Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   !    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

195  GEN 8:11  Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo.
215  GEN 9:9  “Samantala ako, makinig kayo! Itatatag ko ang kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhang susunod sa inyo,
273  GEN 11:6  Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila.
362  GEN 15:1  Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.”
416  GEN 17:18  Sinabi pa ni Abraham sa Diyos, “Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan!
450  GEN 18:25  Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?”
452  GEN 18:27  Sumagot si Abraham at sinabi, “Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon, kahit na alikabok at abo lamang ako!
456  GEN 18:31  Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.”
467  GEN 19:9  Sabi nila, “Tumabi ka!Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
475  GEN 19:17  Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
476  GEN 19:18  Sinabi ni Lot sa kanila.” Hindi, pakiusap aking mga panginoon!
480  GEN 19:22  Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito.
521  GEN 21:7  Sinabi rin niya, “Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magaalaga ng mga anak, at gayunpaman nagsilang ako sa kanya ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan!
549  GEN 22:1  Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito na sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya, “Abraham!Sumagot si Abraham, “Narito ako.”
559  GEN 22:11  Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!at sinabi niya, “Narito ako.”
598  GEN 24:6  Sinabi ni Abraham sa kanya, “Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!
655  GEN 24:63  Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!
689  GEN 25:30  Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo ako niyang mapulang nilaga. Pakiusap, ako ay pagod!Kaya iyon ang dahilan na ang kanyang pangalan ay tinawag na Edom.
791  GEN 28:17  Natakot siya at nagsabi, “Nakakikilabot naman ang lugar na ito! Ito ay walang iba kundi ang tahanan ng Diyos. Ito ang tarangkahan ng langit.”
817  GEN 29:21  Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban, “Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya!
821  GEN 29:25  Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?”
842  GEN 30:11  Sinabi ni Lea, “Ito ay napakapalad!Kaya siya ay pinangalanan niyang Gad.
844  GEN 30:13  Sinabi ni Lea, “Masaya ako! Dahil ang mga anak na babae ay tatawagin akong masaya.” Kaya siya ay pinangalanan niyang Asher.
1149  GEN 38:29  nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!At pinangalanan siyang Perez.
1436  GEN 47:15  Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, “Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi?
1585  EXO 3:5  Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit! Hubarin mo ang sapatos sa iyong mga paa, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay lupang inilaan sa akin.”
1649  EXO 5:16  Wala nang dayaming binibigay sa iyong mga lingkod, pero sinasabi pa rin nila sa amin, 'Gumawa kayo ng mga laryo!' Kami, ang iyong mga lingkod, ay binubugbog maski ngayon, pero kagagawan ito ng sarili mong bayan.”
1650  EXO 5:17  Pero sinabi ni Paraon, “Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.'
1761  EXO 9:18  Makinig! Bukas sa ganito ring oras magdadala ako ng isang napakalakas na ulang may yelo, pangyayari na hindi pa nakikita sa Ehipto mula sa unang araw nito hanggang ngayon.
1789  EXO 10:11  Hindi! Lumakad kayo, ang mga lalaki lamang na nasa inyo at sambahin si Yahweh, dahil iyan ang gusto ninyo.” Pagkatapos pinaalis sina Moises at Aaron sa harapan ni Paraon.
1806  EXO 10:28  “Lumayo kayo sa akin! Mag-ingat sa isang bagay, nang hindi mo na ako muling makita, dahil sa araw na makita mo ang aking mukha, mamamatay ka.”
1815  EXO 11:8  Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.
3259  LEV 18:7  Huwag ninyong lapastanganin ang inyong ama sa pagsiping sa inyong ina. Siya ay inyong ina! Hindi ninyo siya dapat lapastanganin.
4054  NUM 11:29  Sinabi ni Moises sa kaniya, “Naninibugho ka ba para sa kapakanan ko? Nais kong lahat ng tao ni Yahweh ay mga propeta at ilagay niya ang kaniyang Espiritu sa kanilang lahat!''
4111  NUM 14:2  Pinuna ng lahat ng mga tao ng Israel sina Moises at Aaron. Sinabi ng buong sambayanan sa kanila, “Nais naming kami ay namatay na lang sa lupain ng Ehipto, o dito sa ilang!
4140  NUM 14:31  Ngunit ang inyong mga maliliit na anak na sinasabi ninyong magiging mga biktima, dadalhin ko sila sa lupain. Mararanasan nila ang lupaing inyong tinanggihan!
4205  NUM 16:10  Dinala niya kayo ng malapitan, at lahat ng inyong mga kamag-anak, ang mga kaapu-apuan ni Levi ay kasama ninyo, ngunit ninanasa din ninyo ang pagkapari!
