249 | GEN 10:14 | ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites. |
536 | GEN 21:22 | Sa panahong iyon kinausap nila Abimelek at Ficol na kapitan ng kanyang hukbo si Abraham at sinabing, “Kasama mo ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. |
546 | GEN 21:32 | Gumawa sila ng isang kasunduan sa Beer-seba, at pagkatapos bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo. |
548 | GEN 21:34 | Namalagi si Abraham bilang isang dayuhan sa lupain ng mga Filisteo nang maraming araw. |
694 | GEN 26:1 | Ngayon, may taggutom sa lupain, bukod pa sa naunang taggutom na nagkaroon sa panahon ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, ang hari ng Filisteo sa Gerar. |
701 | GEN 26:8 | Pagkatapos, nagtagal si Isaac doon, Si Abimelec ang hari ng mga Filisteo ay nagkataong tumingin sa labas sa bintana. Nakita niya, masdan, si Isaac na nilalambing si Rebeca, na kanyang asawa. |
707 | GEN 26:14 | Mayroon siyang maraming tupa at mga baka, at isang malaking sambahayan. Ang mga Filisteo ay kinaiinggitan siya. |
711 | GEN 26:18 | Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig, na hinukay nila noong panahon ni Abraham na kanyang ama. Pinahinto sila ng mga Filisteo pagkatapos mamatay ni Abraham. Tinawag ni Isaac ang mga balon sa parehong mga pangalan na binigay ng kanyang ama dito. |
1396 | GEN 46:9 | mga anak na lalaki ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi; |
1399 | GEN 46:12 | mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul); |
1681 | EXO 6:25 | Si Eleazar, na anak na lalaki ni Aaron, ay napangasawa ang isa sa mga anak na babae ni Putiel. Ipinanganak niya si Finehas. Ito ang mga pinuno sa bahay ng mga ama sa gitna ng mga Levita, kabilang ng kanilang mga kaapu-apuhan. |
1935 | EXO 15:14 | Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia. |
4479 | NUM 25:7 | Nang makita iyon ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, tumayo siya mula sa sambayanan at humawak ng isang sibat. |
4483 | NUM 25:11 | “Inalis ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, ang aking galit sa mga tao ng Israel dahil mapusok siya sa aking adhikain sa kanila. Kaya hindi ko nilipol ang mga tao ng Israel sa aking matinding galit. |
4484 | NUM 25:12 | Kaya sabihin mo, 'sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, ibinibigay ko kay Finehas ang aking kasunduan ng kapayapaan. |
4672 | NUM 31:6 | Pagkatapos, ipinadala sila ni Moises sa labanan, isang libo mula sa bawat tribu, kasama si Finehas na anak ni Eleazar na pari, at ilang kagamitan mula sa banal na lugar at mga trumpetang pag-aari niya para sa pagpapatunog ng mga hudyat. |
5852 | DEU 34:11 | Walang ibang propeta na tulad niya sa lahat ng mga palatandaan at mga kababalaghan na ipinadala ni Yahweh sa kaniya para gawin sa lupain ng Ehipto, kay Faraon, at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa lahat ng kaniyang lupain. |
6441 | JOS 22:13 | Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang bayan ng Israel sa mga lahi ni Ruben, mga lahi ni Gad, at kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Galaad. Ipinadala rin nila si Finehas anak na lalaki ni Eleazar, ang pari, |
