887 | GEN 31:13 | Ako ang Diyos ng Bethel, kung saan mo binuhusan ng langis ang isang haligi, kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin. Ngayon, tumindig ka at lisanin ang lupaing ito at bumalik sa lupain ng iyong kapanganakan.”' |
934 | GEN 32:6 | Mayroon akong mga baka, mga asno, at mga kawan, babae at lalaking mga alipin. Nagpadala ako para sabihin ito sa aking panginoon, upang makasumpong ako ng pabor sa iyong paningin.”' |
947 | GEN 32:19 | Sa gayon sasabihin mong, 'Sila ay kay Jacob na iyong lingkod. Sila ay regalong pinadala sa aking among si Esau. At tingnan ninyo, siya ay paparating din kasunod namin.”' |
1330 | GEN 44:5 | Hindi ba ito ang baso mula sa iniinuman ng aking amo, at ang baso na ginagamit niya para sa kanyang panghuhula? Gumawa kayo ng masama, ang bagay na ito na inyong ginawa.”' |
1625 | EXO 4:23 | At sasabihin ko sa iyo, “Payagan mo ang aking anak na umalis, kaya siya ay sasamba sa akin.” Pero dahil ikaw ay tumangging paalisin siya, tiyak na papatayin ko ang iyong anak, ang iyong panganay.”' |
1644 | EXO 5:11 | Kayo na sa inyong sarili ang umalis at kumuha ng dayami kahit saan ninyo ito mahahanap, pero ang inyong gawain ay hindi mababawasan.”' |
1646 | EXO 5:13 | Palagi silang hinihimok ng mahihigpit na tagapangasiwa at sinasabing, “Tapusin ninyo ang inyong trabaho, sa panahon na maibigay ang dayami sa inyo.”' |
1716 | EXO 8:1 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong kamay at ang iyong tungkod sa ibabaw ng mga ilog, sa mga sapa at sa mga tubigan at dalhin mo ang mga palaka doon sa lupain ng Ehipto.”' |
1727 | EXO 8:12 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang alikabok sa lupa, para ito ay maging niknik sa lahat ng lupain ng Ehipto.”' |
1844 | EXO 12:27 | At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh. |
1902 | EXO 14:12 | Hindi ba ito ang sinabi namin sa iyo sa Ehipto? Sinabi namin sa iyo, 'Iwanan kami dito, para makapagtrabaho kami sa mga taga-Ehipto. Mas mabuti pa sa amin ang magtrabaho para sa kanila kaysa kami ay mamatay dito sa ilang.”' |
2438 | EXO 31:17 | Ang Araw ng Pamamahinga ay laging magiging isang tanda sa pagitan ni Yahweh at ng mga Israelita, dahil sa anim na araw na ginawa ni Yahweh ang langit at lupa, at sa ikapitong araw siya ay nagpahinga at naginhawaan.”' |
2796 | LEV 3:17 | Magiging isang permanenteng batas ito sa lahat ng mga salinlahi ng inyong bayan sa bawat lugar na gagawan ninyo ng inyong bahay, na dapat hindi kayo kakain ng taba o dugo.”' |
2844 | LEV 5:13 | Gagawa ang pari sa ikapapatawad ng anumang kasalanan na nagawa ng tao, at ang taong iyon ay patatawarin. Magiging pag-aari ng pari ang mga natira mula sa handog, gaya din ng handog na butil.”' |
2868 | LEV 6:11 | Para sa lahat na panahong darating sa lahat ng mga salinlahi ng iyong bayan, maaaring makakain nito bilang kaniyang bahagi ang anumang lalaki na nagmumula kay Aaron, kinuha mula sa mga handog kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Magiging banal ang sinumang humipo ng mga ito.”' |
2901 | LEV 7:21 | Kung sinuman ang makahahawak ng anumang bagay na marumi—kahit ang taong walang kalinisan, o hayop na hindi malinis, o alin mang hindi malinis at nakapandidiring bagay, at kung kinain niya ang ilan sa karne na isang alay na handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”' |
