249 | GEN 10:14 | ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites. |
339 | GEN 14:2 | na nakipagdigma sila laban kina Bera, hari ng Sodoma, Birsha, hari ng Gomorra, Shinab, hari ng Adma, Shemeber, hari ng Zeboim, at sa hari ng Bela (tinatawag ding Zoar). |
340 | GEN 14:3 | Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin). |
344 | GEN 14:7 | Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar. |
345 | GEN 14:8 | Pagkatapos lumabas at naghanda para sa digmaan ang hari ng Sodoma, ang hari ng Gomorra, ang hari ng Adma, ang hari ng Zeboim, at ang hari ng Bela (tinatawag ding Zoar), |
354 | GEN 14:17 | Matapos bumalik ni Abram mula sa pagtalo kina Kedorlaomer at sa mga hari na kasama niya, ang hari ng Sodoma ay lumabas para salubungin siya sa lambak ng Save (tinatawag ding Lambak ng Hari). |
478 | GEN 19:20 | Tingnan ninyo, ang lungsod banda roon ay malapit at maliit lamang para makatakas kayo. Pakiusap, hayaan ninyo akong makatakas doon (diba maliit lamang iyon?), at ang buhay ko ay maliligtas.” |
1018 | GEN 35:6 | Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya. |
1031 | GEN 35:19 | Namatay si Raquel at inilibing sa daan papunta sa Eprat (iyon ay, Betlehem). |
1039 | GEN 35:27 | Si Jacob ay pumunta kay Isaac, na kanyang ama, sa Mamre sa Kiriath Arba (pareho sa Hebron), kung saan nanirahan sina Abraham at Isaac. |
1042 | GEN 36:1 | Ito ang mga kaapu-apuhan ni Esau (tinatawag ding Edom). |
1399 | GEN 46:12 | mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul); |
1402 | GEN 46:15 | (ito ang mga anak na lalaki ni Lea na ipinanganak kay Jacob sa Paddan Aram, kabilang ang anak niyang babae na si Dina. Ang bilang ng lahat ng kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay tatlumpu't tatlo); |
1405 | GEN 46:18 | (ito ang mga anak na lalaki ni Zilpa, na ibinigay ni Laban sa kanyang anak na babae na si Lea. Ito ang mga ipinanganak niya kay Jacob— labing-anim lahat); |
1407 | GEN 46:20 | (sa Ehipto ipinanganak sina Manases at Efraim kay Jose at Asenath, anak na babae ni Potifera na pari ng On); |
1409 | GEN 46:22 | (ito ang mga anak na lalaki ni Raquel na ipinanganak kay Jacob. Ang mga taong ito ay labing-apat lahat); |
1412 | GEN 46:25 | (ito ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Bilha na ibinigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak na babae. Ang mga taong ito ay pito lahat. |
1459 | GEN 48:7 | Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem).” |
2396 | EXO 30:13 | Ang bawat isa na nabilang sa talaan ay magbabayad ng kalahating pilak na sekel, ayon sa timbang ng sekel ng santuwaryo (isang sekel ay kapareho ng dalawampung gera). Itong kalahating sekel ay magiging alay sa akin, si Yahweh. |
4134 | NUM 14:25 | (Ngayon nakatira ang mga Amalekita at mga Cananeo sa lambak.) Bukas lumiko kayo at pumunta sa ilang sa pamamagitan ng daan ng Dagat ng mga Tambo.” |
4520 | NUM 26:29 | Ito ang mga kaapu-apuhan ni Manases: kay Maquir, ang angkan ng mga Maquirita (si Maquir ang ama ni Galaad), kay Galaad, ang angkan ng mga Galaadita. |
4950 | DEU 2:10 | (Ang Emim ang dating nanirahan doon, isang lahing kasindakila gaya ng karamihan, at kasintaas gaya ng Anakim; |
