Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   E    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

2  GEN 1:2  Ang lupa ay walang anyo at walang laman. Ang kadiliman ay nasa ibabaw ng kalaliman. Ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng katubigan.
39  GEN 2:8  Nagtanim si Yahweh na Diyos ng isang hardin pasilangan, sa Eden, at doon niya inilagay ang taong kanyang nilikha.
41  GEN 2:10  Lumabas ang isang ilog sa Eden para diligan ang hardin. Mula roon ito ay nahati at naging apat na ilog.
45  GEN 2:14  Ang pangalan ng pangatlong ilog ay Tigris, na umaagos sa silangan ng Asshur. Ang pang-apat na ilog ay ang Eufrates.
46  GEN 2:15  Kinuha ni Yahweh na Diyos ang lalaki at inilagay siya sa hardin ng Eden upang trabahuin at alagaan ito.
76  GEN 3:20  Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eva dahil siya ang ina ng lahat ng mga nabubuhay.
79  GEN 3:23  Kaya pinalabas sila ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden, para bungkalin ang lupa kung saan siya kinuha.
80  GEN 3:24  Kaya pinalabas ng Diyos ang lalaki mula sa hardin, at nilagay niya ang querubin sa silangan ng hardin ng Eden, at isang nagliliyab na espada na umiikot sa bawat panig, upang bantayan ang daan patungo sa puno ng buhay.
81  GEN 4:1  Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.”
96  GEN 4:16  Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden.
97  GEN 4:17  Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa at nabuntis ito. Isinilang niya si Enoc. Nagtatag siya ng isang lungsod at pinangalanan niya ito sunod sa kanyang anak na si Enoc.
98  GEN 4:18  Kay Enoc isinilang si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mehujael. Si Mehujael ang naging ama ni Metusael. Si Metusael ang naging ama ni Lamec.
106  GEN 4:26  Si Set ay nagkaroon ng anak na lalaki at tinawag niya itong Enos. Sa panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ni Yahweh.
112  GEN 5:6  Nang nabuhay si Set ng 105 taon, siya ay naging ama ni Enos.
113  GEN 5:7  Pagkatapos na siya ay naging ama ni Enos, nabuhay siya ng 807 taon at naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
115  GEN 5:9  Nang nabuhay si Enos ng siyamnapung taon, naging ama siya ni Kenan.
116  GEN 5:10  Pagkatapos na siya ay naging ama ni Kenan, si Enos ay nabuhay ng 815 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
117  GEN 5:11  Nabuhay si Enos ng 905 taon, at pagkatapos siya ay namatay.
124  GEN 5:18  Nang nabuhay si Jared ng 162 taon, siya ay naging ama ni Enoc.
125  GEN 5:19  Pagkatapos niyang naging ama ni Enoc, nabuhay si Jared ng walong daang taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
127  GEN 5:21  Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem.
128  GEN 5:22  Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa tatlong daang taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Metusalem. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae.
129  GEN 5:23  Nabuhay si Enoc ng 365 taon.
130  GEN 5:24  Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos, at pagkatapos siya ay nawala, dahil kinuha siya ng Diyos.
239  GEN 10:4  Ang mga anak na lalaki ni Jovan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.
245  GEN 10:10  Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar.
256  GEN 10:21  Nagkaanak din ng mga lalaki si Sem, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Jafet. Si Sem din ang ninuno ng lahat ng tao sa Eber.
257  GEN 10:22  Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sina Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram.
259  GEN 10:24  Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber.
260  GEN 10:25  Si Eber ay may dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa kanyang panahon nahati ang mundo. Ang pangalan ng kanyang lalaking kapatid ay Joktan.
281  GEN 11:14  Nang tatlumpung taon na si Selah, siya ay naging ama ni Eber.
282  GEN 11:15  Nabuhay pa si Selah ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Eber at naging ama pa ibang anak na lalaki at babae.
