98 | GEN 4:18 | Kay Enoc isinilang si Irad. Si Irad ang naging ama ni Mehujael. Si Mehujael ang naging ama ni Metusael. Si Metusael ang naging ama ni Lamec. |
1030 | GEN 35:18 | Habang naghihingalo siya, kasabay ng kanyang huling hininga pinangalanan niya siyang Benoni, ngunit ang kaniyang ama ay tinawag siyang Benjamin. |
1036 | GEN 35:24 | Ang kanyang mga anak na lalaki kay Raquel ay sina Jose at Benjamin. |
1257 | GEN 42:4 | Ngunit si Benjamin, na kapatid ni Jose, ay hindi ipinasama ni Jacob sa kaniyang mga lalaking kapatid, dahil sinabi niya, “Baka may kapahamakang maaaring mangyari sa kanya.” |
1289 | GEN 42:36 | Sinabi sa kanila ni Jacob na kanilang ama sa, “Inialis ninyo sa akin ang aking mga anak. Hindi na nabubuhay si Jose, si Simeon ay wala na, at kukunin pa ninyo si Benjamin palayo. Lahat ng ito ay laban sa akin.” |
1290 | GEN 42:37 | Si Reuben ay nagsalita sa kanyang ama, na nagsasabing. “Maaari mong patayin ang dalawa kong anak kung hindi ko maibalik sa iyo si Benjamin. Ilagay mo siya sa aking mga kamay, at muli ko siyang dadalhin sa iyo.” |
1305 | GEN 43:14 | Nawa'y kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos sa harap ng taong iyon, upang palayain niya sa inyo ang iba niyong mga kapatid at si Benjamin. Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati. |
1306 | GEN 43:15 | At dinala ng mga lalaki ang regalong iyon. Kumuha sila ng dobleng salapi sa kanilang mga kamay at si Benjamin. Tumayo sila, pumunta pababa sa Ehipto, at tumayo sa harapan ni Jose. |
1307 | GEN 43:16 | Nang makita ni Jose na kasama nila si Benjamin, sinabi niya sa katiwala ng kanyang bahay, “Dalhin mo ang mga lalaki sa bahay, kumatay kayo ng hayop at ihanda ito, dahil ang mga lalaki ay kakain kasama ko ngayong tanghalian. |
1320 | GEN 43:29 | Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita si Benjamin ang kanyang kapatid na lalaki, ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing, “Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid mo na iyong binabanggit sa akin? Sinabi niya, “Ang Diyos ay maging maawain sa iyo, aking anak”. |
1325 | GEN 43:34 | Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya. |
1337 | GEN 44:12 | Naghanap ang katiwala. Nagsimula siya sa pinaka-panganay at natapos sa bunso, at nahanap ang baso sa sako ni Benjamin. |
1371 | GEN 45:12 | Tingnan ninyo, nakikita ng inyong mga mata, at mga mata ng aking kapatid na lalaki na si Benjamin, na itong aking bibig ang nakikipag-usap sa inyo. |
1373 | GEN 45:14 | Niyakap niya ang kanyang kapatid na si Benjamin sa leeg at umiyak, at si Benjamin ay umiyak sa kanyang leeg. |
1381 | GEN 45:22 | Sa kanilang lahat nagbigay siya sa bawat tao ng mga pampalit na damit, ngunit kay Benjamin nagbigay siya ng tatlong daang mga piraso ng pilak at limang mga pampalit na damit. |
1406 | GEN 46:19 | ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Raquel na kanyang asawa—sina Jose and Benjamin. |
1408 | GEN 46:21 | ang mga anak na lalaki ni Benjamin, sina Bela, Bequer, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim, at Ard |
1501 | GEN 49:27 | Gutom na lobo si Benjamin. Lalamunin niya ang kanyang nahuli sa umaga, at hahatiin niya ang mga nakaw sa gabi.” |
1536 | EXO 1:3 | Isacar, Zebulun, at Benjamin, |
2677 | EXO 39:12 | Ang ikatlong hanay ay may jacinto, isang agate, at isang ametista. |
