Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   T    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

5  GEN 1:5  Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw.
8  GEN 1:8  Tinawag ng Diyos ang puwang na “langit.” Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw.
10  GEN 1:10  Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na “lupa” at ang natipong tubig ay tinawag niyang “dagat.” Nakita niyang ito ay kaaya-aya.
12  GEN 1:12  Tinubuan ng halaman ang lupa, mga pananim na nagbibigay ng buto mula sa kanilang uri, at mga namumungang punong kahoy na taglay nito ang buto, mula sa kanilang uri. Nakita ng Diyos na ito ay kaaya-aya.
29  GEN 1:29  Sinabi ng Diyos,Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy kasama ang bungang may buto sa loob nito. Sila ay magiging pagkain ninyo.
45  GEN 2:14  Ang pangalan ng pangatlong ilog ay Tigris, na umaagos sa silangan ng Asshur. Ang pang-apat na ilog ay ang Eufrates.
54  GEN 2:23  Sinabi ng lalaki, “Sa oras na ito, ito ang buto ng aking mga buto, at laman ng aking laman. Tatawagin siyang 'babae', dahil kinuha siya sa lalaki.”
57  GEN 3:1  Ngayon ang ahas ay higit na tuso kaysa sa anumang ibang mabangis na hayop sa bukid na ginawa ni Yahweh na Diyos. Sinabi niya sa babae,Talaga bang sinabi ng Diyos, “Hindi kayo dapat kumain mula sa anumang puno ng hardin?”
60  GEN 3:4  Sinabi ng ahas sa babae,Tiyak na hindi kayo mamamatay.
65  GEN 3:9  Tinawag ni Yahweh na Diyos ang lalaki at sinabi sa kanya, “Nasaan ka?”
76  GEN 3:20  Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa sa pangalang Eva dahil siya ang ina ng lahat ng mga nabubuhay.
84  GEN 4:4  Si Abel naman ay nagdala ng ilan sa panganay ng kanyang kawan at ilan sa taba. Tinanggap ni Yahweh si Abel at ang kanyang handog,
89  GEN 4:9  Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Cain, “Nasaan ang iyong kapatid na si Abel?” Sinabi niya, “Hindi ko alam. Tagapangalaga ba ako ng aking kapatid?”
90  GEN 4:10  Sinabi ni Yahweh, “Ano ang ginawa mo? Tumatawag sa akin ang dugo ng iyong kapatid mula sa lupa.
102  GEN 4:22  Si Zilla naman, naging anak niya si Tubal Cain, ang nagpapanday ng mga kagamitang tanso at bakal. Ang babaeng kapatid ni Tubal Cain ay si Naama.
105  GEN 4:25  Si Adan ay muling sumiping sa kanyang asawa, at siya ay nagkaanak ng isa pang anak na lalaki. Tinawag niya itong Set at sinabing, “Binigyan muli ako ng Diyos ng anak na lalaki kapalit ni Abel, dahil pinatay siya ni Cain.”
135  GEN 5:29  Tinawag niya siya sa pangalang Noe, sinabing, “Ang isang ito ang magbibigay kapahingahan sa atin mula sa ating trabaho at mula sa kapaguran ng ating mga kamay, na dapat nating gawin dahil sa lupang isinumpa ni Yahweh.”
159  GEN 6:21  Tipunin mo para sa sarili mo ang bawat uri ng pagkaing makakain at itabi ito, para maging pagkain para sa iyo at sa kanila.”
179  GEN 7:19  Ang tubig ay buong lakas na tumaas nang tumaas sa mundo. Tinakpan nilang tuluyan ang lahat ng matataas na mga bundok na nasa silong ng buong langit.
180  GEN 7:20  Tumaas ang mga tubig ng labinlimang kubit sa ibabaw ng mga tuktok ng mga bundok.
183  GEN 7:23  Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira.
209  GEN 9:3  Magiging pagkain para sa inyo ang bawat gumagalaw na bagay na nabubuhay. Tulad nang ibinigay ko sa inyo ang mga luntiang halaman, ngayon ibinigay ko na ang bawat bagay sa inyo.
