44 | GEN 2:13 | Ang pangalan ng pangalawang ilog ay Gihon. Ang isang ito ay umaagos sa buong lupain ng Cush. |
81 | GEN 4:1 | Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.” |
82 | GEN 4:2 | Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa. |
83 | GEN 4:3 | At nangyari na sa paglipas ng panahon dinala ni Cain ang ilan sa bunga ng lupa bilang handog kay Yahweh. |
85 | GEN 4:5 | pero hindi niya tinanggap si Cain at ang kanyang handog. Kaya lubhang nagalit si Cain, at sumimangot siya. |
86 | GEN 4:6 | Sinabi ni Yahweh kay Cain, “Bakit ka nagagalit at bakit ka sumisimangot? |
88 | GEN 4:8 | Kinausap ni Cain si Abel na kanyang kapatid. At nangyari na habang sila ay nasa bukid, tumindig si Cain laban sa kanyang kapatid na si Abel at pinatay niya ito. |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
93 | GEN 4:13 | Sinabi ni Cain kay Yahweh, “Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya. |
95 | GEN 4:15 | Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan.” Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon. |
96 | GEN 4:16 | Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden. |
97 | GEN 4:17 | Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa at nabuntis ito. Isinilang niya si Enoc. Nagtatag siya ng isang lungsod at pinangalanan niya ito sunod sa kanyang anak na si Enoc. |
102 | GEN 4:22 | Si Zilla naman, naging anak niya si Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal. Ang babaeng kapatid ni Tubal Cain ay si Naama. |
104 | GEN 4:24 | Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit.” |
105 | GEN 4:25 | Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, “Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.” |
224 | GEN 9:18 | Ang mga anak ni Noe na lumabas sa arka ay sina Sem, Ham at Jafet. At si Ham ay ama ni Canaan. |
228 | GEN 9:22 | Pagkatapos si Ham, na ama ni Canaan, ay nakita ang kahubaran ng kanyang ama at sinabi ito sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas. |
231 | GEN 9:25 | Kaya sinabi niya, “Sumpain si Canaan. Maging isang lingkod sana siya sa mga lingkod ng kanyang mga kapatid.” |
232 | GEN 9:26 | Sinabi rin niya, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ni Shem, ay pagpalain at nawa si Canaan ay kanyang maging lingkod. |
233 | GEN 9:27 | Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan.” |
241 | GEN 10:6 | Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. |
242 | GEN 10:7 | Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan. |
243 | GEN 10:8 | Si Cus ang naging ama ni Nimrod, ang naging kauna-unahang manlulupig sa mundo. |
245 | GEN 10:10 | Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar. |
246 | GEN 10:11 | Mula sa lupaing iyon siya ay pumunta sa Asiria at tinatag ang Nineve, Rehoboth Ir, Cale, |
247 | GEN 10:12 | at Resen, na nasa pagitan ng Nineve at Cale. Ito ay malaking lungsod. |
249 | GEN 10:14 | ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites. |
250 | GEN 10:15 | Si Canaan ang naging ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Heth, |
253 | GEN 10:18 | ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo. |
254 | GEN 10:19 | Ang hangganan ng mga Cananeo ay mula sa Sidon, sa direksyon ng Gerar, hanggang sa Gaza, at habang ang isa ay patungong Sodoma, Gomorra, Adma, at Zeboim, hanggang sa Lasha. |
295 | GEN 11:28 | Namatay si Haran sa piling ng kaniyang amang si Terah sa lupain na kaniyang sinilangan, sa Ur ng mga Caldeo. |
298 | GEN 11:31 | Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon. |
304 | GEN 12:5 | Isinama ni Abram si Sarai, na kaniyang asawa, si Lot, na anak na lalaki ng kaniyang kapatid, lahat ng mga ari-arian na kanilang naipon, at mga nakuha nilang mga tauhan sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupain ng Canaan. |
