67 | GEN 3:11 | Sinabi ng Diyos, “Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?” |
86 | GEN 4:6 | Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? |
87 | GEN 4:7 | Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.” |
90 | GEN 4:10 | Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa. |
317 | GEN 12:18 | Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, “Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa? |
318 | GEN 12:19 | Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo.” |
328 | GEN 13:9 | Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain? Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili sa akin. Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan. O kung pupunta ka sa kanan, pupunta naman ako sa kaliwa. |
415 | GEN 17:17 | Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya? |
439 | GEN 18:14 | Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki. |
443 | GEN 18:18 | gayong tiyak na magiging dakila at makapangyarihang bansa si Abraham, at pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sa pamamagitan niya? |
448 | GEN 18:23 | Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, “Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan? |
449 | GEN 18:24 | Marahil mayroong limampung matuwid sa loob ng lungsod. Lilipulin niyo ba ito at hindi ililigtas ang lugar alang-alang sa kapakanan ng limampung matuwid na naroon? |
453 | GEN 18:28 | Paano kung nabawasan ng lima ang limampung matuwid? Wawasakin mo ba ang buong lungsod dahil nabawasan ng lima? At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin kung may mahanap akong apatnapu't lima.” |
454 | GEN 18:29 | Muli siyang nakipag-usap sa kanya at sinabing, “Paano kung apatnapu ang makita roon? Sumagot siya, “Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin.” |
455 | GEN 18:30 | Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magagalit Panginoon, para makapagsalita ako. Kung sakali na tatlumpu ang mahanap doon? “Sinabi ng Diyos, “Hindi ko ito gagawin kung may mahanap akong tatlumpu doon.” |
463 | GEN 19:5 | Tinawag nila si Lot at sinabi, “Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila. |
470 | GEN 19:12 | Pagkatapos, sinabi ng mga lalaki kay Lot, “Mayroon ka pa bang ibang kasama rito? Mga manugang, mga anak na lalaki at babae at kung sino pa mang mga kasamahan mo sa lungsod, ilabas mo na sila rito. |
500 | GEN 20:4 | Ngayon, hindi nilapitan ni Abimelech si Sarah at sinabi niya, “Panginoon, papatayin mo rin ba ang matuwid na bansa? |
505 | GEN 20:9 | Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya,” Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin.” |
531 | GEN 21:17 | Narinig ng Diyos ang boses ng bata, at tumawag ang anghel ng Diyos kay Agar mula sa langit, at sinabi sa kanya, “Anong gumagambala sa iyo, Agar? Huwag kang matakot, sapagkat narinig ng Diyos ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan. |
587 | GEN 23:15 | “Pakiusap, aking panginoon, makinig ka sa akin. Ang pirasong lupain na nagkakahalagang apatnaraang shekel ng pilak, ano ba ito sa pagitan natin? Ilibing mo na ang iyong patay.” |
597 | GEN 24:5 | Sinabi ng lingkod sa kanya, “Paano kung hindi pamayag na sumama sa akin ang babae papunta sa lupaing ito? Dapat ko bang dalhin pabalik ang iyong anak sa lupain kung saan ka nanggaling? |
615 | GEN 24:23 | at nagtanong, “Kaninong anak ka? Pakiusap sabihin mo sa akin, mayroon bang silid ang bahay ng ama mo na maaari naming pagpalipasan ng gabi?” |
623 | GEN 24:31 | At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.” |
703 | GEN 26:10 | Sinabi ni Abimelec, “Ano itong ginawa mo sa amin? Maaring may taong madaling sumiping sa iyong asawa, at madala mo sa amin ang pagkakasala.” |
