366 | GEN 15:5 | Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.” |
395 | GEN 16:13 | Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya, “Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?” |
437 | GEN 18:12 | Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing,” “Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?” |
440 | GEN 18:15 | Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.” |
505 | GEN 20:9 | Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya,” Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin.” |
555 | GEN 22:7 | Kinausap ni Isaac si Abraham na kaniyang ama at sinabing, “Aking ama,” at sumagot si Abraham, “Narito ako, aking anak.” Sinabi niya, “Narito, ang apoy at ang kahoy, ngunit nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?” |
562 | GEN 22:14 | Kaya tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na, “Si Yahweh ang magbibigay,” at tinatwag din hanggang sa araw na ito, “Sa bundok ni Yaweh, ito ay ibibigay.” |
610 | GEN 24:18 | Sinabi niya, “Uminon ka, aking amo,” at agad niyang ibinaba ang pitsel na nasa kanyang kamay, at pinainom siya. |
622 | GEN 24:30 | Nang nakita niya ang singsing sa ilong at ang mga pulseras na nasa kamay ng kanyang kapatid na babae, at nang narinig niya ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid, “Ito ang sinabi ng lalaki sa akin,” pumunta siya sa lalaki, at masdan, nakatayo siya sa tabi ng mga kamelyong nasa bukal. |
635 | GEN 24:43 | narito ako, nakatayo sa gilid ng bukal ng tubig—hayaang ang babaing lumabas para sumalok ng tubig, ang babaing sasabihan kong, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong pitsel upang inumin,” |
700 | GEN 26:7 | Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, “Siya ay aking kapatid na babae.” Natakot siyang sabihin, “Siya ay aking asawa,” dahil naisip niya, “Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya.” |
810 | GEN 29:14 | Sinabi ni Laban sa kanya, “Tunay nga na ikaw ay aking buto at laman,” Pagkataposnanatili si Jacob sa piling niya ng isang buwan. |
829 | GEN 29:33 | Pagkatapos muli siyang nagdalang-tao at nagsilang ng lalaki. Sinabi niya, “Dahil narinig ni Yahweh na hindi ako minahal, kaya binigyan din niya ako ng anak na lalaki,” at pinangalanan niya itong Simeon. |
931 | GEN 32:3 | Nang makita sila ni Jacob, sinabi niya, “Ito ang kampo ng Diyos,” kaya tinawag niya ang lugar na iyon na Mahanaim. |
1169 | GEN 39:19 | Dumating ang panahon, nang marinig ng kanyang amo ang pagpapaliwanag ng kanyang asawa sa kanya, “Ito ang ginawa ng iyong lingkod sa akin,” siya ay naging labis na galit. |
1452 | GEN 47:31 | Sinabi ni Israel, “Mangako ka sa akin,” at si Jose ay nangako sa kanya. Pagkatapos yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan. |
1454 | GEN 48:2 | Nang sinabihan si Jacob, “Tingnan mo, ang iyong anak na si Jose ay dumating para makita ka,” Nag-ipon ng lakas si Israel at umupo sa kanyang higaan. |
2083 | EXO 21:5 | Pero kung malinaw na sinasabi ng lingkod, “Mahal ko ang aking amo, aking asawa at aking mga anak; hindi ako aalis na malaya,” |
2123 | EXO 22:8 | Sa bawat pagtatalo tungkol sa isang bagay, maging ito ay baka, asno, tupa, damit o anumang nawawalang bagay tungkol sa kung alin ang sinasabi ng isa, “Kabilang ito sa akin,” ang pag-aangkin ng dalawang panig ay kailangang humarap sa mga hukom. Ang taong makitaan ng mga hukom na siyang may sala ay dapat magbayad ng doble sa kaniyang kapitbahay. |
