22 | GEN 1:22 | Pinagpala sila ng Diyos, sinasabing, “Maging mabunga kayo at magpakarami, punuin niyo ang katubigan sa mga dagat. Hayaang dumami ang mga ibon sa mundo. |
28 | GEN 1:28 | Pinagpala sila ng Diyos at sinabihan silang, “Maging mabunga kayo, at magpakarami. Punuin niyo ang mundo, at supilin ito. Maging tagapamahala kayo sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, at sa lahat ng buhay na bagay na kumikilos sa ibabaw ng mundo.” |
31 | GEN 1:31 | Nakita ng Diyos ang lahat ng bagay na kanyang ginawa. Pagmasdan, ito ay napakabuti. Naggabi at nag-umaga, ito ang ika anim araw. |
34 | GEN 2:3 | Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha. |
37 | GEN 2:6 | Pero umakyat ang hamog mula sa mundo at diniligan ang buong ibabaw ng lupa. |
40 | GEN 2:9 | Mula sa lupa Pinatubo ni Yahweh na Diyos ang bawat punong kaaya-aya sa paningin at mabuti para sa pagkain. Kasama rito ang puno ng buhay na nasa gitna ng hardin, at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama. |
42 | GEN 2:11 | Ang pangalan ng unang ilog ay Pishon. Iyon ang umaagos sa buong lupain ng Havila, kung saan mayroong ginto. |
48 | GEN 2:17 | Pero mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay hindi ka maaaring kumain, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon, ikaw ay tiyak na mamamatay.” |
49 | GEN 2:18 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh na Diyos, “Hindi mabuti na ang lalaki ay nag-iisa. Gagawa ako ng katuwang na babagay para sa kanya.” |
50 | GEN 2:19 | Mula sa lupa ginawa ni Yahweh na Diyos ang bawat hayop sa bukid at bawat ibon sa langit. Pagkatapos dinala niya sila sa lalaki upang makita kung ano ang itatawag niya sa kanila. Anuman ang itinawag ng lalaki sa bawat buhay na nilikha, iyon ang kanyang pangalan. |
51 | GEN 2:20 | Ang lalaki ay nagbigay ng mga pangalan para sa lahat ng mga hayop, sa lahat ng mga ibon sa langit, at sa bawat mabangis na hayop sa bukid. Pero para sa lalaki mismo ay walang nahanap na katuwang na babagay para sa kanya. |
63 | GEN 3:7 | Parehong nabuksan ang kanilang mga mata, at nalaman nilang sila ay hubad. Pinagsama-sama nilang tinahi ang mga dahon ng igos at gumawa ng mga pantakip para sa kanilang mga sarili. |
82 | GEN 4:2 | Pagkatapos ay isinilang niya ang lalaking kapatid nitong si Abel. Naging pastol si Abel, pero si Cain ay nagbungkal ng lupa. |
87 | GEN 4:7 | Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.” |
89 | GEN 4:9 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?” |
108 | GEN 5:2 | Nilikha niya silang lalaki at babae. Pinagpala niya sila at pinangalanan silang sangkatauhan nang sila ay likhain. |
110 | GEN 5:4 | Pagkatapos na si Adan ay naging ama ni Set, nabuhay siya ng walondaang taon. Siya ay naging ama ng higit na marami pang mga anak na lalaki at mga anak babae. |
113 | GEN 5:7 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Enos, nabuhay siya ng 807 taon at naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
116 | GEN 5:10 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Kenan, si Enos ay nabuhay ng 815 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
119 | GEN 5:13 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Mahalalel, nabuhay si Kenan ng 840 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
122 | GEN 5:16 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Jared, nabuhay si Mahalalel ng 830 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
125 | GEN 5:19 | Pagkatapos niyang naging ama ni Enoc, nabuhay si Jared ng walong daang taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