237  GEN 10:2  Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras.
238  GEN 10:3  Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma.
239  GEN 10:4  Ang mga anak na lalaki ni Jovan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Dodanim.
244  GEN 10:9  Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi,Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.”
273  GEN 11:6  Sinabi ni Yahweh,Tingnan ninyo, sila ay iisang bayan na may iisang wika, at sinisimulan nilang gawin ito! Hindi magtatagal lahat ng gusto nilang gawin ay hindi na magiging imposible para sa kanila.
291  GEN 11:24  Nang dalawampu't-siyam na taon na si Nahor, siya ay naging ama ni Terah.
292  GEN 11:25  Nabuhay pa si Nahor ng 119 taon matapos siyang maging ama ni Terah. Siya ay naging ama rin ng iba pang mga anak na lalaki at babae.
293  GEN 11:26  Matapos mamuhay si Terah ng pitumpung taon, siya ay naging ama ni Abram, Nahor, and Haran.
294  GEN 11:27  Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot.
295  GEN 11:28  Namatay si Haran sa piling ng kaniyang amang si Terah sa lupain na kaniyang sinilangan, sa Ur ng mga Caldeo.
298  GEN 11:31  Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
299  GEN 11:32  Nabuhay pa si Terah ng 205 na taon at pagkatapos ay namatay sa Haran.
310  GEN 12:11  Nang siya ay papasok na sa Ehipto, sinabi niya sa kaniyang asawang si Sarai,Tingnan mo, alam kong ikaw ay isang magandang babae.
333  GEN 13:14  Sinabi ni Yahweh kay Abram pagkatapos lumayo ni Lot sa kaniya,Tumingin ka mula sa kinatatayuan mo, sa hilaga, timog, silangan at kanluran.
336  GEN 13:17  Tumindig ka, lakarin mo ang kahabaan at kalawakan ng lupain, dahil ibibigay ko ito sa iyo.
338  GEN 14:1  Nangyari na sa mga araw nina Amrafel, hari ng Sinar, Ariok, hari ng Elasar, Kedorlaomer, hari ng Elam, at Tidal, hari ng Goyim,
344  GEN 14:7  Pagkatapos lumiko sila at dumating sa Enmispat (tinatawag ding Kades), at tinalo ang lahat ng bansa ng mga Amalekita, pati na ang mga Amoreo na nanirahan sa Hasason Tamar.
346  GEN 14:9  laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima.
347  GEN 14:10  Ngayon puno ng mga hukay na may alkitran ang lambak ng Sidim, at nang tumakas ang mga hari ng Sodoma at Gomorra, nahulog sila roon. Tumakas ang mga natira patungo sa mga kabundukan.
366  GEN 15:5  Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing,Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.”
384  GEN 16:2  Kaya sinabi ni Sarai kay Abram,Tingnan mo, pinanatili ako ni Yahweh na walang anak. Sipingan mo ang aking lingkod. Baka sakaling magkaroon ako ng anak sa pamamagitan niya.” Nakinig si Abram sa sinabi ni Sarai.
388  GEN 16:6  Pero sinabi ni Abram kay Sarai,Tingnan mo, nasa iyong kapangyarihan ang iyong babaeng lingkod, gawin mo sa kaniya ang iniisip mong pinakamabuti.” Kaya pinagmalupitan siya ni Sarai, at siya ay tumakas mula sa kaniya.
390  GEN 16:8  Sinabi niya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sinabi niya,Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai”.
393  GEN 16:11  Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh,Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap”.
395  GEN 16:13  Pagkatapos binigay niya ang pangalang ito kay Yahweh na nangusap sa kaniya, “Ikaw ang Diyos na nakakakita sa akin,” dahil sinabi niya,Talaga bang patuloy akong makakakita, kahit na pagkatapos niya akong nakita?”
413  GEN 17:15  Sinabi ng Diyos kay Abraham,Tungkol naman kay Sarai na iyong asawa, hindi na Sarai ang itatawag mo sa kanya. Sa halip, Sarah ang kanyang magiging pangalan.
418  GEN 17:20  Tungkol naman kay Ismael, narinig kita. Pagmasdan mo, pinagpapala ko siya ngayon at pamumungahin ko siya, at pararamihin ko siya nang masagana. Siya ay magiging ama ng labindalawang mga pinuno ng mga lipi, at gagawin ko siyang isang malaking bansa.
