Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   “    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

5  GEN 1:5  Tinawag ng Diyos ang liwanag na araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw.
6  GEN 1:6  Sinabi ng Diyos, Magkaroon ng puwang sa pagitan ng mga tubig, at hayaang ihiwalay nito ang tubig mula sa tubig.”
8  GEN 1:8  Tinawag ng Diyos ang puwang na langit.” Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw.
9  GEN 1:9  Sinabi ng Diyos, Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain.” At nagkagayon nga.
10  GEN 1:10  Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na lupa” at ang natipong tubig ay tinawag niyang dagat.” Nakita niyang ito ay kaaya-aya.
11  GEN 1:11  Sinabi ng Diyos, Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri.” At nagkagayon nga.
14  GEN 1:14  Sinabi ng Diyos, Hayaang magkaroon ng mga liwanag sa langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi. At hayaan silang maging mga palatandaan, para sa mga panahon, para sa mga araw at sa mga taon.
20  GEN 1:20  Sinabi ng Diyos, Hayaang mapuno ang katubigan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na ginawa ko, mapuno ang himpapawid ng mga ibong lumilipad sa ibabaw ng lupa. ”
22  GEN 1:22  Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo.
24  GEN 1:24  Sinabi ng Diyos, Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang, bawat isa ayon sa kanyang sariling uri, mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo, bawat isa nito ayon sa kanyang sariling uri”. Nagkagayon nga.
26  GEN 1:26  Sinabi ng Diyos, Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo.
28  GEN 1:28  Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.”
29  GEN 1:29  Sinabi ng Diyos, Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy kasama ang bungang may buto sa loob nito. Sila ay magiging pagkain ninyo.
47  GEN 2:16  Inutusan ni Yahweh na Diyos ang lalaki, sinasabing, Mula sa bawat puno sa hardin ay malaya kang makakakain.
49  GEN 2:18  Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.”
54  GEN 2:23  Sinabi ng lalaki, Sa oras na ito, ito ang buto ng aking mga buto, at laman ng aking laman. Tatawagin siyang 'babae', dahil kinuha siya sa lalaki.”
57  GEN 3:1  Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, Talaga bang sinabi ng Diyos, Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?”
58  GEN 3:2  Sinabi ng babae sa ahas, Maaari naming kainin ang bunga mula sa mga puno ng hardin,
59  GEN 3:3  pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'”
60  GEN 3:4  Sinabi ng ahas sa babae, Tiyak na hindi kayo mamamatay.
65  GEN 3:9  Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, Nasaan ka?”
66  GEN 3:10  Sinabi ng lalaki, Narinig kita sa hardin, at natakot ako, dahil ako ay hubad. Kaya itinago ko ang aking sarili.”
67  GEN 3:11  Sinabi ng Diyos, Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?”
68  GEN 3:12  Sinabi ng lalaki, Ang babae na ibinigay mo sa akin, binigyan niya ako ng bunga mula sa puno at kinain ko ito.”
69  GEN 3:13  Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.”
70  GEN 3:14  Sinabi ni Yahweh na Diyos sa ahas, Dahil ginawa mo ito, sumpain ka sa lahat ng mga hayop at sa lahat ng mababangis na hayop sa bukid. Gagapang ka sa pamamagitan ng iyong tiyan at alikabok ang iyong kakainin sa lahat ng araw ng iyong buhay.
72  GEN 3:16  Sinabi niya sa babae, Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.”
73  GEN 3:17  Sinabi niya kay Adan, Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.
78  GEN 3:22  Sinabi ni Yahweh na Diyos, Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan.”
81  GEN 4:1  Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.”
86  GEN 4:6  Sinabi ni Yahweh kay Cain, Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot?
89  GEN 4:9  Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?”
90  GEN 4:10  Sinabi ni Yahweh, Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa.
93  GEN 4:13  Sinabi ni Cain kay Yahweh, Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya.
95  GEN 4:15  Sinabi ni Yahweh sa kanya, Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan.” Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon.
103  GEN 4:23  Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin.
105  GEN 4:25  Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.”
135  GEN 5:29  Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.”
141  GEN 6:3  Sinabi ni Yahweh, Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.”
145  GEN 6:7  Kaya sinabi ni Yahweh, Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.”
151  GEN 6:13  Sinabi ng Diyos kay Noe, Nakikita kong panahon na upang bigyang wakas ang lahat ng laman, sapagkat napuno na ng karahasan ang mundo sa pamamagitan nila. Katunayan, wawasakin ko sila kasama ng mundo.
161  GEN 7:1  Sinabi ni Yahweh kay Noe, Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan.
200  GEN 8:16  Lumabas ka sa arka, ikaw, ang iyong asawa, ang iyong mga anak na lalaki, at ang mga asawa ng iyong mga anak na lalaki.
205  GEN 8:21  Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko.
207  GEN 9:1  At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi sa kanila, Maging mabunga kayo, magpakarami, at punuin ang mundo.