761 | GEN 27:33 | Nanginig nang matindi si Isaac at nagsabi, “Sino pala iyon na nangaso ng hayop na ito at dinala sa akin? Kinain ko lahat ito bago ka dumating, at pinagpala ko siya. Tunay nga, siya ay pagpapalain.” |
764 | GEN 27:36 | Sinabi ni Esau, “Hindi ba tama lang na pinangalanan siyang Jacob? Dahil dinaya niya ako sa dalawang pagkakataong ito. Inagaw niya ang aking karapatan ng isinilang at tingnan mo, ngayon ay inagaw niya ang aking pagpapala.” At sinabi niya, “Wala ka bang naitabing pagpapala para sa akin?” |
766 | GEN 27:38 | Sinabi ni Esau sa kanyang ama, “Wala ka bang kahit isang pagpapala sa akin, ama ko? Pagpalain mo ako, ako rin, ama ko.” Umiyak nang malakas si Esau. |
811 | GEN 29:15 | Pagkatapos sinabi ni Laban kay Jacob, “Pagsisilbihan mo ba ako sa wala dahil kamag-anak mo ako? Sabihin mo sa akin, ano ang iyong magiging kabayaran?” |
821 | GEN 29:25 | Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?” |
846 | GEN 30:15 | Sinabi ni Lea kay Raquel, “Maliit na bagay lang ba sa iyo na kinuha mo ang aking asawa? Ngayon gusto mo namang kunin din ang mga halaman ng mendreik ng aking anak?” Sinabi ni Raquel, “Matutulog siya kasama mo ngayong gabi, bilang kapalit sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.” |
888 | GEN 31:14 | Sumagot sina Raquel at Lea at sinabi sa kanya, “Mayroon ba kaming makukuhang anumang pamana sa bahay ng aming ama? |
889 | GEN 31:15 | Hindi ba itinuring niya tayo bilang mga dayuhan? Sapagkat ipinagbili niya tayo at tuluyang inubos ang ating pera. |
900 | GEN 31:26 | Sinabi ni Laban kay Jacob, “Ano ang ginawa mo, na nilinlang mo ako at tinangay ang aking mga anak na babae na parang mga bilanggo sa digmaan? |
910 | GEN 31:36 | Nagalit si Jacob at nakipagtalo kay Laban. Sinabi niya sa kanya, “Ano ba ang atraso ko? Ano ba ang kasalanan ko, na pinag-iinitan mo akong habulin? |
911 | GEN 31:37 | Hinanapan mo na ang lahat ng aking ari-arian. Anong natagpuan mong iyong mga pansambahayang bagay? Ilagay ang mga iyon dito sa harap ng ating mga kamag-anak, upang humatol sila sa pagitan nating dalawa. |
917 | GEN 31:43 | Sumagot si Laban kay Jacob. ''Ang mga anak na babae ay aking mga anak na babae, ang mga apo ay aking mga apo, ang mga kawan ay aking mga kawan. Lahat ng nakita mo ay akin. Ngunit ano ba ang gagawin ko ngayon sa aking mga anak na babae at sa magiging anak nila na kanilang isinilang? |
946 | GEN 32:18 | Inutusan niya ang unang lingkod, na nagsasabing, “Kapag salubungin kayo ng aking kapatid at tanungin kayo, na nagsasabing, 'Kanino kayo nabibilang? Saan kayo pupunta? At kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?' |
976 | GEN 33:15 | Sinabi ni Esau, “Hayaan mong ipaiwan ko sa iyo ang ilan sa mga kasama kong tauhan.” Subalit sinabi ni Jacob, “Bakit mo gagawin iyan? Ang aking panginoon ay naging mabait nang sa akin.” |
1004 | GEN 34:23 | Hindi ba maaaring ang kanilang mga alagang hayop at ang kanilang ari-arian—lahat ng kanilang mga hayop ay magiging atin? Kaya makipagkasundo tayo sa kanila, at maninirahan sila kasama natin.” |
1092 | GEN 37:8 | Sinabi sa kanya ng kanyang mga kapatid, “Magiging hari ka ba talaga namin? Mamumuno ka sa amin? “Lalo siyang kinamuhian dahil sa kanyang mga panaginip at sa kanyang mga salita. |
1094 | GEN 37:10 | Sinabi niya ito sa kanyang ama pati sa kanyang mga kapatid, at pinagsabihan siya ng kanyang ama. Sinabi niya sa kanya, “Ano itong panaginip na napaginipan mo? Talaga bang lalapit ang iyong ina, ako at ang mga kapatid mo para yumuko sa iyo sa lupa?” |
1097 | GEN 37:13 | Sinabi ni Jacob kay Jose, “Hindi ba nagpapastol ng kawan ang iyong mga kapatid sa Sechem? Halika, at ipapadala kita sa kanila.” Sinabi ni Jose sa kanya, “Nakahanda ako.” |
1110 | GEN 37:26 | Sabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Anong pakinabang nito kung papatayin ang ating kapatid at pagtakpan ang kanyang dugo? |