4960 | DEU 2:20 | (Itinuring din iyon na maging isang lupain ng Refaim. Ang Refaim ay dating nanirahan doon—pero tinawag sila ng mga Ammonita na Zamzumim— |
4986 | DEU 3:9 | (ang Bundok Hermon na ang tawag ng mga Sidoneo ay Sirion, at ang mga Amoreo ay tinawag itong Senir); |
4988 | DEU 3:11 | (Para sa mga natira sa Refaim, tanging si Og na hari ng Bashan ang naiwan; tumingin kayo, sa kaniyang higaan ay isang higaang bakal; hindi ba ito sa Rabba, kung saan ang mga kaapu-apuhan ni Ammon naninirahan? Siyam na kubito ang haba nito at apat na kubit ang lawak, sa paraan ng pag-sukat ng mga tao.) |
4990 | DEU 3:13 | Ang ibang lupain sa Galaad at lahat ng Bashan, ang kaharian ni Og, ibinigay ko sa kalahati ng lipi ni Manases: lahat ng rehiyon ng Argob, at lahat ng Bashan. (Ang parehong teritoryo ay tinawag na lupain ng Refaim.) |
4994 | DEU 3:17 | Isa pa sa mga hangganan nito ay ang kapatagan din ng lambak ng Ilog Jordan, mula sa Cineret hanggang sa Dagat ng Araba (iyon ay, ang Dagat Asin), hanggang sa mga matarik na bundok ng Pisga na pasilangan. |
4996 | DEU 3:19 | Pero ang inyong mga asawa, mga maliliit na anak, at mga baka (alam ko na mayroon kayong maraming baka), ay mananatili sa lungsod na ibinigay ko sa inyo, |
5054 | DEU 4:48 | Itong kalupaan ay nagsimula sa Aroer, sa dulo ng lambak ng Arnon, tungo sa Bundok Sion (o Bundok Hermon), |
5060 | DEU 5:5 | (Tumayo ako sa pagitan ni Yahweh at sa inyo ng panahong iyon, para ihayag sa inyo ang kaniyang salita; dahil takot kayo dahil sa apoy, at hindi kayo umakyat sa bundok). Sinabi ni Yahweh, |
5194 | DEU 10:6 | (Naglakbay ang mga tao sa Israel mula Beerot Bene Jaakan patungong Mosera. Doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; si Eleazar na kaniyang anak na lalaki, ay naglingkod sa tanggapan ng pari kapalit niya. |
5325 | DEU 15:4 | Ganoon pa man, wala dapat sa inyo ang mahirap (sapagkat tiyak na pagpapalain kayo ni Yahweh sa lupain na ibibigay niya sa inyo bilang isang pamana para angkinin), |
5910 | JOS 3:15 | Sa sandaling sumapit na sa Jordan ang may dala ng kaban, at ang paa ng mga iyon na may dala ng kaban ay lumubog sa gilid ng tubig (ngayon umaapaw ang Jordan sa lahat ng pangpang sa buong panahon ng pag-ani), |
6119 | JOS 11:10 | Bumalik si Josue sa oras na iyon at binihag ang Hazor. Sinaksak niya ang hari gamit ang espada. (Naging pinuno ang Hazor ng lahat ng mga kahariang ito.) |
6135 | JOS 12:3 | Pinamunuan din ni Sihon ang Araba patungo sa Dagat ng Cinneret, sa silangan, patungo sa Dagat ng Araba (ang Dagat ng Asin) patungong silangan, hanggang sa Beth Jesimot at patungong timog, patungo sa paanan ng mga libis ng Bundok Pisga. |
6159 | JOS 13:3 | (mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites). |
6165 | JOS 13:9 | mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon; |
6187 | JOS 13:31 | kalahati ng Galaad, at Astarot at Edrei (ang mga maharlikang lungsod ng Og sa Basan). Ito ang mga itinalaga sa angkan ni Machir na anak na lalaki ni Manases—kalahati ng bayan ni Machir, na ibinigay sa bawat mga pamilya nila. |
