45 | GEN 2:14 | Ang pangalan ng pangatlong ilog ay Tigris, na umaagos sa silangan ng Asshur. Ang pang-apat na ilog ay ang Eufrates. |
138 | GEN 5:32 | Matapos mabuhay ni Noe ng limandaang taon, siya ay naging ama nina Sem, Ham at Jafet. |
148 | GEN 6:10 | Naging ama siya ng tatlong mga anak na lalaki: Sem, Ham at Jafet. |
173 | GEN 7:13 | Sa araw ding iyon si Noe at ang kanyang mga anak na lalaki, na sina Sem, Ham, at Jafet, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay kasama niyang pumasok sa arka. |
224 | GEN 9:18 | Ang mga anak ni Noe na lumabas sa arka ay sina Sem, Ham at Jafet. At si Ham ay ama ni Canaan. |
229 | GEN 9:23 | Kaya kumuha si Sem at Jafet ng damit at inilagay ito sa parehong balikat nila, at patalikod na lumakad at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama. Ang kanilang mga mukha ay lumihis sa ibang direksyon, kaya hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama. |
233 | GEN 9:27 | Palawakin nawa ng Diyos si Jafet, at hayaan siyang gumawa ng kanyang tahanan sa mga tolda ni Shem. Maging alipin nawa niya si Canaan.” |
236 | GEN 10:1 | Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe, iyon ay, sina Sem, Ham at Jafet. Nagkaanak sila ng mga lalaki pagkatapos ng baha. |
238 | GEN 10:3 | Ang mga anak na lalaki ni Gomer ay sina Askenaz, Rifat, Togarma. |
256 | GEN 10:21 | Nagkaanak din ng mga lalaki si Sem, ang nakatatandang kapatid na lalaki ni Jafet. Si Sem din ang ninuno ng lahat ng tao sa Eber. |
257 | GEN 10:22 | Ang mga anak na lalaki ni Sem ay sina Elam, Asshur, Arfaxad, Lud, at Aram. |
259 | GEN 10:24 | Si Arfaxad ang naging ama ni Shela, at si Shela ang naging ama ni Eber. |
264 | GEN 10:29 | Ofir, Havila, at Jobab. Ang lahat ng mga ito ay anak ni Joktan. |
277 | GEN 11:10 | Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Si Sem ay isandaang taong gulang, at naging ama ni Arfaxad dalawang taon matapos ang baha. |
278 | GEN 11:11 | Si Sem ay nabuhay ng limandaang taon matapos siyang naging ama ni Arfaxad. Naging ama rin siya ng iba pang mga anak na lalaki at babae. |
279 | GEN 11:12 | Nang tatlumpu't-limang taon na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Selah. |
280 | GEN 11:13 | Nabuhay pa si Arfaxad ng 403 taon matapos siyang maging ama ni Selah, at naging ama pa ng ibang anak na lalaki at babae. |
338 | GEN 14:1 | Nangyari na sa mga araw nina Amrafel, hari ng Sinar, Ariok, hari ng Elasar, Kedorlaomer, hari ng Elam, at Tidal, hari ng Goyim, |
342 | GEN 14:5 | Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam, |
346 | GEN 14:9 | laban kina Kedolaomer, hari ng Elam, Tidal, hari ng Goyim, Amrafel, hari ng Sinar, Arioc, hari ng Elasar; apat na mga hari laban sa lima. |
379 | GEN 15:18 | Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates— |
381 | GEN 15:20 | ang mga Heteo, ang mga Perezeo, ang mga Refiata, |
570 | GEN 22:22 | Kesed, Hazo, Pildas, Jidlaf, at Bethuel. |
580 | GEN 23:8 | Nagsalita siya sa kanila, na nagsabing, “Kung sumasang-ayon kayo na dapat kong ilibing ang aking patay, dinggin ninyo ako at pakiusapan si Efron na anak ni Zohar, para sa akin. |
