Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   “Word,    February 25, 2023 at 01:20    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

161  GEN 7:1  Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan.
270  GEN 11:3  Sinabi nila sa isa’t isa, “Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti.” Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento.
271  GEN 11:4  Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
390  GEN 16:8  Sinabi niya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sinabi niya, “Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai”.
417  GEN 17:19  Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan.
428  GEN 18:3  Sinabi niya, “Panginoon, kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, huwag kang umalis at iwan ang iyong lingkod.
440  GEN 18:15  Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.”
455  GEN 18:30  Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magagalit Panginoon, para makapagsalita ako. Kung sakali na tatlumpu ang mahanap doon? “Sinabi ng Diyos, “Hindi ko ito gagawin kung may mahanap akong tatlumpu doon.”
457  GEN 18:32  Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon.” At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.”
460  GEN 19:2  Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
472  GEN 19:14  Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod.” Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya.
479  GEN 19:21  Sinabi niya sa kanya, “Sige, pagbibigyan ko rin ang kahilingang ito, hindi ko rin wawasakin ang lungsod na nabanggit mo.
500  GEN 20:4  Ngayon, hindi nilapitan ni Abimelech si Sarah at sinabi niya, “Panginoon, papatayin mo rin ba ang matuwid na bansa?
502  GEN 20:6  Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa kanya sa panaginip, “Oo, alam ko na sa katapatan ng iyong puso na nagawa mo ito at hindi ko hinayaang magkasala ka sa akin. Kaya hindi ko hinayaang mahawakan mo siya.
555  GEN 22:7  Kinausap ni Isaac si Abraham na kaniyang ama at sinabing, “Aking ama,” at sumagot si Abraham, “Narito ako, aking anak.” Sinabi niya, “Narito, ang apoy at ang kahoy, ngunit nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?”
559  GEN 22:11  Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!” at sinabi niya, “Narito ako.”
583  GEN 23:11  “Hindi, aking panginoon, pakinggan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang bukid, at ang kuwebang narito. Ibibigay ko ito sa iyo, sa harapan ng mga anak ng aking mga kababayan. Ibibigay ko ito sa iyo para mapaglibingan ng iyong patay.”
587  GEN 23:15  “Pakiusap, aking panginoon, makinig ka sa akin. Ang pirasong lupain na nagkakahalagang apatnaraang shekel ng pilak, ano ba ito sa pagitan natin? Ilibing mo na ang iyong patay.”
604  GEN 24:12  Pagkatapos sinabi niya, “Yahweh, Diyos ng aking among si Abraham, bigyan mo ako ngayon ng tagumpay at ipakita ang iyong tipan ng katapatan sa aking among si Abraham.
623  GEN 24:31  At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.”
759  GEN 27:31  Gumawa rin siya ng masarap na pagkain at dinala iyon sa kanyang ama. Sinabi niya, “Ama, bumangon ka at kainin mo ang ilan sa napangaso ng iyong anak upang mapagpala mo ako.”
830  GEN 29:34  Pagkatapos nagdalang-tao siya muli at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Ngayon, sa pagkakataong ito, ang aking asawa ay magiging malapit na sa akin dahil nakapagsilang ako para sa kanya ng tatlong lalaki.” Kaya nga ang kanyang pangalan ay tinawag na Levi.
971  GEN 33:10  Sinabi ni Jacob, “Hindi, pakiusap, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, sa gayon tanggapin mo ang aking regalo mula sa aking kamay, dahil tunay, nakita ko ang iyong mukha at kahalintulad nito ang pagkakita sa mukha ng Diyos, at tinanggap mo ako.
1136  GEN 38:16  Pumunta siya sa kanya sa tabing daan at sinabi, “Halika, pakiusap hayaan mo akong sumiping sa iyo.”- Dahil di niya alam na siya ang manugang niya- at sinabi niya, “Anong ibibigay mo sa akin para sipingan kita?”
1265  GEN 42:12  Sinabi niya sa kanila, “Hindi, kayo ay dumating para tingnan ang mga hindi nababantayang mga bahagi ng lupain.
1363  GEN 45:4  Pagkatapos sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki, “Pakiusap, lumapit kayo sa akin.” Lumapit sila. Sinabi niya, “Ako si Jose ang inyong kapatid na lalaki, na inyong ipinagbili sa Ehipto.
1389  GEN 46:2  Nangusap ang Diyos kay Israel sa pamamagitan ng pangitain sa gabi, na sinasabing, “Jacob, Jacob.” Sinabi niya, “Narito ako.”
