2 | GEN 1:2 | Ang lupa ay walang anyo at walang laman. Ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman. Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng katubigan. |
7 | GEN 1:7 | Ginawa ng Diyos ang puwang at hiniwalay niya ang tubig na nasa silong ng kalawakan mula sa tubig na nasa ibabaw ng kalawakan. At nagkagayon nga. |
9 | GEN 1:9 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain.” At nagkagayon nga. |
11 | GEN 1:11 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri.” At nagkagayon nga. |
14 | GEN 1:14 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang magkaroon ng mga liwanag sa langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi. At hayaan silang maging mga palatandaan, para sa mga panahon, para sa mga araw at sa mga taon. |
15 | GEN 1:15 | Hayaan silang maging mga liwanag sa langit upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo.” At nagkagayon nga. |
27 | GEN 1:27 | Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila. |
30 | GEN 1:30 | Sa bawa't hayop sa mundo, sa bawat ibon sa kalangitan, at sa lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng mundo, at sa bawat nilikhang may hininga ng buhay ibinigay ko ang bawat luntiang halaman para maging pagkain.” At nagkagayon nga. |
42 | GEN 2:11 | Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Iyon ang umaagos sa buong lupain ng Havila, kung saan mayroong ginto. |
43 | GEN 2:12 | Ang ginto sa lupang iyon ay mabuti. Mayroon ding bedelio at ang batong onise. |
44 | GEN 2:13 | Ang pangalan ng pangalawang ilog ay Gihon. Ang isang ito ay umaagos sa buong lupain ng Cush. |
45 | GEN 2:14 | Ang pangalan ng pangatlong ilog ay Tigris, na umaagos sa silangan ng Asshur. Ang pang-apat na ilog ay ang Eufrates. |
50 | GEN 2:19 | Mula sa lupa ginawa ni Yahweh na Diyos ang bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit. Pagkatapos dinala niya sila sa lalaki upang makita kung ano ang itatawag niya sa kanila. Anuman ang itinawag ng lalaki sa bawat buhay na nilikha, iyon ang kanyang pangalan. |
51 | GEN 2:20 | Ang lalaki ay nagbigay ng mga pangalan para sa lahat ng mga hayop, sa lahat ng mga ibon sa langit, at sa bawat mabangis na hayop sa bukid. Pero para sa lalaki mismo ay walang nahanap na katuwang na babagay para sa kanya. |
62 | GEN 3:6 | At nang nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao, kumuha siya ng bunga nito at kinain ito. At binigyan niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain niya ito. |
68 | GEN 3:12 | Sinabi ng lalaki, “Ang babae na ibinigay mo sa akin, binigyan niya ako ng bunga mula sa puno at kinain ko ito.” |
69 | GEN 3:13 | Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.” |
72 | GEN 3:16 | Sinabi niya sa babae, “Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.” |
73 | GEN 3:17 | Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. |
77 | GEN 3:21 | Gumawa si Yahweh na Diyos ng mga kasuotang balat para kay Adan at para sa kanyang asawa at dinamitan sila. |
81 | GEN 4:1 | Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.” |
82 | GEN 4:2 | Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa. |
83 | GEN 4:3 | At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh. |
84 | GEN 4:4 | Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog, |
88 | GEN 4:8 | Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito. |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
90 | GEN 4:10 | Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa. |
93 | GEN 4:13 | Sinabi ni Cain kay Yahweh, “Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya. |
99 | GEN 4:19 | Si Lamec ay kumuha ng dalawang asawa para sa kanyang sarili: ang pangalan ng isa ay si Ada, at ang pangalan ng isa pa ay si Zilla. |
100 | GEN 4:20 | Isinilang ni Ada si Jabal. Siya ay ama ng lahat ng nakatira sa mga tolda na may mga alagang hayop. |
101 | GEN 4:21 | Ang pangalan ng kanyang kapatid na lalaki ay Jubal. Siya ang ama ng lahat ng mga manunugtog ng alpa at plauta. |
102 | GEN 4:22 | Si Zilla naman, naging anak niya si Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal. Ang babaeng kapatid ni Tubal Cain ay si Naama. |
103 | GEN 4:23 | Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, “Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin. |
105 | GEN 4:25 | Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, “Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.” |
107 | GEN 5:1 | Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan. Sa araw na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ginawa niya sila ayon sa kanyang wangis. |
109 | GEN 5:3 | Nang nabuhay si Adan ng 130 taon, siya ay naging ama ng isang anak na lalaki na ayon sa kanyang sariling wangis, sunod sa kanyang larawan, at pinangalanan niya itong Set. |
110 | GEN 5:4 | Pagkatapos na si Adan ay naging ama ni Set, nabuhay siya ng walondaang taon. Siya ay naging ama ng higit na marami pang mga anak na lalaki at mga anak babae. |
111 | GEN 5:5 | Nabuhay si Adan ng 930 taon, at pagkatapos siya ay namatay. |
135 | GEN 5:29 | Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.” |
139 | GEN 6:1 | At nangyari na nang nagsimulang dumami ang sangkatauhan sa mundo at ang mga anak na babae ay isinilang sa kanila, |
141 | GEN 6:3 | Sinabi ni Yahweh, “Ang aking espiritu ay hindi mananatili sa sangkatauhan magpakailanman, sapagkat sila ay laman. Mabubuhay sila ng 120 taon.” |
149 | GEN 6:11 | Ang mundo ay masama sa harapan ng Diyos, at ito'y puno ng karahasan. |
