Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   Word—Word    February 25, 2023 at 01:20    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

210  GEN 9:4  Subalit hindi ninyo dapat kainin ang karneng may buhay pa—iyon ay ang dugo nito—na narito.
403  GEN 17:5  Ang pangalan mo ay magiging Abraham, at hindi na Abram—dahil itinalaga kita na maging ama ng napakamaraming bansa.
564  GEN 22:16  at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak,
635  GEN 24:43  narito ako, nakatayo sa gilid ng bukal ng tubig—hayaang ang babaing lumabas para sumalok ng tubig, ang babaing sasabihan kong, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting tubig mula sa iyong pitsel upang inumin,”
672  GEN 25:13  Ang mga ito ay ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunud ng kapanganakan: Nebayot—ang panganay ni Ismael, Kedar, Abdeel, Mibsam,
817  GEN 29:21  Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban, “Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya!”
1047  GEN 36:6  Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, mga anak na lalaki, mga anak na babae, lahat ng mga kabilang sa kanyang sambahayan, kanyang mga alagang hayop—lahat ng kanyang mga hayop, at lahat ng kanyang mga ari-arian, na tinipon niya sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.
1178  GEN 40:5  Pareho silang nanaginip ng isang panaginip—ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto na nakakulong sa bilangguan—bawat isa ay may sariling panaginip sa parehong gabi, at bawat panaginip ay mayroong sariling paliwanag.
1406  GEN 46:19  ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Raquel na kanyang asawa—sina Jose and Benjamin.
1481  GEN 49:7  Nawa sumpain ang kanilang galit, dahil ito ay mabagsik—at ang kanilang matinding galit, dahil ito ay malupit. Hahatiin ko sila kay Jacob at ikakalat ko sila sa Israel.
1493  GEN 49:19  Si Gad—lulusubin siya ng mga mananalakay, pero sasalakay siya sa kanilang mga sakong.
1610  EXO 4:8  Sinabi ni Yahweh, “Kung hindi sila maniniwala sa iyo—kung hindi nila bibigyang pansin ang unang palatandaan ng aking kapangyarihan o maniniwala dito, pagkatapos paniniwalaan nila ang ikalawang palatandaan.
1671  EXO 6:15  Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, si Jamin, si Ohad, si Jachin, si Zohar, at si Shaul—ang anak na lalaki sa isang babaeng Cananeo. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Simeon.
1762  EXO 9:19  Kaya ngayon, magpadala ka ng mga lalaki at ipunin sa ligtas na lugar ang iyong mga baka at ang lahat ng mayroon ka sa iyong bukid sa ligtas na lugar. Ang bawat tao at hayop na nasa bukid at hindi dinala sa bahay—babagsak sa kanila ang ulang may yelo, at mamamatay sila.”'”
1881  EXO 13:13  Kailangan mong bilhin pabalik ang bawat unang ipinanganak na asno kasama ang isang tupa. Kapag hindi mo ito bibilhin pabalik, dapat mong baliin ang leeg nito. Pero ang bawat panganay sa inyong mga lalaki sa lahat ng inyong mga anak na lalaki—kailangan ninyo silang bilhin pabalik.
1913  EXO 14:23  Tinugis sila ng mga taga-Ehipto. Pinuntahan sila sa gitna ng dagat—lahat ng mga kabayo ni Paraon, mga karwahe at mga nangangabayo.
1947  EXO 15:26  Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.”
1956  EXO 16:8  Sinabi rin ni Moises, “Malalaman ninyo ito kapag binigyan kayo ni Yahweh ng karne sa gabi at tinapay sa umaga na sagana—dahil narinig niya ang mga reklamo na sinabi ninyo laban sa kanya. Sino ba si Aaron at ako? Ang inyong mga reklamo ay hindi laban sa amin; ang mga iyon ay laban kay Yahweh.”