6458 | JOS 22:30 | Nang si Finehas na pari at ang mga pinuno ng mga tao, iyon ay, ang mga ulo ng mga angkan ng Israel na kasama niya, ay narinig ang mga salita na sinabi ng bayan ng Ruben, Gad, at Manases, na mabuti ito sa kanilang mga paningin. |
6459 | JOS 22:31 | Sinabi ni Finehas anak na lalaki ni Eleazar na pari sa bayan ng Ruben, Gad at Manases, “Ngayon alam namin na si Yahweh ay kasama namin, dahil hindi ninyo nagawa ang paglabag sa pananampalatayang ito laban sa kaniya. Ngayon sinagip ninyo ang bayan ng Israel mula sa kamay ni Yahweh.” |
6460 | JOS 22:32 | Pagkatapos bumalik sina Finehas anak na lalaki ni Eleazar na pari, at ang mga pinuno mula sa mga lahi ni Ruben at mga lahi ni Gad, palabas ng lupain ng Galaad, pabalik sa lupain ng Canaan, patungo sa bayan ng Israel, at nagbalik ng mensahe sa kanila. |
6511 | JOS 24:33 | Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ay namatay din. Inilibing nila siya sa Gibeah, ang lungsod ni Finehas na kaniyang anak na lalaki, na ibinigay sa kaniya. Iyon ay nasa maburol na lugar ng Efraim. |
6515 | JDG 1:4 | Sumalakay ang mga tao ng Juda, at binigyan sila ng katagumpayan ni Yahweh laban sa mga Cananeo at mga Ferezeo. Pinatay nila ang sampung libo sa kanila sa Bezek. |
6575 | JDG 3:5 | Kaya namuhay ang bayan ng Israel kasama ang mga Cananeo, ang mga Heteo, ang Amoreo, ang Ferezeo, ang Heveo, at ang mga Jebuseo. |
6601 | JDG 3:31 | Pagkatapos ni Ehud ang sumunod na hukom ay si Shamgar anak na lalaki ni Anat na pumatay ng 600 kalalakihan ng mga Filisteo sa pamamagitan ng isang tungkod na ginagamit para magtaboy ng mga baka. Iniligtas din niya ang Israel mula sa panganib. |
6819 | JDG 10:6 | Dinagdagan ng bayan ng Israel ang kasamaan na kanilang ginawa sa harapan ni Yahweh at sinamba ang mga Baal, ang Astorot, ang mga diyus-diyosan ng Aram, ang mga diyus-diyosan ng Sidon, ang mga diyus-diyosan ng Moab, ang mga diyus-diyosan ng bayan ng Amon at ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo. Pinabayaan nila at hindi na sinamba si Yahweh. |
6820 | JDG 10:7 | Si Yahweh ay nag-alab sa galit tungo sa Israel at ibinigay sila sa mga Filisteo at sa mga Amonita, para sila ay sakupin. |
6824 | JDG 10:11 | Sinabi ni Yahweh sa bayan ng Israel, “Hindi ko ba kayo iniligtas mula sa mga taga-Ehipto, ang mga Amoreo, ang mga Amonita, ang mga Filisteo |
6913 | JDG 14:2 | Nang bumalik siya, sinabihan niya ang kaniyang ama at ina, “May nakita akong isang dalaga sa Timna, isa sa mga dalagang babae ng mga Filestia. Ngayon kunin ninyo siya para sa maging aking asawa.” |
7084 | JDG 20:28 | at si Finehas, anak na lalaki ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay naglilingkod sa harapan ng kaban sa mga araw na iyon—”Dapat ba tayong lumabas para muling makipagdigma laban sa mga tao ng Benjamin, ating mga kapatid, o tumigil?” Sinabi ni Yahweh, “Lusubin, dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila.” |
7204 | RUT 4:12 | Nawa ang iyong bahay ay maging tulad ng bahay ni Fares, na ipinanganak ni Tamar kay Juda, sa pamamagitan ng anak na ibibigay sa iyo ni Yahweh sa dalagang ito.” |
7210 | RUT 4:18 | Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Fares: si Fares ang naging ama ni Hezron, |
7300 | 1SA 4:1 | Dumating ang salita ni Samuel sa buong Israel. Ngayon umalis ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Nagtayo sila ng kampo sa Ebenezer, at nagtayo ng kampo ang mga Felisteo sa Afek. |
