1 | GEN 1:1 | Noong simula nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. |
4 | GEN 1:4 | Nakita ng Diyos na ang liwanag ay kaaya-aya. Hiniwalay niya ang liwanag mula sa kadiliman. |
5 | GEN 1:5 | Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw. |
8 | GEN 1:8 | Tinawag ng Diyos ang puwang na “langit.” Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw. |
10 | GEN 1:10 | Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na “lupa” at ang natipong tubig ay tinawag niyang “dagat.” Nakita niyang ito ay kaaya-aya. |
12 | GEN 1:12 | Tinubuan ng halaman ang lupa, mga pananim na nagbibigay ng buto mula sa kanilang uri, at mga namumungang punong kahoy na taglay nito ang buto, mula sa kanilang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. |
13 | GEN 1:13 | Naggabi at nag-umaga, ito ang ikatlong araw. |
18 | GEN 1:18 | upang pamunuan ang buong araw at ang buong gabi, at upang ihiwalay ang liwanag sa kadiliman. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. |
19 | GEN 1:19 | Naggabi at nag-umaga, ito ang ikaapat na araw. |
21 | GEN 1:21 | Kaya’t nilikha ng Diyos ang malalaking nilalang na naninirahan sa dagat, gayon din ang bawat buhay na nilikha ayon sa kanyang uri, mga nilalang na kumikilos at nagkukumpol sa katubigan, at bawat mga ibong may pakpak ayon sa kanyang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya. |
23 | GEN 1:23 | Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalimang araw. |
24 | GEN 1:24 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang, bawat isa ayon sa kanyang sariling uri, mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo, bawat isa nito ayon sa kanyang sariling uri”. Nagkagayon nga. |
25 | GEN 1:25 | Ginawa ng Diyos ang mga mababangis na hayop sa mundo ayon sa kanilang uri, ang mga hayop ayon sa kanilang mga uri, at lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng lupa ayon sa kanyang uri. Nakita niya na ito ay kaaya-aya. |
27 | GEN 1:27 | Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila. |
31 | GEN 1:31 | Nakita ng Diyos ang lahat ng bagay na kanyang ginawa. Pagmasdan, ito ay napakabuti. Naggabi at nag-umaga, ito ang ika anim araw. |
39 | GEN 2:8 | Nagtanim si Yahweh na Diyos ng isang hardin pasilangan, sa Eden, at doon niya inilagay ang taong kanyang nilikha. |
57 | GEN 3:1 | Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae, “Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?” |
64 | GEN 3:8 | Narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos na naglalakad sa hardin sa kalamigan ng araw, kaya ang lalaki at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa presensya ni Yahweh na Diyos sa mga punong-kahoy ng hardin. |
65 | GEN 3:9 | Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, “Nasaan ka?” |
66 | GEN 3:10 | Sinabi ng lalaki, “Narinig kita sa hardin, at natakot ako, dahil ako ay hubad. Kaya itinago ko ang aking sarili.” |
69 | GEN 3:13 | Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.” |
78 | GEN 3:22 | Sinabi ni Yahweh na Diyos, “Ngayon ang tao ay naging tulad na natin, na nakaaaalam ng mabuti at masama. Ngayon hindi siya dapat pahintulutang abutin ng kanyang kamay, at kumuha mula sa puno ng buhay at kumain nito, at mabuhay nang walang hanggan.” |
81 | GEN 4:1 | Ang lalaki ay sumiping sa kanyang asawang si Eva. Siya ay nabuntis at isinilang niya si Cain. Sinabi niya, “Nagkaroon ako ng lalaki sa tulong ni Yahweh.” |
82 | GEN 4:2 | Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa. |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
91 | GEN 4:11 | Ngayon isinumpa ka mula sa lupa, na nagbukas ng bunganga nito upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong kamay. |
96 | GEN 4:16 | Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden. |
97 | GEN 4:17 | Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa at nabuntis ito. Isinilang niya si Enoc. Nagtatag siya ng isang lungsod at pinangalanan niya ito sunod sa kanyang anak na si Enoc. |