1114 | GEN 37:30 | Bumalik siya sa kanyang mga kapatid at sinabi, “Nasaan na ang bata? At ako, saan ako paparoon?” |
1141 | GEN 38:21 | Pagkatapos nito ay tinanong ng Adullamita ang mga lalaki sa lugar, “Nasaan na ang kultong babaeng bayaran na nasa Enaim sa tabing daan? “Sinabi nila, wala namang kultong babaeng bayaran dito.” |
1181 | GEN 40:8 | Sinabi nila sa kanya, “Pareho kaming nanaginip ng isang panaginip at wala ni isa ang makapagpaliwanag nito.” Sinabi ni Jose sa kanila, “Hindi ba ang mga pagpapaliwanag ay nabibilang sa Diyos? Pakiusap, sabihin niyo sa akin.” |
1275 | GEN 42:22 | Sinagot sila ni Reuben, “Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala laban sa bata,' ngunit hindi kayo nakinig? Tingnan ninyo ngayon, ang kanyang dugo ay hinihingi sa atin.” |
1298 | GEN 43:7 | Sinabi nila, “Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, “Dalhin mo dito ang iyong kapatid?” |
1318 | GEN 43:27 | Tinanong niya sila tungkol sa kanilang kalagayan at nagsabing, “Mabuti ba ang kalagayan ng inyong ama, ang matanda na inyong binabanggit? Buhay pa ba siya?” |
1320 | GEN 43:29 | Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita si Benjamin ang kanyang kapatid na lalaki, ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing, “Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid mo na iyong binabanggit sa akin? Sinabi niya, “Ang Diyos ay maging maawain sa iyo, aking anak”. |
1329 | GEN 44:4 | Nang sila ay nakalabas sa lungsod subalit hindi pa nakakalayo, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala, “Tumayo ka, sundan mo ang mga lalaki, at kung maabutan mo sila, sabihin mo sa kanila, 'Bakit ninyo sinuklian ng kasamaan ang kabutihan? |
1330 | GEN 44:5 | Hindi ba ito ang baso mula sa iniinuman ng aking amo, at ang baso na ginagamit niya para sa kanyang panghuhula? Gumawa kayo ng masama, ang bagay na ito na inyong ginawa.”' |
1332 | GEN 44:7 | Sinabi nila sa kanya, “Bakit po sinasabi ng aking amo ang ganitong mga salita? Malayong gawin ng inyong mga lingkod ang bagay na iyan. |
1333 | GEN 44:8 | Tingnan ninyo, ang pera na nakita sa aming mga sako, ay muli naming dinala sa inyo sa labas ng lupain ng Canaan. Paano naman namin nanakawin mula sa tahanan ng inyong amo ang pilak o ginto? |
1340 | GEN 44:15 | Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano itong ginagawa ninyo? Hindi ba ninyo alam na ang lalaking tulad ko ay bihasa sa panghuhula?” |
1341 | GEN 44:16 | Sinabi ni Juda, “Ano ang maari naming sabihin sa inyo aming amo? O kaya, paano namin maipagtatanggol ang aming sarili? Nalaman ng Diyos ang kasalanan ng iyong mga lingkod. Tingnan ninyo, kami ay alipin na ng aming amo, kami at siyang nahanapan ng baso.” |
1344 | GEN 44:19 | Ang aking amo ay nagtanong sa kanyang mga lingkod, sinasabing, 'Mayroon pa ba kayong ama o kapatid? |
1359 | GEN 44:34 | Sapagkat paano ako makakabalik sa aking ama kung hindi ko kasama ang bata? Natatakot akong makita ang masamang mangyayari sa aking ama.” |
1436 | GEN 47:15 | Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, “Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi? |
1440 | GEN 47:19 | Bakit kami mamamatay sa harap ng iyong mga mata, kami at ang aming lupain? Bilhin mo kami at ang aming lupain kapalit ng pagkain, at kami at ang aming lupain ay magiging mga lingkod ni Paraon. Bigyan mo kami ng binhi para mabuhay kami at hindi mamatay, at ang aming lupain ay hindi mapababayan. |
1483 | GEN 49:9 | Si Juda ay isang batang leon. Anak ko, tapos ka na sa iyong mga biktima. Yumuko siya, yumukod siya katulad ng leon, katulad ng leona. Sino ang hahamon na gisingin siya? |
1526 | GEN 50:19 | Pero sinagot sila ni Jose, “Huwag kayong matakot. Nasa lugar ba ako ng Diyos? |
