5 | GEN 1:5 | Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw. |
713 | GEN 26:20 | Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi “Ang tubig na ito ay sa amin.” Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon na “Esek,” dahil nakipag-away sila sa kanya. |
6876 | JDG 12:5 | Nabihag ng mga taga-Galaad ang mga tawiran ng Jordan na patungong Efraim. Kapag sinabi ng sinumang mga nakaligtas ng Efraim, “Hayaan mo akong tumawid sa ibayo ng ilog,” sasabihin ng kalalakihan ng Galaad sa kaniya, “Isa ka ba sa mga taga-Efraim?” Kung sinabi niyang, “Hindi,” |
12400 | NEH 5:13 | Ipinagpag ko ang tiklop ng aking kasuotan at sinabi, “Ganito nawa ipagpag ng Diyos mula sa kanyang bahay at mga ari-arian ang bawat taong hindi tutupad ng kanyang pangako. Ganito nawa siya maipagpag at mawalan.” Lahat ng kapulungan ay nagsabing, “Amen,” at pinuri nila si Yahweh. At ginawa ng mga tao ang ipinangako nila. |
17601 | ECC 12:8 | “Usok,” ang sabi ng Mangangaral, “ang lahat ay naglalahong usok.” |
22529 | AMO 6:10 | Kapag dumating ang kamag-anak ng isang lalaki upang kunin ang kanilang mga bangkay—na magsusunog sa kanilang mga bangkay pagkatapos nitong ilabas sa bahay—kung sasabihin niya sa taong nasa loob ng bahay na, “Mayroon ka bang kasama?” At kapag sumagot ang taong iyon ng, “Wala,” kung gayon, sasabihin niya, “Tumahimik ka, dahil hindi natin dapat banggitin ang pangalan ni Yahweh.” |
23111 | ZEC 11:14 | Pagkatapos binali ko ang aking pangalawang tungkod ng “Pagkakaisa,” upang baliin ang pagkakapatiran sa pagitan ng Juda at Israel. |
23692 | MAT 14:26 | Nang makita siya ng kaniyang mga alagad na naglalakad sa dagat, natakot sila at sinabi, “Multo,” at sila ay nagsigawan sa takot. |
26952 | JHN 20:16 | Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria!” Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, “Rabboni,” ibig sabihin “Guro.” |
27011 | ACT 1:19 | Narinig ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem ang tungkol dito, kaya tinawag nila ang bukid na iyon na “Akeldama,” na ang ibig sabihin sa kanilang salita ay, “Bukid ng Dugo”.) |
27495 | ACT 14:12 | Tinawag nilang “Zeus,” si Bernabe at “Hermes” naman si Pablo dahil siya ang pangunahing tagapagsalita. |
27886 | ACT 25:22 | Sinabi ni Agripa kay Festo, “Nais ko rin na makinig sa taong ito.” “Bukas,” sinabi ni Festo, “Maririnig mo siya.” |
30172 | HEB 8:13 | Sinasabing “bago,” ginawa niyang luma ang unang tipan. At kaniya ngang inihayag na ang pagiging luma ay handa ng maglaho. |
30433 | JAS 5:12 | Higit sa lahat, mga kapatid ko, huwag kayong mangangako, maging sa langit o maging sa lupa, o sa pamamgitan ng anumang panunumpa, ngunit gawin ninyo ang “Oo” na “Oo” at ang inyong “Hindi” na “Hindi,” upang hindi kayo mahatulan. |
31008 | REV 14:13 | Narinig ko ang isang tinig mula sa langit na sinabing, “Isulat ito: Pinagpala ang mga patay na namatay sa Panginoon.” “Oo,” sabi ng Espiritu, “kaya sila ay makapagpahinga sa kanilang mga gawain, dahil sa kanilang mga gawa ay susunod sila.” |