427  GEN 18:2  Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
452  GEN 18:27  Sumagot si Abraham at sinabi,Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon, kahit na alikabok at abo lamang ako!
456  GEN 18:31  Sinabi niya,Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.”
463  GEN 19:5  Tinawag nila si Lot at sinabi, “Nasaan ang mga lalaking pumasok sa inyo ngayong gabi? Dalhin mo sila sa amin para masipingan namin sila.
466  GEN 19:8  Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.”
467  GEN 19:9  Sabi nila,Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
475  GEN 19:17  Nang nailabas na sila, sinabi ng isa sa mga lalaki,Tumakbo na kayo para sa inyong mga buhay! Huwag kayong lilingon o manatili saanman sa kapatagan. Magsitakas kayo patungo sa mga bundok para hindi kayo malipol.
478  GEN 19:20  Tingnan ninyo, ang lungsod banda roon ay malapit at maliit lamang para makatakas kayo. Pakiusap, hayaan ninyo akong makatakas doon (diba maliit lamang iyon?), at ang buhay ko ay maliligtas.”
480  GEN 19:22  Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito.
486  GEN 19:28  Tumingin siya sa baba sa Sodoma at Gomora at sa lahat ng lupain ng kapatagan. Nakita niya at namasdan ang usok na umaakyat mula sa lupa na katulad ng usok sa isang pugon.
507  GEN 20:11  Sumagot si Abraham, “Dahil naisip ko, 'Tiyak na walang kinatatakutan na Diyos ang mga tao sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.'
511  GEN 20:15  Sinabi ni Abimelech,Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin.
512  GEN 20:16  Kay Sarah sinabi niya.Tingnan mo, binigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong piraso ng pilak. Pantakip ito sa mga kamalian laban sa iyo sa mga mata ng lahat ng kasama mo, at sa harapan ng lahat, tuluyan kang ginawang matuwid.”
518  GEN 21:4  Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac nang ito ay walong araw na gulang, ayon sa iniutos ng Diyos sa kanya.
532  GEN 21:18  Tumayo ka, ibangon mo ang bata at patatagin siya; sapagkat gagawin ko siyang isang dakilang bansa.”
561  GEN 22:13  Tumingala si Abraham nang biglang, may isang tupa sa likuran niya ang sumabit ang sungay sa mga halaman. Pinuntahan at kinuha ni Abraham ang tupa at inalay ito bilang handog na susunugin sa Diyos sa halip na ang kanyang anak.
563  GEN 22:15  Tinawag ng anghel ni Yahweh si Abraham sa ikalawang pagkakataon mula sa langit
572  GEN 22:24  Nagsilang din si Reumah ang pangalan ng isa pang asawa ni Nahor, sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca.
579  GEN 23:7  Tumayo si Abraham at yumuko sa mga mamamayan ng lupain, sa mga anak ni Het.
585  GEN 23:13  Kinausap niya si Ephron na naririnig ng mga tao sa lupain, na nagsasabing, “Ngunit kung papayag ka, pakiusap dinggin mo ako. Babayaran ko ang bukid. Tanggapin mo ang pera mula sa akin, at doon ko ililibing ang aking patay.”
598  GEN 24:6  Sinabi ni Abraham sa kanya,Tiyakin mong hindi mo dadalhin ang aking anak pabalik doon!
609  GEN 24:17  Tumakbo ang lingkod upang salubungin siya at sinabing, “Pakiusap bigyan mo ako ng kaunting inuming tubig mula sa iyong pitsel.
613  GEN 24:21  Tahimik na pinanood siya ng lalaki upang makita kung pinagpala ni Yahweh ang kanyang paglalakbay o hindi.
621  GEN 24:29  Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal.
639  GEN 24:47  Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso.
649  GEN 24:57  Sinabi nila,Tatawagin namin ang dalaga at tatanungin siya.”
656  GEN 24:64  Tumingin si Rebeca, at nang nakita niya si Isaac, tumalon siya pababa mula sa kamelyo.
674  GEN 25:15  Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedama.
681  GEN 25:22  Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya, “Bakit ito nangyayari sa akin?” Tinanong niya si Yahweh tungkol dito.
