5280 | DEU 13:7 | Ipagpalagay na ang inyong kapatid na lalaki, na anak na lalaki ng inyong ina, o ang inyong anak na lalaki o inyong anak na babae, o ang asawa ng inyong sinapupunan, o ang inyong kaibigan na sa inyo ay parang sarili ninyong kaluluwa, na palihim na umaakit sa inyo at sinasabing, 'Tayo'y pumunta at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan na hindi ninyo kilala, maging kayo o ng inyong mga ninuno— |
5602 | DEU 27:15 | 'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.' |
5603 | DEU 27:16 | 'Nawa'y isumpa ang taong hind pinaparangalan ang kaniyang ama o sa kaniyang ina.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabing, 'Amen.' |
5604 | DEU 27:17 | 'Nawa'y isumpa ang taong magtatanggal ng palatandaan sa lupa ng kaniyang kapitbahay.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5605 | DEU 27:18 | 'Nawa'y isumpa ang taong inililigaw ang bulag mula sa daan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5606 | DEU 27:19 | 'Nawa'y isumpa ang taong nagkakait ng katarungan na nararapat sa isang dayuhan, ulila, o balo.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5607 | DEU 27:20 | 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa asawa ng kaniyang ama, dahil kinuha niya ang karapatan ng kaniyang ama.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5608 | DEU 27:21 | 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa anumang uri ng hayop.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5609 | DEU 27:22 | 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, ang anak na babae ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5610 | DEU 27:23 | 'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa kaniyang biyenang babae.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5611 | DEU 27:24 | 'Nawa'y isumpa ang taong lihim na pinatay ang kaniyang kapwa.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5612 | DEU 27:25 | 'Nawa'y isumpa ang taong tumatanggap ng isang suhol para pumatay ng taong walang kasalanan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
5613 | DEU 27:26 | 'Nawa'y isumpa ang taong hindi magpatunay sa mga salita ng kautusang ito, para sundin ang mga ito.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.' |
8767 | 1KI 1:47 | Dagdag pa rito, ang mga lingkod ng hari ay dumating para pagpalain ang ating panginoong si Haring David, sinasabi nila, 'Nawa'y gawing mas dakila ng iyong Diyos ang pangalan ni Solomon kaysa sa iyong pangalan, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa iyong trono.' At iniyuko ng hari ang kaniyang sarili sa higaan. |
23868 | MAT 20:7 | Sinabi nila sa kaniya, 'Sapagka't wala ni isang umupa sa amin,' Sinabi niya sa kanila, 'Kayo rin ay pumunta sa ubasan.' |
26368 | JHN 6:42 | Sinabi nila, “Hindi ba ito ay si Jesus na anak ni Jose, na kilala natin kung sino ang ama at ina? Paano niya masasabi, 'Ako'y bumaba mula sa langit'?” |