4 | GEN 1:4 | Nakita ng Diyos na ang liwanag ay kaaya-aya. Hiniwalay niya ang liwanag mula sa kadiliman. |
10 | GEN 1:10 | Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na “lupa” at ang natipong tubig ay tinawag niyang “dagat.” Nakita niyang ito ay kaaya-aya. |
12 | GEN 1:12 | Tinubuan ng halaman ang lupa, mga pananim na nagbibigay ng buto mula sa kanilang uri, at mga namumungang punong kahoy na taglay nito ang buto, mula sa kanilang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. |
18 | GEN 1:18 | upang pamunuan ang buong araw at ang buong gabi, at upang ihiwalay ang liwanag sa kadiliman. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. |
21 | GEN 1:21 | Kaya’t nilikha ng Diyos ang malalaking nilalang na naninirahan sa dagat, gayon din ang bawat buhay na nilikha ayon sa kanyang uri, mga nilalang na kumikilos at nagkukumpol sa katubigan, at bawat mga ibong may pakpak ayon sa kanyang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. |
25 | GEN 1:25 | Ginawa ng Diyos ang mga mababangis na hayop sa mundo ayon sa kanilang uri, ang mga hayop ayon sa kanilang mga uri, at lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng lupa ayon sa kanyang uri. Nakita niya na ito ay kaaya-aya. |
49 | GEN 2:18 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.” |
186 | GEN 8:2 | Ang mga bukal sa ilalim at ang mga bintana ng langit ay nagsara, at tumigil ang pag-ulan. |
330 | GEN 13:11 | Kaya pinili ni Lot ang lahat ng kapatagan ng Jordan para sa kaniyang sarili at naglakbay sa silangan at naghiwalay na ang magkakamag-anak. |
349 | GEN 14:12 | Nang umalis sila, dinala rin nila si Lot, ang anak ng kapatid ni Abram na naninirahan sa Sodoma, kasama ang lahat ng kaniyang mga ari-arian. |
357 | GEN 14:20 | Pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay.” Pagkatapos ibinigay ni Abram sa kaniya ang ikasampu ng lahat ng kaniyang pag-aari. |
375 | GEN 15:14 | Hahatulan ko ang bansang iyon na paglilingkuran nila, at pagkatapos sila ay lalabas na may saganang mga ari-arian. |
405 | GEN 17:7 | Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan. |
410 | GEN 17:12 | Bawat lalaki sa inyo ay dapat na matuli pagsapit ng ikawalong araw na gulang, maging sa mga susunod ninyong salinlahi. Kasama rito ang mga ipinanganak sa iyong sambahayan, pati na ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan na hindi kasama sa iyong mga kaapu-apuhan. |
417 | GEN 17:19 | Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan. |
528 | GEN 21:14 | Maagang bumangon si Abraham, kumuha siya ng tinapay at isang lalagyang tubig at nilagay ito sa balikat ni Agar. Dinala niya ang batang lalaki sa kanya at pinaalis siya. Umalis siya at nagpagala-gala sa ilang na lugar ng Beer-seba. |
537 | GEN 21:23 | Kaya ngayon manumpa ka sa Diyos, na hindi mo ako gagawan ng masama, ni ang aking mga anak, ni ang aking mga kaapu-apuhan. Ipakita mo sa akin at sa lupain kung saan ka naninirahan ang parehong katapatan sa kasunduan na ipinakita ko sa iyo.” |
547 | GEN 21:33 | Nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisko sa Beer-seba. Doon sinamba niya si Yahweh, ang Diyos na walang hanggan. |
567 | GEN 22:19 | Kaya bumalik si Abraham sa kanyang mga tauhan, at umalis sila at magkakasamang pumunta sa Beer-seba, at nanirahan siya sa Beer-seba. |
716 | GEN 26:23 | Pagkatapos pumunta si Isaac mula doon patungong Beer-seba. |
775 | GEN 28:1 | Tinawag ni Isaac si Jacob, pinagpala siya at inutusan, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihang taga-Cananeo. |
781 | GEN 28:7 | Nakita rin ni Esau na sinunod ni Jacob ang kanyang ama at ina, at nagpunta sa Paddan-aram. |
787 | GEN 28:13 | Masdan, si Yahweh ay nakatayo sa ibabaw niyon at nagsabi, “Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham na iyong ama, at ang Diyos ni Isaac. Ang lupang hinihigaan mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan. |
