86 | GEN 4:6 | Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? |
105 | GEN 4:25 | Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, “Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.” |
195 | GEN 8:11 | Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo. |
203 | GEN 8:19 | Bawat buhay na nilikha, bawat gumagapang na bagay, at bawat ibon, lahat ng bagay na gumagalaw sa mundo, ayon sa kanilang mga pamilya, ay umalis sa arka. |
245 | GEN 10:10 | Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar. |
276 | GEN 11:9 | Kaya, pinangalanan itong Babel, dahil doon nilito ni Yahweh ang wika ng buong mundo at mula roon ikinalat sila ni Yahweh sa iba’t ibang dako ng mundo. |
307 | GEN 12:8 | Mula roon siya ay lumipat sa bulubunduking bayan sa silangan ng Bethel, kung saan niya itinayo ang kaniyang tolda, na ang Bethel ay nasa kanluran at ang Ai ay nasa silangan. Doon nagtayo siya ng altar para kay Yahweh at tumawag sa pangalan ni Yahweh. |
317 | GEN 12:18 | Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, “Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa? |
318 | GEN 12:19 | Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo.” |
322 | GEN 13:3 | Nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakbay mula sa Negeb patungong Bethel, sa lugar kung saan naroon ang kaniyang tolda noon, sa pagitan ng Bethel at Ai. |
339 | GEN 14:2 | na nakipagdigma sila laban kina Bera, hari ng Sodoma, Birsha, hari ng Gomorra, Shinab, hari ng Adma, Shemeber, hari ng Zeboim, at sa hari ng Bela (tinatawag ding Zoar). |
345 | GEN 14:8 | Pagkatapos lumabas at naghanda para sa digmaan ang hari ng Sodoma, ang hari ng Gomorra, ang hari ng Adma, ang hari ng Zeboim, at ang hari ng Bela (tinatawag ding Zoar), |
384 | GEN 16:2 | Kaya sinabi ni Sarai kay Abram, “Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai. |
391 | GEN 16:9 | Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan”. |
396 | GEN 16:14 | Dahil dito tinawag na Beerlahairoi ang balon; masdan, naroon ito sa pagitan ng Kades at Bered. |
410 | GEN 17:12 | Bawat lalaki sa inyo ay dapat na matuli pagsapit ng ikawalong araw na gulang, maging sa mga susunod ninyong salinlahi. Kasama rito ang mga ipinanganak sa iyong sambahayan, pati na ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan na hindi kasama sa iyong mga kaapu-apuhan. |
431 | GEN 18:6 | Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.” |
438 | GEN 18:13 | Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' |
472 | GEN 19:14 | Lumabas si Lot at kinausap niya ang kanyang mga manugang, ang mga lalaki na nangakong pakakasalan ang kanyang mga anak na babae, at sinabi, “Bilis, umalis na kayo sa lugar na ito, dahil wawasakin na ni Yahweh ang lungsod.” Pero para sa kanyang mga manugang, tila ba nagbibiro lang siya. |
480 | GEN 19:22 | Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito. |
485 | GEN 19:27 | Bumangon si Abraham nang maaga at nagpunta sa lugar kung saan siya tumayo sa harapan ni Yahweh. |
496 | GEN 19:38 | At sa nakababatang anak na babae, siya rin ay nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan siyang Ben Ammi. Naging ninuno siya ng mga mamamayan ng Ammon hanggang sa kasalukuyan. |
504 | GEN 20:8 | Bumangon si Abimelech nang maaga at pinapunta ang lahat ng kanyang lingkod sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila, at matinding takot ang naramdaman ng kanyang mga lingkod. |
508 | GEN 20:12 | Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko, ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina; at siya ay aking naging asawa. |