1584  EXO 3:4  Nang makita ni Yahweh na lumingon si Moises para tingnan, tumawag ang Diyos sa kaniya mula sa mababang puno at sinabi, “Moises, Moises.” Sinabi ni Moises, “Narito po ako.”
1612  EXO 4:10  Pagkatapos sinabi ni Moises kay Yahweh, “Panginoon, hindi ako naging magaling manalita, kahit pa noong nakaraan o ni mula ng nakipag-usap ka sa iyong lingkod. Mahina ako sa pananalita at mahina ang dila.”
1615  EXO 4:13  Pero sinabi ni Moises, “Panginoon, pakiusap magpadala ka nalang ng iba, sinuman ang gusto mong ipadala.”
1655  EXO 5:22  Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabi, “Panginoon, bakit mo idinulot ang panganib sa mga taong ito? Bakit mo pala ako ipinadala?
1786  EXO 10:8  Muling dinala sina Moises at Aaron sa Paraon, na siyang nagsabi sa kanila, “Sige, sambahin ninyo si Yahweh na inyong Diyos. Pero anong klaseng mga tao ba ang aalis?”
2440  EXO 32:1  Nang makita ng mga tao na si Moises ay natagalang bumaba sa bundok, nagtipon sila sa paligid ni Aaron at sinabi sa kaniya, “Halika, igawa mo kami ng diyos-diyosan na mangunguna sa amin. Dahil itong si Moises, ang taong nagdala sa amin palabas sa lupain ng Ehipto, hindi namin alam kung ano ang nangyari sa kaniya.”
2443  EXO 32:4  Natanggap niya ang ginto mula sa kanila, niyari ito sa isang molde, at ginawa ito sa isang minoldeng guya. Pagkatapos sinabi ng mga tao, “Israel, ito ang inyong diyos na nagdala sa inyo palabas sa lupain ng Ehipto.”
2450  EXO 32:11  Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, “Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay?
2466  EXO 32:27  Sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israelita, sanasabi ito, 'Hayaang ang bawat lalaki ay ikabit ang kaniyang espada sa kaniyang gilid at magbalik at bumalik mula sa pasukan hanggang pasukan ng buong kampo, at patayin ang kaniyang kapatid na lalaki, kaniyang kasamahan at kaniyang kapitbahay.”
2470  EXO 32:31  Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan.
2503  EXO 34:6  Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
3815  NUM 5:22  Ang tubig na ito na nagdadala ng sumpa ay pupunta sa iyong tiyan, mamaga ang iyong tiyan, at mabubulok ang iyong mga hita.” Isasagot dapat ng babae, “Oo, mangyari nawa ito kung ako ay nagkasala.”
4020  NUM 10:31  At sumagot si Moises, “Pakiusap, huwag mo kaming iwan. Alam mo kung paano magkampo sa ilang. Dapat bantayan mo kami.
4217  NUM 16:22  Nagpatirapa sila Moises at Aaron at sinabi, “Diyos, ang Diyos ng mga espiritu ng buong sangkatauhan, kung nagkakasala ang isang tao, dapat kabang magalit sa buong sambayanan?”
4572  NUM 27:16  “Nawa, Yahweh, ang Diyos ng espiritu ng lahat ng sangkatauhan, magtalaga ka ng isang tao sa buong sambayanan,
4723  NUM 32:3  “Atarot, Dibon, Jazer, Nimra, Hesbon, Eleale, Sebam, Nebo, at Beon,
5875  JOS 2:4  Pero pinapasok ng babae ang dalawang lalaki at itinago sila. At sinabi niya, “Oo, pumunta ang mga lalaki sa akin, pero hindi ko alam kung saan sila galing.
6078  JOS 10:12  Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.”
6499  JOS 24:21  Pero sinabi ng bayan kay Josue, “Hindi, sasambahin namin si Yahweh.”
6535  JDG 1:24  Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo.
6623  JDG 4:22  Habang hinahabol ni Barak si Sisera, lumabas si Jael para salubungin siya at sinabi sa kaniya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo.” Kaya sumama siya sa kaniya, at naroon nakabulagtang patay si Sisera, na ang pakong kahoy ng tolda ay nasa tagiliran ng kaniyang ulo.
6669  JDG 6:13  Sinabi ni Gideon sa kaniya, “O, aking panginoon, kung si Yahweh ay kasama namin, bakit nagyayari ang lahat ng ito sa amin? Nasaan na ang lahat ng kaniyang mga dakilang gawa na sinabi sa amin ng aming mga ama, nang sinabi nilang, 'Hindi ba si Yahweh ang nag-alis sa atin mula sa Ehipto?' Pero ngayon pinabayaan kami at ibinigay kami ni Yahweh sa kapangyarihan ng Midian.”