5780 | DEU 32:20 | “Itatago ko ang aking mukha mula sa kanila,” sinabi niya, “at makikita ko kung ano ang kanilang magiging katapusan; dahil sila ay isang napakasamang salinlahi, mga anak na hindi tapat. |
5821 | DEU 33:9 | Ang taong nagsasabi tungkol sa kaniyang ama at ina,” Hindi ko sila nakita.” Ni hindi niya kinilala ang kaniyang mga kapatid, ni hindi niya inangkin ang kaniyang sariling mga anak. Dahil binabantayan niya ang inyong salita at sinunod ang iyong tipan. |
6170 | JOS 13:14 | Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises. |
6688 | JDG 6:32 | Kaya sa araw na iyon si Gideon ay binigyan ng pangalang, “Jeru Baal”, dahil sinabi niya, “Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kaniyang sarili laban sa kaniya,” dahil winasak ni Gideon ang kaniyang altar. |
6716 | JDG 7:20 | Hinipan ng tatlong pangkat ang mga trumpeta at binasag ang mga tapayan. Hinawakan nila ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay at mga trumpeta sa kanang kamay para hipan ang mga ito. Sumigaw sila, “Ang espada ni Yahweh at ni Gideon,” |
6876 | JDG 12:5 | Nabihag ng mga taga-Galaad ang mga tawiran ng Jordan na patungong Efraim. Kapag sinabi ng sinumang mga nakaligtas ng Efraim, “Hayaan mo akong tumawid sa ibayo ng ilog,” sasabihin ng kalalakihan ng Galaad sa kaniya, “Isa ka ba sa mga taga-Efraim?” Kung sinabi niyang, “Hindi,” |
7121 | JDG 21:17 | Sinabi nila,” Dapat na mayroong isang pamana para sa mga nakaligtas na Benjaminta, para hindi mawasak ang isang lipi mula sa Israel. |
7162 | RUT 2:11 | Sumagot si Boaz at sinabi sa kaniya,” Naibalita sa akin, lahat ng nagawa mo simula nang mamatay ang iyong asawa. Iniwan mo ang iyong ama, ina, at ang lupain ng iyong kapanganakan para sundan ang iyong biyenang babae at para pumunta sa isang bayang hindi mo kilala. |
7170 | RUT 2:19 | Sinabi ng kaniyang biyenan sa kaniya, “Saan ka namulot ngayong araw? Saan ka pumunta para magtrabaho? Pagpalain nawa ang lalaking tumulong sa iyo.” Pagkatapos sinabi ni Ruth sa kaniyang biyenan ang tungkol sa lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan siya nagtrabaho. Sinabi niya,” Ang pangalan ng lalaking nagmamay-ari ng bukid kung saan ako nagtrabaho ngayon ay Boaz.” |
7171 | RUT 2:20 | Sinabi ni Naomi sa kaniyang manugang,” Pagpalain nawa siya ni Yahweh, na hindi itinigil ang kaniyang katapatan sa buhay at sa mga patay.” Sinabi ni Naomi sa kaniya,” Ang lalaking iyon ay malapit na kamag-anak natin; isa sa mga tagasagip na kamag-anak natin.” |
7753 | 1SA 20:21 | At ipapadala ko ang aking binata at sabihin sa kanyang, 'Humayo kayo at hanapin ang mga palaso.' Kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan ninyo, nasa gilid mo ang mga palaso; kunin ang mga ito,” pagkatapos pumarito kayo; dahil magkakaroon ng kaligtasan para sa iyo at hindi kapahamakan, habang nabubuhay si Yahweh. |
7943 | 1SA 27:10 | Sinasabi ni Aquis, “Laban kanino ang inyong ginawang pagsalakay sa araw na ito? Baka isasagot ni David, “Laban sa timog ng Juda,” o “Laban sa timog ng Jerameelita,” o “Laban sa timog ng Kenita.” |
8068 | 2SA 2:16 | Sinunggaban ng bawat lalaki ang ulo ng kaniyang kaaway at sinaksak ang kaniyang espada sa gilid ng kaniyang kalaban, at pareho silang nagsibagsakan. Kaya ang lugar na iyon ay tinawag sa Hebreo, “Helkat Hazzurim,” o “Bukid ng mga Espada,” na nasa Gibeon. |
8272 | 2SA 11:10 | Nang sinabi nila kay David, “Hindi umuwi si Urias sa kaniyang bahay,” Sinabi ni David kay Urias, “Hindi ba galing ka sa paglalakbay? Bakit hindi ka umuwi sa iyong bahay? |