283  GEN 11:16  Nang tatlumpu't-apat na taon si Eber, siya ay naging ama ni Peleg.
284  GEN 11:17  Nabuhay pa si Eber ng 430 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
309  GEN 12:10  Nagkaroon ng taggutom sa lupain, kaya bumaba si Abram papunta sa Ehipto para manirahan doon, dahil matindi ang taggutom sa lupain.
310  GEN 12:11  Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai, “Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae.
311  GEN 12:12  Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto sasabihin nilang, 'Ito ay kaniyang asawa,' at ako ay papatayin nila, pero hahayaan ka nilang mabuhay.
313  GEN 12:14  Nang papasok na si Abram sa Ehipto, nakita ng mga taga-Ehipto na napakaganda ni Sarai.
320  GEN 13:1  Kaya umalis si Abram sa Ehipto at pumunta sa Negeb, siya, ang kaniyang asawa, at ang lahat ng mayroon siya. Sumama rin si Lot sa kanila.
329  GEN 13:10  Kaya tumingin si Lot sa paligid at nakitang sagana sa tubig ang buong kapatagan ng Jordan hanggang sa Zoar, katulad ng hardin ni Yahweh, katulad ng lupain sa Ehipto. Ito ay bago pa nilipol ni Yahweh ang Sodoma at Gomorrah.
338  GEN 14:1  Nangyari na sa mga araw nina Amrafel, hari ng Sinar, Ariok, hari ng Elasar, Kedorlaomer, hari ng Elam, at Tidal, hari ng Goyim,
342  GEN 14:5  Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam,
343  GEN 14:6  at ang mga Horeo sa kanilang bulubunduking bansa ng Seir, hanggang sa El Paran, na malapit sa desyerto.
344  GEN 14:7  Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar.
346  GEN 14:9  laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima.
350  GEN 14:13  Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram.
361  GEN 14:24  Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi.”
363  GEN 15:2  Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?”
379  GEN 15:18  Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
383  GEN 16:1  Ngayon si Sarai, asawa ni Abram, ay hindi nagkaanak sa kaniya, pero mayroon siyang babaeng lingkod, taga-Ehipto, na ang pangalan ay Agar.
385  GEN 16:3  Iyon ay matapos na si Abram ay nanirahan ng sampung taon sa lupain ng Canaan nang ibinigay ni Sarai, asawa ni Abram, si Agar, na kaniyang lingkod na taga-Ehipto, sa kaniyang asawa bilang asawa.
523  GEN 21:9  Nakita ni Sara na nangungutya ang anak ni Agar na taga-Ehipto, na isinilang niya kay Abraham.
535  GEN 21:21  Namuhay siya sa ilang ng Paran, at kumuha ng mapapangasawa niya ang kaniyang ina mula sa lupain ng Ehipto.
580  GEN 23:8  Nagsalita siya sa kanila, na nagsabing, “Kung sumasang-ayon kayo na dapat kong ilibing ang aking patay, dinggin ninyo ako at pakiusapan si Efron na anak ni Zohar, para sa akin.
582  GEN 23:10  Ngayon nakaupo si Efron kasama ang mga anak ni Het, at sumagot si Efron ang Heteo kay Abraham habang naririnig ng mga anak ni Het at ng lahat ng mga taong pumunta sa loob ng tarangkahan ng siyudad, na nagsabing,
585  GEN 23:13  Kinausap niya si Ephron na naririnig ng mga tao sa lupain, na nagsasabing, “Ngunit kung papayag ka, pakiusap dinggin mo ako. Babayaran ko ang bukid. Tanggapin mo ang pera mula sa akin, at doon ko ililibing ang aking patay.”
586  GEN 23:14  Sumagot si Ephron kay Abraham, na nagsasabing,
588  GEN 23:16  Nakinig si Abraham kay Efron at tinimbang ni Abraham sa harap ni Efron ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi na naririnig ng mga anak ni Het, apatnaraang shekel ng pilak, ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal.