132 | GEN 5:26 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Lamec, nabuhay si Metusalem ng 782 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
133 | GEN 5:27 | Nabuhay si Metusalem ng 969 taon. Pagkatapos siya ay namatay. |
137 | GEN 5:31 | Nabuhay si Lamec ng 777 taon. Pagkatapos siya ay namatay. |
146 | GEN 6:8 | Pero nakasumpong si Noe ng pagtatangi sa mata ni Yahweh. |
156 | GEN 6:18 | Subalit itatatag ko ang aking tipan sa iyo. Papasok ka sa arka, ikaw, at ang iyong mga anak na lalaki, iyong asawa at mga asawa ng iyong mga anak. |
164 | GEN 7:4 | Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa.” |
174 | GEN 7:14 | Pumasok sila kasama ang bawat mababangis na hayop ayon sa kanilang uri, at bawat klase ng alagang mga hayop ayon sa kanilang uri, at bawat gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo ayon sa kanilang uri, at bawat klase ng ibon ayon sa kanilang uri, bawat uri ng nilikha na may mga pakpak. |
176 | GEN 7:16 | Ang mga hayop na pumasok ay lalaki at babae ng lahat ng laman; pumasok sila gaya ng iniutos ng Diyos sa kanya. Pagkatapos isinara ni Yahweh ang pintuan sa likod nila. |
177 | GEN 7:17 | Pagkatapos dumating ang baha sa mundo sa loob ng apatnapung araw, at tumaas ang tubig at binuhat ang arka. Umangat ito mula sa mundo. |
192 | GEN 8:8 | Pagkatapos ay nagpalipad siya ng isang kalapati upang tingnan kung ang tubig ay humupa na mula sa ibabaw ng lupa, |
213 | GEN 9:7 | Para sa inyo, maging mabunga kayo at magpakarami, lumaganap kayo sa buong mundo at magpakarami rito.” |
228 | GEN 9:22 | Pagkatapos si Ham, na ama ni Canaan, ay nakita ang kahubaran ng kanyang ama at sinabi ito sa kanyang dalawang kapatid na nasa labas. |
233 | GEN 9:27 | Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan.” |
241 | GEN 10:6 | Ang mga anak na lalaki ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan. |
249 | GEN 10:14 | ng mga Pathrusites, mga Casluhites (kung kanino nagmula ang mga Filisteo), at mga Caphtorites. |
253 | GEN 10:18 | ng mga Arvadeo, ng mga Zemareo at ng mga Hamateo. Pagkatapos kumalat ang mga angkan ng mga Cananeo. |
260 | GEN 10:25 | Si Eber ay may dalawang anak na lalaki. Ang pangalan ng isa ay Peleg, dahil sa kanyang panahon nahati ang mundo. Ang pangalan ng kanyang lalaking kapatid ay Joktan. |
283 | GEN 11:16 | Nang tatlumpu't-apat na taon si Eber, siya ay naging ama ni Peleg. |
284 | GEN 11:17 | Nabuhay pa si Eber ng 430 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. |
285 | GEN 11:18 | Nang tatlumpung taon na si Peleg, siya ay naging ama ni Reu. |
286 | GEN 11:19 | Nabuhay pa si Peleg ng 209 taon matapos siyang maging ama ni Peleg. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae. |
298 | GEN 11:31 | Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon. |
302 | GEN 12:3 | Pagpapalain ko ang magpapala sa iyo, pero sinuman ang maninira sa iyo ay susumpain ko. Sa pamamagitan mo, ang lahat ng mga pamilya sa buong mundo ay pagpapalain.” |
303 | GEN 12:4 | Kaya humayo si Abram, gaya ng sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin, at sumama si Lot sa kaniya. Pitumpu't-limang taong gulang si Abram nang umalis siya sa Haran. |
308 | GEN 12:9 | Pagkatapos nagpatuloy si Abram sa paglalakbay patungong Negeb. |
314 | GEN 12:15 | Nakita siya ng mga prinsepe ng Paraon, at pinuri siya kay Paraon, at dinala ang babae sa sambahayan ng Paraon. |