6204 | JOS 14:15 | Ngayon, Kiriat Arba ang dating pangalan ng Hebron. (Si Arba ang pinakadakilang lalaki sa mga Anakim). Pagkatapos nagkaroon ng kapahingahan ang lupain mula sa digmaan. |
6210 | JOS 15:6 | Umahon ito sa Beth Hogla at dumaan patungong timog ng Beth Araba. Pagkatapos umahon ito sa Bato ng Bohan (si Bohan ang anak na lalaki ni Reuben). |
6212 | JOS 15:8 | Pagkatapos ang hangganang paahon sa lambak ng Ben Hinnom patungo sa bahaging timog ng lungsod ng Jebuseo (iyon ay, Jerusalem). Pagkatapos paahon ito sa tuktok ng kaburulan na nasa lambak ng Hinnom, sa kanluran, na nasa dulo ng hilagang parte ng lambak ng Rephaim. |
6213 | JOS 15:9 | Pagkatapos umabot sa hangganan mula sa tuktok ng mga burol papunta sa bukal ng Neptoa, at lumabas mula doon papunta sa mga lungsod ng Bundok Efron. Pagkatapos lumiko ang hangganan paikot sa Baala (pareho sa Kiriat Jearim). |
6214 | JOS 15:10 | Pagkatapos umikot ang hangganan sa kanluran ng Baala sa Bundok Seir, at dumaan sa gilid ng Bundok Jearim sa Hilaga (pareho sa Kesalon), bumaba sa Beth Shemes, at dumaan sa Timna. |
6217 | JOS 15:13 | Sa pagsunod ng utos ni Yahweh kay Josue, Binigyan ni Josue si Caleb na anak na lalaki ni Jepunne ng isang itinalagang lupain sa kalagitnaan ng lipi ng Juda, Kiriat, Arba, iyon ay Hebron. (Si Arba ang ama ni Anak.) |
6219 | JOS 15:15 | Umakyat siya mula doon laban sa mga naninirahan sa Debir (ang pangalang Debir ay karaniwang tinawag na Kiriat Seper). |
6229 | JOS 15:25 | Hazor Hadatta, Keriot Hezron (Ito rin ay kilala bilang Hazor), |
6240 | JOS 15:36 | Saaraim, Aditaim, at Gedera (ito ay Gederotaim). Ang mga ito ay labing-apat na lungsod sa bilang, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. |
6253 | JOS 15:49 | Danna, Kiriat Sanna (ito ay Debir), |
6258 | JOS 15:54 | Humta, Kiriat Arba (ito ay Hebron), at Zior. Ito ang siyam na lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. |
6264 | JOS 15:60 | Kiriat Baal, (ito ay Kiriat Jearim), at Rabba. Ito ang dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. |
6278 | JOS 17:1 | Ito ang lupaing itinalaga para sa lipi ng Manases (panganay na anak na lalaki ni Jose) —iyon ay, para kay Makir, na panganay ni Manases na siya mismong ama ng Galaad. Itinalaga ang lupain ng Galaad at Basan sa mga kaapu-apuhan ni Makir, dahil naging mandirigma si Makir. |
6285 | JOS 17:8 | (Ang lupain ng Tappua ay pag-aari ng Manases, pero ang bayan ng Tappua sa hangganan ng Manases ay pag-aari ng lipi ni Efraim.) |
6288 | JOS 17:11 | Gayundin sa Isacar at sa Aser, Inangkin ni Manases ang Beth San at nayon nito, Ibleam at nayo nito, ang mga maninirahan sa Dor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Endor at nayon nito, ang mga naninirahan sa Taanac at nayon nito, ang mga naninirahan sa Megiddo at nayon nito (at ang ikatlong lungsod ay Napet). |
6308 | JOS 18:13 | Mula roon dumaan ang hangganan sa timog sa dako ng Luz (parehong lugar tulad ng Betel). Pagkatapos bumaba ang hangganan sa Atarot Adar, sa tabi ng bundok na naroon sa timog ng Bet Horon. |
6309 | JOS 18:14 | Pagkatapos nagpatuloy ang hangganan sa ibang direksyon: sa dakong kanluran, lumiko ito patungong timog, patungo sa bundok sa ibayo mula sa Bet Horon. Nagtapos ang hangganang ito sa Kiriat Baal (iyon ay, Kiriat Jearim), isang lungsod na pag-aari sa lipi ni Juda. Bumuo ito ng hangganan sa dakong kanluran. |