215  GEN 9:9  Samantala ako, makinig kayo! Itatatag ko ang kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhang susunod sa inyo,
218  GEN 9:12  Sinabi ng Diyos, Ito ang palatandaan ng kasunduang aking gagawin sa pagitan ko at ninyo at sa bawat nabubuhay na nilalang na kasama ninyo, sa lahat ng hinaharap na salinlahi:
223  GEN 9:17  At sinabi ng Diyos kay Noe, Ito ang palatandaan ng aking kasunduan na aking itinatag sa pagitan ko at ng lahat ng laman na nasa mundo.
231  GEN 9:25  Kaya sinabi niya, Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid.”
232  GEN 9:26  Sinabi rin niya, Nawa si Yahweh, ang Diyos ni Shem, ay pagpalain at nawa si Canaan ay kanyang maging lingkod.
244  GEN 10:9  Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.”
270  GEN 11:3  Sinabi nila sa isa’t isa, Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti.” Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento.
271  GEN 11:4  Sinabi nila, Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
273  GEN 11:6  Sinabi ni Yahweh, Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila.
300  GEN 12:1  Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo.
306  GEN 12:7  Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
310  GEN 12:11  Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai, Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae.
317  GEN 12:18  Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa?
327  GEN 13:8  Kaya sinabi ni Abram kay Lot, Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya.
333  GEN 13:14  Sinabi ni Yahweh kay Abram pagkatapos lumayo ni Lot sa kaniya, Tumingin ka mula sa kinatatayuan mo, sa hilaga, timog, silangan at kanluran.
356  GEN 14:19  Siya ay kaniyang pinagpala na nagsasabing, Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa.
358  GEN 14:21  Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao, at kunin mo ang mga kagamitan para sa iyong sarili.”
359  GEN 14:22  Sinabi ni Abram sa hari ng Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay kay Yahweh, sa Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa,
360  GEN 14:23  na hindi ako kukuha ng sinulid, sintas ng sandalyas, o anumang sa iyo, para ikaw ay hindi kailanman makapagsabing, Ako ang nagpayaman kay Abram.'
362  GEN 15:1  Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.”
363  GEN 15:2  Sinabi ni Abram, Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?”
364  GEN 15:3  Sinabi ni Abram, Dahil hindi mo ako binigyan ng anak, tingnan mo, ang katiwala ng aking bahay ay siyang aking tagapagmana.”
365  GEN 15:4  Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo.”
366  GEN 15:5  Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.”
368  GEN 15:7  Sinabi niya sa kaniya, Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito.”
369  GEN 15:8  Sinabi niya, Panginoong Yahweh, paano ko malalaman na mamanahin ko ito?”
370  GEN 15:9  Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, Dalhan mo ako ng tatlong taong gulang na baka, tatlong taong gulang na babaeng kambing at tatlong taong gulang na lalaking tupa, isang kalapati at isang batang pitson.”
374  GEN 15:13  Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, Alamin mong tiyak na ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging dayuhan sa lupaing hindi kanila, at sila ay gagawing alipin at aapihin sa loob ng apatnaraang taon.
379  GEN 15:18  Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
384  GEN 16:2  Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
387  GEN 16:5  Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin.
388  GEN 16:6  Pero sinabi ni Abram kay Sarai, Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti.” Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya.
390  GEN 16:8  Sinabi niya, Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sinabi niya, Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai”.
391  GEN 16:9  Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan”.
392  GEN 16:10  Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami nila para bilangin.
393  GEN 16:11  Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap”.
395  GEN 16:13  Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya, Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?”
399  GEN 17:1  Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid.
402  GEN 17:4  Para sa akin, masdan mo, ang aking tipan ay sumasaiyo. Ikaw ay magiging ama ng napakamaraming bansa.
407  GEN 17:9  Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, Para sayo, dapat mong ingatan ang aking tipan, ikaw at ang susunod mong kaapu-apuhan hanggang sa kanilang buong salinlahi.
413  GEN 17:15  Sinabi ng Diyos kay Abraham, Tungkol naman kay Sarai na iyong asawa, hindi na Sarai ang itatawag mo sa kanya. Sa halip, Sarah ang kanyang magiging pangalan.
415  GEN 17:17  Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya?
416  GEN 17:18  Sinabi pa ni Abraham sa Diyos, Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan!”
417  GEN 17:19  Sinabi ng Diyos, Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan.
428  GEN 18:3  Sinabi niya, Panginoon, kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, huwag kang umalis at iwan ang iyong lingkod.
430  GEN 18:5  Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, Gawin mo ang sinabi mo.”
431  GEN 18:6  Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.”
434  GEN 18:9  Sinabi nila sa kanya, Nasaan ang iyong asawa na si Sarah?” Sumagot siya, Naroon sa loob ng tolda.”
435  GEN 18:10  Sinabi niya, Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah.” Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham.
437  GEN 18:12  Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing,” Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?”
438  GEN 18:13  Sinabi ni Yahweh kay Abraham, Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?'
440  GEN 18:15  Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, Hindi, tumawa ka.”
442  GEN 18:17  Pero sinabi ni Yahweh, Dapat ko bang itago kay Abraham ang gagawin ko,
445  GEN 18:20  Pagkatapos sinabi ni Yahweh, Dahil napakarami ng paratang laban sa Sodoma at Gomora, at napakalubha na ng kanilang kasalanan,
448  GEN 18:23  Pagtapos lumapit si Abraham at sinabi, Lilipulin mo ba ang matuwid kasama ang makasalanan?