2678 | EXO 39:13 | Ang ikaapat na hanay ay may beryl, isang oniks, at isang jasper. Ang mga bato ay ikinabit sa may gintong lalagyan. |
3616 | NUM 1:11 | mula sa tribu ni Benjamin na anak na lalaki ni Jose ay si Abidan na anak na lalaki ni Gideon; |
3641 | NUM 1:36 | Mula sa mga kaapu-apuhan ni Benjamin ay binilang nila ang lahat ng mga pangalan ng bawat lalaking dalawampung taong gulang pataas na kayang pumunta sa digmaan, mula sa mga talaan ng mga angkan ng kanilang ninuno at mga pamilya. |
3642 | NUM 1:37 | 35, 400 na kalalakihan ang nabilang nila mula sa tribu ni Benjamin. |
3681 | NUM 2:22 | Susunod ang tribu ni Benjamin. Si Abidan na anak ni Gideon ang dapat mamuno sa hukbo ni Benjamin. |
3911 | NUM 7:60 | Sa ikasiyam na araw, nag-alay ng kaniyang handog si Abidan na anak ni Gideon, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin. |
4013 | NUM 10:24 | Si Abidan na lalaking anak ni Gideon ang nanguna sa hukbo ng tribu ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin. |
4085 | NUM 13:9 | Mula sa tribu ni Benjamin, si Palti na lalaking anak ni Rafu. |
4529 | NUM 26:38 | Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin: kay Bela, ang angkan ng mga Belaita, kay Asbel, ang angkan ng mga Asbelita, kay Ahiram, ang angkan ng mga Ahiramita, |
4532 | NUM 26:41 | Ito ang mga angkan ng mga kaapu-apuhan ni Benjamin. Sila ay may bilang na 45, 600 na kalalakihan. |
4839 | NUM 34:21 | Mula sa tribu ng Benjamin, si Elidad na anak na lalaki ni Kislon. |
5599 | DEU 27:12 | “Pagkatapos ninyong tawirin ang Jordan, dapat tumayo ang mga liping ito sa Bundok Gerizim para pagpalain ang mga tao: sina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin. |
5824 | DEU 33:12 | Tungkol kay Benjamin, sinabi ni Moises: Ang isang minahal ni Yahweh ay namumuhay ng matiwasay sa tabi niya; iniingatan siya ni Yahweh sa mahabang panahon, at nabubuhay siya sa pagitan ng mga braso ni Yahweh. |
6078 | JOS 10:12 | Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.” |
6306 | JOS 18:11 | Ang pagtatalaga ng lupa para sa lipi ni Benjamin ay ibinigay sa bawat mga angkan nila. Matatagpuan sa pagitan ng mga kaapu-apuhan ni Juda at sa mga kaapu-apuhan ni Jose ang nasasakupan ng kanilang nakatalagang lupa. |
6315 | JOS 18:20 | Nabuo nito ang hangganan ng Jordan sa silangang bahagi. Ito ang pamana sa lipi ni Benjamin, at ibinigay ito sa bawa't isa sa kanilang mga angkan, hangganan pagkatapos ng hangganan, sa buong palibot. |
6316 | JOS 18:21 | Ngayon ang mga lungsod ng lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan ay Jerico, Bet Hogla, Emek Keziz, |
6323 | JOS 18:28 | Zela, Haelep, Jebus (pareho sa Jerusalem), Gibea, at Kiriat. Mayroong labing-apat na mga lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. Ito ang pamana ni Benjamin para sa kanilang mga angkan. |
6365 | JOS 19:42 | Saalabin, Ajalon, at Itla. |
6387 | JOS 21:4 | Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin. |
6400 | JOS 21:17 | Mula sa lipi ni Benjamin ibinigay ang Gabaon kasama ang mga lupang pastulan nito, ang Geba kasama ang mga lupang pastulan nito, |
6407 | JOS 21:24 | Ajalon kasama ang mga lupang pastulan nito, Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat. |
