Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb       February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

20117  JER 46:3  Ihanda ninyo ang mga maliliit at mga malalaking kalasag, at sumugod sa labanan.
20118  JER 46:4  Isingkaw ninyo ang mga kabayong lalaki at sakyan ninyo ang mga ito, kayong mga mangangabayo. Humanay kayo, kasama ang inyong mga helmet na nasa inyong mga ulo. Hasain ninyo ang mga sibat at isuot ang inyong mga baluti.
20119  JER 46:5  Ano ang aking nakikita rito? Napuno sila ng matinding takot at tumatakbo palayo, sapagkat natalo ang kanilang mga kawal. Tumatakbo sila upang makaligtas at hindi lumilingon. Ang matinding takot ay nasa lahat ng dako—ito ang pahayag ni Yahweh—
20122  JER 46:8  Bumabangon ang Egipto tulad ng Nilo, at iniitsa pataas at pababa ang tubig nito tulad ng mga ilog. Sinasabi nito, 'Babangon ako, tatakpan ko ang lupa. Wawasakin ko ang mga lungsod at ang mga naninirahan sa mga ito.
20128  JER 46:14  “Iulat ninyo sa Egipto at hayaang mabalitaan sa Migdol at sa Memfis. Sa Tafnes, sinabi nila, 'Lumugar kayo at tumindig, sapagkat nilalamon ng espada ang lahat ng nasa paligid ninyo.
20142  JER 46:28  Ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot—Ito ang pahayag ni Yahweh—sapagkat kasama mo ako, kaya magdadala ako ng ganap na pagkawasak laban sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit hindi kita lubusang wawasakin. Gayon pa man, makatarungan kitang didisiplinahin at tiyak na hindi kita iiwang hindi napaparusahan.'”
20147  JER 47:5  Makakalbo ang Gaza. Sa Ashkelon naman, patatahimikin ang mga taong naiwan sa kanilang mga lambak. Gaano katagal ninyong susugatin ang inyong mga sarili sa pagluluksa? 
20441  LAM 3:18  Kaya sinabi ko, “Ang aking tatag ay nawala na at ang aking pag-asa kay Yahweh ay naubos na.”
20447  LAM 3:24  “Si Yahweh ay aking mana,” sinabi ko sa aking sarili, kaya aasa ako sa kaniya.
20464  LAM 3:41  Itaas natin ang ating mga puso at mga kamay sa Diyos sa kalangitan at manalangin:
20476  LAM 3:53  Sinira nila sa balon ang buhay ko at sa ibabaw ko ay naglagay ng isang bato.
20482  LAM 3:59  Yahweh, nakita mo ang kanilang pang-aapi sa akin. Hatulan mo nang makatarungan ang aking usapin.
20483  LAM 3:60  Nakita mo ang lahat kanilang mga kilos ng paghihiganti, lahat ng kanilang binabalak laban sa akin.
22177  HOS 2:5  Kung hindi, huhubaran ko siya at ipapakita ang kaniyang kahubaran gaya sa araw ng kaniyang pagkasilang. Gagawin ko siyang tulad ng ilang, tulad ng isang tigang na lupa at papatayin ko siya sa uhaw.
22180  HOS 2:8  Kaya gagawa ako ng bakod ng mga tinik upang harangan ang kaniyang daraanan. Gagawa ako ng pader laban sa kaniya upang hindi niya makita ang kaniyang daraanan.
22181  HOS 2:9  Hahabulin niya ang kaniyang mga mangingibig, ngunit hindi niya sila maaabutan. Hahanapin niya sila, ngunit hindi niya sila matatagpuan. Pagkatapos, sasabihin niya, “Babalik ako sa aking unang asawa, sapagkat mas mabuti para sa akin noon kaysa ngayon.”
22183  HOS 2:11  Kaya babawiin ko ang kaniyang butil sa panahon ng anihan at ang aking bagong alak sa kapanahunan nito. Babawiin ko ang aking lana at lino na ginamit upang takpan ang kaniyang kahubaran.
22184  HOS 2:12  Pagkatapos, huhubaran ko siya sa harapan ng kaniyang mga mangingibig, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay.
22187  HOS 2:15  Paparusahan ko siya dahil sa mga araw ng pista ng mga Baal, nang nagsunog siya ng insenso sa kanila, nang pinalamutian niya ang kaniyang sarili ng kaniyang mga singsing at alahas, at sinundan niya ang kaniyang mga mangingibig at nilimot ako.” Ito ang pahayag ni Yahweh.
22189  HOS 2:17  Ibabalik ko sa kaniya ang kaniyang mga ubasan, at ang lambak ng Achor bilang pintuan ng pag-asa. Sasagot siya sa akin doon gaya ng ginawa niya sa panahon ng kaniyang kabataan, gaya sa panahon nang lumabas siya sa lupain ng Egipto.
22193  HOS 2:21  Ipapangako kong magiging asawa mo ako magpakailanman. Ipapangako kong magiging asawa mo ako sa katuwiran, sa katarungan, sa katapatan sa kasunduan at sa kahabagan.
22197  HOS 2:25  Itatanim ko siya sa lupain para sa akin, at kahahabagan ko si Lo-ruhama. Sasabihin ko kay Lo-Ammi, 'Ikaw si Ammi Attah,' at sasabihin niya sa akin, 'Ikaw ang aking Diyos.'”