan ng inyong tulong, at ang espada ng inyong kaluwalhatian? Ang inyong mga kaaway ay darating na nanginginig sa inyo; tatapakan ninyo ang kanilang matataas na mga lugar. |
5862 | JOS 1:9 | Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.” |
5885 | JOS 2:14 | Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.” |
5906 | JOS 3:11 | Tingnan ninyo! Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid sa inyo sa Jordan. |
5985 | JOS 7:7 | Pagkatapos sinabi ni Josue, “Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan! |
5986 | JOS 7:8 | Panginoon, ano ang maaari kong sabihin, pagkatapos tumakas ang mga Israel sa harapan ng kanilang mga kaaway! |
5988 | JOS 7:10 | Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan? |
5991 | JOS 7:13 | Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, “Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin.” |
6072 | JOS 10:6 | Ang bayan ng Gabaon ay nagpadala ng isang mensahe kay Josue at sa mga hukbo sa Gilgal. Sinabi nila, “Magmadali kayo! Huwag ninyong alisin ang inyong mga kamay sa inyong mga alipin. Umakyat kayo rito ng mabilisan at iligtas kami. Tulungan ninyo kami, dahil ang lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa maburol na bansa ay nagtipon ng sama-sama para salakayin kami.” |
6083 | JOS 10:17 | Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!” |
6199 | JOS 14:10 | Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako. |
6439 | JOS 22:11 | Narinig ng bayan ng Israel ang tungkol dito at sinabi, “Tingnan mo! Nagtayo ng isang altar ang bayan ng Ruben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa harap ng lupain ng Canaan, sa Gelilot, sa rehiyong malapit sa Jordan, sa tabi na pag-aari ng bayan ng Israel.” |
6450 | JOS 22:22 | “Ang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! Ang Isang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! —Alam niya, at hayaang malaman ng Israel! Kung ito ay sa paghihimagsik o sa paglabag ng pananampalataya laban kay Yahweh, huwag kaming iligtas sa araw na ito |
6452 | JOS 22:24 | Hindi! Ginawa namin iyon dahil sa takot na sa pagdating ng panahon ang inyong mga anak ay maaaring magsabi sa aming mga anak, “Ano ang kinalaman ninyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel? |
6456 | JOS 22:28 | Kaya sinabi namin, 'Kung dapat itong sabihin sa amin o sa aming mga kaapu-apuhan sa panahon na darating, sasabihin naming, “Pagmasdan ninyo! Ito ang isang kopya ng altar ni Yahweh, na ginawa ng aming mga ninuno, hindi para sa mga handog na sinunog, ni para sa mga alay, pero bilang isang saksi sa pagitan namin at ninyo.” |
6466 | JOS 23:4 | Masdan ninyo! Itinalaga ko sa inyo ang mga bansa na natira para sakupin bilang isang pamana para sa inyong mga lipi, kasama ang lahat ng mga bansang winasak ko na, mula sa Jordan patungo sa Malaking Dagat sa kanluran. |
6615 | JDG 4:14 | Sinabi ni Debora kay Barak, “Humayo ka! Dahil ito ang araw na ibinigay sa iyo ni Yahweh ang tagumpay laban kay Sisera. Hindi ba pinangungunahan ka ni Yahweh?” Kaya bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor na may sampung libong kalalakihang sumusunod sa kaniya. |
6627 | JDG 5:2 | “Kapag nanguna ang mga pinuno sa Israel, kapag masayang nagkusa sumama ang mga tao para sa digmaan— pinupuri namin si Yahweh! |
6628 | JDG 5:3 | Makinig sa akin, kayo mga hari! Magbigay pansin, kayong mga pinuno, ako ay aawit kay Yahweh; aawit ako ng mga papuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel. |
6632 | JDG 5:7 | Walang mga manggagawa sa Israel, hanggang sa Ako, si Debora, ang nag-uutos— nag-uutos ang isang ina sa Israel! |
6634 | JDG 5:9 | Nakikiisa ang aking puso sa mga namumuno ng Israel, kasama ang mga tao na masayang nagkusang loob— pinuri namin si Yahweh para sa kanila! |
6637 | JDG 5:12 | Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam. |
6646 | JDG 5:21 | Tinangay sila ng Ilog Kison palayo, ang matandang ilog na iyan, ang Ilog Kison. Magmartsa ka aking kaluluwa, maging matatag! |
