11 | GEN 1:11 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri.” At nagkagayon nga. |
99 | GEN 4:19 | Si Lamec ay kumuha ng dalawang asawa para sa kanyang sarili: ang pangalan ng isa ay si Ada, at ang pangalan ng isa pa ay si Zilla. |
148 | GEN 6:10 | Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet. |
153 | GEN 6:15 | Ganito mo ito gagawin: tatlong daang kubit ang haba ng arka, limampung kubit ang luwag nito, at tatlumpung kubit ang taas nito. |
181 | GEN 7:21 | Namatay ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng mundo: ang mga ibon, ang mga alagang hayop, ang mga mababangis na hayop, lahat ng nagkukumpol na mga nilikha na nagkumpol sa ibabaw ng mundo, at lahat ng sangkatauhan. |
218 | GEN 9:12 | Sinabi ng Diyos, “Ito ang palatandaan ng kasunduang aking gagawin sa pagitan ko at ninyo at sa bawat nabubuhay na nilalang na kasama ninyo, sa lahat ng hinaharap na salinlahi: |
408 | GEN 17:10 | Ito ang aking tipan sa pagitan ko at sa pagitan mo at sa susunod mong mga kaapu-apuhan na dapat mong ingatan: Lahat ng lalaki sa inyo ay dapat matuli. |
509 | GEN 20:13 | Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na “'Kapatid ko siya.'''' |
524 | GEN 21:10 | Kaya sinabi niya kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng aliping ito kasama ang kanyang anak: dahil hindi magiging tagapagmana ang anak ng babaeng aliping iyan kasama ng anak kong si Isaac.” |
672 | GEN 25:13 | Ang mga ito ay ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunud ng kapanganakan: Nebayot—ang panganay ni Ismael, Kedar, Abdeel, Mibsam, |
676 | GEN 25:17 | Ang mga ito ay ang mga taon sa buhay ni Ismael, 137 na mga taon: inihinga niya ang kanyang huli at namatay, at natipon sa kanyang bayan. |
678 | GEN 25:19 | Ang mga ito ay ang mga pangyayari patungkol kay Isaac, na anak na lalaki ni Abraham: Si Abraham ang naging ama ni Isaac. |
933 | GEN 32:5 | Inutusan niya sila at sinabing, “Ito ang sasabihin ninyo sa aking panginoon na si Esau: “Ito ang sinasabi ng iyong alipin na si Jacob: 'Naninirahan ako kapiling ni Laban hanggang ngayon. |
942 | GEN 32:14 | Nanatili doon si Jacob sa gabing iyon. Kumuha siya ng ilan sa kung anong mayroon siya bilang regalo kay Esau, na kanyang kapatid: |
996 | GEN 34:15 | Sa kondisyong ito lamang kami makikipagkasundo sa inyo: kung magpapatuli kayo kagaya namin, kung ang bawat lalaki sa inyo ay tutuliin. |
1003 | GEN 34:22 | Sa ganitong kondisyon lamang papayag ang mga kalalakihan na manirahan kasama natin at tayo'y maging isang bayan: kung tutuliin ang bawat lalaki sa atin, tulad ng sila ay tuli. |
1043 | GEN 36:2 | Kinuha ni Esau ang kanyang mga asawa mula sa mga Cananeo. Ito ang mga asawa niya: Si Ada na anak na babae ni Elon na Heteo; si Aholibama na anak na babae ni Ana, na apong babae ni Zibeon na Hivita; |
1051 | GEN 36:10 | Ito ang mga pangalan ng mga lalaking anak ni Esau: Si Elifaz na lalaking anak ni Ada, asawa ni Esau; Si Reuel na lalaking anak ni Basemat, asawa ni Esau. |
1054 | GEN 36:13 | Ito ang mga lalaking anak ni Reuel: Sina Nahat, Zera, Shammah, at Miza. Ito ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau. |
1056 | GEN 36:15 | Ito ang mga angkan kasama sa mga kaapu-apuhan ni Esau: ang mga kaapu-apuhan ni Elifaz, na panganay na anak ni Esau: sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, |