6532 | JDG 1:21 | Pero hindi pinalayas ang mga tao ng Benjamin ang mga Jebuseong naninirahan sa Jerusalem. Kaya nanirahan sa Jerusalem ang mga Jebuseo kasama ang mga tao ng Benjamin sa araw na ito. |
6546 | JDG 1:35 | Kaya nanirahan ang mga Amoreo sa Bundok ng Heres, sa Aijalon, at sa Shaalbim, pero sinakop sila ng lakas ng mga hukbo ng sambahayan ni Jose, at sila ay sapilitang naglingkod sa kanila ng pagtatrabaho ng mabigat. |
6585 | JDG 3:15 | Pero nang tumawag ang bayan ng Israel kay Yahweh, nagtalaga ng isang tao si Yahweh na tutulong sa kanila, si Ehud na anak na lalaki ni Gera, isang Benjamita, at kaliwete. Ipinadala siya ng bayan ng Israel, kasama ang pugay na pambayad, kay Eglon na hari sa Moab. |
6639 | JDG 5:14 | Dumating sila mula sa Efraim, na ang pinagmulan ay nasa Amalec; sumunod ang mga tao ng Benjamin sa inyo. Bumaba ang mga namumuno mula sa Macir, at ang mga nagbitbit ng isang tungkod ng opisyal mula sa Zebulun. |
6822 | JDG 10:9 | At ang mga Amonita ay tumawid sa Jordan para makipaglaban sa Juda, laban sa Benjamin at laban sa sambahayan ni Efraim, kaya ang Israel ay lubhang naglamhati. |
7040 | JDG 19:14 | Kaya nagpatuloy sila, at lumubog ang araw habang papalapit sila sa Gabaa, sa nasasakupan ng Benjamin. |
7042 | JDG 19:16 | Pero pagkatapos dumating ang isang matandang lalaki mula sa kaniyang trabaho sa bukid ng gabing iyon. Siya ay mula sa burol na bansa ng Efraim, at panandalian siyang nakatira sa Gabaa. Pero ang mga kalalakihang naninirahan sa lugar na iyon ay mga Benjamita. |
7059 | JDG 20:3 | Ngayon narinig ng lipi ng Benjamin na umakyat ang bayan Israel sa Mizpa. Sinabi ng mga tao ng Israel, “Sabihin sa amin kung paano nangyari itong masamang bagay.” |
7060 | JDG 20:4 | Ang Levita, ang asawang ng babaeng pinatay, ay sumagot, “Ako ay dumating sa Gibea sa teritoryo na nabibilang kay Benjamin, ako at aking isa pang asawa, para magpalipas ng gabi. |
7066 | JDG 20:10 | Kukuha tayo ng sampung kalalakihan ng isang daan sa buong mga lipi ng Israel, at isang daan ng isang libo, at isang libo ng sampung libo, para kumuha ng panustos para sa mga taong ito, para kapag dumating sila ng Gibea sa Benjamin, maaari nila silang parusahan dahil sa kasamaan na nagawa nila sa Israel.” |
7068 | JDG 20:12 | Nagpadala ng kalalakihan ang mga lipi ng Israel sa buong lipi ng Benjamin, sa pagsasabing, “Ano itong kasamaan na nagawa ninyo? |
7069 | JDG 20:13 | Kaya, ibigay sa amin ang masamang kalalakihan ng Gibea, para maaari namin silang patayin, at para ganap naming matatanggal itong kasamaan mula sa Israel. Pero ang mga Benjamita ay hindi nakikinig sa tinig ng kanilang mga kapatid, ang mga tao ng Israel. |
7070 | JDG 20:14 | Pagkataos dumating ng magkakasama ang mga tao ng Benjamin mula sa mga lungsod patungong Gibea para maghandang sa pakikipaglaban sa mga tao ng Israel. |
7071 | JDG 20:15 | Sama-samang dinala ang mga tao ni Benjamin mula sa kanilang mga lungsod para lumaban sa araw na iyon na 26, 000 sundalo ang tinuruang lumaban gamit ang espada; karagdagan sa bilang na iyon ay pitong daan ng kanilang piniling kalalakihan na mula sa mga naninirahan ng Gibea. |
7073 | JDG 20:17 | Ang mga sundalo ng Israel, hindi kasama ang bilang mula kay Benjamin, umabot sa 400, 000 kalalakihan, na tinuruang lumaban gamit ang espada. Ang lahat sa kanila ay mga lalaking mandirigma. |