2907 | LEV 7:27 | Sinuman ang kumain ng anumang dugo, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”' |
2918 | LEV 7:38 | kung saan ibinigay ni Yahweh ang mga utos kay Moises sa Bundok Sinai sa araw na kaniyang iniutusan ang bayan ng Israel na maghandog ng kanilang mga alay kay Yahweh sa ilang g Sinai.”' |
3346 | LEV 20:27 | Tiyak na dapat patayin ang isang lalaki o isang babaeng nakikipag-usap sa patay o nakikipag-usap sa mga espiritu. Dapat silang batuhin ng mga tao gamit ang mga bato. Sila ay nagkasala at nararapat mamatay.”' |
3386 | LEV 22:16 | at idudulot ang kanilang sarili upang dalhin ang kasalanang gagawin silang may sala sa pagkain ng banal na pagkain, dahil ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.”' |
3604 | LEV 27:33 | Hindi dapat humanap ang pastol ng higit na mabuti o higit na masamang mga hayop, at hindi niya maaaring ipagpalit ang isa para sa iba. Kung papalitan man niya ito, magiging banal ang parehong mga hayop at iyon na kung saan ito ipinagpalit. Hindi ito matutubos.”' |
4170 | NUM 15:16 | Ang parehong batas at kautusan ang dapat masunod sa inyo at sa mga dayuhang naninirahang kasama ninyo.”' |
4387 | NUM 22:11 | 'Tingnan mo, ang mga taong nanggaling mula sa Ehipto ay sinakop ang aking lupain. Ngayon, pumarito ka at sumpain sila para sa akin. Marahil, maaari ko na silang kalabanin at palayasin.”' |
4393 | NUM 22:17 | dahil babayaran pa kita nang labis at bibigyan kita ng dakilang karangalan, at gagawin ko anuman ang sasabihin mong gawin ko. Kaya pakiusap pumunta ka at isumpa mo ang mga taong ito para sa akin.”' |
4818 | NUM 33:56 | At mangyayari na kung ano ang binabalak ko ngayong gawin sa mga taong iyon, gagawin ko rin sa inyo.”' |
4830 | NUM 34:12 | At magpapatuloy ang hangganan sa timog sa may Ilog Jordan hanggang sa Dagat Asin at magpapatuloy pababa sa silangang hangganan ng Dagat Asin. Ito ang inyong magiging lupain, na alinsunod sa mga hangganan sa buong palibot.”' |
4947 | DEU 2:7 | Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”' |
5864 | JOS 1:11 | “Lumibot kayo sa kampo at utusan ang mga tao, 'Maghanda ng makakain para sa inyong sarili. Sa loob ng tatlong araw tatawirin ninyo ang Jordang ito at papasukin at aangkinin ang lupain na ibinibigay ni Yahweh inyong Diyos sa inyo para angkinin.”' |
5915 | JOS 4:3 | Ibigay sa kanila ang kautusang ito: 'Kumuha ng labindalawang bato mula sa gitna ng Jordan kung saan nakatayo ang mga pari sa tuyong lupa, at dalhin ninyo ang mga iyon at ilapag ang mga iyon sa lugar kung saan kayo ngayon magpapalipas ng gabi.”' |
5919 | JOS 4:7 | Kaya sasabihin ninyo sa kanila, 'Nahati ang tubig ng Jordan sa harap ng kaban ng tipan ni Yahweh. Nang makatawid ito sa Jordan, nahati ang tubig ng Jordan. Kaya ang mga batong ito ay magiging isang alaala sa bayan ng Israel magpakailanman.”' |
5993 | JOS 7:15 | Mangyayari ito na ang isang taong nahuli at kung sino ang may mga bagay na ibinukod para sa pagkawasak, susunugin siya, siya at lahat ng mayroon siya, dahil winasak niya ang tipan ni Yahweh at dahil nakagawa siya ng isang kahiya-hiyang bagay sa Israel.”' |