589  GEN 23:17  Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa
663  GEN 25:4  Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Ephah, Epher Hanoch, Abida at si Eldaah. Lahat ng mga ito ay mga kaapu-apuhan ni Keturah.
668  GEN 25:9  Sina Isaac at Ismael, na kanyang mga anak, ay inilibing siya sa kuweba ng Macpela, sa lupain ni Epron na anak na lalaki ni Zohar na mga anak ni Heth, na malapit sa Mamre.
671  GEN 25:12  Ngayon ang mga ito ay ang mga kaapu-apuhan ni Ismael, na anak na lalaki ni Abraham, kay Hagar na taga Ehipto, na lingkod ni Sara, nagsilang mula kay Abraham.
677  GEN 25:18  Sila ay nanirahan mula sa Havila hanggang Shur, na malapit sa Ehipto, nagkaisa sila na pumunta sa Assyria. Nanirahan silang may poot sa bawat isa.
684  GEN 25:25  At ang unang lumabas ay nababalutan ng pula gaya ng mabalahibong damit. Tinawag nila siya sa kanyang pangalan na Esau.
685  GEN 25:26  Pagkatapos noon, ang kanyang kapatid ay lumabas. Ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau. Siya ay tinawag na Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang ang kanyang asawa ay nagsilang sa kanila.
686  GEN 25:27  Ang mga bata ay lumaki na, at si Esau ay naging mahusay na mangangaso, isang taong sanay sa gubat; subalit si Jacob ay isang tahimik na tao, na ginugugul ang kanyang oras sa mga tolda.
687  GEN 25:28  Ngayon minahal ni Isaac si Esau dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli, subalit si Rebeca ay minahal si Jacob.
688  GEN 25:29  Si Jacob ay nagluto ng nilaga. Dumating si Esau mula sa gubat, at siya ay nanghihina sa gutom.
689  GEN 25:30  Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo ako niyang mapulang nilaga. Pakiusap, ako ay pagod!” Kaya iyon ang dahilan na ang kanyang pangalan ay tinawag na Edom.
691  GEN 25:32  Sabi ni Esau “Tingnan mo, ako ay halos mamamatay na. Ano ang kabutihan ng karapatan ng unang isinilang sa akin?”
692  GEN 25:33  Sinabi ni Jacob, “Manumpa ka muna sa akin.” Kaya sumumpa si Esau at sa ganung paraan ipinagbili niya kay Jacob ang kanyang karapatan ng unang pagkasilang.
693  GEN 25:34  Binigyan ni Jacob si Esau ng tinapay at nilagang mga lentil. Siya ay kumain at uminom, pagkatapos ay tumayo at nagpatuloy sa kanyang lakad. Sa ganitong paraan kinamuhian ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang.
695  GEN 26:2  Ngayon nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi, “Huwag kang pumunta sa Ehipto; tumira ka sa lugar na sinabi ko na iyong pagtirhan.
713  GEN 26:20  Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi “Ang tubig na ito ay sa amin.” Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon naEsek,” dahil nakipag-away sila sa kanya.
727  GEN 26:34  Nang si Esau ay apatnapung taong gulang na, siya ay nag-asawa, si Judit ang anak ni Beeri na mga anak ni Heth, at saka si Basemat ang anak na babae ni Elon na mga anak ni Heth.
729  GEN 27:1  Nang matanda na si Isaac at ang kanyang mga mata ay malabo na kaya hindi na siya makakita, tinawag niya ang nakatatandang anak niyang si Esau. Sinabi niya, “Anak ko.”
733  GEN 27:5  Ngayon narinig ni Rebeca nang kausapin ni Isaac si Esau na kanyang anak. Nagpunta si Esau sa bukid para mangaso ng hayop at dalhin ito pauwi.