6671  JDG 6:15  Sinabi ni Gideon sa kaniya, “Pakiusap, Panginoon, paano ko maliligtas ang Israel? Tingnan mo, ang aking pamilya ang pinakamahina sa Manases, at ako ang pinaka hindi mahalaga sa sambahayan ng aking ama.”
6678  JDG 6:22  Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, “O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!”
6787  JDG 9:31  Nagpadala siya ng mga mensahero kay Abimelec para manlinlang, sa pagsasabing, “Tingnan, parating sa Shekem si Gaal anak ni Ebed at kaniyang mga kamag-anak, at pinupukaw ang lungsod laban sa iyo.
6792  JDG 9:36  Nang makita ni Gaal ang mga kalalakihan, sinabi niya kay Zebul, “Tingnan, bumababa ang mga kalalakihan mula sa tuktok ng mga burol!” Sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nakikita mo ang mga anino sa mga burol na para bang sila ay mga lalaki.”
6844  JDG 11:13  Sumagot ang hari ng mga taga-Ammon sa mga mensahero ni Jefta, “Dahil, nang lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto, kinuha nila ang aking lupain mula sa Arnon sa Jabbok, hanggang sa Jordan. Ngayon ibalik ninyo ang mga lupaing iyon ng mapayapa.”
6894  JDG 13:8  Pagkatapos nanalangin si Manoa kay Yahweh at sinabi, “O, Panginoon, pakiusap hayaan na muling bumalik ang tao ng Diyos para matuuruan niya kami kung ano ang aming gagawin para sa bata na ipapanganak sa madaling panahon.”
6944  JDG 15:13  Sinabi nila sa kaniya, “Hindi, tatalian ka lang namin sa pamamagitan ng mga lubid at ibibigay sa kanila. Ipinapangako namin na hindi ka namin papatayin.” Pagkatapos siya ay tinalian nila sa pamamagitan ng dalawang bagong lubid at dinala paakyat mula sa bato.
6957  JDG 16:6  At sinabi ni Delilah kay Samson, “Pakiusap, sabihin mo sa akin kung bakit napakalakas mo, at kung papaano ka matatalian ng sinuman, para mapigilan ka?”
7035  JDG 19:9  Nang ang Levita at ang kaniyang isa pang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod ay bumangon para umalis, ang kaniyang biyenan, ang ama ng babae ay sinabi sa kaniya, “Tingnan, malapit ng gumabi ngayon. Pakiusap manatili kayo ng isa pang gabi, at magpakasaya. Maaari kang gumising nang maaaga bukas at umuwi.”
7037  JDG 19:11  Nang malapit na sila sa Jebus, malapit nang matapos ang araw, at sinabi ng tagapaglingkod sa kaniyang amo, “Halina, lumihis tayo patungo sa lungsod ng Jebuseo at magpalipas ng gabi roon.”
7039  JDG 19:13  Sinabi ng Levita sa kaniyang binata, “Halina, pumunta tayo sa isa sa mga ibang lugar na iyon, at magpalipas ng gabi sa Gabaa o Rama.”
7049  JDG 19:23  Ang lalaki, ang amo ng bahay, lumabas at sinabi sa kanila, “Huwag, mga kapatid ko, pakiusap huwag gawin ang masamang bagay na ito! Sapagka't bisita sa aking bahay ang lalaking ito, huwag gawin ang masamang bagay na ito!
7084  JDG 20:28  at si Finehas, anak na lalaki ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay naglilingkod sa harapan ng kaban sa mga araw na iyon—”Dapat ba tayong lumabas para muling makipagdigma laban sa mga tao ng Benjamin, ating mga kapatid, o tumigil?” Sinabi ni Yahweh, “Lusubin, dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila.”
7107  JDG 21:3  Sinigaw nila, “Bakit, nangyari ito sa Israel, Yahweh, Diyos ng Israel, dapat bang mawala ang isa sa aming mga lipi sa araw na ito?”
7137  RUT 1:8  Sinabi ni Naomi sa kaniyang dalawang manugang na babae, “Lumakad, bumalik, kayo bawat isa sa inyo, sa bahay ng inyong ina. Nawa ipakita ni Yahweh ang kabaitan sa inyo, tulad ng pagpapakita ninyo ng katapatan sa namatay at sa akin.
7222  1SA 1:8  Palaging sinasabi sa kanya ng kanyang asawa na si Elkana, “Ana, bakit ka umiiyak? Bakit hindi ka kumakain? Bakit malungkot ang iyong puso? Hindi ba ako mas mabuti sa iyo kaysa sampung anak na lalaki?”