2231  EXO 25:35  Dapat may isang madahong paanan sa unang pares ng mga sanga—gawa bilang isang piraso na kasama nito, at ang isang madahong paanan sa ilalim ng pangalawang pares ng mga sanga—ginawa rin bilang isang piraso kasama nito. Sa parehong paraan dapat mayroong isang madahong paanan sa ilalim ng pangatlong pares ng mga sanga, ginawa bilang isang piraso na kasama nito. Ito ay dapat kapareho ng lahat ng anim na sanga na palabas mula sa ilawan.
2249  EXO 26:13  Dapat magkaroon ng isang kubit sa isang bahagi ng kurtina, at sa isang kubit din sa ibang bahaging kurtina—na ang naiwang haba ng toldang kurtina ay dapat lumaylay sa mga gilid ng tabernakulo sa isang gilid at sa kabilang gilid, para takpan ito.
2262  EXO 26:26  Dapat kang gumawa ng mga pahalang na haligi na yari sa akasyang kahoy—lima para sa mga tabla ng isang gilid ng tabernakulo,
2359  EXO 29:22  Dapat mong kunin ang mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamang-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay, at ang kanang hita—dahil ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin.
2386  EXO 30:3  Dapat mong balutin ang altar ng insenso sa purong ginto—ang tuktok nito, ang mga gilid nito, at ang mga sungay nito. Dapat kang gumawa ng isang hangganang ginto sa palibot para dito.
2417  EXO 30:34  Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kumuha ng mga pampalasa—estacte, onycha, at galbano—matamis na mga pampalasa kasama ng purong kamanyang, ang bawat isa ay magsindami.
2565  EXO 35:33  gayundin ang pagputol at paglagay ng mga bato at pag-ukit sa kahoy—sa paggawa ng lahat ng uri ng disenyo at gawaing pansining.
2598  EXO 36:31  Gumawa si Bezalel ng pahalang na haligi na gawa sa kahoy ng akasya—lima para sa mga tabla sa isang gilid ng tabernakulo,
2621  EXO 37:16  Gumawa siya ng mga bagay na dapat nasa mesa—ang mga pinggan, mga kutsara, ang mga mangkok at mga pitsel na gagamitin para ibuhos ang mga handog. Ginawa niya ang mga ito ng purong ginto.
2623  EXO 37:18  Anim na mga sanga ang pinahaba mula sa gilid nito—tatlong mga sanga ang pinahaba sa isang gilid at tatlong sanga ng ilawan ang pinahaba mula sa kabilang gilid.
2626  EXO 37:21  Mayroong madahong tuntungan sa ilalim ng unang pares ng mga sanga—ginawang isang piraso ito, at isang madahong tuntungan sa pangalawang pares ng mga sanga—ginawa ring isang piraso ito. Sa parehong paraan ay mayroong madahong tuntungan sa ilalim ng pangatlong pares ng mga sanga, ginawang isang piraso ito. Magkatulad ito sa lahat ng anim na mga sangang pinahaba mula sa ilawan.
2631  EXO 37:26  Binalutan niya ang altar ng insenso ng purong ginto—ang ibabaw, mga gilid nito, at mga sungay nito. Gumawa rin siya ng nakapalibot na gintong hangganan para dito.
2635  EXO 38:1  Gumawa si Bezalel ng altar para sa mga handog na susunugin sa kahoy ng akasya. Iyon ay limang kubit ang haba at limang kubit ang lapad—isang parisukat—at tatlong kubit ang taas.
2637  EXO 38:3  Ginawa niya ang lahat na kagamitan para sa altar—palayok para sa mga abo, mga pala, mga palanggana, mga tinidor ng karne, at mga lalagyan ng apoy. Ginawa niya ang lahat ng kagamitang ito sa tanso.
2658  EXO 38:24  Ang lahat ng ginto na ginamit para sa proyekto, sa lahat ng trabaho na karugtong sa banal na lugar—ang ginto na mula sa handog na tinanghal—ay dalawampu't siyam na talento at 730 sekel, sinukat ng pamantayan ng sekel ng santuwaryo.