162 | GEN 7:2 | Sa bawat malinis na hayop magdala ka ng pitong lalaki at pitong babae. At sa mga hayop na hindi malinis, magdala ka ng dalawa, ang lalaki at kanyang kapares. |
168 | GEN 7:8 | Ang mga malinis at hindi malinis na mga hayop, mga ibon, at lahat ng mga gumagapang sa lupa, |
176 | GEN 7:16 | Ang mga hayop na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng laman; pumasok sila gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Pagkatapos isinara ni Yahweh ang pintuan sa likod nila. |
179 | GEN 7:19 | Ang tubig ay buong lakas na tumaas nang tumaas sa mundo. Tinakpan nilang tuluyan ang lahat ng matataas na mga bundok na nasa silong ng buong langit. |
186 | GEN 8:2 | Ang mga bukal sa ilalim at ang mga bintana ng langit ay nagsara, at tumigil ang pag-ulan. |
187 | GEN 8:3 | Ang mga tubig baha ay nagpatuloy na humupa mula sa mundo. At pagkalipas ng isandaan at limampung araw, ang tubig ay lubhang nabawasan. |
188 | GEN 8:4 | Sumadsad ang arka sa ikapitong buwan, sa ikalabimpitong araw ng buwan, sa ibabaw ng mga bundok ng Ararat. |
189 | GEN 8:5 | Ang tubig ay nagpatuloy na humupa hanggang sa ikasampung buwan. Sa unang araw ng buwan, ang mga tuktok ng mga bundok ay lumitaw. |
190 | GEN 8:6 | At nangyari pagkaraan ng apatnapung araw na binuksan ni Noe ang bintana ng arka na kanyang ginawa. |
207 | GEN 9:1 | At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi sa kanila, “Maging mabunga kayo, magpakarami, at punuin ang mundo. |
208 | GEN 9:2 | Ang takot at ang sindak sa inyo ay mapupunta sa bawat nabubuhay na hayop sa mundo, sa bawat ibon sa langit, sa lahat ng bagay na nasa lupa, at sa lahat ng isda sa karagatan. Ibinigay ko ang mga ito sa inyong kamay. |
214 | GEN 9:8 | At nakipag-usap ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na kasama niya, sinabing, |
221 | GEN 9:15 | sa gayon isasaisip ko ang aking kasunduan sa pagitan ko at ninyo, at sa bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman. Ang mga tubig ay hindi kailanman muling magiging bahang wawasak sa lahat ng laman. |
222 | GEN 9:16 | Ang bahag-hari ay mapapaloob sa mga ulap at makikita ko ito, upang gunitain ang walang hangang kasunduan sa pagitan ng Diyos at bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman na nasa mundo.” |
223 | GEN 9:17 | At sinabi ng Diyos kay Noe, “Ito ang palatandaan ng aking kasunduan na aking itinatag sa pagitan ko at ng lahat ng laman na nasa mundo. |
224 | GEN 9:18 | Ang mga anak ni Noe na lumabas sa arka ay sina Sem, Ham at Jafet. At si Ham ay ama ni Canaan. |
229 | GEN 9:23 | Kaya kumuha si Sem at Jafet ng damit at inilagay ito sa parehong balikat nila, at patalikod na lumakad at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama. Ang kanilang mga mukha ay lumihis sa ibang direksyon, kaya hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama. |
237 | GEN 10:2 | Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. |
238 | GEN 10:3 | Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma. |
239 | GEN 10:4 | Ang mga anak na lalaki ni Jovan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim. |
241 | GEN 10:6 | Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. |
242 | GEN 10:7 | Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan. |
245 | GEN 10:10 | Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar. |
246 | GEN 10:11 | Mula sa lupaing iyon siya ay pumunta sa Asiria at tinatag ang Nineve, Rehoboth Ir, Cale, |
248 | GEN 10:13 | Si Mizraim ang naging ama ng mga Ludites, mga Anamites, mga Lehabites, mga Napthuhites, |
251 | GEN 10:16 | gayundin ng mga Jebuseo, ng mga Amoreo, ng mga Gergeseo, |
252 | GEN 10:17 | ng mga Hivita, ng mga Araceo, ng mga Sineo, |
253 | GEN 10:18 | ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo. |
254 | GEN 10:19 | Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha. |
257 | GEN 10:22 | Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sina Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram. |
258 | GEN 10:23 | Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. |
259 | GEN 10:24 | Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber. |
260 | GEN 10:25 | Si Eber ay may dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa kanyang panahon nahati ang mundo. Ang pangalan ng kanyang lalaking kapatid ay Joktan. |
261 | GEN 10:26 | Si Joktan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah, |
263 | GEN 10:28 | Obal, Abimael, Sheba, |
264 | GEN 10:29 | Ofir, Havila, at Jobab. Ang lahat ng mga ito ay anak ni Joktan. |
265 | GEN 10:30 | Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mesha, hangang sa Sephar, ang bundok ng Silangan. |
272 | GEN 11:5 | Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan. |
277 | GEN 11:10 | Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Si Sem ay isandaang taong gulang, at naging ama ni Arfaxad dalawang taon matapos ang baha. |
278 | GEN 11:11 | Si Sem ay nabuhay ng limandaang taon matapos siyang naging ama ni Arfaxad. Naging ama rin siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. |
279 | GEN 11:12 | Nang tatlumpu't-limang taon na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Selah. |
280 | GEN 11:13 | Nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Selah, at naging ama pa ng ibang anak na lalaki at babae. |
293 | GEN 11:26 | Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran. |
294 | GEN 11:27 | Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot. |
296 | GEN 11:29 | Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah. |