7229  1SA 1:15  Sumagot si Ana, “Hindi, aking amo, ako ay isang babaeng nagdadalamhati ang kalooban. Hindi ako nakainom ng alak o matapang na inumin, ngunit ibinubuhos ko ang aking kaluluwa sa harapan ni Yahweh.”
7258  1SA 2:16  Kung sasabihin ng tao sa kanya, “Dapat nilang sunugin muna ang taba, at pagkatapos kumuha ka ng hangga't gusto mo.” Pagkatapos sasabihin niyang, “Hindi, ibigay mo ito sa akin ngayon; kung hindi, kukunin ko ito ng sapilitan.”
7288  1SA 3:10  Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, “Samuel, Samuel.” Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.”
7294  1SA 3:16  Pagkatapos tinawag ni Eli si Samuel at sinabing, “Samuel, anak ko.” Sinabi ni Samuel, “Narito ako.”
7398  1SA 9:5  Nang dumating sila sa lupain ng Zuf, sinabi ni Saul sa kanyang lingkod na kasama niya, “Halika, bumalik na tayo, at baka tumigil na mag-alala ang aking ama sa mga asno at magsimulang mag-alala tungkol sa atin.”
7402  1SA 9:9  (Dati sa Israel, kapag hahanapin ng isang tao ang kaalaman ng kalooban ng Diyos, sinasabi niya, “Halika, pumunta tayo sa manghuhula.” Dahil ang propeta ngayon ay dating tinatawag na manghuhula.)
7435  1SA 10:15  Sinabi ng tiyo ni Saul, “Pakiusap, sabihin sa akin kung anong sinabi sa iyo ni Samuel.”
7461  1SA 11:14  Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, “Halikayo, pumunta tayo sa Gilgal at baguhin ang kaharian doon.”
7511  1SA 14:1  Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, pumunta tayo sa kuta ng mga Filisteo sa kabilang panig.” Subalit hindi niya sinabihan ang kanyang ama.
7516  1SA 14:6  Sinabi ni Jonatan sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, tumawid tayo papunta sa kuta nitong mga taong di tuli. Maaring kumilos si Yahweh sa ngalan natin, sapagkat walang makakapigil kay Yahweh mula sa pagligtas sa pamamagitan ng marami o kaunting tao.”
7568  1SA 15:6  Pagkatapos sinabi ni Saul sa mga Kenita, “Humayo, umalis, lumabas mula sa mga Amalek, upang hindi ko kayo lipulin kasama nila. Sapagkat nagpakita kayo ng kagandahang-loob sa lahat ng tao sa Israel, nang dumating sila mula Ehipto.” Kaya lumayo ang mga Kenita mula sa mga Amalek.
7675  1SA 17:55  Nang makita ni Saul si David na lumabas laban sa mga Filisteo, sinabi niya kay Abner, ang kapitan ng hukbo, “Abner, kaninong anak ang binatang ito?” Tumugon si Abner, “Habang nabubuhay ka, hari, hindi ko alam.”
7730  1SA 19:22  Pagkatapos nagtungo din siya sa Rama at dumating sa malalim na balon na nasa Secu. Tinanong niya, “Nasaan sina Samuel at David?” Mayroong nagsabing, “Tingnan, nasa Naiot sila sa Rama.”
7743  1SA 20:11  Sinabi ni Jonatan kay David, “Halika, magtungo tayo palabas ng bukirin.” At sabay silang lumabas ng bukirin.
7823  1SA 23:10  Pagkatapos sinabi ni David, “Yahweh, ang Diyos ng Israel, tunay nga na narinig ng iyong lingkod na hinangad ni Saul na pumunta sa Keila, upang wasakin ang lungsod alang-alang sa akin.
7941  1SA 27:8  Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo)
7954  1SA 28:9  Sinabi ng babae sa kanya, “Tingnan, alam mo ang ginawa ni Saul, kung paano niya ipinagbawal sa lupain ang sinumang nakikipag-usap sa mga patay o sa mga espiritu. Kaya bakit ka naglalagay ng bitag para sa aking buhay, para mamatay ako?”
8097  2SA 3:13  Sumagot si David, “Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin.”
8324  2SA 13:4  Sinabi ni Jonadab kay Amnon, “Bakit, nalulumbay ka bawat umaga, anak ng hari? Hindi mo ba sasabihin sa akin?” Kaya sumagot si Amnon sa kaniya, “Umiibig ako kay Tamar, kapatid na babae ng aking kapatid na si Absalom.”