582 | GEN 23:10 | Ngayon nakaupo si Efron kasama ang mga anak ni Het, at sumagot si Efron ang Heteo kay Abraham habang naririnig ng mga anak ni Het at ng lahat ng mga taong pumunta sa loob ng tarangkahan ng siyudad, na nagsabing, |
588 | GEN 23:16 | Nakinig si Abraham kay Efron at tinimbang ni Abraham sa harap ni Efron ang halaga ng pilak na kanyang sinasabi na naririnig ng mga anak ni Het, apatnaraang shekel ng pilak, ayon sa pamantayang panukat ng mga mangangalakal. |
674 | GEN 25:15 | Hadad, Tema, Jetur, Nafis at Kedama. |
1037 | GEN 35:25 | Ang kanyang mga anak na lalaki kay Bilha, na babaeng lingkod ni Raquel, ay sina Dan at Neftali. |
1045 | GEN 36:4 | Isinilang ni Ada si Elifaz kay Esau, at si Basemat ay isinilang si Reuel. |
1051 | GEN 36:10 | Ito ang mga pangalan ng mga lalaking anak ni Esau: Si Elifaz na lalaking anak ni Ada, asawa ni Esau; Si Reuel na lalaking anak ni Basemat, asawa ni Esau. |
1052 | GEN 36:11 | Ang mga lalaking anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefo, Galam, at Kenaz. |
1053 | GEN 36:12 | Ipinanganak si Amalek ni Timna, na ibang asawa ni Elifaz, na lalaking anak ni Esau. Ito ang mga lalaking apo ni Ada, asawa ni Esau. |
1056 | GEN 36:15 | Ito ang mga angkan kasama sa mga kaapu-apuhan ni Esau: ang mga kaapu-apuhan ni Elifaz, na panganay na anak ni Esau: sina Teman, Omar, Zefo, Kenaz, |
1057 | GEN 36:16 | Korah, Gatam, at Amalek. Ito ang mga angkang nanggaling kay Elifaz sa lupain ng Edom. Mga apo sila ni Ada. |
1064 | GEN 36:23 | Ito ang mga lalaking anak ni Sobal: sina Alvan, Manahat, Ebal, Zefo, at Onam. |
1241 | GEN 41:45 | Tinawag ni Paraon ang pangalan ni Jose na “Zafenat-panea.” Binigay niya si Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On, para maging asawa. Ang kapangyarihan ni Jose ay nasa itaas ng buong Ehipto. |
1246 | GEN 41:50 | May dalawang anak na lalaki si Jose bago dumating ang mga taon ng taggutom, na isinilang para sa kaniya ni Asenat, ang anak na babae ni Potifera na pari ng On. |
1248 | GEN 41:52 | Tinawag niya ang pangalan ng kaniyang pangalawang anak na Efraim, dahil sinabi niya, “Ginawa akong mabunga ng Diyos sa lupain ng aking dalamhati.” |
1403 | GEN 46:16 | ang mga anak na lalaki ni Gad, sina Zifion, Hagui at Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli; |
1407 | GEN 46:20 | (sa Ehipto ipinanganak sina Manases at Efraim kay Jose at Asenath, anak na babae ni Potifera na pari ng On); |
1411 | GEN 46:24 | ang mga anak na lalaki ni Neftali, sina Jahzeel, Guni, Jeser, and Silem |
1453 | GEN 48:1 | At nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito, may nagsabi kay Jose, “Tingnan mo, maysakit ang iyong ama.” Kaya kinuha niya ang kanyang dalawang anak na lalaki, sina Manasses at Efraim. |
1457 | GEN 48:5 | At ngayon ang dalawa mong anak na lalaki na ipinanganak sa iyo mula sa lupain ng Ehipto bago ako dumating dito, sila ay akin. Sina Efraim at Manasses ay magiging akin, tulad nina Ruben at Simeon na akin. |
1459 | GEN 48:7 | Pero para sa akin, nang dumating ako mula sa Paddan, sa aking kalungkutan namatay si Raquel sa lupain ng Canaan sa daan nang ako ay pabalik, habang may kaunting kalayuan pa papunta sa Efrata. Inilibing ko siya roon sa daanan patungo sa Efrata (ito ay Bethlehem).” |