2691  EXO 39:26  isang kampanilya at isang prutas na granada, isang kampanilya at isang prutas na granada—sa gilid ng balabal para kay Aaron na paglilingkuran niya. Ito ay ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises.
2783  LEV 3:4  at ang dalawang bato at ang tabang nasa mga puson, at ang taba ng atay, kasama ang mga bato—aalisin niya ang lahat ng ito.
2808  LEV 4:12  ang lahat ng natirang bahagi ng toro—bibitbitin niya ang lahat ng bahaging ito sa labas ng kampo sa isang lugar na nilinis nila para sa akin, kung saan nila binubuhos ang mga abo; susunugin nila ang mga bahaging iyon doon sa kahoy. Dapat nilang sunugin ang mga bahaging iyon kung saan nila binubuhos ang mga abo.
2839  LEV 5:8  Dapat niyang dalhin ang mga ito sa pari, na ihahandog ang isa para sa isang handog para sa kasalanan—pipilipitin niya ang ulo nito mula sa leeg pero hindi niya tuluyang tatanggalin ito mula sa katawan.
2846  LEV 5:15  “Kung sinuman ay lumabag sa isang utos at nagkasala laban sa mga bagay na pagmamay-ari ni Yahweh, ngunit nagawa nang hindi sinasadya, kung gayon dapat dalhin niya kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad kasalanan. Dapat isang lalaking tupa na walang dungis mula sa kawan ang handog na ito; dapat tasahin ang halaga nito sa pilak na sekel—ang sekel ng santuwaryo—bilang handog na pambayad sa kasalanan.
2884  LEV 7:4  ang dalawang bato at ang taba na nasa mga ito, na kasunod sa mga puson, at ang bumalot sa atay, kasama ang mga bato—dapat tanggalin ang lahat ng ito.
2900  LEV 7:20  Subalit, ang taong marumi na kumain sa anumang karne mula sa alay ng isang handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh—dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.
2901  LEV 7:21  Kung sinuman ang makahahawak ng anumang bagay na marumi—kahit ang taong walang kalinisan, o hayop na hindi malinis, o alin mang hindi malinis at nakapandidiring bagay, at kung kinain niya ang ilan sa karne na isang alay na handog para sa kapayapaan na pag-aari ni Yahweh, dapat itiwalag ang taong iyon mula sa kaniyang mga kababayan.”'
2913  LEV 7:33  Ang pari, isa sa mga kaapu-apuhan ni Aaron, ang naghandog ng dugo ng mga handog para sa kapayapaan at ang taba—magkakaroon siya ng kanang hita bilang kaniyang bahagi sa handog.
2992  LEV 10:14  Ang dibdib na itinaas bilang handog at ang hita na idinulog kay Yahweh—ang mga ito ay dapat ninyong kainin sa isang malinis na lugar na katanggap-tanggap sa Diyos. Dapat kainin mo at ng iyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ang mga bahaging iyon, dahil ibinigay ang mga iyon bilang iyong bahagi at bahagi ng iyong mga anak na lalaki mula sa mga alay ng handog sa pagtitipon-tipon ng bayan ng Israel.
2993  LEV 10:15  Ang hita na isang handog na inialay kay Yahweh at ang dibdib na bahagi na itinaas bilang isang handog—dapat nilang dalhin ang mga iyon kasama ng mga handog na taba na ginawa sa pamamagitan ng apoy, para itaas ang mga ito at idulog bilang isang handog kay Yahweh. Magiging sa iyo at sa iyong mga anak na lalaki na kasama mo ang mga ito bilang isang bahagi magpakailanman ayon sa iniutos ni Yahweh.”
3008  LEV 11:10  Ngunit lahat ng mga nabubuhay na nilikha na walang mga palikpik at kaliskis na nasa karagatan o mga ilog, kasama ang lahat ng mga gumagalaw na nasa tubig at lahat ng mga nabubuhay na nilikha na nasa tubig—maging kasuklam-suklam ang mga ito para sa inyo.