315 | GEN 12:16 | Pinakitunguhan nang mabuti ni Paraon si Abram alang-alang sa kaniya, at binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga lalaking asno, mga lalaki at babaeng lingkod, mga babaeng asno, at mga kamelyo. |
316 | GEN 12:17 | Pagkatapos pinahirapan ni Yahweh ang Paraon at ang kaniyang sambahayan ng mga matinding salot dahil kay Sarai, na asawa ni Abram. |
317 | GEN 12:18 | Pinatawag ng Paraon si Abram, at sinabing, “Ano itong ginawa mo sa akin? Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya ay iyong asawa? |
319 | GEN 12:20 | Pagkatapos, binigyan ng utos ng Paraon ang kaniyang mga tauhan patungkol sa kaniya, at siya ay pinaalis nila, kasama ang kaniyang asawa at ang lahat ng mayroon siya. |
323 | GEN 13:4 | Pumunta siya sa lugar kung saan niya dating itinayo ang altar. Dito tumawag siya sa pangalan ni Yahweh. |
326 | GEN 13:7 | At isa pa, mayroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pastol ng mga hayop ni Abram at ng mga pastol ng mga hayop ni Lot. Naninirahan ang mga Cananeo at Perezeo sa lupain nang panahong iyon. |
342 | GEN 14:5 | Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam, |
343 | GEN 14:6 | at ang mga Horeo sa kanilang bulubunduking bansa ng Seir, hanggang sa El Paran, na malapit sa desyerto. |
344 | GEN 14:7 | Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar. |
345 | GEN 14:8 | Pagkatapos lumabas at naghanda para sa digmaan ang hari ng Sodoma, ang hari ng Gomorra, ang hari ng Adma, ang hari ng Zeboim, at ang hari ng Bela (tinatawag ding Zoar), |
350 | GEN 14:13 | Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram. |
353 | GEN 14:16 | Pagkatapos dinala niya ang lahat ng mga ari-arian, at dinala rin niya ang kaniyang kamag-anak na si Lot at ang kaniyang mga kagamitan, pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao. |
356 | GEN 14:19 | Siya ay kaniyang pinagpala na nagsasabing, “Pagpalain ka Abram ng Kataastaasang Diyos, Manlilikha ng langit at lupa. |
357 | GEN 14:20 | Pagpalain ang Kataastaasang Diyos, na siyang nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay.” Pagkatapos ibinigay ni Abram sa kaniya ang ikasampu ng lahat ng kaniyang pag-aari. |
362 | GEN 15:1 | Pagkatapos ng mga bagay na ito dumating kay Abram ang salita ni Yahweh sa isang pangitain, na nagsasabing, “Huwag kang matakot, Abram! Ako ang iyong panangga at iyong pinakadakilang gantimpala.” |
363 | GEN 15:2 | Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?” |
365 | GEN 15:4 | Pagkatapos, narito, dumating ang salita ni Yahweh, nagsasabing “Ang taong ito ay hindi mo magiging tagapagmana; sa halip manggagaling sa inyong sariling katawan ang siyang magiging tagapagmana mo.” |
366 | GEN 15:5 | Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.” |
369 | GEN 15:8 | Sinabi niya, “Panginoong Yahweh, paano ko malalaman na mamanahin ko ito?” |
370 | GEN 15:9 | Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, “Dalhan mo ako ng tatlong taong gulang na baka, tatlong taong gulang na babaeng kambing at tatlong taong gulang na lalaking tupa, isang kalapati at isang batang pitson.” |
373 | GEN 15:12 | Pagkatapos nang palubog na ang araw, nakatulog nang mahimbing si Abram, at masdan, siya ay nilukuban ng isang malalim at nakakapangilabot na kadiliman. |
374 | GEN 15:13 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, “Alamin mong tiyak na ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging dayuhan sa lupaing hindi kanila, at sila ay gagawing alipin at aapihin sa loob ng apatnaraang taon. |
376 | GEN 15:15 | Pero ikaw ay pupunta sa iyong mga ama nang payapa, at ikaw ay ililibing sa angkop na katandaan. |