6052 | JOS 9:13 | Itong mga sisidlang balat ay bago nang napuno ang mga ito, at tumingin ka, nasira na ang mga ito. Ang aming mga kasuotan at aming mga sandalyas ay naluma sa isang napakahabang paglalakbay.”' |
6810 | JDG 9:54 | Pagkatapos madalian siyang tumawag sa batang lalaking taga-dala ng kaniyang baluti, at sinabi sa kaniya, “Ilabas mo ang iyong espada at patayin ako, para walang magsalita tungkol sa akin na, 'Isang babae ang pumatay sa kaniya.”' Kaya sinaksak siya ng kaniyang batang lalaki, at namatay siya. |
7122 | JDG 21:18 | Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”' |
7126 | JDG 21:22 | Kapag pumunta ang kanilang mga ama o kanilang mga kapatid na lalaki para tumutol sa amin, sasabihin namin sa kanila, 'Bigyan ninyo kami ng pabor! Hayaan silang manatili sa amin dahil hindi kami nakakuha ng mga asawa sa panahon ng digmaan. At wala kayong kasalanan hinggil sa isang pangako, dahil hindi ninyo ibinigay sakanila ang inyong mga anak na babae.”' |
7700 | 1SA 18:22 | Inutusan ni Saul ang kanyang mga lingkod, “Palihim ninyong kausapin si David at sabihin, 'Tingnan mo, kinasisiyahan ka ng hari, at mahal ka ng lahat niyang mga lingkod. Ngayon nga, magiging manugang na lalaki ka ng hari.”' |
7703 | 1SA 18:25 | At sinabi ni Saul, “Ganito ang inyong sasabihin kay David, 'Hindi naghahangad ang hari ng anumang dote, isang daang pinagtulian ng mga Filisteo lamang, upang mapaghigantihan ang mga kaaway ng hari.”' Ngayon iniisip ni Saul na mahulog si David sa kamay ng mga Filisteo. |
7755 | 1SA 20:23 | Para naman sa usapang nagsalita ka at ako, tingnan mo, nasa pagitan natin si Yahweh magpakailanman.”' |
7846 | 1SA 24:5 | Sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Ito ang araw na sinabi ni Yahweh na sinabi niya sa iyo, 'Ibibigay ko sa iyong kamay ang iyong kaaway, upang gawin mo ang nais mong gawin sa kanya.”' Pagkatapos umakyat si David at tahimik na gumapang pasulong at pinutol ang gilid ng balabal ni Saul. |
7872 | 1SA 25:8 | Tanungin ang iyong kabataang kalalakihan, at sasabihin nila sa iyo. Ngayon hayaang makasumpong ng biyaya ang binatang kalalakihan sa iyong mga mata, dahil pupunta kami sa araw ng isang pagdiriwang. Pakiusap magbigay ka anuman ang mayroon ka sa iyong kamay sa iyong mga lingkod at sa iyong anak na lalaking si David.”' |
8041 | 2SA 1:16 | Pagkatapos sinabi ni David sa namatay na taga-Amalek, “Ang iyong dugo ay nasa iyong ulo dahil ang iyong sariling bibig ay naging saksi laban sa iyo at sa sinabi mo, 'Pinatay ko ang hinirang na hari ni Yahweh.”' |
8199 | 2SA 7:16 | Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”' |
8400 | 2SA 15:8 | Dahil gumawa ang iyong lingkod ng isang panata habang naninirahan ako sa Gesur sa Aram, sa pagsasabing; “Kung talagang dadalhin ulit ako ni Yahweh sa Jerusalem, sa gayon sasambahin ko si Yahweh.”' |
8402 | 2SA 15:10 | Pero pagkatapos nagpadala si Absalom ng mga espiya sa lahat ng mga lipi ng Israel, na nagsasabing, “Sa sandaling marinig ninyo ang tunog ng trumpeta, sa gayon dapat ninyong sabihin, 'Si Absalom ay hari sa Hebron.”' |
8432 | 2SA 16:3 | Sinabi ng hari, “At nasaan ang apo ng iyong panginoon?” Sumagot si Ziba sa hari, “Tingnan, nagpaiwan siya sa Jerusalem, dahil sinabi niya, 'Ngayon ang tahanan ng Israel ay ipanunumbalik ang kaharian ng aking ama sa akin.”' |