305 | GEN 12:6 | Naglakbay si Abram hanggang sa Shekem sa kakahuyan ng Moreh. Sa panahong iyon ang mga Cananeo ang naninirahan sa lupain. |
326 | GEN 13:7 | At isa pa, mayroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pastol ng mga hayop ni Abram at ng mga pastol ng mga hayop ni Lot. Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon. |
331 | GEN 13:12 | Nanirahan si Abram sa lupain ng Canaan, at si Lot ay nanirahan naman sa mga lungsod ng kapatagan. Nagtayo siya ng kaniyang mga tolda hindi kalayuan sa Sodoma. |
368 | GEN 15:7 | Sinabi niya sa kaniya, “Ako si Yahweh na nagdala sa iyo palabas ng Ur ng mga Caldeo, para ibigay sa iyo ang lupaing ito para manahin ito.” |
380 | GEN 15:19 | ang mga Cenio, ang mga Cenizeo, ang mga Kadmoneo, |
382 | GEN 15:21 | ang mga Amoreo, ang mga Cananeo, ang mga Gergeseo at mga Jebuseo.” |
385 | GEN 16:3 | Iyon ay matapos na si Abram ay nanirahan ng sampung taon sa lupain ng Canaan nang ibinigay ni Sarai, asawa ni Abram, si Agar, na kaniyang lingkod na taga-Ehipto, sa kaniyang asawa bilang asawa. |
406 | GEN 17:8 | Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.” |
574 | GEN 23:2 | Namatay si Sara sa Kiriat Arba, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara. |
591 | GEN 23:19 | Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. |
595 | GEN 24:3 | at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan. |
629 | GEN 24:37 | Pinanumpa ako ng aking amo, nagsasabing, “Hindi ka dapat kumuha ng isang asawa para aking anak mula sa mga babaeng anak ng mga Cananeo, sa lupaing ginagawa kong tahanan. |
775 | GEN 28:1 | Tinawag ni Isaac si Jacob, pinagpala siya at inutusan, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihang taga-Cananeo. |
780 | GEN 28:6 | Ngayon nakita ni Esau na pinagpala ni Isaac si Jacob at pinapunta siya sa Paddan-aram para kumuha ng asawa roon. Nakita rin niya na pinagpala siya ni Isaac at binigyan siya ng utos, na nagsasabing, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihan ng Canaan.” |
782 | GEN 28:8 | Nakita ni Esau na hindi nalugod ang kaniyang amang si Isaac sa mga kababaihan ng Canaan. |
892 | GEN 31:18 | Pinauna niya ang kanyang mga alagang hayop, kasabay ng lahat ng kanyang mga ari-arian, pati na ang mga alagang hayop na nakuha niya sa Paddan Aram. Pagkatapos humayo siya patungo sa lupain ng Canaan sa kanyang amang si Isaac. |
979 | GEN 33:18 | Nang dumating si Jacob mula sa Paddan Aram, ligtas siyang nakarating sa lungsod ng Sechem, na nasa lupain ng Canaan. Nagkampo siya malapit sa lungsod. |
1011 | GEN 34:30 | Sinabi ni Jacob kay Simeon at Levi, “Nagdala kayo ng gulo sa akin upang bumaho ako sa mga naninirahan sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Kakaunti na lamang ang aking bilang. Kung iipunin nila ang kanilang mga sarili laban sa akin at lulusubin ako, malilipol ako, ako at ang aking sambahayan. |
1018 | GEN 35:6 | Kaya dumatingsi Jacob sa Luz (iyon ay, Betel), na nasa lupain ng Canaan, siya at ang lahat ng mga taong kasama niya. |
1043 | GEN 36:2 | Kinuha ni Esau ang kanyang mga asawa mula sa mga Cananeo. Ito ang mga asawa niya: Si Ada na anak na babae ni Elon na Heteo; si Aholibama na anak na babae ni Ana, na apong babae ni Zibeon na Hivita; |
1046 | GEN 36:5 | Isinilang ni Aholibama sina Jeus, Jalam at Korah. Ito ang mga anak na lalaki ni Esau na ipinanganak sa kanya sa lupain ng Canaan. |
1047 | GEN 36:6 | Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, mga anak na lalaki, mga anak na babae, lahat ng mga kabilang sa kanyang sambahayan, kanyang mga alagang hayop—lahat ng kanyang mga hayop, at lahat ng kanyang mga ari-arian, na tinipon niya sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob. |