734  GEN 27:6  Kinausap ni Rebeca si Jacob na kanyang anak at sinabi, “Tumingin ka rito, narinig kong kinausap ng iyong ama ang kapatid mong si Esau. Sinabi niya
739  GEN 27:11  Sinabi ni Jacob sa kanyang inang si Rebeca, “Tingnan ninyo, ang kapatid kong si Esau ay mabalahibo, at ako ay makinis na tao.
743  GEN 27:15  Kinuha ni Rebeca ang pinakamagandang damit ni Esau, na nakatatandang anak niya, na nasa kanya sa bahay, at ipinasuot ito kay Jacob, na nakababatang anak niya.
747  GEN 27:19  Sinabi ni Jacob sa kanyang ama, “Ako si Esau na unang anak mo; nagawa ko na ang sinabi mo sa akin. Umupo ka at kainin ang aking napangaso upang pagpalain mo ako.”
749  GEN 27:21  Sinabi ni Isaac kay Jacob, “Lumapit ka upang mahimas kita at malaman kung ikaw ang tunay kong anak na si Esau o hindi.”
750  GEN 27:22  Pumunta si Jacob sa kanyang amang si Isaac, at hinimas siya ni Isaac at sinabi niya, “Ang tinig ay tinig ni Jacob, ngunit ang mga kamay ay mga kamay ni Esau.
751  GEN 27:23  Hindi siya nakilala ni Isaac dahil ang kanyang mga kamay ay mabalahibo, katulad ng mga kamay ng kapatid niyang si Esau, kaya pinagpala siya ni Isaac.
752  GEN 27:24  Sinabi niya, “Ikaw ba talaga ang anak kong si Esau?” Sumagot siya, “Ako nga.”
758  GEN 27:30  Matapos pagpalain ni Isaac si Jacob, at bahagya pa siyang lumayo sa presensya ng ama niyang si Isaac, noon naman dumating ang kapatid niyang si Esau mula sa pangangaso.
760  GEN 27:32  Ang kanyang amang si Isaac ay nagsabi sa kanya, “Sino ka?” Sinabi niya, “Ako ang anak mo, ang unang anak mong si Esau.”
762  GEN 27:34  Nang marinig ni Esau ang mga salita ng kanyang ama, siya ay umiyak nang napakalakas at umiyak ng may kapaitan, sinabi sa kanyang ama, “Ako rin, pagpalain mo ako, ama ko.”
764  GEN 27:36  Sinabi ni Esau, “Hindi ba tama lang na pinangalanan siyang Jacob? Dahil dinaya niya ako sa dalawang pagkakataong ito. Inagaw niya ang aking karapatan ng isinilang at tingnan mo, ngayon ay inagaw niya ang aking pagpapala.” At sinabi niya, “Wala ka bang naitabing pagpapala para sa akin?”
765  GEN 27:37  Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau, “Tingnan mo, nagawa ko na siyang amo mo at naibigay ko na sa kanya ang lahat ng mga kapatid niya bilang alipin. At nabigyan ko siya ng butil at bagong alak. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?”
766  GEN 27:38  Sinabi ni Esau sa kanyang ama, “Wala ka bang kahit isang pagpapala sa akin, ama ko? Pagpalain mo ako, ako rin, ama ko.” Umiyak nang malakas si Esau.
769  GEN 27:41  Nagalit si Esau kay Jacob dahil sa pagpapalang binigay ng kanilang ama sa kanya. Sinabi niya sa kanyang puso, “Malapit na ang mga araw ng pagluluksa para sa aking ama; pagkatapos niyon papatayin ko ang kapatid kong si Jacob.”
770  GEN 27:42  Ang mga salita ni Esau na nakatatanda niyang anak ay nasabi kay Rebeca. Kaya nagpadala at tinawag niya si Jacob na nakababatang anak niya at sinabi rito, “Tingnan mo, ang kapatid mong si Esau ay inaaliw ang kanyang sarili sa pagbabalak na patayin ka.