1058 | GEN 36:17 | Ito ang mga angkang mula kay Reuel, anak ni Esau: sina Nahat, Zera, Shammah, Miza. Ito ang mga angkang mula kay Reuel sa lupain ng Edom. Sila ang mga lalaking apo ni Basemat, asawa ni Esau. |
1059 | GEN 36:18 | Ito ang mga angkan ni Aholibama, asawa ni Esau: sina Jeus, Jalam, Kora. Ito ang mga angkang nagmula sa asawa ni Esau na si Aholibama, babaeng anak ni Ana. |
1061 | GEN 36:20 | Ito ang mga lalaking anak ni Seir na Horeo, na mga naninirahan sa lupain: sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, |
1064 | GEN 36:23 | Ito ang mga lalaking anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at Onam. |
1065 | GEN 36:24 | Ito ang mga lalaking anak ni Zibeon: si Aya at Ana. Ito ang Ana na nakahanap sa mainit na bukal sa kagubatan, habang nagpapastol siya ng mga asno ni Zibeon na kanyang ama. |
1066 | GEN 36:25 | Ito ang mga anak ni Ana: Sina Dishon at Aholibama, na babaeng anak ni Ana. |
1067 | GEN 36:26 | Ito ang mga lalaking anak ni Dishon: Sina Hemdan, Esban, Itran, at Keran. |
1068 | GEN 36:27 | Ito ang mga lalaking anak ni Ezer: sina Bilhan, Zaavan, at Akan. |
1069 | GEN 36:28 | Ito ang mga lalaking anak ni Dishan: sina Uz at Aran. |
1070 | GEN 36:29 | Ito ang mga angkan ng mga Horeo: ang Lotan, Shobal, Zibeon, at Ana, |
1071 | GEN 36:30 | Dishon, Ezer, Dishan: ito ang mga angkan ng mga Horeo, ayon sa kanilang mga talaan ng angkan sa lupain ng Seir. |
1072 | GEN 36:31 | Ito ang mga hari na namahala sa lupain ng Edom bago pa man mamahala ang sinumang hari sa mga Israelita: |
1081 | GEN 36:40 | Ito ang mga pangalan ng mga pinuno ng mga angkang nagmula sa lahi ni Esau, ayon sa kanilang mga angkan at kanilang mga rehiyon, sa kanilang mga pangalan: sina Timna, Alva, Jetet, |
1093 | GEN 37:9 | Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.” |
1230 | GEN 41:34 | Hayaan si Paraon na gawin ito: hayaan siyang humirang ng mga tagapangasiwa sa lupain. Hayaan silang kumuha ng ikalima sa mga pananim ng Ehipto sa pitong saganang taon. |
1302 | GEN 43:11 | Sinabi ng kanilang ama na si Israel, “Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra. |
1375 | GEN 45:16 | Ang balita tungkol dito ay sinabi sa bahay ng Paraon: “Dumating ang mga lalaking kapatid ni Jose.” Ito ay labis na ikinalugod ng Paraon at ng kanyang mga lingkod. |
1376 | GEN 45:17 | Sinabi ng Paraon kay Jose, “Sabihin mo sa iyong mga lalaking kapatid, 'Gawin ito: lagyan ninyo ang inyong mga hayop at pumunta sa lupain ng Canaan. |
1382 | GEN 45:23 | Ito ang kanyang ipinadala para sa kanyang ama: Sampung mga asno na may kargang magandang mga kagamitan ng Ehipto, at sampung babaeng mga asno na may karga na mga butil, tinapay, at iba pang mga gamit para sa kanilang ama para sa paglalakbay. |
1395 | GEN 46:8 | Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak na lalaki: si Ruben, panganay na anak ni Jacob; |
1399 | GEN 46:12 | mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul); |
1400 | GEN 46:13 | Ang mga anak na lalaki ni Isacar: sina Tola, Pua, Job, at Simron; |
1401 | GEN 46:14 | Ang mga anak na lalaki ni Zabulun: sina Sered, Elon, at Jahleel |