4208  NUM 16:13  Ito ba ay isang maliit na bagay na dalhin mo kami sa isang lupain na dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, upang patayin kami sa ilang? Ngayon nais mong maging tagapangasiwa namin!
4229  NUM 16:34  Ang buong Israel na nakapalibot sa kanila ay tumakas mula sa kanilang hiyaw. Sinigaw nila, “Baka lamunin din tayo ng lupa!
4253  NUM 17:23  Sa sumunod na araw, pumunta si Moises sa toldang tipanan at, pagmasdan, ang tungkod ni Aaron para sa mga tribu ni Levi ay umusbong. Tumubo ang mga usbong at naglabas ng mga bulaklak at hinog na almonte!
4257  NUM 17:27  Nagsalita ang mga tao ng Israel kay Moises at sinabi, “Mamamatay kami rito. Malilipol kaming lahat!
4315  NUM 20:3  Nagreklamo ang mga tao laban kay Moises. Sinabi nila, “Mas mabuti pa ngang namatay nalang kami nang mamatay ang kasamahan naming mga Israelita sa harap ni Yahweh!
4370  NUM 21:29  Aba sa iyo, Moab! Napuksa ka, mga tao ng Cemos. Pinabihag niya ang kaniyang mga anak na lalaki at pinabilanggo niya ang kaniyang mga anak na babae kay Sihon na hari ng mga Amoreo.
4427  NUM 23:10  Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!
4440  NUM 23:23  Walang kulam ang tatalab laban kay Jacob, at walang panghuhula ang makakapinsala sa Israel. Sa halip, dapat itong sabihin tungkol kay Jacob at kay Israel, 'Tingnan mo kung ano ang ginawa ng Diyos!'
4452  NUM 24:5  Anong ganda ng iyong mga tolda, o Jacob, ang lugar na kung saan ka nakatira, Israel!
4470  NUM 24:23  Pagkatapos, sinimulan ni Balaam ang kaniyang pangwakas na propesiya. Sinabi niya, “Aba! Sino ang makakaligtas kapag ginawa ito ng Diyos?
4905  DEU 1:11  Nawa'y si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ay gawin kayong makalibo pa sa dami ninyo ngayon at pagpalain kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyo!
5084  DEU 5:29  O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!
5680  DEU 28:67  Sa umaga sasabihin ninyong, 'sana ay gabi na!' at sa gabi ay sasabihin ninyong, 'sana ay umaga na!' dahil sa takot sa inyong mga puso at sa mga bagay na kailangan makita ng inyong mga mata.
5789  DEU 32:29  O, na sila ay matatalino, na naunawaan nila ito, na isaalang-alang nila ang kanilang parating na kapalaran!
5839  DEU 33:27  Ang walang hanggang Diyos ay isang kublihan para sa kaniyang mga tao, at sa ilalim ay ang walang hanggang mga braso. Itutulak niya palabas ang kaaway mula sa harapan ninyo, at sasabihin niya, “Wasakin!
5841  DEU 33:29  Pinagpala kayo, Israel! Sino ang katulad ninyo, mga tao na iniligtas ni Yahweh, ang sanggalan ng inyong tulong, at ang espada ng inyong kaluwalhatian? Ang inyong mga kaaway ay darating na nanginginig sa inyo; tatapakan ninyo ang kanilang matataas na mga lugar.
5862  JOS 1:9  Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
5885  JOS 2:14  Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
5906  JOS 3:11  Tingnan ninyo! Ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong mundo ay mauunang itatawid sa inyo sa Jordan.
5967  JOS 6:16  Ito ay nasa ikapitong araw nang pinatunog nang malakas ng mga pari ang mga trumpeta, at iniutos ni Josue sa mga tao, “Sumigaw! Dahil ibinigay sa inyo ni Yahweh ang lungsod.
5985  JOS 7:7  Pagkatapos sinabi ni Josue, “Ah Panginoong Yahweh, bakit mo dinala ang bayang ito sa kabila ng Jordan? Para ibigay kami sa mga kamay ng mga Amoreo para lipulin kami? Kung gagawa lamang kami ng magkakaibang desisyon at manatili sa ibayong dako ng Jordan!
5986  JOS 7:8  Panginoon, ano ang maaari kong sabihin, pagkatapos tumakas ang mga Israel sa harapan ng kanilang mga kaaway!
5988  JOS 7:10  Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan?
5991  JOS 7:13  Bumangon ka! Ilaan ang bayan sa akin at sabihin sa kanila, 'Ilaan ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh para bukas. Dahil si Yahweh, ang Diyos ng Israel ay sinasabi, “Mayroong mga bagay na inilan para wasakin na nananatili sa inyo, Israel. Hindi kayo makakatayo laban sa inyong mga kaaway hanggang tanggalin ninyo mula sa inyo ang lahat ng bagay na ibinukod para wasakin.”