803 | GEN 29:7 | Sinabi ni Jacob, “Tingnan mo, ito katanghaliang-tapat. Hindi pa oras para sa mga kawan na sama-samang tipunin. Painumin ninyo ang mga tupa at pagkatapos umalis kayo at hayaan silang manginain ng damo.” |
882 | GEN 31:8 | Nang sinabi niya, 'Ang batik-batik na mga hayop ang ibibigay kong sahod sa iyo,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang batik-batik. At nang sinabi niya, 'Ang mga guhitan ang iyong magiging sahod,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang guhitan. |
911 | GEN 31:37 | Hinanapan mo na ang lahat ng aking ari-arian. Anong natagpuan mong iyong mga pansambahayang bagay? Ilagay ang mga iyon dito sa harap ng ating mga kamag-anak, upang humatol sila sa pagitan nating dalawa. |
952 | GEN 32:24 | Sa ganitong paraan pinadala niya sila sa kabila ng ilog kasama ang lahat ng kanyang mga ari-arian. |
965 | GEN 33:4 | Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap siya, niyapos ang kanyang leeg, at hinalikan siya. Pagkatapos sila'y nag-iyakan. |
1152 | GEN 39:2 | Si Yahweh ay kasama ni Jose at siya'y naging mayamang tao. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo na taga-Ehipto. |
1156 | GEN 39:6 | Inilagay ni Potipar ang lahat ng nasa kanya sa ilalim ng pangangalaga ni Jose. Hindi na niya kailangan mag-isip tungkol sa anumang bagay maliban sa pagkain na kinakain niya. Ngayon si Jose ay matipuno at kaakit-akit. |
1252 | GEN 41:56 | Ang taggutom ay nasa buong lupain. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig at nagbenta sa mga taga-Ehipto. Ang taggutom ay napakatindi sa lupain ng Ehipto. |
1323 | GEN 43:32 | Pinagsilbihan ng mga lingkod si Jose na siya lang at ang kanyang mga kapatid na lalaki na sila lang. Ang mga taga-Ehipto ay kumain doon kasama niya ng sila-sila lang dahil ang taga-Ehipto ay hindi kumakain ng tinapay kasama ng mga Hebreo, dahil ito ay hindi katanggap-tanggap sa mga taga-Ehipto. |
1368 | GEN 45:9 | Magmadali kayo at umakyat patungo sa aking ama at sabihin sa kanya 'Ito ang sinabi ng inyong anak na si Jose, ginawa ako ng Diyos na amo ng buong Ehipto. Bumaba ka dito sa akin at huwag mag-atubili. |
1388 | GEN 46:1 | Naglakbay si Israel dala lahat ng mayroon siya at nagtungo sa Beer-seba. Nag-alay siya roon ng mga handog sa Diyos ng kanyang amang si Isaac. |
1392 | GEN 46:5 | Bumangon si Jacob mula sa Beer-seba. Isinakay ng mga anak na lalaki ni Israel si Jacob na kanilang ama, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa sa mga kariton na ipinadala ng Paraon para magdala sa kanya. |
1394 | GEN 46:7 | Dinala niya kasama sa Ehipto ang kanyang mga anak na lalaki, at kanyang mga apong lalaki, kanyang mga anak na babae at kanyang mga apong babae, at lahat ng kanyang mga kaapu-apuhan. |
1448 | GEN 47:27 | Kaya si Israel ay nanirahan sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Goshen. Ang kanyang mga tao roon ay nakakuha ng mga ari-arian. Sila ay mabunga at dumami ng lubos. |
1487 | GEN 49:13 | Titira si Zebulon sa tabing-dagat. Magiging daungan siya ng mga barko at aabot ang kanyang hangganan sa Sidon. |
1510 | GEN 50:3 | Ginawa nila ito ng apatnapung araw, dahil iyon ang ganap na panahon ng pag-eembalsamo. Umiyak ang mga taga-Ehipto ng pitumpung araw. |
1568 | EXO 2:13 | Lumabas siya nang sumunod na araw, at, nakita ang dalawang Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa isang may sala, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasamahan?” |
1589 | EXO 3:9 | Ngayon ang mga pagsigaw ng bayan ng Israel ay nakarating sa akin. Bukod dito, nakita ko ang pagmamalupit na dulot ng mga taga-Ehipto. |
1628 | EXO 4:26 | Kaya hinayaan siya ni Yahweh na mag-isa. Sinabi niya, “Ikaw ang lalaking ikakasal sa dugo” dahil sa pagtutuli. |
1663 | EXO 6:7 | Dadalhin ko kayo sa aking sarili bilang aking bayan, at ako ay inyong magiging Diyos. Malalaman ninyo na ako si Yahweh, ang inyong Diyos, na nagdala sa inyo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto. |