3040  LEV 11:42  Anumang gumagapang gamit ang kanilang tiyan at anumang lumalakad gamit ang kanilang apat na paa o anumang may maraming paa—ang lahat ng mga hayop na gumagapang sa lupa, hindi ninyo dapat kainin ang mga ito, dahil sila ay kinasusuklaman.
3111  LEV 13:58  Ang kasuotan o anumang bagay na hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang bagay na gawa sa balat—kung lalabhan mo ang bagay at ang amag ay mawala, kung gayon ang bagay ay kailangang malabhan sa ikalawang pagkakataon, at ito ay magiging malinis.
3203  LEV 16:1  Nakipagusap si Yahweh kay Moises—pagkatapos ito ng kamatayan ng dalawang anak na lalaki ni Aaron, kung saan lumapit sila kay Yahweh at namatay.
3303  LEV 19:21  Dapat dalhin ng lalaking iyon ang kanyang handog na pambayad ng kasalanan kay Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagtitipon—isang lalaking tupa bilang isang alay na pambayad ng kasalanan.
3329  LEV 20:10  Ang taong gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng ibang lalaki, iyon ay, sinumang gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng kanyang kapitbahay—ang nakikiapid na lalaki at ang nakikiapid na babae ay tiyak na kapwa papatayin.
3336  LEV 20:17  Kung sumiping ang isang lalaki sa kanyang kapatid na babae, alinman sa anak na babae ng kanyang ama o alinman sa anak na babae ng kanyang ina—kung sumiping siya sa babae at ang babae sa kanya, ito ay isang kahiya-hiyang bagay. Dapat silang alisin mula sa presensiya ng kanyang mga tao, dahil sumiping siya sa kanyang kapatid na babae. Dapat niyang dalhin ang kanyang kasalanan.
3566  LEV 26:41  na nagdulot sa akin upang talikuran sila at ibigay sila sa lupain ng kanilang mga kaaway—kung magpapakumbaba ang kanilang hindi pa tuli na mga puso, at kung tatanggapin nila ang kaparusahan ng kanilang mga kasalanan,
3597  LEV 27:26  Pero ang unang anak ng mga hayop ay nabibilang na kay Yahweh at walang tao ang maaaring maglaan nito—maging lalaking baka o tupa—sapagkat ito ay nabibilang kay Yahweh.
3719  NUM 3:26  Dapat nilang ingatan ang mga tabing sa patyo, ang kurtina sa pasukan ng patyo—ang patyo na nakapalibot sa santuwaryo at ang altar. Dapat nilang ingatan ang mga lubid ng tolda ng pagpupulong at para sa lahat ng bagay na nasa loob nito.
3986  NUM 9:20  Minsan nananatili ang ulap ng kaunting araw sa tabernakulo. Sa panahong iyon, susundin nila ang utos ni Yahweh—magkakampo sila at maglalakbay muli sa kaniyang utos.
4070  NUM 12:10  Pumaitaas ang ulap mula sa ibabaw ng tolda, at biglang naging ketongin si Miriam—pumuti siya kagaya ng niyebe. Nang lumingon si Aaron kay Miriam, nakita niya na nagkaroon siya ng ketong.
4131  NUM 14:22  lahat ng mga taong iyon na nakakita ng aking kaluwalhatian at sa mga palatandaan ng aking kapangyarihang ginawa ko sa Ehipto at sa ilang—tinutukso pa rin nila ako ng sampung beses at hindi nakinig sa aking tinig.
4143  NUM 14:34  Tulad ng bilang ng mga araw na sinuri ninyo ang lupain—apatnapung araw, dapat din ninyong dalhin ang bunga ng inyong mga kasalanan sa loob ng apatnapung taon—isang taon sa bawat araw at dapat ninyong malaman kung ano ang katulad ng maging aking kaaway.