1465 | GEN 48:13 | Kapwa sila kinuha ni Jose, si Efraim sa kanyang kanang kamay sa may bandang kaliwang kamay ni Israel, at si Manasses sa kanyang kaliwang kamay sa may bandang kanang kamay ni Israel, at dinala sila malapit sa kanya. |
1466 | GEN 48:14 | Inabot ni Israel ang kanyang kanang kamay at inilagay sa ulo ni Efraim, na siyang mas bata, at ang kanyang kaliwang kamay sa ulo ni Manasses. Pinagsalungat niya ang kanyang mga kamay, dahil si Manasses ang panganay. |
1469 | GEN 48:17 | Nang nakita ni Jose ang kanyang ama na nilagay ang kanyang kanang kamay sa ulo ni Efraim, ikinasama niya ng loob ito. Kinuha niya ang kamay ng kanyang ama upang ilipat mula sa ulo ni Efraim sa ulo ni Manasses. |
1472 | GEN 48:20 | Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, “Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'.” Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses. |
1503 | GEN 49:29 | Tinuruan niya sila at sinabihang, “Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo, |
1504 | GEN 49:30 | sa kuweba na nasa bukid ng Macpela, na malapit sa Mamre sa lupain ng Canaan, ang bukid na binili ni Abraham kay sa Efron ang Heteo para maging libingan. |
1530 | GEN 50:23 | Nakita ni Jose ang mga anak ni Efraim hanggang sa ikatlong salinlahi. Nakita niya rin ang mga anak ni Makir na anak ni Manases. Sila ay “ipinanganak sa kanyang mga tuhod.” |
1537 | EXO 1:4 | Dan, Neftali, Gad at Asher. |
1548 | EXO 1:15 | Pagkatapos ang hari ng Ehipto ay nakipag-usap sa Hebreong mga komadrona; ang pangalan ng isa ay si Sifra, at ang isa ay si Pua. |
1892 | EXO 14:2 | “Sabihin mo sa mga Israelita na sila ay bumalik at magkampo sa Pi Hahirot, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, bago ang Baal Zefon. Kayo ay magkakampo sa tabing dagat at sa tapat ng Pi Hahirot. |
1899 | EXO 14:9 | Pero hinabol sila ng mga taga-Ehipto kasama ng kanilang mga kabayo at mga karwahe, mga nangangabayo at ang kaniyang mga hukbo. Inabutan nila ang mga Israelita na nagkakampo sa tabing dagat ng Pi Hahirot, bago ang Baal Zefon. |
2176 | EXO 23:31 | Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng mga Tambo patungo sa Dagat ng Palestina, at mula sa ilang patungo sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban sa mga naninirahan sa lupain. Palalayasin mo sila sa harapan mo. |
2298 | EXO 28:4 | Ang mga kasuotan na dapat nilang gawin ay isang baluti, isang efod, isang balabal, isang kasuotang gawa sa habi, isang turbante at isang sintas. Dapat nilang gawin ang mga kasuotang ito para ihandog sa akin. Ito ay para sa iyong kapatid na si Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki para maaari silang maglingkod sa akin bilang mga pari. |
2300 | EXO 28:6 | Dapat silang gumawa ng efod na ginto, asul, lilak at matingkad na pulang lana, at ng pinulupot na pinong lino. Dapat gawa ito ng isang bihasang manggagawang lalaki. |
2302 | EXO 28:8 | Ang makinis na habing sinturon ay dapat kagaya ng efod; dapat gawa ito sa isang piraso kasama ng efod, na gawa sa nakapilipit na pinong lino na ginto, asul, lilak, at matingkad na pula. |