8504 | 2SA 18:23 | “Anuman ang mangyayari,” sabi ni Ahimaaz, “Tatakbo ako.” Kaya sinagot siya ni Joab, “Takbo.” Pagkatapos tumakbo si Ahimaaz sa daan ng kapatagan at naunahan ang Cusita. |
9214 | 1KI 13:27 | Kaya nagsalita ang matandang propeta sa mga anak niyang lalaki, na sinasabing, “Ihanda ang aking asno,” at inihanda nila ito. |
9374 | 1KI 18:30 | Pagkatapos sinabi ni Elias sa lahat ng tao, “Lumapit kayo sa akin,” at ang lahat ng tao ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos kaniyang inayos ang altar ni Yahweh na nasira. |
9378 | 1KI 18:34 | At kaniyang sinabi, “Gawin ninyo ito ng pangalawang ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangalawang ulit, pagkatapos sinabi niya, “Gawin ninyo ito sa pangatlong ulit,” at kanilang ginawa ito sa pangatlong ulit. |
9511 | 1KI 22:28 | Pagkatapos sinabi ni Micaya. “Kung makakabalik ka ng ligtas, hindi nangusap sa akin si Yahweh,” at dinagdag pa niya, “Pakinggan niyo ito, lahat kayong mga tao.” |
9575 | 2KI 2:20 | Sumagot si Eliseo, “Magdala kayo sa akin ng bagong mangkok at lagyan ito ng asin,” kaya dinala nila iyon sa kaniya. |
9578 | 2KI 2:23 | Pagkatapos pumunta si Eliseo mula roon hanggang sa Bethel. Habang papunta siya sa kaniyang daraanan, may mga batang lalaki ang lumabas mula sa lungsod at hinamak siya; sinabi nila sa kaniya,” Umakyat ka, kalbo! Umaakyat ka, kalbo!” |
9744 | 2KI 8:13 | Tumugon si Hazael, “Sino ang iyong lingkod, na dapat gumawa nitong dakilang bagay? Siya ay isang aso lamang.” Sumagot si Eliseo, “Ipinakita sa akin ni Yahweh na ikaw ang maghahari sa Aram,” |
9763 | 2KI 9:3 | Pagkatapos kunin ang bote ng langis at ibuhos ito sa kaniyang ulo at sabihing, 'Sinasabi ito ni Yahweh: “Hinirang kita para maging hari ng Israel,” Pagkatapos buksan ang pinto, at tumakbo; huwag patagalin.” |
9777 | 2KI 9:17 | Ang bantay ay nakatayo sa tore sa Jezreel, at nakita niya ang kasama ni Jehu habang siya ay dumating sa kalayuan; sinabi niya, “Nakikita ko ang isang pangkat ng kalalakihan na dumarating,” Sinabi ni Joram, 'Kumuha ka ng isang mangangabayo, at ipadala siya para salubungin sila; sabihin sa kaniya para sabihing, 'Ikaw ba ay dumating para sa kapayapaan?” |
9787 | 2KI 9:27 | Nang makita ito ni Ahazias ang hari ng Juda, tumakas siya sa daan ng Beth Haggan. Pero sumunod si Jehu sa kaniya, at sinabi, “Patayin din siya sa karwahe,” at siya ay pinana nila pag-ahon sa Gur, na nasa Ibleam. Tumakas si Ahazias patungo sa Meggido at namatay doon. |
9890 | 2KI 13:15 | Sinabi ni Eliseo, “Kumuha ka ng pana at ilang palaso,” kaya si Joas ay kumuha ng isang pana at ilang mga palaso. |
9891 | 2KI 13:16 | Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Hawakan mo ang pana,” kaya hinawakan niya ito. Pagkatapos, ipinatong ni Eliseo ang kaniyang kamay sa mga kamay ng hari. |
9892 | 2KI 13:17 | Sinabi ni Eliseo, “Buksan mo ang bintanang nakaharap sa silangan,” kaya binuksan niya ito. Pagkatapos sinabi ni Eliseo, “Pumana ka!”, at pumana siya. Sinabi ni Eliseo, “Ito ang palaso ng katagumpayan ni Yahweh, palaso ng katagumpayan laban sa Aram, dahil lulusubin mo ang mga Aramean sa Afec hanggang matalo ninyo sila.” |
9893 | 2KI 13:18 | Pagkatapos sinabi ni Eliseo, “Kunin mo ang mga palaso,” kaya kinuha ito ni Joas. Sinabi niya sa hari ng Israel, “Ipana mo ito sa lupa,” at pinana niya ito sa lupa nang tatlong beses, pagkatapos tumigil siya. |