1475 | GEN 49:1 | Pagkatapos tinawag ni Jacob ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi: “Magsama-sama kayo, para sabihin ko kung ano ang mangyayari sa inyo sa hinaharap. |
1534 | EXO 1:1 | Ito ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Israel na sumama kay Jacob sa Ehipto, bawat isa sa kanilang sambahayan ay: |
1544 | EXO 1:11 | Kaya naglagay sila ng mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila para apihin sila ng mabibigat na trabaho. Nagtayo ang mga Israelita ng lungsod imbakan para kay Paraon: Pitom at Rameses. |
1624 | EXO 4:22 | Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay, |
1634 | EXO 5:1 | Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.” |
1643 | EXO 5:10 | Kaya ang mga mahihigpit na tagapangasiwa at katiwala ay lumabas at pinaalam sa mga tao. Sinabi nila, ''Ito ang sinasabi ni Paraon: 'Hindi na ako kailanman magbibigay ng kahit anong dayami sa inyo. |
1703 | EXO 7:17 | Sinasabi ito ni Yahweh: “Sa pamamagitan nito ay makikilala mong ako si Yahweh. Hahampasin ko ang tubig ng Ilog Nilo ng tungkod na nasa kamay ko, at ang tubig ay magiging dugo. |
1712 | EXO 7:26 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo si Paraon at sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni 'Yahweh: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin. |
1718 | EXO 8:3 | Pero ang mga salamangkero ay gumawa ng katulad din nito gamit ang kanilang mga salamangka: nagdala rin sila ng mga palaka sa lupain ng Ehipto. |
1724 | EXO 8:9 | Ginawa ni Yahweh ang hiningi ni Moises: ang mga palaka ay namatay sa loob ng mga bahay, mga patyo, at sa mga parang. |
1728 | EXO 8:13 | Ginawa nila ito: Iniunat ni Aaron ang kaniyang kamay at ang kaniyang tungkod. Hinampas niya ang alikabok sa lupa. Dumating ang mga niknik sa mga tao at sa mga hayop. Lahat ng mga alikabok sa lupa ay naging niknik sa buong lupain ng Ehipto. |
1731 | EXO 8:16 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga at tumayo sa harapan ni Paraon habang siya ay papunta ng ilog. Sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni Yahweh: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin. |
1742 | EXO 8:27 | Ginawa ni Yahweh ang hiniling ni Moises: Inalis niya ang mga kuyog ng langaw mula kay Paraon, sa kaniyang mga lingkod, at sa kaniyang bayan. Wala ni isa ang natira. |
1744 | EXO 9:1 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”. |
1747 | EXO 9:4 | Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay. |
1749 | EXO 9:6 | Ito ang ginawa ni Yahweh sa sumunod na araw: namatay ang lahat ng mga baka sa Ehipto. Pero wala ni isa sa mga hayop ng mga Israelita ang namatay, wala ni isang hayop. |
1756 | EXO 9:13 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga, tumayo ka sa harapan ni Paraon, at sabihin sa kaniya, 'si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, sinasabi ito: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para maari silang sumamba sa akin. |
1759 | EXO 9:16 | Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan. |
1781 | EXO 10:3 | Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin. |
1811 | EXO 11:4 | Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi. |
1828 | EXO 12:11 | Ganito dapat kung paano ninyo ito kakainin: Suot ang inyong sinturon sa inyong baywang, ang inyong mga sapatos sa inyong paa, at inyong tungkod sa kamay. Kailangan ninyong kainin ito ng mabilisan. Ito ang Paskua ni Yahweh. |