1664 | EXO 6:8 | Dadalhin ko kayo sa lupain na aking sinumpaan para ibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang isang pag-aari. Ako si Yahweh.'” |
1672 | EXO 6:16 | Narito ang naitalang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan. Sila ay sina Gerson, Kohath, at Merari. Nabuhay si Levi hanggang siya ay 137 taong gulang. |
1675 | EXO 6:19 | Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahali at Musi. Ang mga ito ang naging mga ninunong angkan ng mga Levita, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan. |
1681 | EXO 6:25 | Si Eleazar, na anak na lalaki ni Aaron, ay napangasawa ang isa sa mga anak na babae ni Putiel. Ipinanganak niya si Finehas. Ito ang mga pinuno sa bahay ng mga ama sa gitna ng mga Levita, kabilang ng kanilang mga kaapu-apuhan. |
1754 | EXO 9:11 | Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto. |
1823 | EXO 12:6 | Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim. |
1825 | EXO 12:8 | Dapat ninyong kainin ang karne sa gabing iyon, pagkatapos na ihawin ito sa apoy. Kainin ninyo ito ng may tinapay na walang lebadura, kasama ang mga mapapait na damong-gamot. |
1826 | EXO 12:9 | Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob. |
1840 | EXO 12:23 | Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin. |
1841 | EXO 12:24 | Dapat ninyong ipagdiwang ang pangyayaring ito. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan. |
1844 | EXO 12:27 | At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh. |
1847 | EXO 12:30 | Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay. |
1853 | EXO 12:36 | Ginawang sabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Kaya binigay ng mga taga-Ehipto ang anumang hingin nila. Sa ganitong paraan, nakuha ng mga Israelita ang yaman ng mga taga-Ehipto. |
1878 | EXO 13:10 | Kaya dapat ninyong sundin ang batas na ito sa itinakdang panahon taun-taon. |
1902 | EXO 14:12 | Hindi ba ito ang sinabi namin sa iyo sa Ehipto? Sinabi namin sa iyo, 'Iwanan kami dito, para makapagtrabaho kami sa mga taga-Ehipto. Mas mabuti pa sa amin ang magtrabaho para sa kanila kaysa kami ay mamatay dito sa ilang.”' |
1913 | EXO 14:23 | Tinugis sila ng mga taga-Ehipto. Pinuntahan sila sa gitna ng dagat—lahat ng mga kabayo ni Paraon, mga karwahe at mga nangangabayo. |
2009 | EXO 18:9 | Nagalak si Jetro sa kabila ng lahat ng mabuting nagawa ni Yahweh para sa Israel, dahil niligtas sila ni Yahweh mula sa kamay ng mga taga-Ehipto. |
2010 | EXO 18:10 | Sinabi ni Jetro, “Purihin nawa si Yahweh, dahil niligtas niya kayo mula sa kamay ng mga taga-Ehipto at mula sa kamay ng Paraon, at pinalaya niya ang bayan mula sa kamay ng mga taga-Ehipto. |
2021 | EXO 18:21 | At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo. |
2025 | EXO 18:25 | Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo. |
2082 | EXO 21:4 | Kung ang kaniyang amo ang siyang nagbigay ng asawa para sa kaniya at nagkaanak sila ng mga lalaki o mga babae, ang asawa at ang kaniyang mga anak ay pag-aari ng kaniyang amo at dapat umalis siyang malaya mag-isa. |
2097 | EXO 21:19 | pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala. |
2114 | EXO 21:36 | Pero kung nalaman na ang baka ay may ugaling nanunuwag sa nakaraan, at hindi ito kinulong ng may-ari, dapat siguraduhin siyang magbayad ng baka para sa baka at ang namatay na hayop ay magiging kaniyang pag-aari. |
2117 | EXO 22:2 | Pero kung sumikat ang araw bago niya sinira, salang pagpatay ng tao ang ipapataw sa taong pumatay sa kaniya. Ang magnanakaw ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala. Kung wala siyang pag-aari, pagkatapos dapat siyang ipagbili dahil sa kaniyang pagnanakaw. |
2120 | EXO 22:5 | Kung kumalat ang apoy at kumalat sa mga tinik kaya ang mga nakasalansan na butil, o nakatayo na butil, o ang bukid ay natupok, siya na nagsimula ng apoy ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala. |