1085 | GEN 37:1 | Nanirahan si Jacob sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan. |
1122 | GEN 38:2 | Nakilala niya si Sua na anak ng Cananeo na lalaki na ang pangalan ay Sua. Pinakasalan niya at sinipingan niya. |
1258 | GEN 42:5 | Ang mga lalaking anak ni Israel ay dumating para bumili kasama ng mga dumating, dahil ang taggutom ay nasa lupain ng Canaan. |
1260 | GEN 42:7 | Nakita ni Jose ang kanyang mga lalaking kapatid at nakilala niya ang mga ito, ngunit nagpanggap siya sa kanila at nagsalita ng marahas sa kanila. Sinabi niya sa kanila, “Saan kayo nanggaling?” Sinabi nila, “Mula po sa lupain ng Canaan para bumili ng pagkain.” |
1266 | GEN 42:13 | Sinabi nila, “Kami na iyong mga lingkod ay labindalawang magkakapatid na lalaki, mga anak ng isang tao sa lupain ng Canaan. Makikita ninyo, ang bunso ngayong araw ay kapiling ng aming ama, at isang kapatid na lalaki ay hindi na nabubuhay.” |
1282 | GEN 42:29 | Pumunta sila kay Jacob, na kanilang ama sa lupain ng Canaan at sinabi nila ang lahat ng nangyari sa kanila. Sinabi nila, |
1285 | GEN 42:32 | Kami po ay labindalawang magkakapatid, mga lalaking anak ng aming ama. Ang isa ay hindi na po nabubuhay, at ang bunso ay kapiling ng aming ama ngayong araw sa lupain ng Canaan.' |
1333 | GEN 44:8 | Tingnan ninyo, ang pera na nakita sa aming mga sako, ay muli naming dinala sa inyo sa labas ng lupain ng Canaan. Paano naman namin nanakawin mula sa tahanan ng inyong amo ang pilak o ginto? |
1376 | GEN 45:17 | Sinabi ng Paraon kay Jose, “Sabihin mo sa iyong mga lalaking kapatid, 'Gawin ito: lagyan ninyo ang inyong mga hayop at pumunta sa lupain ng Canaan. |
1384 | GEN 45:25 | Umalis sila mula sa Ehipto at dumating sa lupain ng Canaan, kay Jacob na kanilang ama. |
1393 | GEN 46:6 | Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at mga ari-arian na naipon nila sa lupain ng Canaan. Pumunta si Jacob sa Ehipto at ang lahat ng kanyang mga kaapu-apuhan kasama niya. |
1396 | GEN 46:9 | mga anak na lalaki ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; |
1397 | GEN 46:10 | mga anak ni Simeon sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul, na mga anak na lalaki ng babaeng taga-Canaan; |
1398 | GEN 46:11 | mga anak na lalaki ni Levi na sina Gershon, Coat at Merari; |
1399 | GEN 46:12 | mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul); |
1418 | GEN 46:31 | Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki at sa bahay ng kanyang ama, “Aakyat ako at sasabihin kay Paraon na, 'Ang aking mga lalaking kapatid at ang tahanan ng aking ama na nasa lupain ng Canaan ay pumunta sa akin. |
1422 | GEN 47:1 | Pagkatapos pumasok si Jose at sinabi sa Paraon, “Ang aking ama at ang aking mga kapatid na lalaki, ang kanilang mga hayop, ang kanilang mga alagang kawan, at ang lahat ng kanilang pagmamay-ari, ay dumating na galing sa lupain ng Canaan. Tingnan mo, sila ay nasa lupain na ng Gosen. |
1425 | GEN 47:4 | Pagkatapos sinabi nila kay Paraon, “Pumunta kami bilang pansamantalang mamamayan sa lupain. Wala ng pastulan para sa mga hayop ng inyong mga lingkod, dahil malubha na ang taggutom sa lupain ng Canaan. Kaya ngayon, pakiusap hayaan niyo ang iyong mga lingkod na manirahan sa lupain ng Gosen.” |
1434 | GEN 47:13 | Ngayon wala ng pagkain sa lahat ng lupain; dahil malubha na ang taggutom. Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nakatiwangwang dahil sa taggutom. |
1435 | GEN 47:14 | Naipon ni Jose ang lahat ng salaping nasa lupain ng Ehipto at sa lupain ng Canaan, sa pamamagitan ng pagbebenta ng butil sa mga mamamayan. Pagkatapos dinala ni Jose ang salapi sa palasyo ng Paraon. |