8771 | 1KI 1:51 | Pagkatapos ay sinabi ito kay Solomon, sinasabi, “Tingnan mo, si Adonias ay takot kay Haring Solomon, dahil kinuha niya ang mga sungay sa altar, sinasabi, 'Manumpa muna sa akin si Haring Solomon na hindi niya papatayin ang kaniyang lingkod gamit ang espada.”' |
9178 | 1KI 12:24 | 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Hindi ninyo dapat nilulusob o nilalabanan ang inyong mga kapatid na bayang Israel. Bawat lalaki ay dapat magbalik sa kaniyang tahanan, dahil kalooban ko na mangyari ang bagay na ito.”' Kaya nakinig sila sa salita ni Yahweh at bumalik at nagpunta sa kani-kanilang daan, at sinunod nila ang kaniyang salita. |
9414 | 1KI 20:3 | Ang iyong pilak at ang iyong ginto ay akin. Gayon din ang iyong asawa at ng inyong mga anak, ang mga pinakamahusay, ay akin na ngayon.”' |
9417 | 1KI 20:6 | Pero ipadadala ko sa iyo ang aking mga lingkod kinabukasan sa ganitong oras, at kanilang hahalughugin ang iyong bahay at ang mga bahay ng iyong mga lingkod. Kukunin nila sa sarili nilang mga kamay at aalisin anuman ang magustuhan ng kanilang mga mata.”' |
9420 | 1KI 20:9 | Kaya sinabi ni Ahab sa mga mensahero ni Ben Hadad, “Sabihin sa aking panginoon ang hari, ''Sang-ayon sa lahat ng sinabi na iyong lingkod ng una, pero hindi ko matatanggap itong pangalawang hinihiling.”' Kaya ang mensahero ay umalis at ibinalik ang sagot kay Ben Hadad. |
9439 | 1KI 20:28 | Pagkatapos isang lingkod ng Diyos ang lumapit at nagsalita sa hari ng Israel at sinabi, “Sinasabi ni Yahweh: 'Dahil sinabi ng mga Aramean na si Yahweh ay diyos ng mga burol, pero hindi siya ang diyos sa mga lambak, ilalagay ko sa iyong kamay ang malakas na hukbong ito, at inyong malalaman na ako si Yahweh.”' |
9443 | 1KI 20:32 | Kaya naglagay sila ng sako sa kanilang baywang at lubid sa kanilang mga ulo at pagkatapos pumunta sila sa hari ng Israel at sinabi, “ Sinabi ng iyong lingkod na si Ben Hadad, 'Pakiusap hayaan mo akong mabuhay.”' Sinabi ni Ahab, “Siya ba ay buhay pa? Siya ay aking kapatid.” |
9453 | 1KI 20:42 | Sinabi ng propeta sa hari, “Sinasabi ni Yahweh, 'Dahil nakawala sa iyong kamay ang lalake na aking hinatulan ng kamatayan, ang iyong buhay ay magiging kapalit ng kaniyang buhay, at ang iyong bayan para sa kaniyang bayan.”' |
9500 | 1KI 22:17 | Kaya sinabi ni Micaya, “Nakita ko ang lahat ng mga Israelita na nagkalat sa mga kabundukan, tulad ng mga tupa na walang pastol, at sinabi ito ni Yahweh, 'Walang pastol ang mga ito. Pabakilin ang bawat tao sa kanilang mga tahanan ng payapa.”' |
11411 | 2CH 10:11 | Kaya ngayon, bagaman pinapasan kayo ng aking ama ng isang mabigat na pasanin, dadagdagan ko pa ang inyong mga pasanin. Pinarusahan kayo ng aking ama ng mga latigo, ngunit parurusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga alakdan.”' |
11447 | 2CH 12:5 | Ngayon, pumunta ang propetang si Semaias kay Rehoboam at sa mga pinuno ng Juda na nagtipun-tipon sa Jerusalem dahil kay Shishak. Sinabi ni Semaias sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh. 'Tinalikuran ninyo ako, kaya ibinigay ko rin kayo sa mga kamay ni Shishak.”' |