2125 | EXO 22:10 | isang panunumpa kay Yahweh ang dapat nilang gawin, kung walang isang tao na naglagay sa kaniyang kamay sa pagmamay-ari ng kaniyang kapitbahay. Kailangang tanggapin ng may-ari ito at ang isa ay hindi na kailangang gumawa ng pagbabayad-pinsala. |
2128 | EXO 22:13 | Kung hihiram ang isang tao ng anumang hayop mula sa kaniyang kapitbahay at ang hayop ay nasaktan o namatay na hindi ito kasama ng may-ari, ang ibang tao ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala. |
2160 | EXO 23:15 | Ipagdiwang mo ang Pista ng Tinapay na Walang Lebadura. Bilang aking utos sa iyo, kakain ka ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa panahong iyon, magpapakita ka sa aking harapan sa buwan ng Abib, na itinakda para sa layuning ito. Sa buwang ito lumabas ka galing Ehipto. Pero hindi ka dapat magpakita sa aking harapan na walang-dala. |
2169 | EXO 23:24 | Hindi ka dapat yumuko sa kanilang mga diyos, sambahin sila, o gawin ang tulad ng kanilang ginagawa. Sa halip, dapat mong tuluyang patalsikin sila at basagin ang kanilang sagradong batong mga haligi ng pira-piraso. |
2272 | EXO 26:36 | Dapat kang gumawa ng pabitin sa pasukan ng tabernakulo. Dapat mong gawing asul, lila, matingkad na pulang bagay, at pinong pinulupot ng lino, ang gawa ng taga-burda. |
2289 | EXO 27:16 | Ang tarangkahan ng patyo ay dapat mayroong isang kurtina na dalawampung kubit ang haba. Ang kurtina ay dapat ginawa sa asul, lila at matingkad na pulang bagay at pinong pinulupot na lino, ang gawa ng isang taga-burda. Dapat mayroong apat na mga poste na may apat na mga pundasyon. |
2315 | EXO 28:21 | Dapat ang mga bato ay nakaayos ayon sa mga pangalan ng labindalawang anak na lalaki ni Israel, bawat pangalan na magkakasunod-sunod. Dapat katulad sila sa nakaukit ng isang selyong singsing, bawat pangalan ay tumatayo bilang isa sa mga labindalawang lipi. |
2333 | EXO 28:39 | Dapat kang gumawa ng kasuotang gawa sa pinong lino, at dapat kang gumawa ng isang turbante na pinong lino. Dapat ka ring gumawa ng isang sintas, na gawa ng isang taga-burda. |
2375 | EXO 29:38 | Dapat kang maghandog palagi ng dalawang tupa na isang taon ang gulang doon sa altar araw-araw. |
2470 | EXO 32:31 | Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabing, “Naku, ang mga taong ito ay nakagawa ng malaking kasalanan at gumawa ng kanilang mga sariling gintong diyos-diyosan. |
2567 | EXO 35:35 | Sila ay pinuspos niya ng kakayahan para gumawa ng lahat ng uri ng gawain, para maging taga-gawa ng sining, mga mag-uukit, tagaburda ng asul, lila at pinong lino, at bilang manghahabi. Sila ay manggagawa ng sining sa lahat ng uri ng gawain at sila ay masining na mga taga-disenyo. |
2793 | LEV 3:14 | Ihahandog ng lalaki ang kaniyang alay kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Aalisin niya ang tabang bumabalot sa lamang-loob, at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob. |
2895 | LEV 7:15 | Ang taong naghahandog ng isang handog para sa kapayapaan para sa layunin ng pagbibigay ng mga pasasalamat ay dapat kainin ang karne na kanyang handog sa araw ng pag-alay. Wala siyang dapat itira na anuman nito hanggang sa susunod na umaga. |
2911 | LEV 7:31 | Dapat sunugin ng pari ang taba sa altar, pero ang dibdib ay ikakaloob kay Aaron at sa kaniyang mga kaapu-apuhan. |
3033 | LEV 11:35 | Magiging marumi ang lahat ng bagay na mabagsakan ng anumang bahagi ng patay na katawan ng maruming hayop, kahit isang pugon ito o mga lutuang palayok. Dapat itong basagin sa pira-piraso. Marumi ito at dapat maging marumi para sa inyo. |
3099 | LEV 13:46 | Sa lahat ng araw na siya ay mayroong nakakahawang sakit siya ay magiging marumi. Dahil siya ay marumi na may isang sakit na maaaring makahawa, siya ay dapat mamuhay ng mag-isa. Dapat siyang mamuhay sa labas ng kampo. |
3118 | LEV 14:6 | Pagkatapos ay kukunin ng pari ang buhay na ibon at ang kahoy na cedar, at ang matingkad na pulang sinulid at ang isopo, at kanyang isasawsaw ang lahat ng mga bagay na ito, kasama ang buhay na ibon, sa dugo ng ibon na pinatay sa ibabaw ng tubig-tabang. |