2306 | EXO 28:12 | Dapat mong ilagay ang dalawang bato sa mga pirasong pambalikat ng efod, para maging mga bato para magpapaalala kay Yahweh sa mga anak na lalaki ni Israel. Si Aaron ang magdadala ng kanilang mga pangalan sa harap ni Yahweh sa kaniyang dalawang balikat bilang isang paalala sa kaniya. |
2309 | EXO 28:15 | Dapat kang gumawa ng isang baluti para sa paggawa ng desisyon, ang gawa ng isang bihasang manggagawang lalaki, gaya ng pagkakagawa ng efod. Gawin ito sa ginto, sa asul, lilak, at matingkad na pulang lana, at sa pinong lino. |
2319 | EXO 28:25 | Dapat ikabit mo ang kabilang dulo ng dalawang kadenang tinirintas sa dalawang lalagyan. Pagkatapos dapat ikabit mo ang mga ito sa dalawang pambalikat sa harap ng efod. |
2321 | EXO 28:27 | Dapat kang gumawa ng dalawa pang singsing na ginto, at dapat mong ikabit ito sa ilalim ng dalawang pambalikat sa harap ng efod, malapit ito sa pinagtahian sa itaas ng pinong habing sintas sa baywang ng efod. |
2322 | EXO 28:28 | Dapat talian ang baluti sa bawat mga singsing nito patungo sa mga singsing ng epod sa pamamagitan ng isang asul na tali, para ito ay maikabit sa itaas lamang ng habing sinturon sa baywang ng efod. Para hindi na matanggal ang baluti mula sa efod. |
2342 | EXO 29:5 | Dapat kang kumuha ng mga damit at damitan si Aaron kasama ang kapa, ang balabal ng efod, ang efod, at ang baluti, kabitan ng makinis na habing sinturon ng efod na nakapalibot sa kaniya. |
2541 | EXO 35:9 | batong onise at iba pang mahalagang bato na ilalagay sa efod at baluting pangdibdib. |
2667 | EXO 39:2 | Ginawa ni Bezalel ang efod na ginto, na asul, lila, at matingkad na pulang lana, at ng pinong pinulupot na lino. |
2669 | EXO 39:4 | Gumawa sila ng mga pang-balikat na piraso para sa efod, na nakakabit sa dalawang itaas na kanto nito. |
2670 | EXO 39:5 | Ang pinong nahabing sinturon nito ay katulad ng efod; gawa ito sa isang piraso kasama ang efod, na gawa sa pinong pinulupot na linong ginto, asul, lila, at pula, katulad ng inutos ni Yahweh kay Moises. |
2672 | EXO 39:7 | Inilagay ito ni Bezalel sa balikat na piraso ng efod, bilang mga bato para alalahanin ni Yahweh ang labing-dalawang anak na lalaki ni Israel, ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises. |
2673 | EXO 39:8 | Ginawa niya ang baluti, gawain ng bihasang manggagawa, inihugis katulad ng efod. Ginawa ito sa pamamagitan ng ginto, asul, lila at pulang tela, at ng pinong lino. |
2676 | EXO 39:11 | Ang ikalawang hanay ay may isang esmeralda, isang safira, at isang dyamante. |
2683 | EXO 39:18 | Ikinabit nila ang ibang dalawang dulo ng tinirintas na mga kadena sa dalawang lalagyan. Ikinabit nila ito sa pang-balikat na piraso ng efod sa may harapan nito. |
2685 | EXO 39:20 | Gumawa sila ng dalawa pang singsing na ginto at ikinabit ang mga ito sa ibaba ng dalawang pang-balikat na piraso ng harap ng efod, malapit sa tahi nito sa itaas ng pinong nahabing sinturon ng efod. |
2686 | EXO 39:21 | Itinali nila ang baluti gamit ang singsing nito sa singsing ng efod na may asul na tali, kaya ito ay maidugtong sa bandang taas ng mainam na tinahing sinturon ng efod. Ito rin ang baluti na hindi matanggal sa pagkakadugtong mula sa efod. Ginawa ito ayon sa inutos ni Yahweh kay Moises. |