6648 | JDG 5:23 | 'Isumpa ang Meroz!' sinasabi ng anghel ni Yahweh. 'Tiyaking isumpa ang mga nanirahan dito! — dahil hindi sila dumating para tulungan si Yahweh— para tulungan si Yahweh sa digmaan laban sa malakas na mga mandirigma.' |
6656 | JDG 5:31 | Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon. |
6679 | JDG 6:23 | Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay.” |
6709 | JDG 7:13 | Nang dumating si Gideon doon, isang lalaki ang nagsasabi ng isang panaginip sa kaniyang kasama. Sinabi ng lalaki, “Tingnan mo! mayroon akong isang panaginip at nakita ko ang isang bilog na piraso ng tinapay na sebada ang gumugulong papunta sa kampo ng Midianita. Dumating ito sa tolda at tumama nang napalakas, bumagsak at natiwarik ito, kaya lumagapak ito.” |
6711 | JDG 7:15 | Nang marinig ni Gideon ang muling pagsasalaysay ng panaginip at ang kahulugan nito, nagpatirapa siya sa pagsamba. Bumalik siya sa kampo ng Israel at sinabi, “Bumangon kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa mga hukbo ng Midian.” |
6713 | JDG 7:17 | Sinabi niya sa kanila, “Tumingin kayo sa akin at sundin kung ano ang aking gagawin. Masdan ninyo! Kapag dumating ako sa dulo ng kampo, dapat ninyong gawin kung ano ang aking gagawin. |
6724 | JDG 8:3 | Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?” Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya. |
6742 | JDG 8:21 | Pagkatapos sinabi nina Zeba at Zalmunna, “Bumangon ka at patayin kami! Dahil gaya ng kung ano ang isang lalaki, ganoon din ang kaniyang lakas.” Bumangon si Gideon at pinatay sina Zeba at Zalmuna. Kinuha din niya ang gasuklay na hugis na mga palamuti, na nasa leeg ng kanilang mga kamelyo. |
6784 | JDG 9:28 | Si Gaal anak ni Ebed ay nagsabing, “Sino si Abimelec, at sino si Shekem, na dapat natin siyang paglingkuran? hindi ba siya ang anak ni Jerub Baal? At hindi ba opisyal niya si Zebul? Paglingkuran ang mga kalalakihan ng Hamor, ama ng Shekem! Bakit kailangan natin siyang paglingkuran? |
6785 | JDG 9:29 | Hiling kong ang mga taong ito ay nasa ilalim ng aking kautusan! Pagkatapos aalisin ko si Abimelec. Sasabihin ko kay Abimelec, 'Tawagin mo ang lahat ng iyong mga hukbo.''' |
6866 | JDG 11:35 | Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.” |
6893 | JDG 13:7 | Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'” |
6896 | JDG 13:10 | Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!” |
6927 | JDG 14:16 | Nagsimulang umiyak ang asawa ni Samson sa kaniyang harapan; sinabi niya, “Lahat ng ginagawa mo ay galit sa akin! Hindi mo ako mahal. Nagsabi ka ng bugtong sa ilan kong mga kaibigan, pero hindi mo sinabi sa akin ang sagot.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Tumingin ka sa akin, kung hindi ko sinabi sa aking ama o sa aking ina, dapat ko bang sabihin sa iyo?” |
6979 | JDG 16:28 | Tinawag ni Samson si Yahweh at sinabi, Panginoong Yahweh, isipin mo ako! Pakiusap palakasin mo akong muli ngayon, O Diyos, para makapaghiganti ako sa isang ihip sa Palestina sa pagkuha nila sa aking dalawang mata.” |
6984 | JDG 17:2 | Sinabi niya sa kaniyang ina “Ang 1, 100 mga pirasong pilak na kinuha mula sa iyo, narinig ko ang tungkol sa sinabi mong isang sumpa, —tumingin dito! Nasa akin ang pilak. Ninakaw ko ito.” Sinabi ng kaniyang ina, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, aking anak!” |
7004 | JDG 18:9 | Sinabi nila, “Halina! salakayin natin sila! Nakita namin ang lupain at ito'y napakabuti. Wala ba kayong ginagawa? Huwag bagalan ang pagsalakay at pagsakop sa lupain. |
7005 | JDG 18:10 | Kapag pupunta kayo, makakarating kayo sa mga taong nag-iisip na ligtas sila, at malawak ang lupain! Ibinigay ito sa inyo ng Diyos— isang lugar na hindi nagkukulang sa anumang bagay sa mundo.” |
7014 | JDG 18:19 | Sinabi nila sa kaniya, “Tumahimik kayo! Ilagay ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama sa amin, at maging ama at pari sa amin. Mas mabuti ba sa iyo na maging pari sa bahay ng isang lalaki, o maging pari para sa isang lipi at isang angkan sa Israel?” |
7046 | JDG 19:20 | Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.” |