7301 | 1SA 4:2 | Humanay ang mga Filisteo para labanan ang Israel. Lumaganap ang labanan, natalo ang Israel ng mga Filisteo, na pumatay ng halos apat na libong kalalakihan sa lugar ng labanan. |
7302 | 1SA 4:3 | Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, “Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway.” |
7303 | 1SA 4:4 | Kaya nagpadala ang mga tao ng kalalakihan sa Silo; mula roon dinala nila ang kaban ng tipan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa itaas ng querobin. Ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Hofni at Finehas ay naroon kasama ang kaban ng tipan ng Diyos. |
7305 | 1SA 4:6 | Nang narinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyawan, sinabi nila, “Ano ang kahulugan nitong malakas na hiyawan sa kampo ng mga Hebreo?” Pagkatapos napagtanto nila na dumating ang kaban ni Yahweh sa kampo. |
7306 | 1SA 4:7 | Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, “Dumating ang Diyos sa kampo.” Sinabi nila, “Kapighatian sa atin!” Hindi pa nangyayari ito noon! |
7308 | 1SA 4:9 | Lakasan ninyo ang loob ninyo, at magpakalalaki kayo, kayong mga Filisteo, o magiging mga alipin kayo para sa mga Hebreo, gaya ng naging mga alipin sila sa inyo. Magpakalalaki kayo, at lumaban.” |
7309 | 1SA 4:10 | Nakipaglaban ang mga Filisteo, at natalo ang Israel. Tumakas ang bawat isa sa kanyang bahay, at ang patayan ay napakalawak; sapagka't natalo ang tatlumpung libong sundalo mula sa Israel. |
7310 | 1SA 4:11 | Nakuha ang kaban ng Diyos at namatay ang dalawang lalaking anak ni Eli, na sina Hofni at Finehas. |
7316 | 1SA 4:17 | Sumagot at nagsabi ang lalaking nagdala ng balita, “Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo. Mayroon ding isang malaking pagkatalo sa mga tao. Ang iyong dalawang anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas ay patay na, at nakuha ang kaban ng Diyos.” |
7318 | 1SA 4:19 | Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak. |
7322 | 1SA 5:1 | Ngayon nakuha na ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, at dinala nila ito mula sa Ebenezer patungo sa Asdod. |
7323 | 1SA 5:2 | Kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, dinala nila ito sa bahay ng Dagon, at inilagay sa tabi ng Dagon. |
7329 | 1SA 5:8 | Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat.” At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon. |
7332 | 1SA 5:11 | Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao.” Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon. |
7334 | 1SA 6:1 | Ngayon nasa bansa ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh sa loob ng pitong buwan. |
7335 | 1SA 6:2 | Pagkatapos pinatawag ng mga tao ng Filisteo ang mga pari at ang mga manghuhula; sinabi nila sa kanila, “Ano ang dapat nating gawin sa kaban ni Yahweh? Sabihin mo sa amin kung paano namin dapat ipadala ito pabalik sa sariling bansa nito.” |
7337 | 1SA 6:4 | Pagkatapos sinabi nila, “Ano ang dapat na handog pambayad para sa kasalanan na ibabalik namin sa kanya?” Sumagot sila, “Limang ginintuang bukol at limang ginintuang daga, lima bilang pareho sa bilang ng mga namumuno ng mga Filisteo. Para sa parehong salot na nagpahirap sa inyo at sa inyong mga namumuno. |