8326  2SA 13:6  Kaya humiga si Amnon at nagkunwaring may sakit. Nang dumating ang hari para makita siya, sinabi ni Amnon sa hari, “Pakiusap, papuntahin mo ang aking kapatid na babaeng si Tamar para maghanda ng pagkain sa aking harapan para sa aking sakit upang makakain ako mula sa kaniyang kamay.”
8331  2SA 13:11  Nang dinala niya ang pagkain sa kanya, siya'y hinawakan niya at sinabi sa kaniya, “Halika, sumiping sa akin, aking kapatid.”
8332  2SA 13:12  Sumagot siya sa kaniya, “Hindi, aking kapatid, huwag mo akong pilitin, dahil walang dapat mangyaring gantong bagay sa Israel. Huwag mong gawin itong nakapanlulumong bagay!
8345  2SA 13:25  Sumagot ang hari kay Absalom. “Hindi, aking anak, kaming lahat ay hindi dapat pumunta dahil magiging pabigat kami sa iyo.” Pinilit ni Absalom ang hari, pero ayaw niyang pumunta, gayun pa man pinagpala niya si Absalom.
8370  2SA 14:11  Pagkatapos sinabi niya, “Pakiusap, nawa'y isipin ng hari si Yahweh na iyong Diyos, para hindi na makasira ng sinuman ang tagapaghiganti ng dugo, para hindi nila wasakin ang aking anak.” Sumagot ang hari, “Habang nabubuhay si Yahweh, walang isang buhok ng iyong anak ang mahuhulog sa lupa.”
8376  2SA 14:17  Pagkatapos nanalangin ang iyong lingkod, “Yahweh, pakiusap hayaang magbigay ginhawa sa akin ang salita ng aking amo na hari, dahil gaya ng isang anghel ng Diyos, gayon din ang aking amo na hari sa pagsasabi ng mabuti mula sa masama.' Makasama mo nawa si Yahweh na iyong Diyos.”
8389  2SA 14:30  Kaya sinabi ni Absalom sa kaniyang mga lingkod, “Tingnan, malapit sa akin ang bukid ni Joab at mayroon siyang sebada roon. Puntahan ninyo at sunugin ito.” Kaya sinunog ng mga lingkod ni Absalom ang bukid.
8391  2SA 14:32  Sumagot si Absalom kay Joab, “Tingnan, nagpadala ako ng salita sa iyo na nagsasabing, 'Pumarito ka para maaaring maipadala kita sa hari para sabihin na, “Bakit pa ako pumarito mula sa Gesur? Mas mabuti pang nanatili ako roon. Kaya ngayon hayaan akong makita ang mukha ng hari at kung nagkasala ako, hayaan siyang patayin ako."”'
8407  2SA 15:15  Sinabi ng mga lingkod sa hari, “Tingnan, handa ang iyong mga lingkod na gawin ang anumang ipasya ng aming panginoong hari.”
8432  2SA 16:3  Sinabi ng hari, “At nasaan ang apo ng iyong panginoon?” Sumagot si Ziba sa hari, “Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin.”'
8491  2SA 18:10  Nakita ito ng isang tao at sinabihan si Joab, “Tingnan, nakita kong nakabitin si Absalom sa isang punong kahoy!”
8522  2SA 19:9  Kaya tumayo ang hari at umupo sa tarangkahan ng lungsod, at sinabi ito sa lahat ng kalalakihan, “Tingnan, nakaupo ang hari sa tarangkahan.” Kaya pumunta ang lahat ng mga tao sa harap ng hari. Samantala, sa Israel, tumakas ang bawat tao sa kaniyang tahanan.
8533  2SA 19:20  Sinabi ni Simei sa hari, “Huwag, aking panginoon, na hanapin ang pagkakasala at isaisip kung ano ang katigasan ng ulo na ginawa ng iyong lingkod ng araw na umalis sa Jerusalem ang aking panginoon, ang hari. pakiusap, nawa'y hindi isapuso ito ng hari.
8544  2SA 19:31  Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, “Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan.”
8696  2SA 24:1  Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, “Bilangin ang Israel hanggang Juda”. Pagkatapos sinabi ni David “Sige, bilangin ang Israel at Juda.”
8719  2SA 24:24  Sinabi ng hari kay Arauna, “Hindi, pinipilit kong bilhin ito sa halaga nito. Hindi ako mag-aalay ng sinunog na handog kay Yahweh na walang halaga sa akin.” Kaya binili ni David ang giikan at lalaking baka sa halagang limampung piraso ng pilak.