4157  NUM 15:3  at kapag maghandog kayo ng isang handog sa pamamagitan ng apoy para sa kaniya—maging isang alay na susunugin, o isang alay para sa isang panata o isang kusang handog, o isang handog sa inyong mga pagdiriwang, upang magdulot ng isang mabangong halimuyak para kay Yahweh mula sa kawan o pangkat ng hayop—
4235  NUM 17:5  upang maging isang paalala sa mga tao ng Israel, na ang mga nagmula lamang kay Aaron ang maaaring pumuntang magsunog ng insenso sa harap ni Yahweh, para hindi sila magiging katulad ni Korah at ng kaniyang pangkat—gaya ng iniutos ni Yahweh sa pamamagitan ni Moises.
4267  NUM 18:9  Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki.
4270  NUM 18:12  Lahat ng mainam na langis, lahat ng mainam na bagong alak at butil, ang unang mga prutas na ibinigay ng mga tao sa akin—lahat ng mga ito ay ibinibigay ko sa inyo.
4282  NUM 18:24  Sapagkat ang mga ikapu ng mga tao ng Israel, na kanilang inialay bilang handog para sa akin—ito ang mga ibinibigay ko sa mga Levita bilang kanilang mana. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila, 'Hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.'”
4303  NUM 19:13  Sinumang humipo sa isang patay na tao, ang katawan ng taong namatay, at hindi niya nilinis ang kaniyang sarili—dinudungisan ng taong ito ang tabernakulo ni Yahweh. Dapat itiwalag ang taong iyon mula sa Israel dahil hindi naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan. Mananatili siyang marumi; mananatili sa kaniya ang kaniyang pagkamarumi.
4306  NUM 19:16  Katulad nang sinumang nasa labas ng tolda na humipo sa isang taong pinatay gamit ang isang espada, anumang bangkay, buto ng tao, o isang puntod—magiging marumi ang taong iyon sa loob ng pitong araw.
4310  NUM 19:20  Ngunit ang sinumang mananatiling marumi, na tumatangging magpalinis ng kaniyang sarili—ititiwalag ang taong iyon mula sa sambayanan—dahil dinungisan niya ang santuwaryo ni Yahweh. Hindi pa naiwisik sa kaniya ang tubig para sa karumihan; mananatili siyang marumi.
4582  NUM 28:3  Dapat mo ring sabihin sa kanila, 'Ito ang alay na ipinaraan sa apoy na dapat mong ihandog kay Yahweh—mga lalaking tupa na isang taong gulang na walang kapintasan, dalawa bawat araw, bilang isang karaniwang alay na susunugin.
4660  NUM 30:11  At kung gumawa ng panata ang isang babaeng nasa pamilya ng kaniyang asawa—kung ibigkis niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pangakong may panunumpa,
4661  NUM 30:12  at marinig ito ng kaniyang asawa ngunit walang sasabihin sa kaniya—kung hindi niya ipapawalang bisa ang kaniyang panata, dapat ipatupad ang lahat ng panata niya. Ipapatupad ang bawat pangako kung saan ibinigkis niya ang kaniyang sarili.
4666  NUM 30:17  Ito ang mga batas na inutos ni Yahweh na ipahayag ni Moises—mga batas sa pagitan ng isang lalaki at kaniyang asawa at sa pagitan ng ama at kaniyang anak na babae kapag nasa kabataan siya sa pamilya ng kaniyang ama.
4685  NUM 31:19  Dapat kayong magkampo sa labas ng kampo ng Israel sa loob ng pitong araw. Lahat kayong nakapatay ng sinuman o nakahawak ng anumang patay na tao—dapat gawing dalisay ang inyong sarili sa ikatlo at ikapitong araw—kayo at ang mga bihag ninyo.
4696  NUM 31:30  Gayundin mula sa bahagi ng mga tao ng Israel, dapat kayong kumuha ng isa sa bawat limampu—mula sa mga tao, baka, asno, tupa, at kambing. Ibigay ninyo ang mga ito sa mga Levitang nangangalaga ng aking tabernakulo.”
4718  NUM 31:52  Lahat ng ginto sa handog na ibinigay nila kay Yahweh—ang mga handog mula sa mga pinuno ng libu-libo, at mula sa mga kapitan ng daan-daan—ay tumitimbang ng 16, 750 siklo.