7345 | 1SA 6:12 | Tumuloy ang mga baka sa dako ng Beth-semes. Pumunta sila sa tabi ng isang malapad na daan, umuungal sila habang lumalakad, at hindi sila lumihis patabi maging sa kanan o sa kaliwa. Sinundan sila ng mga namumuno ng Felisteo sa hangganan ng Beth-semes. |
7349 | 1SA 6:16 | Nang nakita ito ng limang namumuno sa mga Filisteo, bumalik sila sa araw na iyon sa Ekron. |
7350 | 1SA 6:17 | Ito ang mga ginintuang bukol na ibinalik ng mga Filisteo para sa isang handog pambayad para sa kasalanan kay Yahweh: isa para sa Asdod, isa para sa Gaza, isa para sa Ashkelon, isa para sa Gat at isa para sa Ekron. |
7351 | 1SA 6:18 | Parehong bilang ang limang ginintuang daga sa bilang ng lahat ng lungsod ng Filisteo pag-aari ng limang namumuno, kapwa matibay na mga lungsod at mga panlalawigang nayon. Ang malaking bato, na nasa tabi nito inilagay nila ang kaban ni Yahweh, ay nanatiling isang saksi hanggang sa araw na ito sa bukirin ni Josue na Beth-semita. |
7354 | 1SA 6:21 | Nagpadala sila ng mga mensahero na naninirahan sa Kiriath Jearim, sinasabing, “Ibinalik ng mga Filisteo ang kaban ni Yahweh; bumaba at dalhin ninyo ito pabalik.” |
7357 | 1SA 7:3 | Sinabi ni Samuel sa lahat ng tao ng Israel, “Kung babalik kayo kay Yahweh nang inyong buong puso, alisin ninyo ang mga dayuhang diyos at ang Astarot mula sa inyo, ibaling ang inyong mga puso kay Yahweh, at siya lamang ang sambahin, sa gayon ililigtas niya kayo mula sa kamay ng mga Filisteo.” |
7361 | 1SA 7:7 | Ngayon nang marining ng mga Filisteo na nagtipon ang mga tao ng Israel sa Mizpa, sinalakay ng mga namumuno ng Filisteo ang Israel. Pagkarinig ng mga tao ng Israel nito, natakot sila sa mga Palestina. |
7362 | 1SA 7:8 | Pagkatapos sinabi ng bayan ng Israel kay Samuel, “Huwag kang tumigil sa pagtawag kay Yahweh na ating Diyos para sa amin, upang iligtas niya kami mula sa kamay ng mga Filisteo.” |
7364 | 1SA 7:10 | Habang inihahandog ni Samuel ang sinunog na handog, lumapit ang mga Filisteo para salakayin ang Israel. Subalit nagpakulog si Yahweh ng isang malakas na tunog sa araw na iyon laban sa mga Filisteo at nagkagulo sila, at napuksa sila sa harapan ng Israel. |
7365 | 1SA 7:11 | Pumunta ang mga kalalakihan ng Israel mula sa Mizpa, at tinugis nila ang mga Filisteo at pinatay sila hanggang sa ibaba ng Betcar. |
7367 | 1SA 7:13 | Kaya nag-api ang mga Filisteo at hindi sila pumasok sa hangganan ng Israel. Laban sa mga Filisteo ang kamay ni Yahweh sa lahat ng araw ni Samuel. |
7368 | 1SA 7:14 | Naibalik sa Israel ang mga bayang kinuha ng mga Filisteo mula sa Israel, mula sa Ekron hanggang sa Gat; binawi ng Israel ang kanilang nasasakupan mula sa mga Filisteo. Pagkatapos nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan ng Israel at mga Amoreo. |
7409 | 1SA 9:16 | “Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin.” |
7425 | 1SA 10:5 | Matapos iyon, paroroon ka sa burol ng Diyos, kung saan naroon ang kuta ng mga Filisteo. Kapag nakarating ka sa lungsod, makakasalubong ka ng isang pangkat ng propetang pababa mula sa mataas na lugar na may alpa, panderetas, plauta, at lira sa harapan nila; magsisipanghula sila. |
7471 | 1SA 12:9 | Subalit kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos; ipinagbili niya sila sa kamay ni Sisera, kapitan ng mga hukbo ni Hazor, sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari ng Moab; nakigpaglaban silang lahat sa inyong mga ninuno. |