11664 | 2CH 23:3 | Nakipagkasundo ang buong kapulungan sa hari sa tahanan ng Diyos. Sinabi ni Joiada sa kanila,” Tingnan ninyo, maghahari ang anak ng hari, gaya ng sinabi ni Yahweh tungkol sa mga kaapu-apuhan ni David. |
12746 | EST 2:18 | Nagbigay ang hari ng isang malaking handaan para sa lahat ng mga opisyal at mga alipin niya, “Handaan ni Esther,” at nagbigay siya ng kaluwagan mula sa pagbubuwis sa mga lalawigan. Nagbigay rin siya ng mga regalo na may pangmaharlikang pagkabukas-palad. |
14083 | PSA 12:6 | “Dahil sa karahasan laban sa mahirap, dahil sa mga daing ng nangangailangan, ako ay babangon,” sinasabi ni Yahweh. “Magbibigay ako ng kaligtasan na kanilang hinahangad.” |
14372 | PSA 31:23 | Kahit na nabanggit ko sa aking pagmamadali, “Ako ay napalayo mula sa iyong mga mata,” gayumpaman dininig mo ang aking pagmamakaawa, nang ako ay dumaing sa iyo. |
14379 | PSA 32:5 | Pagkatapos inamin ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko na ikinubli ang aking kasamaan. Sinabi ko, “aaminin ko ang pagsuway ko sa iyo Yahweh,” at pinatawad mo ang kabigatan ng aking kasalanan. Selah |
14575 | PSA 41:9 | “Isang masamang karamdaman,” sinasabi nila, “ang kumakapit ng mahigpit sa kaniya; ngayon na nakahiga na siya, hindi na siya makakabangon pa.” |
14906 | PSA 64:7 | Lumikha sila ng mga planong makasalanan; “Natapos namin,” sinasabi nila, “ang isang maingat na plano.” Malalim ang saloobin at puso ng tao. |
15090 | PSA 73:15 | Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak. |
15131 | PSA 75:5 | Sinabi ko sa mga arogante, “Huwag kayong maging mayabang,” at sa masasama, “Huwag kayong magtiwala sa tagumpay. |
15515 | PSA 94:18 | Nang sinabi ko, “Ang aking paa ay nadudulas,” ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay itinaas ako. |
16171 | PSA 124:1 | “Kung wala si Yahweh sa ating panig,” hayaang sabihin ng Israel ngayon, |
16201 | PSA 129:1 | “Mula pa ng aking kabataan madalas akong lusubin nila,” hayaang sabihin ng Israel. |
16553 | PRO 3:28 | Huwag sabihin sa iyong kapwa, “pumunta ka, at bumalik muli at bukas ibibigay ko ito,” kapag ang pera ay nasa iyo. |
16649 | PRO 7:4 | Sabihin sa karunungan, “Ikaw ang aking kapatid na babae,” at tawagin ang kaunawaan na inyong kamag-anak, |
17049 | PRO 20:25 | Isang patibong para sa isang tao ang pagsasabi nang padalus-dalos, “Ang bagay na ito ay banal,” at iniisip lamang ang kahulugan pagkatapos niyang masabi ang kaniyang panata. |
17173 | PRO 24:24 | Sinuman ang nagsasabi sa may kasalanan, “Ikaw ay nasa tama,” ay susumpain ng mga tao at kapopootan ng mga bansa. |
17190 | PRO 25:7 | Mas mabuti para sa kaniya na sabihin sa iyo, “Umakyat ka rito,” kaysa sa mapahiya ka sa harapan ng marangal na tao. Kung ano ang iyong nasaksihan, |
17290 | PRO 28:24 | Sinumang magnanakaw sa kaniyang ama at kaniyang ina at sasabihing, “hindi iyon kasalanan,” kasama siya ng mga maninira. |
17336 | PRO 30:15 | Ang linta ay mayroong dalawang anak na babae, “Magbigay at magbigay,” sigaw nila. May tatlong bagay na hindi kailanman nasisiyahan, apat na hindi kailanman nagsabing, “Tama na”: |
17405 | ECC 2:2 | Sabi ko tungkol sa halakhak, “ito ay kabaliwan,” at tungkol sa kasiyahan, “Anong silbi nito” |
17522 | ECC 7:23 | Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ng karunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunit ito ay higit sa ninais ko. |