4758  NUM 32:38  Nebo, Baal Meon—na pinalitan kalaunan ang kanilang mga pangalan, at Sibma. Nagbigay sila ng ibang mga pangalan sa mga lungsod na kanilang muling itinayo.
4882  NUM 36:1  Pagkatapos, ang mga pinuno ng mga pamilya ng kanilang ninuno sa angkan na itinatag ni Galaad na anak ni Maquir na anak ni Manases—ang mga pinuno ng mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Jose ay lumapit at nagasalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga pinunong pangulo ng mga pamilya ng mga ninuno ng mga tao ng Israel.
4901  DEU 1:7  Umikot at maglakbay kayo at pumunta sa maburol na bansa ng mga Amoreo at sa lahat ng mga lugar na malapit doon sa patag na lambak ng Ilog Jordan, sa maburol na bansa, sa mababang lupain, sa Negev at sa baybayin—sa lupain ng mga Cananeo, at sa Lebanon hanggang sa malaking ilog ng Eufrates.
4902  DEU 1:8  Masdan ito, inilagay ko ang lupain sa harapan ninyo; pumaroon at angkinin ang lupaing ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama—kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob—para ibigay sa kanila at sa kanilang mga kaapu-apuhang susunod sa kanila.'
4933  DEU 1:39  Bukod dito, ang inyong mga maliliit na bata, na inyong sinasabing magiging mga biktima, na sa araw na ito ay walang kaalaman sa kung ano ang mabuti at masama—sila ay makakapasok doon. Ibibigay ko ito sa kanila at sila ang aangkin nito.
4960  DEU 2:20  (Itinuring din iyon na maging isang lupain ng Refaim. Ang Refaim ay dating nanirahan doon—pero tinawag sila ng mga Ammonita na Zamzumim—
4963  DEU 2:23  At ang taga-Awim, na nanirahan sa mga nayon hanggang sa layo ng Gaza—ang taga-Caftor na lumabas sa Caftor, ay winasak sila at nanirahan sa kanilang lugar.)
4977  DEU 2:37  Doon lamang sa lupain ng mga kaapu-apuhan ni Ammon kayo hindi pumunta, pati sa lahat ng mga gilid ng Ilog Jabbok, at mga lungsod ng maburol na bansa—saan man tayo pinagbawalan ni Yahweh na ating Diyos na puntahan.
4981  DEU 3:4  Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang panahong iyon; walang ni isang lungsod ang hindi natin kinuha mula sa kanila: animnapung mga lungsod—lahat ng rehiyon ng Argob, ang kaharian ni Og sa Bashan.
4989  DEU 3:12  Ang lupaing ito na ating kinuhang pag-aari nang panahong iyon—mula sa Aroer, na nasa lambak ng Arnon, at kalahati ng burol na bayan ng Galaad, at mga lungsod nito—ibinigay ko sa lipi ni Ruben at sa lipi ni Gad.
4993  DEU 3:16  Sa mga lipi ni Ruben at sa lipi ni Gad ibinigay ko ang teritoryo mula Galaad sa lambak ng Arnon—ang kalagitnaan ng lambak ay ang hangganan ng teritoryo—at sa Ilog Jabok, na hangganan ng mga kaapu-apuhan ni Ammon.
5003  DEU 3:26  Pero galit sa akin si Yahweh dahil sa inyo; hindi siya nakinig sa akin. Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hayaang maging sapat ito para sa iyo—huwag nang magsalita sa akin tungkol sa bagay na ito:
5025  DEU 4:19  Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
5078  DEU 5:23  Nangyari ito, nang marinig ninyo ang boses mula sa gitna ng kadiliman, habang nasusunog ang bundok, dumating kayo sa akin—lahat ng iyong mga nakatatanda at ang mga pinuno ng inyong mga lipi.