3338 | LEV 20:19 | Hindi ninyo dapat sipingan ang kapatid na babae ng inyong ina, ni kapatid na babae ng inyong ama, dahil ipapahiya ninyo ang inyong malapit na kamag-anak. Dapat ninyong dalhin ang sarili ninyong kasalanan. |
3345 | LEV 20:26 | Kayo ay dapat maging banal, dahil Ako, si Yahweh, ay banal, at ibinukod ko kayo mula sa ibang mga tao, dahil kayo ay aking pag-aari. |
3422 | LEV 23:19 | Maghahandog kayo ng isang lalaking kambing para sa isang handog para sa kasalanan, at dalawang tupang lalaki na isang taong gulang para isang alay, bilang mga handog ng pagtitipon-tipon. |
3481 | LEV 25:11 | Ang ikalimampung taon ay magiging isang Paglaya para sa inyo. Hindi kayo dapat magtanim o gumawa ng isinaayos na pag-aani. Kainin anuman ang tumutubong mag-isa, at tipunin ang mga ubas na tumutubo sa hindi pinutulang mga baging. |
3497 | LEV 25:27 | sa gayon maaari niyang kuwentahin ang mga taon mula nang ipinagbili ang lupa at bayaran ang nalalabi sa tao na kung kanino niya ito ipinagbili. Pagkatapos maaari siyang bumalik sa kanyang sariling ari-arian. |
3498 | LEV 25:28 | Subalit kung hindi niya kayang bawiin ang lupa para sa kanyang sarili, sa gayon mananatili ang lupang ipinagbili niya sa pagmamay-ari ng bumili nito hanggang sa Taon ng Paglaya. Sa Taon ng Paglaya, ibabalik ang lupa sa taong nagbenta nito, at babalik ang tunay na may-ari sa kanyang ari-arian. |
3500 | LEV 25:30 | Kung hindi matubos ang bahay sa loob ng isang buong taon, sa gayon ang bahay na nasa pinaderang siyudad ay magiging permanenteng ari-arian ng taong bumili nito, sa kabuuan ng mga salinhlahi ng kanyang mga kaapu-apuhan. Hindi na ibabalik ang bahay na iyon sa Paglaya. |
3515 | LEV 25:45 | Maaari rin kayong bumili ng mga alipin sa mga dayuhang naninirahan kasama ninyo, iyon ay, mula sa kanilang mga pamilyang kasama ninyo, mga batang ipinanganak sa inyong lupain. Maaari ninyo silang maging ari-arian. |
3516 | LEV 25:46 | Maaari ninyong ibigay ang ganyang mga alipin bilang isang pamana sa inyong mga anak na kasunod ninyo, para panghawakan bilang ari-arian. Mula sa kanila ay maaari kayong palaging bumili ng inyong mga alipin, ngunit hindi ninyo dapat pamunuan ang mga tao ng Israel nang may pagmamalupit. |
3523 | LEV 25:53 | Dapat siyang ituring bilang isang taong inuupahan taun-taon. Dapat ninyong tiyaking hindi siya mapagmalupitan. |
3623 | NUM 1:18 | at sa tabi ng mga lalaking ito, tinipon nila ang lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa unang araw ng ikalawang buwan. At bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas ay kinilala ang kaniyang kanunu-nunuan. Dapat niyang pangalanan ang mga angkan at ang mga pamilyang nagmula sa kaniyang mga ninuno. |
3838 | NUM 6:14 | Dapat niyang idulog ang kaniyang handog kay Yahweh. Dapat niyang ialay bilang isang handog na susunugin ang isang lalaking tupa na isang taong gulang at walang kapintasan. Dapat magdala siya ng isang babaeng tupa bilang handog para sa kasalanan na isang taong gulang at walang kapintasan. Dapat magdala siya ng isang lalaking tupa na walang dungis bilang handog para sa pagtitipon-tipon. |
3842 | NUM 6:18 | Dapat ahitan ng Nazareo ang kaniyang ulo na nagpapahiwatig ng kaniyang pagkabukod sa Diyos sa pasukan patungo sa tolda ng pagpupulong. Dapat niyang kunin ang buhok mula sa kaniyang ulo at ilagay ito sa apoy sa ilalim ng paghahandog ng mga handog sa pagtitipon-tipon. |
3868 | NUM 7:17 | Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking kordero na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Naason na anak ni Amminadab. |
3874 | NUM 7:23 | Nagbigay siya ng dalawang lalaking baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing, at limang lalaking tupa na isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Ito ang alay ni Nethanael na anak ni Zuar. |