1829 | EXO 12:12 | Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh. |
1860 | EXO 12:43 | Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ito ang mga alituntunin para sa Paskua: walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain na ito. |
1891 | EXO 14:1 | Kinausap ni Yahweh si Moises: |
1942 | EXO 15:21 | Inawit ni Miriam sa kanila: “Umawit kay Yahweh, dahil siya ay maluwalhating nagtagumpay. Itinapon niya sa dagat ang kabayo at ang kaniyang mangangabayo.” |
1964 | EXO 16:16 | Ito ang utos na ibinigay ni Yahweh sa inyo: 'Kayo ay dapat magtipon, bawat isa sa inyo, ng dami na kailangan ninyong kainin, isang omer sa bawat tao mula sa bilang ng inyong mga tao. Ganito ninyo titipunin iyon: Magtipon ng tama lang para kainin ng bawat taong naninirahan sa inyong tolda.'” |
1971 | EXO 16:23 | Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'” |
1980 | EXO 16:32 | Sinabi ni Moises, “Ito ang inutos ni Yahweh: 'Hayaang itago ang isang omer na manna para sa kabuuan ng salinlahi ng inyong bayan para ang inyong mga kaapu-apuhan ay maaring makita ang tinapay na pinakain ko sa inyo sa ilang, matapos na ilabas ko kayo mula sa lupain ng Ehipto.'” |
2030 | EXO 19:3 | Umakyat si Moises sa Diyos. Tinawag siya ni Yahweh mula sa bundok at sinabi, “Kailangan mong sabihin sa bahay ni Jacob, sa bayan ng Israel: |
2050 | EXO 19:23 | Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Hindi makakaakyat ang mga tao sa bundok, ito ang inutos mo sa amin: 'Maglagay ng mga hangganan sa palibot ng bundok at ihandog ito kay Yahweh.''' |
2053 | EXO 20:1 | Sinabi ng Diyos ang mga salitang ito: |
2074 | EXO 20:22 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: 'Nakita mo na nakipag-usap ako sa iyo mula sa langit. |
2079 | EXO 21:1 | “Ngayon ito ang mga kautusan na dapat mong igawad sa harapan nila: |
2199 | EXO 25:3 | Ito ang mga handog na dapat ninyong tanggapin mula sa kanila: ginto, pilak, at tanso; |
2406 | EXO 30:23 | “Kunin mo itong mga pinong pampalasa: limandaang sekel ng umaagos na mira, 250 sekel ng matamis na halimuyak na kanela, 250 sekel ng matamis na halimuyak na tubo, |
2434 | EXO 31:13 | “Sabihin mo sa mga Israelita: 'Dapat ninyong panatilihing tiyak ang mga Araw ng Pamamahinga ni Yahweh, dahil ito ang magiging tanda sa pagitan niya at sa inyo sa buong salinlahi ng iyong bayan kaya malalaman ninyo na siya ay si Yahweh, siyang nagtakda sa iyo para sa kaniya. |
2661 | EXO 38:27 | Isandaang talento ng pilak ay minolde para sa tuntungan ng banal na lugar at ang tuntungan ng mga kurtina: isandaan tuntungan, isang talento sa bawat tuntungan. |
2856 | LEV 5:25 | Pagkatapos dapat niya dalhin kay Yahweh ang kaniyang handog na pambayad para sa kasalanan: isang lalaking tupa mula sa kawan na walang dungis na nagkakahalaga ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad para sa kasalanan sa pari. |
2859 | LEV 6:2 | “Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar. |
2870 | LEV 6:13 | “Ito ang handog ni Aaron at ng kaniyang mga anak na lalaki, na kanilang ihahandog kay Yahweh sa araw na kung kailan papahiran ng langis ang bawat anak na lalaki: isang ikasampung bahagi ng isang ephah ng pinong harina bilang isang karaniwang handog na pagkaing butil, kalahati nito sa umaga at kalahati nito sa gabi. |
