1144 | GEN 38:24 | Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.” |
1788 | EXO 10:10 | Sinabi ng Paraon sa kanila, “Nawa'y samahan nga kayo ni Yahweh, kung sakali na paaalisin ko kayo at ang inyong maliliit na mga bata. Tingnan niyo, may sa kasamaan kayong iniisip. |
6841 | JDG 11:10 | Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!” |
8119 | 2SA 3:35 | Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.” |
8756 | 1KI 1:36 | Sumagot si Benaias na anak ni Joiada sa hari, at sinabi, “Nawa'y ito nga ang mangyari! Nawa'y si Yahweh, na Diyos ng aking hari, ang magpatibay nito. |
8796 | 1KI 2:23 | Pagkatapos ay sumumpa si Haring Solomon kay Yahweh, sinasabi niya, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at mas higit pa, kung hindi ito sinabi ni Adonias laban sa kaniyang sariling buhay. |
9392 | 1KI 19:2 | Pagkatapos nagpadala si Jezebel ng isang mensahero kay Elias, na nagsasabing, “Nawa'y gawin sa aking ng mga diyos, ang higit pang masama, kung hindi ko gagawin ang buhay mo tulad ng buhay ng isa sa mga patay na propeta sa ganitong oras bukas.” |
9457 | 1KI 21:3 | Sumagot si Nabot kay Ahab, “Nawa'y ipagbawal ni Yahweh na dapat kong ibigay sa iyo ang lupain na ipinamana ng aking mga ninuno.” |
9491 | 1KI 22:8 | Sinabi ng hari ng Israel kay Jehoshafat, “Mayroon pang isang tao na maaari tayong manghingi ng payo mula kay Yahweh para tulungan tayo, si Micaya anak ni Imla, pero ayoko sa kaniya dahil hindi siya nagpropesiya ng kahit anong magandang bagay tungkol sa akin, kundi mga kahirapan lamang.” Pero sinabi ni Jehoshafat, “Nawa'y hindi ito sabihin ng hari” |
9667 | 2KI 5:16 | Pero tumugon si Eliseo, “Hangga't nabubuhay si Yahweh na aking pinaglilingkuran, hindi ako tatanggap ng anumang bagay.” Pinilit ni Naaman si Eliseo na tanggapin ang regalo pero tumanggi ito. |
24189 | MAT 26:66 | Ano sa tingin ninyo?” Sumagot sila at nagsabi, “Siya'y karapatdapat na mamatay.” |
24223 | MAT 27:25 | Ang lahat ng mga tao ay nagsabi, “Nawa'y mapasaamin at sa aming mga anak ang kaniyang dugo.” |
30035 | HEB 1:5 | Sapagkat sino sa mga anghel ang pinagsabihan niya kailanman ng, “Ikaw ay aking anak, ngayon ako ay naging iyong ama?” At muli, “Ako'y magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak sa akin”? |