4 | GEN 1:4 | Nakita ng Diyos na ang liwanag ay kaaya-aya. Hiniwalay niya ang liwanag mula sa kadiliman. |
9 | GEN 1:9 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain.” At nagkagayon nga. |
11 | GEN 1:11 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri.” At nagkagayon nga. |
14 | GEN 1:14 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang magkaroon ng mga liwanag sa langit upang ihiwalay ang araw mula sa gabi. At hayaan silang maging mga palatandaan, para sa mga panahon, para sa mga araw at sa mga taon. |
15 | GEN 1:15 | Hayaan silang maging mga liwanag sa langit upang magbigay liwanag sa ibabaw ng mundo.” At nagkagayon nga. |
20 | GEN 1:20 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang mapuno ang katubigan ng lahat ng uri ng buhay na nilalang na ginawa ko, mapuno ang himpapawid ng mga ibong lumilipad sa ibabaw ng lupa. ” |
22 | GEN 1:22 | Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, “Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo. |
24 | GEN 1:24 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang, bawat isa ayon sa kanyang sariling uri, mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo, bawat isa nito ayon sa kanyang sariling uri”. Nagkagayon nga. |
26 | GEN 1:26 | Sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo. |
42 | GEN 2:11 | Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Iyon ang umaagos sa buong lupain ng Havila, kung saan mayroong ginto. |
49 | GEN 2:18 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.” |
57 | GEN 3:1 | Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?” |
59 | GEN 3:3 | pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'” |
72 | GEN 3:16 | Sinabi niya sa babae, “Higit kong patitindihin ang sakit mo sa panganganak; sa sakit ka magsisilang ng mga anak. Ang iyong pagnanais ay para sa iyong asawa, subalit pamumunuan ka niya.” |
73 | GEN 3:17 | Sinabi niya kay Adan, “Dahil nakinig ka sa boses ng iyong asawa, at kumain mula sa puno, kung alin ay iniutos ko sa iyo, nang sinabi kong, “Hindi kayo maaaring kumain mula rito,' sinumpa ang lupa dahil sa iyo; sa matinding pagpapagal kakain ka mula rito sa lahat ng mga araw ng iyong buhay. |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
138 | GEN 5:32 | Matapos mabuhay ni Noe ng limandaang taon, siya ay naging ama nina Sem, Ham at Jafet. |
148 | GEN 6:10 | Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet. |
161 | GEN 7:1 | Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan. |
173 | GEN 7:13 | Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka. |
196 | GEN 8:12 | Naghintay siya ng pito pang araw, at pinalipad niyang muli ang kalapati. Hindi na ito muling bumalik sa kanya. |
205 | GEN 8:21 | Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko. |
206 | GEN 8:22 | Habang ang mundo ay nananatili, ang panahon ng pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi ay hindi hihinto.” |
217 | GEN 9:11 | Sa pamamagitan nito itinatatag ko ang aking kasunduan sa inyo, na hindi na kailanman ang lahat ng laman ay muling mawawasak sa pamamagitan ng tubig baha. Hindi na kailanman muling magkakaroon ng bahang sisira sa mundo.” |
224 | GEN 9:18 | Ang mga anak ni Noe na lumabas sa arka ay sina Sem, Ham at Jafet. At si Ham ay ama ni Canaan. |
228 | GEN 9:22 | Pagkatapos si Ham, na ama ni Canaan, ay nakita ang kahubaran ng kanyang ama at sinabi ito sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas. |
236 | GEN 10:1 | Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe, iyon ay, sina Sem, Ham at Jafet. Nagkaanak sila ng mga lalaki pagkatapos ng baha. |
241 | GEN 10:6 | Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. |
242 | GEN 10:7 | Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan. |
250 | GEN 10:15 | Si Canaan ang naging ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Heth, |
252 | GEN 10:17 | ng mga Hivita, ng mga Araceo, ng mga Sineo, |
253 | GEN 10:18 | ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo. |
255 | GEN 10:20 | Ito ang mga anak na lalaki ni Ham, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga wika, sa kanilang mga lupain, at sa kanilang mga bansa. |
258 | GEN 10:23 | Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. |