6312 | JOS 18:17 | Lumiko ito pahilaga, papunta sa direksyon ng En Semes, at mula roon lumabas ito sa Gelilot, na kasalungat sa paakyat ng Adummim. Pagkatapos bumaba ito sa Bato ni Bohan (anak na lalaki ni Ruben si Bohan). |
6323 | JOS 18:28 | Zela, Haelep, Jebus (pareho sa Jerusalem), Gibea, at Kiriat. Mayroong labing-apat na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. Ito ang pamana ni Benjamin para sa kanilang mga angkan. |
6331 | JOS 19:8 | Kasama ang mga ito sa mga nayong nakapalibot sa mga lungsod na ito hanggang sa Baalat Beer (pareho gaya ng Rama sa Negev). Ito ang pamana ng lipi ni Simeon, na ibinigay sa kanilang mga angkan. |
6381 | JOS 20:7 | Kaya pinili ng mga Israelita ang Kades sa Galilea sa maburol na lugar ng Neftali, Secem sa maburol na lugar ng Efraim at ang Kiriat Arba (pareho gaya ng Hebron) sa bansang burol ni Juda. |
6394 | JOS 21:11 | Ibinigay ng mga Israelita sa kanila ang Kiriat Arba (si Arba ang naging ama ni Anak), ang parehong lugar gaya ng Hebron, sa maburol na lupain ng Juda, kasama ang mga lupang pastulan sa paligid nito. |
6521 | JDG 1:10 | Sumalakay ang Juda laban sa mga Cananeo na naninirahan sa Hebron (ang pangalan ng Hebron noong una ay Kiriat Arba), at tinalo nila si Sesai, Ahiman, at Talmai. |
6522 | JDG 1:11 | Mula roon sumalakay ang mga lalaki ng Juda laban sa mga naninirahan ng Debir (Kiriat Sefer ang dating pangalan ng Debir) |
6524 | JDG 1:13 | Si Otniel na anak na lalaki ni Kinaz (nakababatang kapatid ni Caleb) ay binihag ang Debir, kaya binigay ni Caleb si Acsa, ang kaniyang anak na babae, para maging asawa niya. |
6531 | JDG 1:20 | Ibinigay kay Caleb ang Hebron (gaya ng sinabi ni Moises), at pinalayas niya roon ang tatlong anak na lalaki ni Anak. |
6534 | JDG 1:23 | Nagpadala sila ng mga lalaki para magmanman sa Betel (ang lungsod na tinawag dating Luz). |
6543 | JDG 1:32 | Kaya naninirahan ang lipi ng Aser kasama ang mga Cananeo (ang mga nanirahan sa lupain), dahil sila'y hindi nila pinalayas. |
6544 | JDG 1:33 | Hindi pinalayas ng lipi ni Neftali ang mga naninirahan sa Bet-semes, o ang mga naninirahan sa Bet Anat. Kaya nanirahan ang lipi ni Neftali kasama ang mga Cananeo (ang mga taong naninirahan sa lupaing iyon). Gayunpaman, ang mga naninirahan sa Bet-semes at Bet Anat ay sapilitang pinagtrabaho ng mabigat para sa Neftali. |
6572 | JDG 3:2 | (ginawa niya ito para ituro ang pakikipagdigma sa bagong salinlahi ng mga Israelita na hindi pa nakakaalam nito noong una.): |
6579 | JDG 3:9 | Nang ang bayan ng Israel ay tumawag kay Yahweh, nagtalaga si Yahweh ng isang tao para tulungan ang bayan ng Israel, at siyang sasagip sa kanila: Si Otniel anak na lalaki ni Kenaz (Nakababatang kapatid na lalaki ni Caleb). |
6587 | JDG 3:17 | Ibinigay niya ang pugay na pambayad kay Haring Eglon ng Moab. (Ngayon si Eglon ay isang napakatabang tao.) |
6605 | JDG 4:4 | Ngayon si Debora, isang babaeng propeta (asawa ni Lappidot), ay isang nangungunang hukom sa Israel nang panahong iyon. |