381 | GEN 15:20 | ang mga Heteo, ang mga Perezeo, ang mga Refiata, |
387 | GEN 16:5 | Pagkatapos sinabi ni Sarai kay Abram, “Ang kamaliang ito sa akin ay dahil sa iyo. Ibinigay ko ang aking babaeng lingkod sa iyong mga bisig, at nang makita niyang siya ay nabuntis, hinamak niya ako sa kaniyang paningin. Hayaan mong si Yahweh ang humatol sa pagitan natin. |
388 | GEN 16:6 | Pero sinabi ni Abram kay Sarai, “Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti.” Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya. |
392 | GEN 16:10 | Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami nila para bilangin. |
395 | GEN 16:13 | Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya, “Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?” |
400 | GEN 17:2 | Pagkatapos pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at lubos kitang pararamihin.” |
402 | GEN 17:4 | “Para sa akin, masdan mo, ang aking tipan ay sumasaiyo. Ikaw ay magiging ama ng napakamaraming bansa. |
404 | GEN 17:6 | Pamumungahin kita nang lubos, at magmumula sa iyo ang maraming bansa, at ang mga magiging hari ay magmumula rin sayo. |
407 | GEN 17:9 | Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, “Para sayo, dapat mong ingatan ang aking tipan, ikaw at ang susunod mong kaapu-apuhan hanggang sa kanilang buong salinlahi. |
414 | GEN 17:16 | Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya. Pagpapalain ko siya, at siya ang magiging ina ng mga bansa. Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya.” |
415 | GEN 17:17 | Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya? |
418 | GEN 17:20 | Tungkol naman kay Ismael, narinig kita. Pagmasdan mo, pinagpapala ko siya ngayon at pamumungahin ko siya, at pararamihin ko siya nang masagana. Siya ay magiging ama ng labindalawang mga pinuno ng mga lipi, at gagawin ko siyang isang malaking bansa. |
419 | GEN 17:21 | Pero itatatag ko ang aking tipan kay Isaac, na siyang isisilang ni Sarah sa ganitong oras sa susunod na taon.” |
421 | GEN 17:23 | Pagkatapos, kinuha ni Abraham ang kanyang anak na si Ismael at lahat ng ipinanganak sa kanyang sambahayan, at lahat ng mga nabili niya sa kanyang salapi, bawat lalaki na kabilang sa mga tauhan ng sambahayan ni Abraham, at tinuli sa laman ng kanilang balat sa parehong araw, gaya ng sinabi ng Diyos sa kanya. |
428 | GEN 18:3 | Sinabi niya, “Panginoon, kung nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, huwag kang umalis at iwan ang iyong lingkod. |
430 | GEN 18:5 | Hayaan ninyong dalhan ko kayo ng kaunting pagkain, at nang manumbalik ang inyong lakas. Pagkatapos maaari na kayong tumuloy sa pupuntahan ninyo dahil naparito na kayo sa inyong lingkod.” Sinabi nila, “Gawin mo ang sinabi mo.” |
431 | GEN 18:6 | Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.” |
432 | GEN 18:7 | Pagkatapos tumakbo si Abraham sa kawan, kumuha siya ng guyang mainam at maayos at ibinigay ito sa lingkod, at nagmadali siyang ihanda ito. |
439 | GEN 18:14 | Mayroon bang mahirap para kay Yahweh? Pagsapit ng itinakda kong panahon, sa tagsibol, babalik ako sa iyo. Sa ganitong oras sa susunod na taon, si Sarah ay magkakaroon ng anak na lalaki. |
440 | GEN 18:15 | Pagkatapos, itinanggi ni Sarah ito at sinabing, “Hindi ako tumawa,” dahil siya ay natakot. Sumagot si Yahweh, “Hindi, tumawa ka.” |
441 | GEN 18:16 | Pagkatapos tumayo ang mga lalaki para umalis at tumingin pababa patungong Sodoma. Sumama si Abraham sa kanila para ihatid sila sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay. |