102 | GEN 4:22 | Si Zilla naman, naging anak niya si Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal. Ang babaeng kapatid ni Tubal Cain ay si Naama. |
103 | GEN 4:23 | Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, “Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin. |
108 | GEN 5:2 | Nilikha niya silang lalaki at babae. Pinagpala niya sila at pinangalanan silang sangkatauhan nang sila ay likhain. |
109 | GEN 5:3 | Nang nabuhay si Adan ng 130 taon, siya ay naging ama ng isang anak na lalaki na ayon sa kanyang sariling wangis, sunod sa kanyang larawan, at pinangalanan niya itong Set. |
111 | GEN 5:5 | Nabuhay si Adan ng 930 taon, at pagkatapos siya ay namatay. |
112 | GEN 5:6 | Nang nabuhay si Set ng 105 taon, siya ay naging ama ni Enos. |
114 | GEN 5:8 | Nabuhay si Set ng 912 taon, at pagkatapos siya ay namatay. |
115 | GEN 5:9 | Nang nabuhay si Enos ng siyamnapung taon, naging ama siya ni Kenan. |
117 | GEN 5:11 | Nabuhay si Enos ng 905 taon, at pagkatapos siya ay namatay. |
118 | GEN 5:12 | Nang nabuhay si Kenan ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Mahalalel. |
120 | GEN 5:14 | Nabuhay si Kenan ng 910 taon at pagkatapos siya ay namatay. |
121 | GEN 5:15 | Nang nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Jared. |
123 | GEN 5:17 | Nabuhay si Mahalalel ng 895 taon at pagkatapos siya ay namatay. |
124 | GEN 5:18 | Nang nabuhay si Jared ng 162 taon, siya ay naging ama ni Enoc. |
126 | GEN 5:20 | Nabuhay si Jared ng 962 taon, at pagkatapos siya ay namatay. |
127 | GEN 5:21 | Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem. |
129 | GEN 5:23 | Nabuhay si Enoc ng 365 taon. |
131 | GEN 5:25 | Nang nabuhay si Metusalem ng 187 taon, siya ay naging ama ni Lamec. |
133 | GEN 5:27 | Nabuhay si Metusalem ng 969 taon. Pagkatapos siya ay namatay. |
134 | GEN 5:28 | Nang nabuhay si Lamec ng 182 taon, siya ay naging ama ng isang lalaki. |
135 | GEN 5:29 | Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.” |
136 | GEN 5:30 | Nabuhay si Lamec ng 595 taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Noe. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
137 | GEN 5:31 | Nabuhay si Lamec ng 777 taon. Pagkatapos siya ay namatay. |
138 | GEN 5:32 | Matapos mabuhay ni Noe ng limandaang taon, siya ay naging ama nina Sem, Ham at Jafet. |
142 | GEN 6:4 | Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala. |
143 | GEN 6:5 | Nakita ni Yahweh ang labis na kasamaan ng sangkatauhan sa mundo, at ang bawat pagkahilig ng kanilang puso ay patuloy na kasamaan lamang. |
144 | GEN 6:6 | Nalungkot si Yahweh na ginawa niya ang sangkatauhan sa mundo, at ito ay nagdulot ng dalamhati sa kanyang puso. |
146 | GEN 6:8 | Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh. |
147 | GEN 6:9 | Ito ang mga pangyayari patungkol kay Noe. Matuwid, at walang kapintasan si Noe sa gitna ng mga tao sa kanyang kapanahunan. Lumakad si Noe kasama ng Diyos. |
148 | GEN 6:10 | Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet. |
150 | GEN 6:12 | Nakita ng Diyos ang mundo; masdan, ito ay masama, dahil lahat ng laman ay pinasama ang kanilang gawi sa ibabaw ng mundo. |
151 | GEN 6:13 | Sinabi ng Diyos kay Noe, “Nakikita kong panahon na upang bigyang wakas ang lahat ng laman, sapagkat napuno na ng karahasan ang mundo sa pamamagitan nila. Katunayan, wawasakin ko sila kasama ng mundo. |
160 | GEN 6:22 | Kaya ginawa ito ni Noe. Ginawa niya ito, ayon sa lahat ng inutos ng Diyos. |
161 | GEN 7:1 | Sinabi ni Yahweh kay Noe, “Halika, ikaw at lahat ng iyong sambahayan sa arka, sapagkat sa salinlahing ito nakita ko na ikaw ay matuwid sa aking harapan. |
165 | GEN 7:5 | Ginawa ni Noe ang lahat ng iniutos ni Yahweh sa kanya. |
166 | GEN 7:6 | Si Noe ay anim na raang taong gulang nang dumating ang baha sa mundo. |