7490 | 1SA 13:3 | Tinalo ni Jonatan ang kuta ng mga Filisteo na nasa Geba at narinig ito ng mga Filisteo. Pagkatapos hinipan ni Saul ang trumpeta sa buong lupain, nagsasabing, “Hayaang marinig ng mga Hebreo.” |
7491 | 1SA 13:4 | Narinig ng buong Israel na tinalo ni Saul ang kuta ng mga Filisteo, at naging isang bulok na amoy din ang Israel sa mga Filisteo. Pagkatapos sama-samang pinatawag ang mga sundalo upang sumama kay Saul sa Gilgal. |
7492 | 1SA 13:5 | Nagtipon ng magkakasama ang mga Filisteo upang makipaglaban sa Israel: tatlong libong karo, anim na libong kalalakihan upang patakbuhin ang mga karo, at mga hukbo na kasindami ng buhangin sa baybayin. Dumating sila at nagkampo sa Micmas, silangan ng Beth-aven. |
7498 | 1SA 13:11 | Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Ano itong nagawa mo?” Sumagot si Saul, “Nang nakita ko na iniwanan na ako ng mga tao, at hindi ka dumating sa loob ng itinakdang panahon, at nagtipon ang mga Filisteo sa Micmas, |
7499 | 1SA 13:12 | sinabi ko, 'Bababa ngayon ang mga Filisteo laban sa akin sa Gilgal, at hindi ko hinanap ang pabor ni Yahweh.' Kaya pinilit ko ang aking sarili na ihandog ang handog na susunugin.” |
7503 | 1SA 13:16 | Si Saul, kanyang anak na lalaking si Jonatan, at ang mga tao na naroon kasama nila, ay nanatili sa Geba ng Benjamin. Subalit nagkampo ang mga Filisteo sa Micmas. |
7504 | 1SA 13:17 | Dumating ang mga mananalakay mula sa kampo ng mga Filisteo sa tatlong pangkat. Isang pangkat ay patungong Ofra, sa lupain ng Sual. |
7506 | 1SA 13:19 | Walang mahanap na panday sa buong Israel, dahil sinabi ng mga Filisteo, “Kung hindi gagawa ang mga Hebreo ng mga espada o mga sibat para sa kanilang mga sarili.” |
7507 | 1SA 13:20 | Subalit ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay sanay na bumaba sa mga Filisteo, bawat isa upang hasain ang tulis ng kanyang arado, kanyang asarol, kanyang palakol, at kanyang karit. |
7510 | 1SA 13:23 | Ang kuta ng mga Filisteo ay pumunta sa lagusan ng Micmas. |
7511 | 1SA 14:1 | Isang araw, sinabi ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul sa kanyang batang tagapagdala ng baluti, “Halika, pumunta tayo sa kuta ng mga Filisteo sa kabilang panig.” Subalit hindi niya sinabihan ang kanyang ama. |
7514 | 1SA 14:4 | Sa pagitan ng mga lagusan, na nilalayon ni Jonatan na tawirin papunta sa kuta ng mga Filisteo, may isang mabatong talampas sa isang bahagi, at isang mabatong talampas sa isa pang bahagi. Ang pangalan ng isang talampas ay Bozez, at ang pangalan ng isa pa ay Sene. |
7521 | 1SA 14:11 | Kaya pareho nilang inilantad ang kanilang mga sarili sa kuta ng mga Filisteo. Sinabi ng mga Palestina, “Masdan ninyo, ang mga Hebreo ay lumalabas sa mga butas kung saan sila nagtatago.” |
7523 | 1SA 14:13 | Umakyat si Jonatan gamit ang kanyang mga kamay at paa, at sumunod sa kanyang likuran ang kanyang tagapagdala ng baluti. Pinatay ni Jonatan ang mga Filisteo sa harapan, at pinatay ng kanyang tagapagdala ng baluti sa kanyang likuran. |
7529 | 1SA 14:19 | Habang nagsasalita si Saul sa pari, ang kaguluhan sa kampo ng mga ni Filisteo ay nagpatuloy at lumalawak. Pagkatapos sinabi ni Saul sa pari, “Alisin ang iyong kamay.” |