17526 | ECC 7:27 | “Pag-isipan kung ano ang aking natuklasan,” sabi ng Mangangaral. Idinadagdag ko ang isang natuklasan sa iba pa para magkaroon ng isang paliwanag ng katotohanan. |
17594 | ECC 12:1 | Alalahanin mo rin ang iyong Manlilikha sa araw ng iyong kabataan, bago dumating ang araw ng paghihirap, at bago dumating ang mga taon na sasabihin mong, “Hindi ako nasisiyahan sa kanila,” |
17742 | ISA 1:18 | “Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana. |
17896 | ISA 8:19 | Sasabihan ka nila, “Kumunsulta ka sa mga manghuhula at mga salamangkero,” silang mga nagsasambit at bumubulong ng mga dasal. Pero hindi ba dapat sa Diyos kumukunsulta ang mga tao? Mas nararapat bang konsultahin nila ang patay para sa mga nabubuhay? |
18246 | ISA 28:12 | Sa nakalipas sinabi niya sa kanila “Ito ang kapahingahan, bigyan ng kapahingahan ang siyang napapagod; at ito ang pagpapanariwa,” pero ayaw nilang makinig. |
18279 | ISA 29:16 | Ibinabaligtad ninyo ang mga bagay! Dapat bang ituring ang magpapalayok na tulad ng luwad, para sabihin na ang bagay na ginawa niya ay tungkol sa kanya na siyang gumawa nito, “Hindi niya ako ginawa,” o ang bagay na hinubog ay sasabihin sa kanyang manghuhubog, “Hindi niya nauunawaan?” |
18288 | ISA 30:1 | “Kaawa-awa ang mga suwail na anak,” ito ang pahayag ni Yahweh. “Gumagawa sila ng mga plano, pero hindi mula sa akin; gumagawa sila ng mga alyansa sa mga ibang bansa, pero hindi sila ginabayan ng aking Espiritu, kaya nagdadagdag sila ng kasalanan sa kasalanan. |
18308 | ISA 30:21 | Maririnig ng inyong mga tainga ang salita sa inyong likuran na nagsasabing, “Ito ang daan, lakaran ninyo ito,” kapag lumiko kayo sa kanan o kapag lumiko kayo sa kaliwa. |
18359 | ISA 33:10 | “Ngayon babangon ako,” sabi ni Yahweh; “Ngayon maitataas ako; ngayon ako ay itataas. |
18407 | ISA 36:7 | Pero kung sasabihin mo sa akin, “Kami ay nagtitiwala kay Yahweh aming Diyos,” hindi ba siya ang isang ang mga bantayog at altar ay giniba ni Hezekias, at nagsabi kay Juda at sa Jerusalem, “Dapat kayong sumamba sa harap ng altar na ito sa Jerusalem? |
18410 | ISA 36:10 | Kaya ngayon, naglakbay ba ako dito nang wala si Yahweh para labanan at lipulin ang lupaing ito? Sinabi ni Yahweh sa akin,” “Lusubin at wasakin ang lupaing ito.”” |
18491 | ISA 40:1 | “Aliwin, aliwin mo ang aking bayan,” sabi ng inyong Diyos. |
18587 | ISA 43:12 | Nagsalita ako, nagligtas, at nagpahayag na walang ibang diyos sa gitna ninyo. Kayo ang aking mga saksi,” Ipinapahayag ni Yahweh, “Ako ang Diyos. |
18794 | ISA 54:1 | “Umawit ka, baog na babae, ikaw na hindi pa nagkakaanak; ikaw ay biglang umawit nang may galak at umiyak nang malakas, kayong mga hindi pa kailanman nakaranas manganak. Dahil ang mga anak ng naulila ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaeng may asawa,” ang sinasabi ni Yahweh. |
18868 | ISA 58:12 | Ang ilan sa inyo ay muling magtatayo ng mga sinaunang gusali na gumuho; itatayo ninyo ang mga gumuhong lungsod ng maraming mga salinlahi; tatawagin kayong “Ang tagakumpuni ng pader,” “Ang tagapanumbalik ng mga lansangan para matirahan.” |
18928 | ISA 62:4 | Hindi ka na kailanman tatawaging, “Pinabayaan”; ni ang inyong lupain ay kailanman tatawaging, “Malungkot.” Sa katunayan, kayo ay tatawaging “Ang aking kaluguran ay nasa kaniya,” at ang iyong lupain “May asawa,” dahil si Yahweh ay nasisiyahan sa inyo, at ang inyong lupain ay ikakasal. |