515 | GEN 21:1 | Binigyang pansin ni Yahweh si Sara gaya ng sinabi niya at tinupad ni Yahweh ang kanyang pangako kay Sara. |
528 | GEN 21:14 | Maagang bumangon si Abraham, kumuha siya ng tinapay at isang lalagyang tubig at nilagay ito sa balikat ni Agar. Dinala niya ang batang lalaki sa kanya at pinaalis siya. Umalis siya at nagpagala-gala sa ilang na lugar ng Beer-seba. |
545 | GEN 21:31 | Kaya tinawag niya ang lugar na iyong Beer-seba, dahil doon sila kapwa nagsumpaan ng isang kasunduan. |
546 | GEN 21:32 | Gumawa sila ng isang kasunduan sa Beer-seba, at pagkatapos bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo. |
547 | GEN 21:33 | Nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisko sa Beer-seba. Doon sinamba niya si Yahweh, ang Diyos na walang hanggan. |
567 | GEN 22:19 | Kaya bumalik si Abraham sa kanyang mga tauhan, at umalis sila at magkakasamang pumunta sa Beer-seba, at nanirahan siya sa Beer-seba. |
569 | GEN 22:21 | Sila ay sina Hus ang kanyang panganay, si Buz na kapatid niya, si Kemuel na ama ni Aram, |
570 | GEN 22:22 | Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel. |
571 | GEN 22:23 | Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca. May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham. |
585 | GEN 23:13 | Kinausap niya si Ephron na naririnig ng mga tao sa lupain, na nagsasabing, “Ngunit kung papayag ka, pakiusap dinggin mo ako. Babayaran ko ang bukid. Tanggapin mo ang pera mula sa akin, at doon ko ililibing ang aking patay.” |
607 | GEN 24:15 | Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham. |
616 | GEN 24:24 | Sinabi niya sa kanya, “Anak ako ni Bethuel na lalaking anak ni Milcah, na ipinanganak niya kay Nahor.” |
623 | GEN 24:31 | At sinabi ni laban, “Halika, ikaw na pinagpala ni Yahweh. Bakit ka nakatayo riyan sa labas? Inihanda ko ang bahay, at isang lugar para sa mga kamelyo.” |
624 | GEN 24:32 | Kaya pumunta ang lalaki sa bahay at diniskargahan niya ng mga kamelyo. Binigyan ang mga kamelyo ng dayami at pagkain ng hayop, naglaan ng tubig upang hugasan ang kanyang mga paa at ang mga paa ng mga lalaking kasama niya. |
627 | GEN 24:35 | Pinagpala ng lubos ni Yahweh ang aking amo at naging dakila siya. Binigyan siya ng mga kawan at mga pangkat ng hayop, pilak at ginto, mga lingkod na lalaki at mga lingkod na babae, at mga kamelyo at mga asno. |
631 | GEN 24:39 | Sinabi ko sa aking amo, 'Baka hindi susunod sa akin ang babae.' |
637 | GEN 24:45 | Bago pa man ako natapos mangusap sa aking puso, masdan, lumabas si Rebeca dala ang pitsel na pasan sa kanyang balikat at bumaba patungong bukal at sumalok ng tubig. Kaya sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom.' |
639 | GEN 24:47 | Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso. |
642 | GEN 24:50 | Pagkatapos sumagot si Laban at Bethuel at sinabing, “Ang bagay na ito ay nagmula kay Yahweh; hindi kami makapagsasabi sa iyo ng masama o mabuti. |
654 | GEN 24:62 | Ngayon naninirahan si Isaac sa Negev, at kababalik lang galing Beerhalohai. |
670 | GEN 25:11 | Pagkatapos ng kamatayan ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak, at si Isaac ay nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi. |
679 | GEN 25:20 | Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo. |
681 | GEN 25:22 | Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya, “Bakit ito nangyayari sa akin?” Tinanong niya si Yahweh tungkol dito. |
693 | GEN 25:34 | Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang. |
702 | GEN 26:9 | Ipinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya at sinabi, “Tingnan mo, tiyak nga na siya ay iyong asawa. Bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?” Sinabi ni Isaac sa kanya, “Dahil naisip ko na maaring mayroong pumatay sa akin para makuha siya.” |