6072  JOS 10:6  Ang bayan ng Gabaon ay nagpadala ng isang mensahe kay Josue at sa mga hukbo sa Gilgal. Sinabi nila, “Magmadali kayo! Huwag ninyong alisin ang inyong mga kamay sa inyong mga alipin. Umakyat kayo rito ng mabilisan at iligtas kami. Tulungan ninyo kami, dahil ang lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa maburol na bansa ay nagtipon ng sama-sama para salakayin kami.”
6083  JOS 10:17  Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!
6199  JOS 14:10  Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako.
6439  JOS 22:11  Narinig ng bayan ng Israel ang tungkol dito at sinabi, “Tingnan mo! Nagtayo ng isang altar ang bayan ng Ruben, Gad at kalahating lipi ni Manases sa harap ng lupain ng Canaan, sa Gelilot, sa rehiyong malapit sa Jordan, sa tabi na pag-aari ng bayan ng Israel.”
6450  JOS 22:22  “Ang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! Ang Isang Makapangyarihan, Diyos, Yahweh! —Alam niya, at hayaang malaman ng Israel! Kung ito ay sa paghihimagsik o sa paglabag ng pananampalataya laban kay Yahweh, huwag kaming iligtas sa araw na ito
6452  JOS 22:24  Hindi! Ginawa namin iyon dahil sa takot na sa pagdating ng panahon ang inyong mga anak ay maaaring magsabi sa aming mga anak, “Ano ang kinalaman ninyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel?
6456  JOS 22:28  Kaya sinabi namin, 'Kung dapat itong sabihin sa amin o sa aming mga kaapu-apuhan sa panahon na darating, sasabihin naming, “Pagmasdan ninyo! Ito ang isang kopya ng altar ni Yahweh, na ginawa ng aming mga ninuno, hindi para sa mga handog na sinunog, ni para sa mga alay, pero bilang isang saksi sa pagitan namin at ninyo.”
6466  JOS 23:4  Masdan ninyo! Itinalaga ko sa inyo ang mga bansa na natira para sakupin bilang isang pamana para sa inyong mga lipi, kasama ang lahat ng mga bansang winasak ko na, mula sa Jordan patungo sa Malaking Dagat sa kanluran.
6615  JDG 4:14  Sinabi ni Debora kay Barak, “Humayo ka! Dahil ito ang araw na ibinigay sa iyo ni Yahweh ang tagumpay laban kay Sisera. Hindi ba pinangungunahan ka ni Yahweh?” Kaya bumaba si Barak mula sa Bundok Tabor na may sampung libong kalalakihang sumusunod sa kaniya.
6627  JDG 5:2  “Kapag nanguna ang mga pinuno sa Israel, kapag masayang nagkusa sumama ang mga tao para sa digmaan— pinupuri namin si Yahweh!
6628  JDG 5:3  Makinig sa akin, kayo mga hari! Magbigay pansin, kayong mga pinuno, ako ay aawit kay Yahweh; aawit ako ng mga papuri kay Yahweh, ang Diyos ng Israel.
6632  JDG 5:7  Walang mga manggagawa sa Israel, hanggang sa Ako, si Debora, ang nag-uutos— nag-uutos ang isang ina sa Israel!
6634  JDG 5:9  Nakikiisa ang aking puso sa mga namumuno ng Israel, kasama ang mga tao na masayang nagkusang loob— pinuri namin si Yahweh para sa kanila!
6637  JDG 5:12  Gising, gising, Debora! Gising, gising, umawit ng isang awitin! Bangon, Barak, at bihagin ang iyong mga bilanggo, ikaw anak ni Abinoam.
6646  JDG 5:21  Tinangay sila ng Ilog Kison palayo, ang matandang ilog na iyan, ang Ilog Kison. Magmartsa ka aking kaluluwa, maging matatag!
6648  JDG 5:23  'Isumpa ang Meroz!' sinasabi ng anghel ni Yahweh. 'Tiyaking isumpa ang mga nanirahan dito! — dahil hindi sila dumating para tulungan si Yahweh— para tulungan si Yahweh sa digmaan laban sa malakas na mga mandirigma.'
6656  JDG 5:31  Kaya nawa'y mamatay ang lahat inyong kaaway, Yahweh! Pero hayaan ang umibig sa kaniya na maging katulad ng araw kapag sumikat ito sa kaniyang lakas.” At may kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon.
6668  JDG 6:12  Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!
6678  JDG 6:22  Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, “O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!
6679  JDG 6:23  Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Sa iyo ang kapayapaan! Huwag kang matakot, hindi ka mamamatay.”