1569 | EXO 2:14 | Pero sinabi ng lalaki “Sino ang gumawa sa iyong pinuno at hatulan kami? Pinaplano mo ba akong patayin gaya ng iyong pagpatay sa taga-Ehipto?” Pagkatapos natakot si Moises at sinabing, “Anuman ang ginawa ko ay tiyak na nalaman ng iba.” |
1575 | EXO 2:20 | Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae, “Kaya nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya para makasabay natin siyang kumain.” |
1613 | EXO 4:11 | Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sino ba itong gumawa ng bibig ng tao? Sino bang gumawa sa taong pipi o bingi, nakakakita o bulag? Hindi ba ako, si Yahweh? |
1616 | EXO 4:14 | Pagkatapos nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi niya, “Ano kaya kung si Aaron, ang iyong kapatid na Levita? Alam ko na nakakapagsalita siya ng maayos. Bukod dito, paparating siya para makipagkita sa iyo, at kapag nakita ka niya, magsasaya ang kaniyang puso. |
1635 | EXO 5:2 | Sinabi ni Paraon, “Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel.” |
1637 | EXO 5:4 | Pero sinabi ng hari ng Ehipto sa kanila, “Moises at Aaron, bakit ninyo pinapaalis ang mga tao sa kanilang gawain? Bumalik kayo sa inyong gawain.” |
1648 | EXO 5:15 | Kaya pumunta ang mga Israelitang katiwala kay Paraon at tumawag sa kaniya. Sinabi nila, “Bakit sa ganitong paraan ang pakikitungo mo sa iyong mga lingkod? |
1655 | EXO 5:22 | Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabi, “Panginoon, bakit mo idinulot ang panganib sa mga taong ito? Bakit mo pala ako ipinadala? |
1737 | EXO 8:22 | Sinabi ni Moises, “Hindi tama sa amin na gawin iyan, dahil ang mga handog na aming ginagawa para kay Yahweh na aming Diyos ay karumal-dumal para sa mga taga Ehipto. Kapag gumawa kami ng pag-aalay na karumal-dumal sa paningin ng mga taga-Ehipto, hindi ba nila kami babatuhin? |
1781 | EXO 10:3 | Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin. |
1785 | EXO 10:7 | Sinabi ng mga lingkod ni Paraon sa kaniya, “Gaano ba katagal na magiging pahamak ang taong ito sa atin? Hayaan mo nang umalis ang mga Israelita para makasamba kay Yahweh na kanilang Diyos. Hindi mo pa ba napagtanto na wasak na ang Ehipto?” |
1901 | EXO 14:11 | Sinabi nila kay Moises, “Dahil wala na bang mapaglilibingan sa amin sa Ehipto kaya mo kami dinala sa ilang para dito mamatay? Bakit itinuring mo kami ng ganito, dinala mo kami palabas sa Ehipto? |
1902 | EXO 14:12 | Hindi ba ito ang sinabi namin sa iyo sa Ehipto? Sinabi namin sa iyo, 'Iwanan kami dito, para makapagtrabaho kami sa mga taga-Ehipto. Mas mabuti pa sa amin ang magtrabaho para sa kanila kaysa kami ay mamatay dito sa ilang.”' |
1905 | EXO 14:15 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Bakit ikaw, Moises, patuloy na tumatawag sa akin? Sabihan mo ang mga Israelita na magpatuloy sa pagsulong. |
1932 | EXO 15:11 | Sino ang katulad mo, Yahweh, sa mga diyos? Sino ang katulad mo, maluwalhati sa kabanalan, sa mga pagpupuri pinaparangalan, na gumagawa ng mga himala? |
1956 | EXO 16:8 | Sinabi rin ni Moises, “Malalaman ninyo ito kapag binigyan kayo ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana—dahil narinig niya ang mga reklamo na sinabi ninyo laban sa kanya. Sino ba si Aaron at ako? Ang inyong mga reklamo ay hindi laban sa amin; ang mga iyon ay laban kay Yahweh.” |
1976 | EXO 16:28 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gaano katagal kayong tatangging sundin ang aking mga kautusan at mga batas? |
1987 | EXO 17:3 | Labis na nauuhaw ang mga tao, at nagreklamo laban kay Moises. Sinabi nila, “Bakit dinala mo kami palabas sa Ehipto? Para patayin kami at ang aming mga anak pati mga baka sa pagkauhaw?” |
1988 | EXO 17:4 | Kaya dumaing si Moises kay Yahweh, “Ano ba ang dapat kong gawin sa mga taong ito? Halos handa na silang batuhin ako.” |