716 | GEN 26:23 | Pagkatapos pumunta si Isaac mula doon patungong Beer-seba. |
720 | GEN 26:27 | Sinabi ni Isaac sa kanila, “Bakit kayo naparito sa akin, samantalang galit kayo sa akin at pinaalis ninyo ako palayo sa inyo?” |
724 | GEN 26:31 | Bumangon sila ng maaga kinabukasan at sila ay nagsumpaan sa bawat isa. Pagkatapos pinaalis sila ni Isaac, at siya ay iniwan nila ng mapayapa. |
726 | GEN 26:33 | Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito. |
727 | GEN 26:34 | Nang si Esau ay apatnapung taong gulang na, siya ay nag-asawa, si Judit ang anak ni Beeri na mga anak ni Heth, at saka si Basemat ang anak na babae ni Elon na mga anak ni Heth. |
741 | GEN 27:13 | Sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Anak ko, hayaan mong mapunta sa akin ang anumang sumpa. Basta sundin mo ang tinig ko, at umalis ka, at dalhin mo ang mga iyon sa akin.” |
773 | GEN 27:45 | hanggang mawala ang galit ng kapatid mo sa iyo, at malimutan niya ang ginawa mo sa kanya. Pagkatapos magpapadala ako at ibabalik ka mula roon. Bakit kailangang kapwa kayong mawala sa akin sa isang araw?” |
776 | GEN 28:2 | Tumayo ka, pumunta ka sa Paddan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina, at kumuha ka ng asawa mula roon, sa isa sa mga anak ni Laban, na kapatid ng iyong ina. |
779 | GEN 28:5 | Kaya pinaalis ni Isaac si Jacob. Pumunta si Jacob sa Paddan-aram, kay Laban na anak ni Bethuel na Aramean, kapatid ni Rebeca na ina nina Esau at Jacob. |
784 | GEN 28:10 | Nilisan ni Jacob ang Beer-seba at nagpunta sa Haran. |
792 | GEN 28:18 | Bumangon si Jacob kinaumagahan at kinuha ang batong inilagay niya sa ilalim ng kaniyang ulo. Itinayo niya ito bilang isang haligi at nagbuhos ng langis sa ibabaw nito. |
793 | GEN 28:19 | Tinawag niya ang pangalan ng lugar na iyon na Bethel, pero ang dating pangalan ng lungsod na iyon ay Luz. |
820 | GEN 29:24 | Binigay rin ni Laban ang kanyang babaeng lingkod na si Zilpa sa kanyang anak na si Lea, para maging lingkod niya. |
821 | GEN 29:25 | Kinaumagahan, nagulat siya, dahil si Lea ang kasama niya! Sinabi ni Jacob kay Laban, “Ano ba itong ginawa mo sa akin?” Hindi ba nanilbihan ako sa iyo para kay Raquel? Bakit dinaya mo ako?” |
825 | GEN 29:29 | Ibinigay rin ni Laban si Bilha sa kanyang anak na babaeng si Raquel, para maging lingkod. |
832 | GEN 30:1 | Nang makita ni Raquel na wala siyang naging anak kay Jacob, si Raquel ay nainggit sa kanyang kapatid na babae. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako.” |
834 | GEN 30:3 | Sinabi niya, “Tingnan mo, iyan ang aking lingkod na si Bilha. Sipingan mo siya para magkaroon siya ng mga anak sa aking mga tuhod, at ako ay magkakaroon ng mga anak sa pamamagitan niya.” |
835 | GEN 30:4 | Kaya binigay niya ang kanyang lingkod na si Bilha bilang asawa at sinipingan siya ni Jacob. |
836 | GEN 30:5 | Nagdalang-tao si Bilha at nagsilang ng anak na lalaki kay Jacob. |
838 | GEN 30:7 | Si Bilha, ang lingkod ni Raquel, ay nagdalang-tao muli at nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak. |
845 | GEN 30:14 | Pumunta si Ruben nang panahon ng pag-ani ang trigo at nakakita ng mga halaman ng mendreik. Dinala niya ito sa kanyang inang si Lea. Pagkatapos sinabi ni Raquel kay Lea, “Bigyan mo ako ilan sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.” |
851 | GEN 30:20 | Sinabi ni Lea, “Binigyan ako ng Diyos ng magandang regalo. Ngayon, pararangalan na ako ng aking asawa, dahil nagsilang ako ng anim na batang lalaki sa kanya.” Siya ay pinangalanan niyang Zebulon. |