11963 | 2CH 34:25 | Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog sila ng insenso sa ibang mga diyos, upang galitin ako sa lahat ng kanilang mga ginawa—kung gayon ibubuhos ko ang aking galit sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.”' |
18468 | ISA 38:8 | Masdan, paaatrasin ko ng sampung hakbang ang anino ni Ahaz sa hagdan.”' Kaya umatras ng sampung hakbang ang anino sa hagdan na kung saan ito ay nagpauna. |
18489 | ISA 39:7 | At ang mga lalaking nagmula sa iyo, na ikaw mismo ang ama - sila ay kukunin palayo, at sila ay magiging mga eunuko sa palasyo ng hari ng Babilonia.”' |
19166 | JER 6:8 | Jerusalem, tanggapin mo ang pagtutuwid, kung hindi tatalikuran kita at wawasakin, isang lupain na walang maninirahan.”' |
19260 | JER 9:15 | At ikakalat ko sila sa mga bansa na hindi nila nakikilala maging ng kanilang mga ninuno. Magpapadala ako ng espadang tutugis sa kanila hanggang sa ganap ko silang mawasak.”' |
19300 | JER 11:5 | Sundin ninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na aking ipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa na ibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon.”' At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, “Oo, Yahweh!” |
19302 | JER 11:7 | Sapagkat nagbigay ako ng taimtim na mga utos sa inyong mga ninuno mula ng araw na inilabas ko sila sa Egipto hanggang sa kasalukuyang panahon, patuloy na nagbabala sa kanila at nagsasabi, “Makinig kayo sa aking tinig.”' |
19312 | JER 11:17 | Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo ang nagtanim sa inyo, ang nag-atas ng kapahamakan laban sa inyo dahil sa mga gawaing masama na ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ng Juda. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alay kay Baal.”' |
19318 | JER 11:23 | Walang matitira sa kanila dahil magdadala ako ng kapahamakan sa mga taga-Anatot, ang panahon ng kanilang kaparusahan.”' |
19349 | JER 13:14 | At pag-aawayin ko ang bawat tao laban sa iba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan o kahahabagan at hindi ko sila ililigtas mula sa pagkawasak. Ito ang pahayag ni Yahweh.”' |
19375 | JER 14:13 | At sinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Sinasabi ng mga propeta sa mga tao, 'Hindi kayo makakakita ng espada, walang taggutom para sa inyo, sapagkat bibigyan ko kayo ng tunay na katiwasayan sa lugar na ito.”' |
19380 | JER 14:18 | Kung lalabas ako sa parang at tumingin! mayroong mga pinatay sa pamamagitan ng espada. At kung pupunta ako sa lungsod at tumingin! mayroong mga nagkasakit dahil sa taggutom. Kahit na ang mga propeta at ang mga paring naglilibot sa lupain ay walang nalalaman.”' |
19553 | JER 22:30 | Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Isulat ang tungkol sa lalaking ito na si Jehoiakin: Siya ay mawawalan ng anak. Hindi siya naging masagana sa kaniyang panahon, at wala sa kaniyang mga angkan ang magtatagumpay o kailanman ay hindi makauupo sa trono ni David at maghari sa buong Juda.”' |
19739 | JER 30:3 | Sapagkat tingnan mo, parating na ang mga araw—Ito ang pahayag ni Yahweh—kapag pinanumbalik ko ang mga kayamanan ng aking mga tao, ang Israel at Juda. Akong si Yahweh ang nagsabi nito. Sapagkat ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno at aariin nila ito.”' |