167 | GEN 7:7 | Si Noe, ang kanyang mga anak na lalaki, ang kanyang asawa, at ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay sama-samang pumasok sa arka dahil sa mga tubig ng baha. |
169 | GEN 7:9 | dala-dalawa, lalaki at babae, ang pumunta kay Noe at pumasok sa arka, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. |
170 | GEN 7:10 | Nangyari na matapos ang pitong araw, dumating ang tubig ng baha sa mundo. |
171 | GEN 7:11 | Sa ika-anim na raang taon ng buhay ni Noe, sa pangalawang buwan sa ikalabimpitong araw ng buwan, sa parehong araw, ang lahat ng mga bukal ng kailaliman ay sumambulat, at ang mga bintana ng langit ay nabuksan. |
172 | GEN 7:12 | Nagsimulang umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. |
173 | GEN 7:13 | Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka. |
175 | GEN 7:15 | Dalawa sa lahat ng laman na may hininga ng buhay ay pumunta kay Noe at pumasok sa arka. |
181 | GEN 7:21 | Namatay ang lahat ng mga nabubuhay na nilalang na gumagalaw sa ibabaw ng mundo: ang mga ibon, ang mga alagang hayop, ang mga mababangis na hayop, lahat ng nagkukumpol na mga nilikha na nagkumpol sa ibabaw ng mundo, at lahat ng sangkatauhan. |
183 | GEN 7:23 | Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira. |
184 | GEN 7:24 | Nangibabaw ang tubig sa mundo sa loob ng isandaan at limampung araw. |
185 | GEN 8:1 | Isinaalang-alang ng Diyos si Noe, lahat ng mga mababangis na hayop, at lahat ng alagang mga hayop na kasama niya sa arka. Ginawa ng Diyos na umihip ang isang hangin sa ibabaw ng mundo, at nagsimulang humupa ang tubig. |
190 | GEN 8:6 | At nangyari pagkaraan ng apatnapung araw na binuksan ni Noe ang bintana ng arka na kanyang ginawa. |
191 | GEN 8:7 | Nagpalipad siya ng isang uwak at ito ay nagparoo't nagparito hanggang sa natuyo ang tubig mula sa mundo. |
194 | GEN 8:10 | Naghintay siya ng pito pang mga araw at pinalipad niyang muli ang kalapati mula sa arka. |
195 | GEN 8:11 | Bumalik ang kalapati sa kanya kinagabihan. Masdan! Sa kanyang bibig ay may sariwang pitas ng dahon ng olibo. Kaya nalaman ni Noe na ang tubig ay humupa mula sa mundo. |
196 | GEN 8:12 | Naghintay siya ng pito pang araw, at pinalipad niyang muli ang kalapati. Hindi na ito muling bumalik sa kanya. |
197 | GEN 8:13 | Nangyari na sa ika-anim na raan at isang taon, sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, na natuyo na ang mga tubig mula sa mundo. Inalis ni Noe ang takip ng arka, tumingin sa labas, at masdan, nakita niya ang ibabaw ng lupa ay tuyo na. |
199 | GEN 8:15 | Sinabi ng Diyos kay Noe, |
202 | GEN 8:18 | Kaya lumabas si Noe kasama ang kanyang mga anak na lalaki, kanyang asawa, at mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki na kasama niya. |
204 | GEN 8:20 | Gumawa ng altar si Noe para kay Yahweh. Kumuha siya ng ilang malinis na hayop at ilang malinis na ibon, at naghandog ng handog na susunugin sa altar. |
205 | GEN 8:21 | Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko. |
207 | GEN 9:1 | At pinagpala ng Diyos si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, at sinabi sa kanila, “Maging mabunga kayo, magpakarami, at punuin ang mundo. |
214 | GEN 9:8 | At nakipag-usap ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na kasama niya, sinabing, |
223 | GEN 9:17 | At sinabi ng Diyos kay Noe, “Ito ang palatandaan ng aking kasunduan na aking itinatag sa pagitan ko at ng lahat ng laman na nasa mundo. |
224 | GEN 9:18 | Ang mga anak ni Noe na lumabas sa arka ay sina Sem, Ham at Jafet. At si Ham ay ama ni Canaan. |
225 | GEN 9:19 | Ito ang tatlong anak ni Noe, at mula sa mga ito dumami ang tao sa buong mundo. |
226 | GEN 9:20 | Nagsimulang maging magsasaka si Noe, at nagtanim siya ng ubasan. |
230 | GEN 9:24 | Nang nagising si Noe mula sa kanyang kalasingan, nalaman niya kung ano ang ginawa ng kanyang bunsong anak na lalaki sa kanya. |