Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   ”    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

3  GEN 1:3  Sinabi ng Diyos, ''Magkaroon ng liwanag at nagkaroon ng liwanag.
5  GEN 1:5  Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw, at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw.
6  GEN 1:6  Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng puwang sa pagitan ng mga tubig, at hayaang ihiwalay nito ang tubig mula sa tubig.
8  GEN 1:8  Tinawag ng Diyos ang puwang na “langit. Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw.
9  GEN 1:9  Sinabi ng Diyos, “Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain. At nagkagayon nga.
10  GEN 1:10  Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na “lupa at ang natipong tubig ay tinawag niyang “dagat. Nakita niyang ito ay kaaya-aya.
11  GEN 1:11  Sinabi ng Diyos, “Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri. At nagkagayon nga.
15  GEN 1:15  Hayaan silang maging mga liwanag sa langit upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo. At nagkagayon nga.
20  GEN 1:20  Sinabi ng Diyos, “Hayaang mapuno ang katubigan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na ginawa ko, mapuno ang himpapawid ng mga ibong lumilipad sa ibabaw ng lupa.
24  GEN 1:24  Sinabi ng Diyos, “Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang, bawat isa ayon sa kanyang sariling uri, mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo, bawat isa nito ayon sa kanyang sariling uri. Nagkagayon nga.
28  GEN 1:28  Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, “Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.
30  GEN 1:30  Sa bawa't hayop sa mundo, sa bawat ibon sa kalangitan, at sa lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng mundo, at sa bawat nilikhang may hininga ng buhay ibinigay ko ang bawat luntiang halaman para maging pagkain. At nagkagayon nga.
48  GEN 2:17  Pero mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay hindi ka maaaring kumain, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon, ikaw ay tiyak na mamamatay.
49  GEN 2:18  Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.
54  GEN 2:23  Sinabi ng lalaki, “Sa oras na ito, ito ang buto ng aking mga buto, at laman ng aking laman. Tatawagin siyang 'babae', dahil kinuha siya sa lalaki.
57  GEN 3:1  Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?
59  GEN 3:3  pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'
61  GEN 3:5  Dahil alam ng Diyos na sa araw na kainin ninyo ito mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo ay magiging tulad ng Diyos, na nakaaalam ng mabuti at masama.
65  GEN 3:9  Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, “Nasaan ka?
66  GEN 3:10  Sinabi ng lalaki, “Narinig kita sa hardin, at natakot ako, dahil ako ay hubad. Kaya itinago ko ang aking sarili.
67  GEN 3:11  Sinabi ng Diyos, “Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ay hubad? Kumain ka ba mula sa punong iniutos kong huwag mong kakainan?
68  GEN 3:12  Sinabi ng lalaki, “Ang babae na ibinigay mo sa akin, binigyan niya ako ng bunga mula sa puno at kinain ko ito.
69  GEN 3:13  Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo? Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.
71  GEN 3:15  Maglalagay ako ng poot sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi. Dudurugin niya ang iyong ulo, at tutuklawin mo ang kanyang sakong.
72  GEN 3:16  Sinabi niya sa babae, “Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.
75  GEN 3:19  Kakain ka ng tinapay sa pamamagitan ng pawis ng iyong mukha, hanggang ikaw ay bumalik sa lupa, dahil kinuha ka mula rito. Dahil ikaw ay alikabok, at sa alikabok ka rin babalik.
78  GEN 3:22  Sinabi ni Yahweh na Diyos, “Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan.
81  GEN 4:1  Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.
87  GEN 4:7  Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.
89  GEN 4:9  Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel? Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?
92  GEN 4:12  Kapag ikaw ay magbubungkal ng lupa, mula ngayon hindi na nito isusuko sa iyo ang kanyang lakas. Magiging palaboy at pagala-gala ka sa mundo.
94  GEN 4:14  Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako.
95  GEN 4:15  Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan. Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon.
104  GEN 4:24  Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit.
105  GEN 4:25  Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, “Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.
135  GEN 5:29  Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.
141  GEN 6:3  Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.
145  GEN 6:7  Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.
159  GEN 6:21  Tipunin mo para sa sarili mo ang bawat uri ng pagkaing makakain at itabi ito, para maging pagkain para sa iyo at sa kanila.
164  GEN 7:4  Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa.
201  GEN 8:17  Dalhin mo palabas ang bawat buhay na nilalang ng lahat ng laman na kasama mo, pati na ang mga ibon, ang mga alagang hayop, at ang bawat gumagapang na bagay na gumagapang sa ibabaw ng mundo, upang sila ay lumaganap sa buong mundo, maging mabunga, at magpakarami sa mundo.
206  GEN 8:22  Habang ang mundo ay nananatili, ang panahon ng pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi ay hindi hihinto.
213  GEN 9:7  Para sa inyo, maging mabunga kayo at magpakarami, lumaganap kayo sa buong mundo at magpakarami rito.
217  GEN 9:11  Sa pamamagitan nito itinatatag ko ang aking kasunduan sa inyo, na hindi na kailanman ang lahat ng laman ay muling mawawasak sa pamamagitan ng tubig baha. Hindi na kailanman muling magkakaroon ng bahang sisira sa mundo.
222  GEN 9:16  Ang bahag-hari ay mapapaloob sa mga ulap at makikita ko ito, upang gunitain ang walang hangang kasunduan sa pagitan ng Diyos at bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman na nasa mundo.
231  GEN 9:25  Kaya sinabi niya, “Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid.
233  GEN 9:27  Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan.
244  GEN 10:9  Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, “Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.