7531 | 1SA 14:21 | Ngayon iyong mga Hebreo na dati ay kasama ng mga ni Filisteo at iyong kasama nila sa kampo, kahit sila ay umanib sa mga Israelita na kasama nila Saul at Jonatan. |
7532 | 1SA 14:22 | Nang tinago ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang kanilang sarili sa mga burol malapit sa Efraim narinig nila na tumatakas ang mga Filisteo, kahit na hinabol sa nila sila sa labanan. |
7540 | 1SA 14:30 | Ano pa kaya kung malayang kumain ang mga tao ngayon sa pandarambong mula sa kanilang mga kaaway na kanilang natagpuan? Subalit ngayon ang patayan ay hindi matindi sa mga Filisteo.” |
7541 | 1SA 14:31 | Sinalakay nila ang mga Filisteo sa araw na iyon mula Micmas hanggang Ahilon. Pagod na pagod ang mga tao. |
7546 | 1SA 14:36 | Pagkatapos sinabi ni Saul, “Habulin natin ang mga Filisteo sa gabi at dambungan sila hanggang umaga; huwag tayong magtira ng buhay sa isa sa kanila.” Sumagot sila, “Gawin kung anong sa tingin mo ay mabuti.” Subalit sinabi ng pari, “Lapitan natin ang Diyos dito.” |
7547 | 1SA 14:37 | Tinanong ni Saul ang Diyos, “Dapat ko bang habulin ang mga Filisteo? Ibibigay mo ba sila sa kamay ng Israel?” Subalit hindi siya sinagot ng Diyos nang araw na iyon. |
7556 | 1SA 14:46 | Pagkatapos pinatigil ni Saul ang pagtugis sa mga Filisteo, at pumunta ang mga Filisteo sa kanilang sariling lugar. |
7557 | 1SA 14:47 | Nang magsimula si Saul na mamuno sa Israel, nakipaglaban siya sa lahat ng kanyang mga kaaway sa bawat panig. Nakipaglaban siya sa Moab, sa mga tao ng Ammon, Edom, sa mga hari ng Zobah, at sa mga Filisteo. Saan man siya bumaling, nagpatupad siya ng parusa sa kanila. |
7562 | 1SA 14:52 | May matinding labanan laban sa mga Filisteo sa lahat ng araw ni Saul. Kapag makakita si Saul ng sinumang malakas na tao, o sinumang matapang na tao, inilalapit niya ang kanyang sarili. |
7621 | 1SA 17:1 | Ngayon tinipon ng mga Filisteo ang kanilang mga hukbo para sa labanan. Nagtipon sila sa Soco, na nabibilang sa Juda. Nagkampo sila sa pagitan ng Soco at Azeka, sa Epesdammim. |
7622 | 1SA 17:2 | Nagtipon at nagkampo si Saul at ang kalalakihan ng Israel sa lambak ng Ela, at nagsihanay upang makipaglaban sa mga Filisteo. |
7623 | 1SA 17:3 | Nakatayo ang mga Filisteo sa isang bundok sa kabilang dako at nakatayo naman ang mga Israelita sa isang bundok sa kabilang dako na may isang lambak ang nakapagitan sa kanila. |
7624 | 1SA 17:4 | Isang malakas na tao ang lumabas mula sa kampo ng mga Filisteo, isang taong nagngangalang Goliat na mula sa Gat, na ang tangkad ay anim na kubit at isang dangkal. |
7628 | 1SA 17:8 | Tumayo siya at sumigaw sa mga hukbo ng Israel, “Bakit kayo lumabas para humanay sa pakikipaglaban? Hindi ba ako isang Filisteo, at hindi ba kayo mga lingkod ni Saul? Pumili kayo ng isang lalaki para sa inyong sarili at hayaan siyang bumaba rito sa akin. |
7630 | 1SA 17:10 | Muling sinabi ng Filisteo, “Hinahamon ko ang mga hukbo ng Israel ngayon. Bigyan ninyo ako ng isang tao para makapaglaban kami.” |
7631 | 1SA 17:11 | Nang marinig ni Saul at ng buong Israel ang sinabi ng Filisteo, pinanghinaan sila ng loob at labis na natakot. |
7636 | 1SA 17:16 | Lumalapit sa umaga at gabi ang malakas na taong Filisteo sa loob ng apatnapung araw upang iharap ang kanyang sarili sa labanan. |