19753 | JER 30:17 | Sapagkat magdadala ako ng kagalingan sa iyo, pagagalingin ko ang iyong mga sugat, ito ang pahayag ni Yahweh. Gagawin ko ito dahil tinawag ka nilang: Itinakwil. Walang nagmamalasakit sa Zion na ito.”' |
19766 | JER 31:6 | Sapagkat darating ang araw kapag ipinahayag ng taga-bantay sa kabundukan ng Efraim, 'Tumindig kayo at pumunta tayo sa Sion kay Yahweh na ating Diyos.”' |
19844 | JER 32:44 | Bibili sila ng mga bukirin sa pamamagitan ng pilak at isusulat sa mga selyadong kasulatang binalumbon. Titipunin nila ang mga saksi sa lupain ni Benjamin, sa palibot ng buong Jerusalem at sa mga lungsod ng Juda, sa mga lungsod sa maburol na bansa at sa mga mababang lugar, at sa mga lungsod ng Negeb. Sapagkat ibabalik ko ang kanilang kayamanan. Ito ang pahayag ni Yahweh.”' |
19908 | JER 35:16 | Sapagkat sinunod ng mga kaapu-apuhan ni Jonadab na anak ni Recab ang mga utos ng kanilang mga ninuno na ibinigay niya sa kanila, ngunit hindi nakikinig ang mga taong ito sa akin.”' |
19909 | JER 35:17 | Kaya sinasabi ni Yahweh, na Diyos ng mga hukbo at Diyos ng Israel, 'Tingnan ninyo, ang lahat ng mga sakunang aking ipinahayag laban sa kanila—dadalhin ko ang mga sakunang ito sa Juda at sa lahat ng naninirahan sa Jerusalem, dahil nagbabala ako sa kanila, ngunit hindi sila nakinig. Tinawag ko sila, ngunit hindi sila sumagot.”' |
19911 | JER 35:19 | kaya sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, 'Laging magkakaroon ng taong nagmula kay Jonadab na anak ni Recab na maglilingkod sa akin.”' |
20010 | JER 39:18 | Sapagkat tiyak ililigtas kita. Hindi ka babagsak sa pamamagitan ng espada. Makakatakas ka dahil nagtitiwala ka sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh.”' |
20114 | JER 45:5 | Ngunit umaasa ka ba ng dakilang mga bagay para sa iyong sarili? Huwag kang umasa ng ganoon. Sapagkat tingnan mo, darating ang kapahamakan sa buong sangkatauhan—ito ang pahayag ni Yahweh—ngunit ibinibigay ko sa iyo ang iyong buhay bilang iyong ninakaw sa lahat ng dakong iyong pupuntahan.”' |
20509 | LAM 4:20 | Ang hininga sa mga butas ng aming ilong, ang pinahiran ni Yahweh—na aming hari, ay nahuli sa kanilang mga hukay; siya ang aming hari na aming sinasabi, “'Mabubuhay kami sa ilalim ng kaniyang pangangalaga kasama ng mga bansa.”' |
20793 | EZK 13:16 | ang mga propeta ng Israel na nagpahayag tungkol sa Jerusalem at ang mga may pangitain ng kapayapaan para sa kaniya. Ngunit walang kapayapaan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”' |
21020 | EZK 21:12 | At mangyayari magtatanong sila sa iyo, 'Sa anong dahilan ka naghihinagpis?' At sabihin mo, 'Dahil sa balitang dumarating, sapagkat bawat puso ay manlulumo at bawat kamay ay manghihina! Bawat espiritu ay panghihinaan ng loob, at bawat tuhod ay mangangatog tulad ng tubig. Masdan mo! Darating at magiging gaya nito! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”' |
21076 | EZK 22:31 | Kaya ibubuhos ko ang aking galit sa kanila! Tatapusin ko sila sa apoy ng aking galit at ilalagay sila sa paraan na kanilang sariling iniisip—ito ang Pahayag ng Panginoong Yahweh.”' |
21292 | EZK 30:19 | Magsasagawa ako ng paghuhukom sa Egipto, at malalaman nila na ako si Yahweh.”' |