18935 | ISA 62:11 | Pagmasdan ninyo, si Yahweh ay nagpapahayag sa dulo ng daigdig, “Sabihin sa anak na babae ng Sion: Pagmasdan mo, dumarating ang inyong Manunubos! Tingnan ninyo, dala niya ang kaniyang gantimpala,” at ang kaniyang pabuya ay mauuna sa kaniya. |
18936 | ISA 62:12 | Kayo ay tatawagin nilang, “Ang bayang banal; ang tinubos ni Yahweh,” at tatawagin kayong “Tanyag; isang lungsod na hindi pinabayaan.” |
18973 | ISA 65:7 | sa kanilang mga kasalanan at sa kasalanan ng kanilang mga ninuno,” sinabi ni Yahweh. “Gagantihan ko sila sa pagsusunog ng insenso sa mga kabundukan at sa pangungutya sa akin sa mga kaburulan. Kaya susukatin ko ang nakalipas nilang mga gawa sa kanilang kandungan. |
18991 | ISA 65:25 | Ang asong-gubat at ang tupa ay magkasamang manginginain, at ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka; pero alikabok ang magiging pagkain ng ahas. Hindi na sila makakapanakit ni makakapinsala sa lahat ng aking banal na bundok,” sinabi ni Yahweh. |
19173 | JER 6:15 | Nahiya ba sila nang gumawa sila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi talaga sila nahiya, hindi sila nakaranas ng anumang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila kasama ng mga babagsak sa panahon na parurusahan ko sila. Ipapatapon sila,” sabi ni Yahweh. |
19198 | JER 7:10 | Kung gayon, pumunta ba kayo at tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saan inihayag ang aking pangalan at sinabi, “Naligtas kami,” kaya magagawa ninyo ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay na ito? |
19591 | JER 23:38 | Pagkatapos ibabalita ninyo ang isang pahayag mula kay Yahweh, ngunit ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Sinasabi mo, “Narito ang pahayag ni Yahweh,” kahit na magpapadala ako ng utos sa inyo at sinabing, “Huwag mong sabihin: Ito ang isang pahayag mula kay Yahweh.” |
20198 | JER 49:2 | Kaya tingnan ninyo, darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—na patutunugin ko ang hudyat para sa digmaan laban sa Rabba sa mga tao ng Ammon, kaya ito ay magiging pinabayaang bunton at ang mga anak na babae nito ay magsisindi ng apoy. Sapagkat aangkinin ng Israel ang mga umangkin sa kaniya,” sinabi ni Yahweh. |
20214 | JER 49:18 | Katulad ng pagbagsak ng Sodoma at Gomora at ng kanilang mga kalapit na bayan,” sinasabi ni Yahweh, “wala ni isang titira roon; walang taong mananatili roon. |
20227 | JER 49:31 | Bumangon kayo! Salakayin ninyo ang bansang payapa, na naninirahan ng ligtas,” sinabi ni Yahweh. “Wala silang tarangkahan o rehas, at namumuhay ng mag-isa ang mga tao nito. |
20447 | LAM 3:24 | “Si Yahweh ay aking mana,” sinabi ko sa aking sarili, kaya aasa ako sa kaniya. |
20504 | LAM 4:15 | “Magsilayo kayo! Marurumi,” isinisigaw ng mga propeta at mga paring ito. “Magsilayo kayo, magsilayo kayo! Huwag ninyo kaming hawakan!” Kaya nagpagala-gala sila sa ibang mga lupain, ngunit sinasabi maging ng mga Gentil, “Hindi na sila maaaring manirahan dito bilang mga dayuhan.” |
20708 | EZK 10:6 | At nangyari ito nang inutusan ng Diyos ang lalaking nakasuot ng lino at sinabi, “Kumuha ka ng apoy mula sa pagitan ng dalawang gulong na nasa pagitan ng kerubin,” at pumasok ang lalaki at tumayo sa tabi ng isang gulong. |
21423 | EZK 35:10 | Iyong sinabi, “Itong dalawang bansa at itong dalawang lupain ay magiging akin, at aangkinin namin ang mga ito,” nang kasama nila si Yahweh. |
21441 | EZK 36:13 | Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Dahil sinasabi nila sa inyo, “Nilamon ninyo ang mga tao, at ang mga anak ng inyong bansa ay nangamatay,” |