877 | GEN 31:3 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, “Bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninuno at sa iyong mga kamag-anak, at ako'y makakasama mo.” |
887 | GEN 31:13 | Ako ang Diyos ng Bethel, kung saan mo binuhusan ng langis ang isang haligi, kung saan ka gumawa ng isang panata sa akin. Ngayon, tumindig ka at lisanin ang lupaing ito at bumalik sa lupain ng iyong kapanganakan.”' |
901 | GEN 31:27 | Bakit ka tumakas nang palihim at nilinlang ako at hindi mo man lang ako sinabihan. Pinaalis sana kita nang may pagdiriwang, at may mga awitin, may tamborin at may mga alpa. |
915 | GEN 31:41 | Nitong dalawampung taon ay nasa inyong sambahayan mo ako. Nagtrabaho ako ng labing-apat na taon para sa dalawa mong anak na babae, at anim na taon para sa iyong kawan. Binago mo ang aking sahod ng sampung beses. |
935 | GEN 32:7 | Bumalik ang mga mensahero kay Jacob at sinabi, “Pumunta kami sa iyong kapatid na si Esau. Paparito siya upang makipagkita sa iyo at may kasama siyang apat na daang tao.” |
938 | GEN 32:10 | Sinabi ni Jacob, “Diyos ng aking amang si Abraham, Diyos ng aking amang si Isaac, Yahweh, na siyang nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita,' |
951 | GEN 32:23 | Bumangon si Jacob sa kalagitnaan ng gabi, at dinala ang kanyang dalawang asawa, kanyang dalawang babaeng alipin, at ang kanyang labing isang mga anak. Pinadala niya sila sa kabila ng sapa ng Jabbok. |
958 | GEN 32:30 | Tinanong siya ni Jacob, “Pakiusap sabihin mo sa akin ang iyong pangalan.” Sinabi nito, “Bakit mo tinatanong ang aking pangalan?” Pagkatapos siya ay kanyang pinagpala. |
976 | GEN 33:15 | Sinabi ni Esau, “Hayaan mong ipaiwan ko sa iyo ang ilan sa mga kasama kong tauhan.” Subalit sinabi ni Jacob, “Bakit mo gagawin iyan? Ang aking panginoon ay naging mabait nang sa akin.” |
1013 | GEN 35:1 | Sinabi ng Diyos kay Jacob, “Humayo ka, pumunta ka sa Betel, at manatili roon. Gumawa ng altar doon sa Diyos, na nagpakita sa iyo nang ikaw ay tumakas mula kay Esau na iyong kapatid.” |
1015 | GEN 35:3 | Pagkatapos umalis tayo at pumunta sa Betel. Magtatayo ako ng altar doon sa Diyos, na sumagot sa akin sa araw ng aking paghihinagpis, at naging kasama ko saan man ako pumaroon.” |
1018 | GEN 35:6 | Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya. |
1019 | GEN 35:7 | Siya ay gumawa ng altar doon at tinawag ang lugar na El Betel, dahil doon inihayag ng Diyos ng kanyang sarili sa kanya, nang tumatakas siya mula sa kanyang kapati. |
1020 | GEN 35:8 | Namatay si Debora, na tagapag-alaga ni Rebeka. Inilibing siya mula Betel sa ilalim ng kakayuhang puno, kaya tinawag itong Allon Bacuth. |
1027 | GEN 35:15 | Pinangalanan ni Jacob ang lugar kung saan nangusap sa kanya ang Diyos, na Betel. |
1028 | GEN 35:16 | Naglakbay pa sila mula sa Betel. Habang may kalayuan pa sila mula Eprath, nakaramdam na si Raquel ng panganganak. |
1030 | GEN 35:18 | Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin. |
1031 | GEN 35:19 | Namatay si Raquel at inilibing sa daan papunta sa Eprat (iyon ay, Betlehem). |
1034 | GEN 35:22 | Habang nakatira si Israel pa sa lupaing iyon, sumiping si Reuben kay Bilha na ibang asawa kanyang ama, at narinig ito ni Israel. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki. |
1036 | GEN 35:24 | Ang kanyang mga anak na lalaki kay Raquel ay sina Jose at Benjamin. |
1037 | GEN 35:25 | Ang kanyang mga anak na lalaki kay Bilha, na babaeng lingkod ni Raquel, ay sina Dan at Neftali. |
1044 | GEN 36:3 | at Basemat, anak na babae ni Ismael, na kapatid na babae ni Nebayot. |
1045 | GEN 36:4 | Isinilang ni Ada si Elifaz kay Esau, at si Basemat ay isinilang si Reuel. |