1436 | GEN 47:15 | Nang naubos na ang lahat ng salapi sa mga lupain ng Ehipto at Canaan, lahat ng mga taga-Ehipto ay pumunta kay Jose at sinabing, “Bigyan mo kami ng pagkain! Bakit kami mamamatay sa iyong harapan dahil ubos na ang aming salapi? |
1455 | GEN 48:3 | Sinabi ni Jacob kay Jose, “Nagpakita sa aking ang makapangyarihang Diyos sa Luz sa lupain ng Canaan. Binasbasan niya ako |
1459 | GEN 48:7 | Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem).” |
1504 | GEN 49:30 | sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan. |
1512 | GEN 50:5 | 'Pinanumpa ako sa aking ama, sinabing, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, Ilibing mo ako sa aking libingan na hinukay ko doon sa lupain ng Canaan. Doon mo ako ilibing.” Ngayon hayaan ninyo akong umakyat at ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay babalik din ako.” |
1518 | GEN 50:11 | Nang nakita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang pagluluksa sa giikan ni Atad, kanilang sinabi, “Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto.” Kaya ang pangalang itinawag sa lugar na iyon ay Abel-Mizraim, na nasa kabilang dako ng Jordan. |
1520 | GEN 50:13 | Dinala siya ng kanyang mga anak sa lupain ng Canaan at inilibing siya sa kuweba sa bukid ng Macpela, malapit sa Mamre. Binili ni Abraham ang kuweba na may bukid para maging lugar na paglilibingan. Binili niya ito kay Ephron na Hetheo. |
1588 | EXO 3:8 | Bumaba ako para palayain sila mula sa kapangyarihan ng mga taga-Ehipto at dalhin sila mula sa lupaing iyon patungo sa mabuti at malawak na lupain, sa isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot; sa rehiyon ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo. |
1597 | EXO 3:17 | Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. |
1660 | EXO 6:4 | Itinatag ko rin sa kanila ang aking tipan, para ibigay sa kanila ang lupain ng Canaan, ang lupain na kung saan sila ay nanirahan bilang hindi mamamayan, ang lupain kung saan sila ay lumibot. |
1670 | EXO 6:14 | Ito ay ang mga pinuno sa mga bahay ng kanilang mga ama. Mga anak na lalaki ni Ruben, ang panganay ni Israel, sina Hanoch, si Phallu, si Hezron, at si Carmi. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Ruben. |
1671 | EXO 6:15 | Ang mga anak na lalaki ni Simeon ay sina Jemuel, si Jamin, si Ohad, si Jachin, si Zohar, at si Shaul—ang anak na lalaki sa isang babaeng Cananeo. Ang mga ito ay ang angkan ng mga ninuno ni Simeon. |
1680 | EXO 6:24 | Ang mga anak na lalaki ni Cora ay sina, Assir, Elcana, at Abiasaph. Ito ang mga ninunong angkan ng mga Corita. |
1873 | EXO 13:5 | Dapat ninyong sundin ang ganitong pamamaraan ng pagsamba sa buwan na ito kapag dinala na kayo ni Yahweh sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Hivita at Jebuseo, ang lupain na kaniyang ipinangako na ibibigay sa inyong mga ninuno, isang lupain na umaagos ng gatas at pulot. |
1879 | EXO 13:11 | Kapag dadalhin na kayo ni Yahweh sa lupain ng Cananeo, na kaniyang ipinangako sa inyo at sa inyong mga ninuno, at kapag ibinigay niya na ang lupain sa inyo, |
1936 | EXO 15:15 | Pagkatapos ang mga pinuno ng Edom ay matatakot; ang mga sundalo ng Moab ay mayayanig; lahat ng naninirahan sa Canaan ay maglalaho. |
1983 | EXO 16:35 | Kumain ng manna ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon hanggang sa makarating sila sa lupaing may naninirahan. Kumain sila nito hanggang sa makarating sila sa mga hangganan ng lupain ng Canaan. |
2168 | EXO 23:23 | Pangungunahan ka ng aking anghel at dadalhin ka niya sa mga Amoreo, Perezeo, Cananeo, Heveo at Jebuseo. Wawasakin ko sila. |
2173 | EXO 23:28 | Magpapadala ako ng mga putakti sa unahan mo para palayasin ang mga Heveo, Cananeo, at ang mga Heteo sa harapan mo. |
2476 | EXO 33:2 | Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo. |