6612 | JDG 4:11 | Ngayon hiniwalay ni Heber (ang Kenita) ang kaniyang sarili mula sa mga Kenita—sila ay mga kaapu-apuhan ni Hobab (biyenan ni Moises) —at nagtayo ng kaniyang tolda sa may kakahuyan ng Zaananim malapit sa Kedes. |
6622 | JDG 4:21 | Pagkatapos nagdala si Jael (ang asawa ni Heber) ng isang pakong kahoy ng tolda at martilyo sa kaniyang kamay at palihim na pumunta sa kaniya, dahil siya ay nasa mahimbing na pagtulog, at ipinukpok niya ang pakong kahoy sa tagiliran ng kaniyang ulo at ito ay tumusok patagos sa kaniya at bumaba sa lupa. At siya ay namatay. |
6631 | JDG 5:6 | Sa kapanahunan ni Shamgar (anak na lalaki ni Anat), sa kapanahunan ni Jael, napabayaan ang mga pangunahing kalsada, at ang mga lumalakad ay ginagamit lamang ang mga liko-likong daan. |
6649 | JDG 5:24 | Pinagpala si Jael higit sa lahat ng mga babae, si Jael (ang asawa ni Heber ang Cineo), mas pinagpala siya kaysa sa lahat ng ibang babaeng nanirahan sa mga tolda. |
6667 | JDG 6:11 | Ngayon ang anghel ni Yahweh ay dumating at umupo sa ilalim ng igos sa Ofra, na pag-aari ni Joas (ang Abiezrita), habang si Gideon, anak na lalaki ni Joas, ay hinihiwalay ang trigo sa pamamagitan ng paghampas nito sa sahig, sa pigaan ng ubas—para itago ito mula sa mga Midianita. |
6697 | JDG 7:1 | Pagkatapos si Jerub Baal (iyon ay, si Gideon) bumangon nang maaga at lahat ng mga taong kasama niya at nagkampo sila sa tabi ng bukal ng Harod. Ang kampo ng Midian ay nasa hilaga nila sa lambak na malapit sa burol ng More. |
6710 | JDG 7:14 | Sinabi ng ibang lalaki, “Walang iba ito kundi ang espada ni Gideon (anak na lalaki ni Joas), ang Israelita. Binigyan siya ng Diyos ng tagumpay laban sa Midian at sa lahat ng kanilang mga hukbo.” |
6741 | JDG 8:20 | Sinabi niya kay Jeter (kaniyang panganay na anak), “Bumangon ka at patayin sila!” Pero ang binata ay hindi bumunot ng kaniyang espada dahil takot siya, dahil siya ay bata pa lamang. |
6745 | JDG 8:24 | Sinabi ni Gideon sa kanila, “Hayaan mo akong gumawa ng isang kahilingan sa inyo: ang bawat isa sa inyo ay magbibigay sa akin ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob.” (Ang mga Midianita ay may mga gintong hikaw dahil sila ay mga Ishmaelita). |
6756 | JDG 8:35 | Hindi nila tinupad ang kanilang pangako sa bahay ni Jerub Baal (ang ibang pangalan ni Gideon), kapalit ng lahat ng kabutihan na ginawa niya sa Israel. |
6877 | JDG 12:6 | Sa ganun sasabihin nila sa kaniya, “Sabihing: “Shibolet.” At kung sinabi niyang “Sibolet” (dahil hindi niya mabigkas ang salita ng tama), huhulihin at papatayin siya ng mga taga-Galaad sa tawiran ng Jordan. Apatnapu't dalawang libong taga-Efraim ang namatay sa panahong iyon. |
6902 | JDG 13:16 | Sinabi ng anghel ni Yahweh kay Manoa, “Kahit na manatili ako, hindi ko kakainin ang iyong pagkain. Pero kung maghahanda ka ng isang handog na susunugin, ihandog ito kay Yahweh.” (Hindi alam ni Manoa na siya ang anghel ni Yahweh.) |
6915 | JDG 14:4 | Pero hindi alam ng kaniyang ama at ina na ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh, dahil ninais niyang magkaroon ng alitan ang mga Palestino (sapagkat sa panahon na iyon ang mga Palestino ang namumuno sa Israel). |