270  GEN 11:3  Sinabi nila sa isa’t isa, “Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti. Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento.
271  GEN 11:4  Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.
302  GEN 12:3  Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain.
306  GEN 12:7  Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan. Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
312  GEN 12:13  Sabihin mong ikaw ay kapatid kong babae, para mapabuti ako ng dahil sa iyo, at maliligtas ang buhay ko dahil sa iyo.
318  GEN 12:19  Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo.
357  GEN 14:20  Pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. Pagkatapos ibinigay ni Abram sa kaniya ang ikasampu ng lahat ng kaniyang pag-aari.
358  GEN 14:21  Sinabi ng hari ng Sodoma kay Abram, “Ibigay mo sa akin ang mga tao, at kunin mo ang mga kagamitan para sa iyong sarili.
361  GEN 14:24  Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi.
362  GEN 15:1  Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.
363  GEN 15:2  Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?
364  GEN 15:3  Sinabi ni Abram, “Dahil hindi mo ako binigyan ng anak, tingnan mo, ang katiwala ng aking bahay ay siyang aking tagapagmana.
365  GEN 15:4  Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing “Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo.
366  GEN 15:5  Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin. Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.
368  GEN 15:7  Sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito.
369  GEN 15:8  Sinabi niya, “Panginoong Yahweh, paano ko malalaman na mamanahin ko ito?
370  GEN 15:9  Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, “Dalhan mo ako ng tatlong taong gulang na baka, tatlong taong gulang na babaeng kambing at tatlong taong gulang na lalaking tupa, isang kalapati at isang batang pitson.
377  GEN 15:16  Sa ikaapat na salinlahi sila ay muling babalik dito, dahil ang mga kasalanan ng mga Amorito ay hindi pa nakaabot sa sukdulan nito.
382  GEN 15:21  ang mga Amoreo, ang mga Cananeo, ang mga Gergeseo at mga Jebuseo.
384  GEN 16:2  Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya. Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
388  GEN 16:6  Pero sinabi ni Abram kay Sarai, “Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti. Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya.
390  GEN 16:8  Sinabi niya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta? Sinabi niya, “Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai.
391  GEN 16:9  Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan.
393  GEN 16:11  Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap.
395  GEN 16:13  Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin, dahil sinabi niya, “Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?
400  GEN 17:2  Pagkatapos pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at lubos kitang pararamihin.
406  GEN 17:8  Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.
414  GEN 17:16  Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya. Pagpapalain ko siya, at siya ang magiging ina ng mga bansa. Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya.
416  GEN 17:18  Sinabi pa ni Abraham sa Diyos, “Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan!
419  GEN 17:21  Pero itatatag ko ang aking tipan kay Isaac, na siyang isisilang ni Sarah sa ganitong oras sa susunod na taon.
430  GEN 18:5  Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod. Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.
431  GEN 18:6  Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.
434  GEN 18:9  Sinabi nila sa kanya, “Nasaan ang iyong asawa na si Sarah? Sumagot siya, “Naroon sa loob ng tolda.
435  GEN 18:10  Sinabi niya, “Makatitiyak ka na babalik ako sa iyo sa tagsibol at makikita mo, magkakaroon ng anak na lalaki ang iyong asawa na si Sarah. Nakikinig si Sarah sa pintuan ng tolda na nasa likod ni Abraham.
437  GEN 18:12  Kaya tinawanan ni Sarah ang kaniyang sarili at sinabing, “Ngayong matanda na ako, magkakaroon pa ba ako ng kasiyahan, gayong ang panginoon ko ay matanda na rin?
440  GEN 18:15  Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa, dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.
444  GEN 18:19  Dahil pinili ko siya para maturuan ang kanyang mga anak pati na ang sambahayan na susunod sa kanya na mapanatili ang kaparaanan ni Yahweh, na gumawa ng matuwid at makatarungan, nang sa gayon maibibigay ni Yahweh kay Abraham ang sinabi niya sa kanya.
446  GEN 18:21  bababa ako ngayon doon at titingnan ko kung kasingsama sila gaya ng paratang sa kanila na sinabi sa akin. Kung hindi man, malalaman ko.
450  GEN 18:25  Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?
451  GEN 18:26  Sinabi ni Yahweh, “Kung may nakita kang limampung matuwid sa lungsod na iyon, ililigtas ko ang buong lugar para sa kanila.
453  GEN 18:28  Paano kung nabawasan ng lima ang limampung matuwid? Wawasakin mo ba ang buong lungsod dahil nabawasan ng lima? At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin kung may mahanap akong apatnapu't lima.
454  GEN 18:29  Muli siyang nakipag-usap sa kanya at sinabing, “Paano kung apatnapu ang makita roon? Sumagot siya, “Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin.
455  GEN 18:30  Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magagalit Panginoon, para makapagsalita ako. Kung sakali na tatlumpu ang mahanap doon? “Sinabi ng Diyos, “Hindi ko ito gagawin kung may mahanap akong tatlumpu doon.
456  GEN 18:31  Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon. Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.
457  GEN 18:32  Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon. At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.
460  GEN 19:2  Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan. At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan.
466  GEN 19:8  Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.
467  GEN 19:9  Sabi nila, “Tumabi ka! Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila. Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
471  GEN 19:13  Wawasakin na namin ang lugar na ito, dahil napakarami na ng paratang sa kanila sa harap ni Yahweh, kaya pinadala niya kami para wasakin ito.
472  GEN 19:14  Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod. Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya.
473  GEN 19:15  Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, “Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod.
476  GEN 19:18  Sinabi ni Lot sa kanila. Hindi, pakiusap aking mga panginoon!