5108  DEU 6:20  Kung tatanungin kayo ng inyong mga anak pagdating ng panahon, sa pagsasabing, 'Anong ibig sabihin sa mga bagay na ito—ang tipan ng mga kautusan, ang mga batas, at ang ibang mga kautusan na iniutos ni Yahweh na ating Diyos?'
5268  DEU 12:26  Pero ang mga bagay na nabibilang kay Yahweh na mayroon kayo at ang mga handog para sa inyong mga panata—kukunin ninyo ang mga ito at pupunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh.
5272  DEU 12:30  bigyan pansin ang inyong sarili na hindi kayo mabibitag sa pagsunod sa kanila, pagkatapos silang mawasak mula sa harapan ninyo—mabitag sa pagsisiyasat sa kanilang mga diyos, sa pagtatanong, 'Paano sumasamba ang mga bansang ito sa kanilang mga diyus-diyosan? Ganoon din ang gagawin ko.'
5273  DEU 12:31  Hindi ninyo iyan gagawin sa paggalang kay Yahweh na inyong Diyos, dahil ang lahat ng bagay na kasuklam-suklam kay Yahweh, ang mga bagay na kinasusuklaman niya—ginawa nila ang mga ito sa kanilang diyus-diyosan; sinunog nila kahit pa ang kanilang mga anak na lalaki at kanilang mga anak na babae sa apoy para sa kanilang mga diyus-diyosan.
5342  DEU 15:21  Kung ito ay may anumang kapintasan—halimbawa, kung ito ay pilay o bulag, o mayroon kahit anong kapintasan—hindi ninyo dapat ito ialay kay Yahweh na inyong Diyos.
5369  DEU 17:3  sinuman ang mawala at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan at lumuhod sa kanila, kahit na ang araw, ang buwan o anumang nasa langit—na wala sa aking sinabi
5370  DEU 17:4  at kung sinabi sa iyo ang tungkol dito o kung maririnig mo ito—pagkatapos ay dapat kang gumawa ng isang maingat na pagsusuri. Kung totoo at tiyak ito na isang kasuklam-suklam na bagay na natapos gawin sa Israel—
5374  DEU 17:8  Kung magkaroon ng napakahirap na bagay sa iyo sa paghatol—marahil ang isang katanungan ng pagpatay o aksidenteng kamatayan, ng karapatan ng isang tao at karapatan ng ibang tao o isang natatanging katanungan na masakit na nagawa o ibang uri ng bagay—mga bagay na pagtatalo sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod, pagkatapos dapat kayong umakyat doon sa lugar na pinili ni Yahweh na inyong Diyos bilang kaniyang santuwaryo.
5378  DEU 17:12  Sinuman sa inyo ang nagmamayabang, sa hindi pakikinig sa pari na tumatayo para magsilbi sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos, o sa hindi nakikinig sa hukom—ang taong iyon ay mamamatay; aalisin ninyo ang masama mula sa Israel.
5417  DEU 19:9  kung pananatilihin ninyo ang lahat ng mga utos na ito para gawin ang mga ito, na inuutos ko sa inyo ngayon—mga utos na ibigin si Yahweh na inyong Diyos at lumakad palagi sa kaniyang mga kaparaanan, sa gayon dapat kayong magdagdag ng tatlo pang lungsod para sa inyong sarili, bukod sa tatlong ito.
5452  DEU 21:3  At ang lungsod na pinakamalapit sa taong pinatay—dapat kumuha ang mga nakatatanda nito ng isang dumalagang baka mula sa mga hayop, isa na hindi pa pinagtrabaho, na hindi pa nalagyan ng pamatok.
5464  DEU 21:15  Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, isang minamahal at isang kinasusuklaman, at pareho silang may mga anak sa kaniya— pareho sa minamahal na asawa at ang kinasusuklamang asawa—kung ang panganay na lalaking anak ay sa nasa kinasusuklaman,
5521  DEU 23:20  Hindi dapat kayo magpahiram ng may tubo sa kapwa ninyo Israelita—tubo sa pera, tubo sa pagkain, o tubo sa kahit na anong pinapahiram na may tubo.