7036 | JDG 19:10 | Pero hindi na ninanais ng Levita na magpalipas pa ng gabi. Bumangon siya at umalis. Pumunta siya patungong Jebus (iyon ay Jerusalem). Mayroon siyang isang pares ng mga sasakyang asno —at kasama niya ang kaniyang isa pang asawa. |
7123 | JDG 21:19 | Kaya sinabi nila, “Alam ninyong may isang pista para kay Yahweh sa bawat taon sa Silo (na nasa hilaga ng Betel, silangan ng daan na nagdudugtong mula sa Betel hanggang Sechem, at timog ng Lebona).” |
7402 | 1SA 9:9 | (Dati sa Israel, kapag hahanapin ng isang tao ang kaalaman ng kalooban ng Diyos, sinasabi niya, “Halika, pumunta tayo sa manghuhula.” Dahil ang propeta ngayon ay dating tinatawag na manghuhula.) |
7420 | 1SA 9:27 | Habang patungo sila sa dakong labas ng lungsod, sinabi ni Samuel kay Saul, “Sabihan mo ang lingkod na mauna sa atin (at nauna siya), ngunit dapat kang manatili rito sandali, upang maipahayag ko ang pasabi ng Diyos sa iyo.” |
7513 | 1SA 14:3 | kasama si Ahias anak na lalaki ni Ahitob (kapatid na lalaki ni Icabod) anak na lalaki ni Pinehas na anak na lalaki ni Eli, ang pari ni Yahweh sa Shilo, na nakasuot ng isang epod. Hindi alam ng mga tao na nawala si Jonatan. |
7941 | 1SA 27:8 | Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo) |
8125 | 2SA 4:2 | Ngayon ang lalaking anak ni Saul ay mayroong dalawang tauhan na mga kapitan ng mga pangkat sundalo. Baana ang pangalan ng isa at Recab ang isa, mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot na mga tao ni Benjamin (dahil ang Beerot ay itinuring na bahagi ng Benjamin, |
8266 | 2SA 11:4 | Nagpadala si David ng mga sugo at siya ay ipinakuha; nagtungo ang babae sa kaniya, at sinipingan siya ni David (kakatapos lamang niyang gawing dalisay ang kaniyang sarili mula sa pagreregla). Pagkatapos bumalik siya sa kaniyang bahay. |
8494 | 2SA 18:13 | Kung inilagay ko sa panganib ang aking buhay sa pamamagitan ng isang kasinungalingan (at walang makukubli mula sa hari), pinabayaan mo nalang sana ako.” |
8857 | 1KI 4:10 | si Ben-hessed, para sa Arubot (sa kaniyang pag-aari ang Socoh at ang buong lupain ng Hefer) |
8858 | 1KI 4:11 | Si Ben-abinadab, para sa lahat ng distrito ng Dor (asawa niya si Tafath, ang anak na babae ni Solomon); |
8860 | 1KI 4:13 | Si Ben-geber ang sa Ramot-Gilead. (sa kaniyang pag-aari ang mga bayan ni Jair, anak ni Manases, na nasa Galaad, at ang rehiyon ng Argob ay pag-aari niya, na nasa Bashan, animnapung malalaking mga lungsod na may mga pader at mga tansong rehas na tarangkahan); |
8862 | 1KI 4:15 | Si Ahimaaz, para sa Neftali (pinakasalan niya rin si Basemat na anak na babae ni Solomon); |
9143 | 1KI 11:32 | (subalit magkakaroon si Solomon ng isang lipi, alang-alang sa lingkod kong si David at alang-alang sa Jerusalem, ang lungsod na aking pinili mula sa lahat ng lipi ng Israel), |
9156 | 1KI 12:2 | Ito ay nangyari nang marinig ito ni Jeroboam anak ni Nebat (dahil siya ay nasa Ehipto pa, kung saan siya ay tumakas mula sa kinaroroonan ni Haring Solomon; Si Jeroboam ay nanirahan sa Ehipto). |
9521 | 1KI 22:38 | Hinugasan nila ang karwaheng pandigma sa paliguan ng Samaria, at ang mga aso ay dinilaan ang kaniyang dugo (Ito ay kung saan naliligo ang mga babaeng bayaran), gaya ng inihayag na salita ni Yahweh. |