684  GEN 25:25  At ang unang lumabas ay nababalutan ng pula gaya ng mabalahibong damit. Tinawag nila siya sa kanyang pangalan na Esau.
691  GEN 25:32  Sabi ni EsauTingnan mo, ako ay halos mamamatay na. Ano ang kabutihan ng karapatan ng unang isinilang sa akin?”
702  GEN 26:9  Ipinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya at sinabi,Tingnan mo, tiyak nga na siya ay iyong asawa. Bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?” Sinabi ni Isaac sa kanya, “Dahil naisip ko na maaring mayroong pumatay sa akin para makuha siya.”
711  GEN 26:18  Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig, na hinukay nila noong panahon ni Abraham na kanyang ama. Pinahinto sila ng mga Filisteo pagkatapos mamatay ni Abraham. Tinawag ni Isaac ang mga balon sa parehong mga pangalan na binigay ng kanyang ama dito.
722  GEN 26:29  na hindi mo kami sasaktan, gaya ng hindi namin pananakit sa iyo, at sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo at sa pagpapaalis namin sa iyo ng mapayapa. Tunay nga, ikaw ay pinagpala ni Yahweh.”
726  GEN 26:33  Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito.
730  GEN 27:2  Sumagot ito, “Narito po ako.” Sinabi niya rito, Tumingin ka rito, matanda na ako. Hindi ko alam ang araw ng aking kamatayan.
734  GEN 27:6  Kinausap ni Rebeca si Jacob na kanyang anak at sinabi,Tumingin ka rito, narinig kong kinausap ng iyong ama ang kapatid mong si Esau. Sinabi niya
739  GEN 27:11  Sinabi ni Jacob sa kanyang inang si Rebeca,Tingnan ninyo, ang kapatid kong si Esau ay mabalahibo, at ako ay makinis na tao.
755  GEN 27:27  Lumapit si Jacob at hinalikan siya, at naamoy niya ang amoy ng kanyang damit at pinagpala siya. Sinabi nya,Tingnan mo, ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng isang bukid na pinagpala ni Yahweh.
761  GEN 27:33  Nanginig nang matindi si Isaac at nagsabi, “Sino pala iyon na nangaso ng hayop na ito at dinala sa akin? Kinain ko lahat ito bago ka dumating, at pinagpala ko siya. Tunay nga, siya ay pagpapalain.”
765  GEN 27:37  Sumagot si Isaac at sinabi kay Esau,Tingnan mo, nagawa ko na siyang amo mo at naibigay ko na sa kanya ang lahat ng mga kapatid niya bilang alipin. At nabigyan ko siya ng butil at bagong alak. Ano pa ang magagawa ko para sa iyo, anak ko?”
767  GEN 27:39  Sumagot ang kanyang amang si Isaac at sinabi sa kanya,Tingnan mo, ang lugar na pinaninirahan mo ay magiging malayo sa kayamanan ng mundo, malayo sa hamog ng langit sa itaas.
770  GEN 27:42  Ang mga salita ni Esau na nakatatanda niyang anak ay nasabi kay Rebeca. Kaya nagpadala at tinawag niya si Jacob na nakababatang anak niya at sinabi rito, Tingnan mo, ang kapatid mong si Esau ay inaaliw ang kanyang sarili sa pagbabalak na patayin ka.
775  GEN 28:1  Tinawag ni Isaac si Jacob, pinagpala siya at inutusan, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihang taga-Cananeo.
776  GEN 28:2  Tumayo ka, pumunta ka sa Paddan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina, at kumuha ka ng asawa mula roon, sa isa sa mga anak ni Laban, na kapatid ng iyong ina.
789  GEN 28:15  Masdan mo, kasama mo ako, iingatan kita saan ka man magpunta. Dadalhin kitang muli sa lupaing ito; dahil hindi kita iiwan. Tutuparin ko ang lahat ng naipangako ko sa iyo.”
790  GEN 28:16  Si Jacob ay nagising mula sa kanyang pagtulog at sinabi nya,Tunay nga na si Yahweh ay nasa lugar na ito, at hindi ko iyon alam.”