261 | GEN 10:26 | Si Joktan ang naging ama nina Almodad, Sheleph, Hazarmavet, Jerah, |
262 | GEN 10:27 | Hadoram, Uzal, Diklah, |
264 | GEN 10:29 | Ofir, Havila, at Jobab. Ang lahat ng mga ito ay anak ni Joktan. |
270 | GEN 11:3 | Sinabi nila sa isa’t isa, “Halikayo, gumawa tayo ng mga laryo at lutuin nating mabuti.” Laryo ang gamit nila sa halip na bato at alkitran bilang semento. |
271 | GEN 11:4 | Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.” |
273 | GEN 11:6 | Sinabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila. |
274 | GEN 11:7 | Halikayo, bumaba tayo at lituhin natin ang kanilang wika roon, para hindi nila maintindihan ang isa’t isa. |
293 | GEN 11:26 | Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran. |
294 | GEN 11:27 | Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot. |
295 | GEN 11:28 | Namatay si Haran sa piling ng kaniyang amang si Terah sa lupain na kaniyang sinilangan, sa Ur ng mga Caldeo. |
296 | GEN 11:29 | Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah. |
298 | GEN 11:31 | Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon. |
299 | GEN 11:32 | Nabuhay pa si Terah ng 205 na taon at pagkatapos ay namatay sa Haran. |
300 | GEN 12:1 | Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo. |
303 | GEN 12:4 | Kaya humayo si Abram, gaya ng sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin, at sumama si Lot sa kaniya. Pitumpu't-limang taong gulang si Abram nang umalis siya sa Haran. |
304 | GEN 12:5 | Isinama ni Abram si Sarai, na kaniyang asawa, si Lot, na anak na lalaki ng kaniyang kapatid, lahat ng mga ari-arian na kanilang naipon, at mga nakuha nilang mga tauhan sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupain ng Canaan. |
327 | GEN 13:8 | Kaya sinabi ni Abram kay Lot, “Huwag nating hayaan na magkaroon ng alitan sa pagitan nating dalawa at sa pagitan ng iyong mga pastol at ng aking mga pastol; kung tutuusin, tayo ay magkapamilya. |
328 | GEN 13:9 | Hindi ba nasa harap mo ang buong lupain? Humayo ka at ihiwalay mo ang iyong sarili sa akin. Kung pupunta ka sa kaliwa, pupunta naman ako sa kanan. O kung pupunta ka sa kanan, pupunta naman ako sa kaliwa. |
337 | GEN 13:18 | Kaya binuhat ni Abram ang kaniyang tolda, pumunta siya at nanirahan sa may mga kakahuyan ng Mamre, na nasa Hebron, at doon nagtayo ng isang altar para kay Yahweh. |
342 | GEN 14:5 | Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam, |
343 | GEN 14:6 | at ang mga Horeo sa kanilang bulubunduking bansa ng Seir, hanggang sa El Paran, na malapit sa desyerto. |
344 | GEN 14:7 | Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar. |
350 | GEN 14:13 | Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram. |
352 | GEN 14:15 | Kinagabihan hinati niya ang kaniyang mga tauhan laban sa kanila at nilusob sila, at hinabol sila hanggang sa Hoba na nasa hilaga ng Damasco. |
354 | GEN 14:17 | Matapos bumalik ni Abram mula sa pagtalo kina Kedorlaomer at sa mga hari na kasama niya, ang hari ng Sodoma ay lumabas para salubungin siya sa lambak ng Save (tinatawag ding Lambak ng Hari). |
361 | GEN 14:24 | Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi.” |
362 | GEN 15:1 | Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.” |
375 | GEN 15:14 | Hahatulan ko ang bansang iyon na paglilingkuran nila, at pagkatapos sila ay lalabas na may saganang mga ari-arian. |
381 | GEN 15:20 | ang mga Heteo, ang mga Perezeo, ang mga Refiata, |
387 | GEN 16:5 | Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, “Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin. |
417 | GEN 17:19 | Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan. |
426 | GEN 18:1 | Habang nakaupo siya sa pintuan ng tolda sa kainitan ng araw, nagpakita si Yahweh kay Abraham sa mga kakahuyan ni Mamre. |
429 | GEN 18:4 | Hayaan ninyong maidala ang kaunting tubig, mahugasan ang inyong mga paa, at makapagpahinga kayo sa ilalim ng punong kahoy. |
430 | GEN 18:5 | Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.” |
440 | GEN 18:15 | Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.” |
450 | GEN 18:25 | Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?” |
453 | GEN 18:28 | Paano kung nabawasan ng lima ang limampung matuwid? Wawasakin mo ba ang buong lungsod dahil nabawasan ng lima? At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin kung may mahanap akong apatnapu't lima.” |