21475 | EZK 37:9 | At sinabi sa akin ni Yahweh, “Magpahayag ka sa hangin! Magpahayag ka, anak ng tao, at sabihin sa hangin, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Espiritu! Pumunta ka mula sa apat na hangin. At hingahan ang mga patay na ito upang mabuhay silang muli.”' |
21480 | EZK 37:14 | Ilalagay ko ang aking Espiritu sa inyo upang kayo ay mabuhay, at pagpapahingain ko kayo sa inyong lupain kapag nalaman ninyo na ako si Yahweh. Ipinahayag ko at gagawin ko ito—ito ang pahayag ni Yahweh.”' |
22544 | AMO 7:11 | Sapagkat ito ang sinabi ni Amos: 'Mamamatay si Jeroboam sa pamamagitan ng espada, at tiyak na dadalhing bihag ang Israel palayo sa kaniyang lupain.”' |
22574 | AMO 9:10 | Ang lahat ng mga makasalanan sa aking mga tao ay mamamatay sa pamamagitan ng espada, 'sinumang magsabi, 'Hindi tayo mauunahan ng sakuna ni masasalubong natin.”' |
22700 | MIC 4:11 | Ngayon, maraming mga bansa ang nagtipon laban sa iyo; sabi nila, 'Hayaan siyang madungisan; ititig natin ang ating mga mata sa Zion.”' |
22991 | ZEC 3:10 | Sa araw na iyon, ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, 'aanyayahan ng bawat tao ang kaniyang kapwa upang mamahinga sa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang puno ng igos.”' |
23134 | ZEC 13:6 | Ngunit may isang magsasabi sa kaniya, 'Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga braso?' at sasagot siya, 'Ako ay nasugatan nang nasa bahay ako ng aking mga kaibigan.”' |
23162 | MAL 1:4 | Kung sasabihin ng Edom, “Pinabagsak tayo ngunit ibabalik at itatayo natin ang mga nawasak;” Sinabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Itatayo nila ngunit pababagsakin ko; at tatawagin sila ng mga tao, 'Ang bansa ng kasamaan', at 'Ang mga taong kinapopootan ni Yahweh magpakailanman.”' |
23282 | MAT 4:4 | Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”' |
23284 | MAT 4:6 | at sinabi sa kaniya, “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, magpatihulog ka sa baba, sapagkat nasusulat, 'Uutusan niya ang kaniyang mga anghel upang pangalagaan ka,' at 'Itataas ka nila sa kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong mga paa sa bato.”' |
24184 | MAT 26:61 | at sinabi, “Sinabi ng taong ito, 'Kaya kong gibain ang templo ng Diyos at muling maipatayo sa loob ng tatlong araw.”' |
24753 | MRK 12:11 | Mula ito sa Panginoon at kamangha-mangha ito sa ating mga mata.”' |
25136 | LUK 4:4 | Sinagot siya ni Jesus, “Nasusulat, 'Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.”' |
25140 | LUK 4:8 | Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Nasusulat, 'Dapat mong sambahin ang Panginoon mong Diyos, at siya lang ang dapat mong paglingkuran.”' |
25144 | LUK 4:12 | Sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Nasasabi, 'Hindi mo dapat subukin ang Panginoon mong Diyos.”' |
25155 | LUK 4:23 | Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tinitiyak kong sasabihin ninyo ang kawikaang ito sa akin, 'Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili. Anuman ang aming narinig na ginawa mo sa Capernaum, gawin mo din dito sa iyong bayang kinalakihan.”' |
25622 | LUK 13:35 | Tingnan mo, iniwan ang iyong bahay. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo ako makikita hanggang sabihin mo, 'Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon.”' |