7049 | JDG 19:23 | Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito! |
7056 | JDG 19:30 | Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!” |
7064 | JDG 20:8 | Tumayo ng magkakasama ang lahat ng mga tao bilang isa, at sinabi nila, “Wala sa atin ang pupunta sa kaniyang tolda at wala sa atin ang babalik sa kaniyang bahay! |
7126 | JDG 21:22 | Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”' |
7140 | RUT 1:11 | Pero sinabi ni Naomi, “Bumalik kayo, aking mga anak! Bakit kayo sasama sa akin? May mga anak pa ba ako sa aking sinapupunan para sa inyo, para maging asawa ninyo? |
7142 | RUT 1:13 | kung gayon maghihintay pa ba kayo hanggang lumaki sila? Maghihintay pa ba kayo at hindi magpapakasal sa mga lalaki ngayon? Huwag, mga anak ko! Ito ay higit na magpapahirap sa akin kaysa magpapahirap sa inyo, dahil bumaling laban sa akin ang kamay ni Yahweh. |
7144 | RUT 1:15 | Sinabi ni Naomi, “Makinig ka, ang hipag mo ay bumalik na sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga diyos! Bumalik ka kasama ang iyong hipag.” |
7185 | RUT 3:11 | At ngayon, aking anak, huwag kang matakot! Gagawin ko para sa iyo ang lahat ng sabihin mo, dahil ang buong lungsod ng aking bayan ay nalalaman na ikaw ay isang karapat-dapat na babae. |
7240 | 1SA 1:26 | Sinabi niya, “O aking panginoon! Habang buhay ka, aking panginoon, ako ang babaeng tumayo rito sa tabi mo na nananalangin kay Yahweh. |
7306 | 1SA 4:7 | Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, “Dumating ang Diyos sa kampo.” Sinabi nila, “Kapighatian sa atin!” Hindi pa nangyayari ito noon! |
7307 | 1SA 4:8 | Kapighatian sa atin! Sino ang magtatanggol sa atin mula sa lakas nitong makapangyarihang Diyos? Ito ang Diyos na sumalakay sa mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng marami at iba't ibang uri ng salot sa ilang. |
7410 | 1SA 9:17 | Nang makita ni Samuel si Saul, sinabi ni Yahweh sa kanya, “Siya ang lalaking sinabi ko sa iyo! Siya ang mamamahala sa aking bayan.” |
7417 | 1SA 9:24 | Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'” Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon. |
7555 | 1SA 14:45 | Pagkatapos sinabi ng mga tao kay Saul, “Dapat bang mamatay si Jonatan, na siyang nagdala nitong dakilang tagumpay para sa Israel? Higit pa rito! Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok sa kanyang ulo ang mahuhulog sa lupa, dahil kumilos siya kasama ang Diyos ngayon.” Kaya iniligtas ng mga tao si Jonatan kaya hindi siya namatay. |
7575 | 1SA 15:13 | Pagkatapos dumating si Samuel kay Saul, at sinabi ni Saul sa kanya, “Pinagpala ka sa pamamagitan ni Yahweh! Natupad ko na ang utos ni Yahweh.” |
7741 | 1SA 20:9 | Sinabi ni Jonatan, “Malayo nawa ito sa iyo! Kung malalaman kong ipinasya ng aking ama na dumating sa iyo ang kapahamakan, hindi ko ba sasabihin sa iyo?” |
7762 | 1SA 20:30 | Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, “Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina? |
7797 | 1SA 22:7 | Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod na nakatayo sa paligid niya, “Makinig kayo ngayon, bayan ng Benjamin! Makakapagbigay ba ang bawat isa sa inyong anak na lalaki ni Jesse ng mga bukirin at mga ubasan? Magagawa ba niyang gawin kayong lahat na mga kapitan ng libo-libo at kapitan ng daan-daan, |
7805 | 1SA 22:15 | Ito ba ang unang pagkakataon na nanalangin ako sa Diyos upang tulungan siya? Malayo nawa ito mula sa akin! Huwag ninyo hayaan ang haring magpasa ng kahit anong bagay sa kanyang lingkod o sa lahat ng nasa bahay ng aking ama. Sapagkat walang alam ang iyong lingkod sa mga bagay na ito.” |
7812 | 1SA 22:22 | Sinabi ni David kay Abiatar, “Alam kong sa araw na iyon, noong naroon si Doeg na taga-Edom, na siguradong sasabihin niya kay Saul. May pananagutan ako para sa bawat kamatayan ng pamilya ng iyong ama! |
7833 | 1SA 23:20 | Ngayon, bumaba ka, hari! Ayon sa iyong ninanais, bumaba ka! Tungkulin naming isuko siya sa kamay ng hari.” |
7856 | 1SA 24:15 | Mula kanino sumunod ang hari ng Israel? Mula kanino ka humahabol? Sa isang patay na aso! Sa isang pulgas! |