2875 | LEV 6:18 | “Kausapin mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, na nagsasabing, 'Ito ang batas ng handog para sa kasalanan: Dapat patayin ang handog para sa kasalanan sa lugar na kung saan pinatay ang handog na susunugin sa harap ni Yahweh. Ito ay pinakabanal. |
2883 | LEV 7:3 | Ihahandog ang lahat ng taba nito: ang taba ng buntot, ang taba na nasa panloob na mga bahagi, |
3003 | LEV 11:5 | Gayundin ang liebre na nakatira sa batuhan: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi rin ito para sa inyo. |
3004 | LEV 11:6 | At ang kuneho: dahil ngumunguya ito ng pagkain ngunit hindi hati ang kuko, marumi ito para sa inyo. |
3011 | LEV 11:13 | Ito ang mga ibong dapat ninyong kasuklaman at hindi dapat kainin: ang agila, ang buwitre. |
3027 | LEV 11:29 | Sa mga hayop na gumagapang sa lupa, ito ang mga hayop na magiging marumi para sa inyo: ang bubuwit, ang daga, bawat uri ng malalaking butiki, |
3217 | LEV 16:15 | Pagkatapos ay dapat niyang patayin ang kambing para sa handog para sa kasalanan na para sa mga tao at dalhin ang dugo nito sa loob ng kurtina. Doon dapat niyang gawin sa dugo katulad ng ginawa niya sa dugo ng toro: dapat niya itong iwisik sa takip ng luklukan ng awa at sa harapan ng takip ng luklukan ng awa. |
3238 | LEV 17:2 | Makipag usap kay Aaron at kanyang mga anak na lalaki, at sa lahat ng mamamayan ng Israel. Sabihin sa kanila kung ano ang inutos ni Yahweh: |
3347 | LEV 21:1 | Sinabi ni Yahweh kay Moises: “Nagsalita sa mga pari, ang mga anak na lalaki ni Aaron, at kanilang sinabi, 'Walang isa sa inyo ang gagawing hindi malinis ang kaniyang sarili para sa mga namatay sa kaniyang mga tao, |
3404 | LEV 23:1 | Kinausap ni Yahweh si Moises: |
3407 | LEV 23:4 | Ito ay ang mga itinalagang pista ni Yahweh, ang banal na mga pagpupulong na dapat ninyong ipahayag ayon sa kanilang itinalagang mga panahon: |
3466 | LEV 24:19 | Kapag sinugatan ng isang tao ang kaniyang kapit-bahay, dapat din gawin sa kaniya ang ginawa niya sa kanyang kapit-bahay: |
3541 | LEV 26:16 | —kung gagawin ninyo ang mga bagay na ito, ay gagawin ko ito sa inyo: pahihirapan ko kayo ng katakot-takot, sisirain ang mga mata at unti-unting uubusin ang inyong buhay ng mga sakit at lagnat. Magtatanim kayo ng inyong mga binhi para sa wala, dahil ang inyong mga kaaway ang kakain ng bunga ng mga ito. |
3610 | NUM 1:5 | Ito ang mga pangalan ng mga pinunong dapat makipaglaban na kasama mo: Mula sa tribu ni Ruben, si Elizur na anak na lalaki ni Sedeur; |
3720 | NUM 3:27 | Ang mga angkan na ito ay nagmula kay Kohat: ang angkan ng mga Amramita, ang angkan ng mga Izarita, ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzielita. Ang mga angkan na ito ay nabibilang sa mga Kohatita. |
3726 | NUM 3:33 | Dalawang angkan ang nagmula kay Merari: ang angkan ng mga Mahlita at ang angkan ng mga Musita. Ang mga angkan na ito ay nagmula kay Merari. |
3944 | NUM 8:4 | Ginawa ang patungan ng ilawan sa ganitong paraan: Ipinakita ni Yahweh kay Moises ang huwaran para rito: pinanday na ginto mula sa paanan hanggang sa itaas nito, kasama ang mga basong pinanday na parang mga bulaklak. |