2687 | EXO 39:22 | Si Bezalel ay gumawa ng balabal ng efod na tunay na gawa sa telang lila, ginawa ng isang manghahabi. |
2925 | LEV 8:7 | Inilagay niya kay Aaron ang tunika at itinali ang kabitan sa palibot sa kaniyang baywang, binihisan siya ng kasuotan at inilagay ang efod sa kaniya, at pagkatapos itinali niya ang efod sa palibot niya kasama ng kabitan na hinabi nang pino at itinali ito sa kaniya. |
2982 | LEV 10:4 | Tinawag ni Moises sina Misael at Elzafan na mga anak na lalaki ni Uziel na tiyuhin ni Aaron at sinabi sa kanilang, “Halikayo rito at dalhin ang inyong mga kapatid palabas ng kampo mula sa tabernakulo.” |
3615 | NUM 1:10 | mula sa tribu ni Efraim na anak na lalaki ni Jose ay si Elisama na anak na lalaki ni Ammiud; mula sa tribu ni Manases, si Gamaliel na anak na lalaki ni Pedasur; |
3619 | NUM 1:14 | mula sa tribu ni Gad, si Eliasaf na anak na lalaki ni Deuel; |
3620 | NUM 1:15 | at mula sa tribu ni Neftali, si Ahira na anak na lalaki ni Enan. |
3637 | NUM 1:32 | Mula sa mga kaapu-apuhan ni Efraim na anak na lalaki Jose ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. |
3638 | NUM 1:33 | 40, 500 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Efraim. |
3647 | NUM 1:42 | Mula sa mga kaapu-apuhan ni Neftali ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. |
3648 | NUM 1:43 | 53, 400 ang nabilang nila mula sa tribu ni Neftali. |
3673 | NUM 2:14 | Sumunod ang tribu ni Gad. Si Eliasaf na anak ni Deuel ang dapat mamuno sa hukbo ni Gad. |
3677 | NUM 2:18 | Dapat magkampo ang hukbo ng Efraim sa dakong kanluran ng tolda ng pagpupulong. Si Elishama na anak ni Ammiud ang dapat mamuno sa hukbo ng Efraim. |
3678 | NUM 2:19 | Ang hukbo ng Efraim ay may 40, 500 na kalalakihan. |
3679 | NUM 2:20 | Dapat ang tribu ni Manases ang magkampong kasunod ng Efraim. Si Gamaliel na anak ni Pedasur ang dapat mamuno sa hukbo ni Manases. |
3683 | NUM 2:24 | Lahat ng mga hukbong nagkampong kasama ni Efraim ay may bilang na 108, 100 na kalalakihan. Sila ang pangatlong dapat lumabas mula sa kampo. |
3688 | NUM 2:29 | Ang sumunod ay ang tribu ni Neftali. Si Ahira na anak ni Enan ang dapat mamuno sa mga kaapu-apuhan ni Neftali. |
3689 | NUM 2:30 | Ang hukbo ni Neftali ay may 53, 400 na kalalakihan. |
3717 | NUM 3:24 | Dapat pangunahan ni Eliasaf na anak na lalaki ni Lael ang angkan ng kaapu-apuhan ng mga Gersonita. |
3723 | NUM 3:30 | Dapat pangunahan ni Elizafan na anak na lalaki ni Uziel ang mga angkan ng mga Kohatita. |
3839 | NUM 6:15 | Dapat magdala rin siya ng isang buslo ng tinapay na ginawa na walang pampaalsa, mga tinapay ng pinong harina na hinaluan ng langis, mga wafer na tinapay na walang pampaalsa na pinahiran ng langis, kasama ang kanilang handog na butil at mga handog na inumin. |
3843 | NUM 6:19 | Dapat kunin ng pari ang pinakuluang balikat ng lalaking tupa, isang tinapay na walang pampaalsa mula sa buslo, at isang wafer na tinapay na walang pampaalsa. Dapat niyang ilagay ang mga ito sa kamay ng Nazareo pagkatapos niyang ahitan ang kaniyang ulo na nagpapahiwatig ng pagkabukod. |