2014 | EXO 18:14 | Nang nakita ni Jetro ang lahat ng ginawa ni Moises para sa bayan, sinabi niya, “Ano ba itong ginawa mo sa bayan? Bakit nauupo kang mag-isa at ang lahat ng tao ay nakatayo na nakapalibot sa iyo mula umaga hanggang gabi?” |
2141 | EXO 22:26 | dahil iyon lamang ang kaniyang tanging pantakip; ito ay ang kaniyang damit para sa kaniyang katawan. Ano pa ang kaniyang ipangtutulog? Kapag tumawag siya sa akin, pakikinggan ko siya, dahil ako ay mahabagin. |
2450 | EXO 32:11 | Pero sinubukang huminahon ni Moises si Yahweh na kaniyang Diyos. Sinabi niya, “Yahweh, bakit ang inyong galit ay sumiklab laban sa iyong bayan, na nagdala palabas sa lupain ng Ehipto na may dakilang kapangyarihan at may malakas na kamay? |
2451 | EXO 32:12 | Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, “Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan. |
2490 | EXO 33:16 | Dahil kung hindi, paano malalaman na ako ay nakatagpo ng pabor sa iyong paningin, ako at ang inyong bayan? Hindi ba nararapat lamang na sumama ka sa amin para ako at ang iyong bayan ay maiba mula sa lahat ng ibang bayan na nasa ibabaw ng mundo? |
2995 | LEV 10:17 | “Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan? |
3490 | LEV 25:20 | Maaaring sabihin ninyo, “Anong kakainin namin sa panahon ng ikapitong taon? Masdan, hindi kami makakapagtanim o makakapagtipon ng bunga.” |
4029 | NUM 11:4 | Ilang dayuhan ang nagsimulang magkampo kasama ang mga kaapu-apuhan ng Israel. Gusto nilang kumain ng masasarap na pagkain. Pagkatapos nagsimulang umiyak ang mga tao ng Israel at sinabi, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne na kakainin? |
4036 | NUM 11:11 | Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Bakit mo pinakitunguhan ang iyong lingkod ng masama? Bakit hindi ka nasisiyahan sa akin? Ipinapasan mo sa akin ang pasanin ng lahat ng taong ito. Ipinagbuntis ko ba ang lahat ng mga taong ito? |
4037 | NUM 11:12 | Ako ba ang nagsilang sa kanila upang sabihin mo sa akin, 'Dalhin mo sila sa iyong kandungan tulad ng pagdadala ng isang ama sa isang sanggol?' Kailangan ko ba silang dalhin sa lupain na iyong ipinangako sa kanilang mga ninuno upang ibigay sa kanila? |
4038 | NUM 11:13 | Saan ako makakahanap ng karne na ibibigay ko sa lahat ng taong ito? Umiiyak sila sa aking harapan at sinasabin, 'Bigyan mo kami ng karneng kakainin.' |
4043 | NUM 11:18 | Sabihin mo sa mga tao, 'Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh bukas. Tunay na kakakain kayo ng karne, sapagkat umiyak kayo sa pandinig ni Yahweh. Sinabi ninyo, “Sino ang magbibigay sa atin ng karne upang ating kainin? Naging mabuti ito para sa atin sa Ehipto.” Kaya bibigyan kayo ni Yahweh ng karne, at kakainin ninyo ito. |
4047 | NUM 11:22 | Papatay ba kami ng kawan ng mga tupa at kawan ng mga baka upang magkasya sa kanila? Huhulihin ba namin ang lahat ng isda sa karagatan upang magkasya sa kanila?'' |
4048 | NUM 11:23 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Maiksi ba ang kamay ko? Ngayon makikita mo kung totoo ang aking salita.'' |
4054 | NUM 11:29 | Sinabi ni Moises sa kaniya, “Naninibugho ka ba para sa kapakanan ko? Nais kong lahat ng tao ni Yahweh ay mga propeta at ilagay niya ang kaniyang Espiritu sa kanilang lahat!'' |
4062 | NUM 12:2 | Sinabi nila, “Kay Moises lamang ba nagsalita si Yahweh? Hindi rin ba siya nagsalita sa amin?” Ngayon narinig ni Yahweh kung ano ang kanilang sinabi. |
4095 | NUM 13:19 | Tingnan kung anong uri ng lupain ang kanilang tinitirhan. Ito ba ay maganda o hindi? Anong klase ng mga lungsod ang naroon? Tulad ba ito ng mga kampo o ang mga ito ba ay pinatibay na lungsod? |
4112 | NUM 14:3 | Bakit tayo dinala ni Yahweh sa lupaing ito upang mamatay sa pamamagitan ng espada? Ang ating mga asawa at mga maliliit na anak ay magiging mga biktima. Hindi ba mas mabuti para sa atin na bumalik sa Ehipto?” |