455 | GEN 18:30 | Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magagalit Panginoon, para makapagsalita ako. Kung sakali na tatlumpu ang mahanap doon? “Sinabi ng Diyos, “Hindi ko ito gagawin kung may mahanap akong tatlumpu doon.” |
456 | GEN 18:31 | Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.” |
457 | GEN 18:32 | Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon.” At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.” |
460 | GEN 19:2 | Sinabi niya, “Nakikiusap ako aking mga panginoon, kayo ay pumunta muna sa bahay ng inyong lingkod at manatili ng magdamag at hugasan ang inyong mga paa. Pagkatapos, maaari na kayong bumangon nang maaga at pumunta sa inyong pupuntahan.” At sinabi nila, “Hindi, magpapalipas na lang kami ng gabi sa liwasan ng bayan. |
466 | GEN 19:8 | Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.” |
475 | GEN 19:17 | Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki, “Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol. |
476 | GEN 19:18 | Sinabi ni Lot sa kanila.” Hindi, pakiusap aking mga panginoon! |
490 | GEN 19:32 | Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama. |
493 | GEN 19:35 | Kaya ng gabing iyon, muli nilang pinainom ng alak ang kanilang ama, pumasok at sumiping sa kanya ang nakababata. Hindi niya alam kung kailan siya humiga ni kung kailan siya bumangon. |
501 | GEN 20:5 | Hindi ba sinabi niya mismo sa akin, 'Kapatid ko siya?'Kahit si Sarah, sinabi niya rin mismo sa akin na, 'Kapatid ko siya.' Nagawa ko ito sa katapatan ng aking puso at kamusmusan ng aking mga kamay.” |
526 | GEN 21:12 | Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, “Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki, at dahil sa iyong babaeng lingkod. Pakinggan mo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa bagay na ito, dahil sa pamamagitan ni Isaac makikilala ang mga kaapu-apuhan mo. |
530 | GEN 21:16 | Pagkatapos umalis siya at naupo sa di kalayuan mula sa kanya, na parang isang tudla ng pana ang layo, dahil ang sabi niya, “Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata.” Habang nakaupo siya roon sa kabila ng bata, nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak. |
531 | GEN 21:17 | Narinig ng Diyos ang boses ng bata, at tumawag ang anghel ng Diyos kay Agar mula sa langit, at sinabi sa kanya, “Anong gumagambala sa iyo, Agar? Huwag kang matakot, sapagkat narinig ng Diyos ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan. |
540 | GEN 21:26 | Sinabi ni Abimelek, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng bagay na ito. Hindi mo ito sinabi sa akin liban ngayon; hindi ko ito narining kundi ngayon.” |
560 | GEN 22:12 | Sinabi niya, “Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin. |
569 | GEN 22:21 | Sila ay sina Hus ang kanyang panganay, si Buz na kapatid niya, si Kemuel na ama ni Aram, |
570 | GEN 22:22 | Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel. |
574 | GEN 23:2 | Namatay si Sara sa Kiriat Arba, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. Nagluksa at umiyak si Abraham para kay Sara. |
575 | GEN 23:3 | Pagkatapos, tumayo si Abraham at umalis mula sa namatay niyang asawa, at nakipag-usap sa mga anak na lalaki ni Het, na nagsabing, |
577 | GEN 23:5 | Sumagot ang mga anak ni Heth kay Abraham, nagsasabing, |
579 | GEN 23:7 | Tumayo si Abraham at yumuko sa mga mamamayan ng lupain, sa mga anak ni Het. |
582 | GEN 23:10 | Ngayon nakaupo si Efron kasama ang mga anak ni Het, at sumagot si Efron ang Heteo kay Abraham habang naririnig ng mga anak ni Het at ng lahat ng mga taong pumunta sa loob ng tarangkahan ng siyudad, na nagsabing, |
583 | GEN 23:11 | “Hindi, aking panginoon, pakinggan mo ako. Ibibigay ko sa iyo ang bukid, at ang kuwebang narito. Ibibigay ko ito sa iyo, sa harapan ng mga anak ng aking mga kababayan. Ibibigay ko ito sa iyo para mapaglibingan ng iyong patay.” |
588 | GEN 23:16 | Nakinig si Abraham kay Efron at tinimbang ni Abraham sa harap ni Efron ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi na naririnig ng mga anak ni Het, apatnaraang shekel ng pilak, ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal. |