6705  JDG 7:9  Sa parehong gabing iyon sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Bangon! Lusubin ang kampo, dahil ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban dito.
6709  JDG 7:13  Nang dumating si Gideon doon, isang lalaki ang nagsasabi ng isang panaginip sa kaniyang kasama. Sinabi ng lalaki, “Tingnan mo! mayroon akong isang panaginip at nakita ko ang isang bilog na piraso ng tinapay na sebada ang gumugulong papunta sa kampo ng Midianita. Dumating ito sa tolda at tumama nang napalakas, bumagsak at natiwarik ito, kaya lumagapak ito.”
6711  JDG 7:15  Nang marinig ni Gideon ang muling pagsasalaysay ng panaginip at ang kahulugan nito, nagpatirapa siya sa pagsamba. Bumalik siya sa kampo ng Israel at sinabi, “Bumangon kayo! Binigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa mga hukbo ng Midian.”
6713  JDG 7:17  Sinabi niya sa kanila, “Tumingin kayo sa akin at sundin kung ano ang aking gagawin. Masdan ninyo! Kapag dumating ako sa dulo ng kampo, dapat ninyong gawin kung ano ang aking gagawin.
6714  JDG 7:18  Kapag hihipan ko ang trumpeta, ako at ang lahat ng aking kasama, sa gayon hihipan ninyo rin ang inyong mga trumpeta sa bawat sulok ng buong kampo at sumigaw, 'Para kay Yahweh at kay Gideon!'”
6724  JDG 8:3  Ibinigay ng Diyos sa inyo ang tagumpay laban sa mga prinsipe ng Midian—Oreb at Zeeb! Ano ba ang aking napagtagumpayan na maikukupara sa inyo?” Ang kanilang galit laban sa kaniya ay humupa sa sinabi niya.
6741  JDG 8:20  Sinabi niya kay Jeter (kaniyang panganay na anak), “Bumangon ka at patayin sila!Pero ang binata ay hindi bumunot ng kaniyang espada dahil takot siya, dahil siya ay bata pa lamang.
6742  JDG 8:21  Pagkatapos sinabi nina Zeba at Zalmunna, “Bumangon ka at patayin kami! Dahil gaya ng kung ano ang isang lalaki, ganoon din ang kaniyang lakas.” Bumangon si Gideon at pinatay sina Zeba at Zalmuna. Kinuha din niya ang gasuklay na hugis na mga palamuti, na nasa leeg ng kanilang mga kamelyo.
6784  JDG 9:28  Si Gaal anak ni Ebed ay nagsabing, “Sino si Abimelec, at sino si Shekem, na dapat natin siyang paglingkuran? hindi ba siya ang anak ni Jerub Baal? At hindi ba opisyal niya si Zebul? Paglingkuran ang mga kalalakihan ng Hamor, ama ng Shekem! Bakit kailangan natin siyang paglingkuran?
6785  JDG 9:29  Hiling kong ang mga taong ito ay nasa ilalim ng aking kautusan! Pagkatapos aalisin ko si Abimelec. Sasabihin ko kay Abimelec, 'Tawagin mo ang lahat ng iyong mga hukbo.'''
6792  JDG 9:36  Nang makita ni Gaal ang mga kalalakihan, sinabi niya kay Zebul, “Tingnan, bumababa ang mga kalalakihan mula sa tuktok ng mga burol!Sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nakikita mo ang mga anino sa mga burol na para bang sila ay mga lalaki.”
6841  JDG 11:10  Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!
6866  JDG 11:35  Nang makita niya ang kaniyang anak na babae, pinunit niya ang kaniyang mga damit at sinabi, “O! Aking anak! dinurog mo ako ng kalungkutan, at naging isa ka sa magdudulot sa akin ng sakit! Sapagkat gumawa ako ng isang panata kay Yahweh, at hindi ko na mababawi ang aking panata.”
6893  JDG 13:7  Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'”
6896  JDG 13:10  Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!
6904  JDG 13:18  Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan? Ito ay kahanga-hanga!
6908  JDG 13:22  Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!
6927  JDG 14:16  Nagsimulang umiyak ang asawa ni Samson sa kaniyang harapan; sinabi niya, “Lahat ng ginagawa mo ay galit sa akin! Hindi mo ako mahal. Nagsabi ka ng bugtong sa ilan kong mga kaibigan, pero hindi mo sinabi sa akin ang sagot.” Sinabi ni Samson sa kaniya, “Tumingin ka sa akin, kung hindi ko sinabi sa aking ama o sa aking ina, dapat ko bang sabihin sa iyo?”
6960  JDG 16:9  Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, “Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas.