97 | GEN 4:17 | Sinipingan ni Cain ang kanyang asawa at nabuntis ito. Isinilang niya si Enoc. Nagtatag siya ng isang lungsod at pinangalanan niya ito sunod sa kanyang anak na si Enoc. |
98 | GEN 4:18 | Kay Enoc isinilang si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mehujael. Si Mehujael ang naging ama ni Metusael. Si Metusael ang naging ama ni Lamec. |
99 | GEN 4:19 | Si Lamec ay kumuha ng dalawang asawa para sa kanyang sarili: ang pangalan ng isa ay si Ada, at ang pangalan ng isa pa ay si Zilla. |
103 | GEN 4:23 | Sinabi ni Lamec sa kanyang dalawang asawa, “Ada at Zilla dinggin ninyo ang aking tinig; kayong mga asawa ni Lamec, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakapatay ako ng isang tao dahil sinugatan ako, isang binata dahil sa pananakit sa akin. |
104 | GEN 4:24 | Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit.” |
124 | GEN 5:18 | Nang nabuhay si Jared ng 162 taon, siya ay naging ama ni Enoc. |
125 | GEN 5:19 | Pagkatapos niyang naging ama ni Enoc, nabuhay si Jared ng walong daang taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
127 | GEN 5:21 | Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem. |
128 | GEN 5:22 | Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos sa tatlong daang taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Metusalem. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
129 | GEN 5:23 | Nabuhay si Enoc ng 365 taon. |
130 | GEN 5:24 | Lumakad si Enoc na kasama ang Diyos, at pagkatapos siya ay nawala, dahil kinuha siya ng Diyos. |
131 | GEN 5:25 | Nang nabuhay si Metusalem ng 187 taon, siya ay naging ama ni Lamec. |
132 | GEN 5:26 | Pagkatapos na siya ay naging ama ni Lamec, nabuhay si Metusalem ng 782 taon. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
134 | GEN 5:28 | Nang nabuhay si Lamec ng 182 taon, siya ay naging ama ng isang lalaki. |
136 | GEN 5:30 | Nabuhay si Lamec ng 595 taon pagkatapos na siya ay naging ama ni Noe. Siya ay naging ama ng mas marami pang mga anak na lalaki at mga anak na babae. |
137 | GEN 5:31 | Nabuhay si Lamec ng 777 taon. Pagkatapos siya ay namatay. |
237 | GEN 10:2 | Ang mga anak na lalaki ni Japet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Meshec at Tiras. |
242 | GEN 10:7 | Ang mga anak na lalaki ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga anak na lalaki ni Raama ay sina Sheba at Didan. |
245 | GEN 10:10 | Ang naunang mga sentro ng kanyang kaharian ay ang Babel, Eric, Acad at Calne, sa lupain ng Sinar. |
252 | GEN 10:17 | ng mga Hivita, ng mga Araceo, ng mga Sineo, |
258 | GEN 10:23 | Ang mga anak na lalaki ni Aram ay sina Uz, Hul, Gether, at Meshec. |
296 | GEN 11:29 | Kumuha ng mga asawa sina Abram at Nahor. Ang pangalan ng asawa ni Abram ay Sarai at ang pangalan ng asawa ni Nahor ay Milcah, anak na babae ni Haran, na ama ni Milcah at Iscah. |
346 | GEN 14:9 | laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima. |
350 | GEN 14:13 | Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram. |
352 | GEN 14:15 | Kinagabihan hinati niya ang kaniyang mga tauhan laban sa kanila at nilusob sila, at hinabol sila hanggang sa Hoba na nasa hilaga ng Damasco. |
355 | GEN 14:18 | Naglabas si Melquisedec, hari ng Salem, ng tinapay at alak. Siya ay pari ng Kataastaasang Diyos. |
361 | GEN 14:24 | Wala akong kukunin maliban sa kung anong nakain ng mga kabataang lalaki at ang bahagi ng mga lalaking sumama sa akin. Hayaang mong kunin nina Aner, Escol, at Mamre ang kanilang bahagi.” |
363 | GEN 15:2 | Sinabi ni Abram, “Panginoong Yahweh, ano ang ibibigay mo sa akin, yamang nagpapatuloy akong walang anak, at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damascus?” |
417 | GEN 17:19 | Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan. |
419 | GEN 17:21 | Pero itatatag ko ang aking tipan kay Isaac, na siyang isisilang ni Sarah sa ganitong oras sa susunod na taon.” |
498 | GEN 20:2 | Sinabi ni Abraham patungkol sa kanyang asawa na si Sarah, “Kapatid ko siya.” Kaya nagpadala si Abimelech hari ng Gerar, ng kanyang mga tauhan at kinuha nila si Sarah. |
499 | GEN 20:3 | Pero kinagabihan, pumunta ang Diyos kay Abimelech sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya, “Masdan mo, ikaw ay mamamatay dahil sa babae na kinuha mo dahil siya ay asawa ng lalaki.” |
500 | GEN 20:4 | Ngayon, hindi nilapitan ni Abimelech si Sarah at sinabi niya, “Panginoon, papatayin mo rin ba ang matuwid na bansa? |
504 | GEN 20:8 | Bumangon si Abimelech nang maaga at pinapunta ang lahat ng kanyang lingkod sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila, at matinding takot ang naramdaman ng kanyang mga lingkod. |
505 | GEN 20:9 | Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya,” Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin.” |
506 | GEN 20:10 | Sinabi ni Abimelech kay Abraham, “Ano ang nagtulak sa iyo na gawin mo ang bagay na ito?” |
510 | GEN 20:14 | Pagkatapos, kumuha si Abimelech ng mga tupa at mga baka, mga aliping lalaki at mga babae at ibinigay ang mga ito kay Abraham. Pagkatapos, ibinalik niya sa kanya si Sarah na asawa ni Abraham. |
511 | GEN 20:15 | Sinabi ni Abimelech, “Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin. |
513 | GEN 20:17 | Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang kanyang asawa, at kanyang mga babaeng alipin para sila ay tuluyan ng magkaroon ng anak. |
514 | GEN 20:18 | Dahil hinayaan ni Yahweh na ganap na hindi magkaanak ang lahat ng mga babae sa sambayanan ni Abimelech, dahil kay Sarah, na asawa ni Abraham. |
517 | GEN 21:3 | Pinangalanan ni Abraham bilang Isaac ang kanyang anak na lalaki, siya na isinilang sa kaniya, na isinilang ni Sara para sa kanya. |
518 | GEN 21:4 | Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac nang ito ay walong araw na gulang, ayon sa iniutos ng Diyos sa kanya. |
519 | GEN 21:5 | Si Abraham ay isandaang taong gulang nang isilang si Isaac sa kanya. |
522 | GEN 21:8 | Lumaki ang bata at hiniwalay na sa kanyang ina, at naghanda si Abraham ng isang malaking pagdiriwang sa araw na hiniwalay na si Isaac sa kayang ina. |
524 | GEN 21:10 | Kaya sinabi niya kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng aliping ito kasama ang kanyang anak: dahil hindi magiging tagapagmana ang anak ng babaeng aliping iyan kasama ng anak kong si Isaac.” |
526 | GEN 21:12 | Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, “Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki, at dahil sa iyong babaeng lingkod. Pakinggan mo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa bagay na ito, dahil sa pamamagitan ni Isaac makikilala ang mga kaapu-apuhan mo. |
536 | GEN 21:22 | Sa panahong iyon kinausap nila Abimelek at Ficol na kapitan ng kanyang hukbo si Abraham at sinabing, “Kasama mo ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. |
546 | GEN 21:32 | Gumawa sila ng isang kasunduan sa Beer-seba, at pagkatapos bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo. |
550 | GEN 22:2 | Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.” |
551 | GEN 22:3 | Kaya maagang bumangon kinaumagahan si Abraham, inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga kabataang lalaki, kasama si Isaac na kanyang anak. Nagsibak siya ng kahoy para sa handog na susunugin, at naglakbay patungo sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya. |
554 | GEN 22:6 | Pagkatapos kinuha ni Abraham ang kahoy para sa handog na susunugin at ipinapasan ito kay Isaac na kanyang anak. Dinala niya sa kanyang kamay ang apoy at ang kutsilyo; at kapwa silang umalis na magkasama. |
555 | GEN 22:7 | Kinausap ni Isaac si Abraham na kaniyang ama at sinabing, “Aking ama,” at sumagot si Abraham, “Narito ako, aking anak.” Sinabi niya, “Narito, ang apoy at ang kahoy, ngunit nasaan ang tupa para sa handog na susunugin?” |
557 | GEN 22:9 | Nang dumating sila sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya, gumawa si Abraham ng isang altar at inilatag niya ang kahoy dito. Pagkatapos tinalian ni Abraham si Isaac na kanyang anak, at inilagay niya ito sa altar, sa ibabaw ng kahoy. |
560 | GEN 22:12 | Sinabi niya, “Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin. |
568 | GEN 22:20 | Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, sinabihan si Abraham, “Nagkaroon din ng mga anak si Milca, sa iyong kapatid na si Nahor. |
571 | GEN 22:23 | Si Bethuel ay naging ama ni Rebeca. May walong anak na isinilang si Milca kay Nahor, na kapatid ni Abraham. |
572 | GEN 22:24 | Nagsilang din si Reumah ang pangalan ng isa pang asawa ni Nahor, sina Tebah, Gaham, Tahas at Maaca. |
589 | GEN 23:17 | Kaya ang bukid ni Ephron, na nasa Macpela, na katabi ng Mamre, ang bukid, ang kuweba na nasa loob nito, at ang lahat ng mga punong naroon sa bukid at lahat ng nasa palibot ng hangganan, ay ipinasa |
591 | GEN 23:19 | Pagkatapos nito, inilibing ni Abraham ang kanyang asawang si Sara sa kuweba sa bukid ng Macpela, na katabi ng Mamre, iyon ay, Hebron, sa lupain ng Canaan. |
596 | GEN 24:4 | Ngunit pumunta ka sa aking bansa, at sa aking mga kamag-anak, at kumuha ng isang asawa para sa aking anak na si Isaac.” |
606 | GEN 24:14 | Ganito nawa ang mangyari. Kapag sabihin ko sa isang dalaga, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako,' at sabihin niya sa akin, 'Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,' pagkatapos ay hayaang siya na nga ang babaing iyong itinakda para sa iyong lingkod na si Isaac. Sa pamamgitan nito malalaman kong nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa aking amo.” |
607 | GEN 24:15 | Nangyari na bago paman siya natapos sa pagsasalita, masdan, lumabas si Rebeca na may dalang pitsel ng tubig sa kanyang balikat. Ipinanganak si Rebeca kay Bethuel na lalaking anak ni Milca, na asawa ni Nahor, na lalaking kapatid ni Abraham. |
616 | GEN 24:24 | Sinabi niya sa kanya, “Anak ako ni Bethuel na lalaking anak ni Milcah, na ipinanganak niya kay Nahor.” |
621 | GEN 24:29 | Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal. |
622 | GEN 24:30 | Nang nakita niya ang singsing sa ilong at ang mga pulseras na nasa kamay ng kanyang kapatid na babae, at nang narinig niya ang mga salita ni Rebeca na kanyang kapatid, “Ito ang sinabi ng lalaki sa akin,” pumunta siya sa lalaki, at masdan, nakatayo siya sa tabi ng mga kamelyong nasa bukal. |
637 | GEN 24:45 | Bago pa man ako natapos mangusap sa aking puso, masdan, lumabas si Rebeca dala ang pitsel na pasan sa kanyang balikat at bumaba patungong bukal at sumalok ng tubig. Kaya sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom.' |
639 | GEN 24:47 | Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso. |
643 | GEN 24:51 | Masdan, nasa harapan mo si Rebeca. Dalhin mo siya at humayo, upang siya ay maging asawa ng anak ng iyong amo, gaya ng sinabi ni Yahweh.” |
645 | GEN 24:53 | Inilabas ng lingkod ang mga kagamitang pilak at mga kagamitang ginto, at damit, at binigay ang mga ito kay Rebeca. Nagbigay din siya ng mga mamahaling regalo sa kapatid niyang lalaki at sa kanyang ina. |
650 | GEN 24:58 | Kaya tinawag nila si Rebeca at tinanong siya, “Sasama ka ba sa lalaking ito?” Sumagot siya, “Sasama ako.” |
651 | GEN 24:59 | Kaya pinadala nila ang kanilang kapatid na si Rebeca, kasama ang kanyang babaing lingkod, sa kanyang paglalakbay kasama ang lingkod ni Abraham at kanyang mga kasamahang lalaki. |
652 | GEN 24:60 | Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.” |
653 | GEN 24:61 | Pagkatapos tumayo si Rebeca, at siya at ang kanyang mga lingkod na babae ay sumakay sa mga kamelyo, at sumunod sa lalaki. Kaya kinuha ng lingkod si Rebeca, at lumakad na sa kanyang landas. |
654 | GEN 24:62 | Ngayon naninirahan si Isaac sa Negev, at kababalik lang galing Beerhalohai. |
655 | GEN 24:63 | Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating! |
656 | GEN 24:64 | Tumingin si Rebeca, at nang nakita niya si Isaac, tumalon siya pababa mula sa kamelyo. |
658 | GEN 24:66 | Isinalaysay ng lingkod kay Isaac ang lahat ng mga bagay na kanyang ginawa. |
659 | GEN 24:67 | Pagkatapos dinala ni Isaac si Rebeca sa loob tolda ng kanyang inang si Sara at kinuha si Rebeca, at siya ay naging kanyang asawa, at siya ay minahal niya. Kaya naginhawahan si Isaac matapos ang kamatayan ng kanyang ina. |
663 | GEN 25:4 | Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Ephah, Epher Hanoch, Abida at si Eldaah. Lahat ng mga ito ay mga kaapu-apuhan ni Keturah. |
664 | GEN 25:5 | Ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac. |
665 | GEN 25:6 | Subalit, habang siya ay nabubuhay pa, nagbigay siya ng mga regalo sa kanyang mga anak na lalaki sa kanyang mga kerida at pinadala sila sa lupain ng silangan, malayo mula sa kanyang anak na si Isaac. |
668 | GEN 25:9 | Sina Isaac at Ismael, na kanyang mga anak, ay inilibing siya sa kuweba ng Macpela, sa lupain ni Epron na anak na lalaki ni Zohar na mga anak ni Heth, na malapit sa Mamre. |
670 | GEN 25:11 | Pagkatapos ng kamatayan ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak, at si Isaac ay nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi. |
678 | GEN 25:19 | Ang mga ito ay ang mga pangyayari patungkol kay Isaac, na anak na lalaki ni Abraham: Si Abraham ang naging ama ni Isaac. |
679 | GEN 25:20 | Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo. |
680 | GEN 25:21 | Nagdasal si Isaac kay Yahweh para sa kanyang asawa dahil wala itong anak, at sinagot ni Yahweh ang kanyang dasal, at si Rebeca na kanyang asawa ay nabuntis. |
685 | GEN 25:26 | Pagkatapos noon, ang kanyang kapatid ay lumabas. Ang kanyang kamay ay nakakapit sa sakong ni Esau. Siya ay tinawag na Jacob. Si Isaac ay animnapung taong gulang nang ang kanyang asawa ay nagsilang sa kanila. |
686 | GEN 25:27 | Ang mga bata ay lumaki na, at si Esau ay naging mahusay na mangangaso, isang taong sanay sa gubat; subalit si Jacob ay isang tahimik na tao, na ginugugul ang kanyang oras sa mga tolda. |
687 | GEN 25:28 | Ngayon minahal ni Isaac si Esau dahil nakakain nya ang mga hayop na kanyang nahuli, subalit si Rebeca ay minahal si Jacob. |