7074 | JDG 20:18 | Bumangon ang bayan ng Israel, pumunta ng Bethel, at humingi ng payo mula sa Diyos. Hiniling nila, “Sino ang unang sasalakay sa mga tao ng Benjamin para sa amin?” Sinabi ni Yahweh, “Unang sasalakay ang Juda.” |
7076 | JDG 20:20 | Lumabas ang bayan ng Israel para lumaban sa pangkat ng Benjamin. Inihanay nila ang kanilang pwestong pandigma laban sa kanila sa Gibea. |
7077 | JDG 20:21 | Lumabas ang mga tao ng Benjamin mula sa Gibea, at nakapatay sila ng dalawampu't dalawang libong kalalakihan nag hukbo ng Israel sa araw na iyon. |
7079 | JDG 20:23 | At umakyat ang bayan ng Israel at sila ay umiyak sa harap ni Yahweh hanggang gabi. At humingi sila ng gabay mula kay Yahweh: “Dapat ba kaming bumalik muli para lumaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Banjamin?” At sinabi ni Yahweh, “Lusubin sila!” |
7080 | JDG 20:24 | Kaya pumunta ang bayan ng Israel laban sa mga sundalo ng Benjamin sa pangalawang araw. |
7081 | JDG 20:25 | Sa panagalawang araw, lumabas ang Benjamin laban sa kanila mula Gibea at pinatay nila ang18, 000 kalalakihan mula sa bayan ng Israel. Lahat ay kalalakihan na tinuruang lumaban gamit ang espada. |
7084 | JDG 20:28 | at si Finehas, anak na lalaki ni Eleazar na anak na lalaki ni Aaron, ay naglilingkod sa harapan ng kaban sa mga araw na iyon—”Dapat ba tayong lumabas para muling makipagdigma laban sa mga tao ng Benjamin, ating mga kapatid, o tumigil?” Sinabi ni Yahweh, “Lusubin, dahil bukas tutulungan ko kayong talunin sila.” |
7086 | JDG 20:30 | Nakipaglaban ang bayan ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin sa pangatlong araw, at binuo nila ang kanilang hanay na pangdigma laban sa Gibea gaya ng nakaraan nilang ginawa.. |
7087 | JDG 20:31 | Pumunta ang mga tao ng Benjamin at nakipaglaban laban sa mga tao, at napalayo sila mula sa lungsod. Nagsimula na silang pumatay ng ilan sa mga tao. May halos tatlumpong kalalakihan ng Israel ang namatay sa mga bukid at sa mga daan. Isa sa mga daan ay papunta ng Bethel, ang iba ay papunta ng Gibea. |
7088 | JDG 20:32 | Pagkatapos sinabi ng mga tao ng Benjamin, “Sila ay natalo at sila ay tumatakbo palayo mula sa atin, gaya ng nauna.” Pero sinabi ng mga sundalo ng Israel, “Tayo ay tumakbo pabalik at ilayo sila mula sa lungsod papunta sa mga daan.” |
7090 | JDG 20:34 | Doon lumabas laban sa Gibea ang sampung libong napiling kalalakihan na mula sa buong Israel, at ang labanan ay napakatindi, pero hindi alam ng mga Benjamita na ang kapahamakan ay malapit sa kanila. |
7091 | JDG 20:35 | Tinalo ni Yahweh ang Benjaminita sa harap ng Israel. Sa araw na iyon, nakapatay ang mga sundalo ng Israel ng 25, 100 kalalakihan ng Benjamin. Lahat ng kanilang napatay ay mga tinuruang lumaban gamit ang espada. |
7092 | JDG 20:36 | Kaya nakita ng mga sundalo ng Benjamin na sila ay natalo. Nagbigay ang kalalakihan ng Israel ng lupa sa Benjamin, dahil umasa sila sa kalalakihan na inilagay nila sa mga lihim na pwesto sa labas ng Gibea. |
7095 | JDG 20:39 | —at maaaring aatras ang mga sundalo ng Israel sa labanan malayo mula sa laban. Ngayon nagsimula ng lumusob ang Benjamin at pinatay nila ang halos tatlumpung kalalakihan ng Israel, at sinabi nila, “Sigurado ito na matatalo natin sila sa harapan natin, gaya ng naunang labanan.” |
7096 | JDG 20:40 | Pero nang magsimula na ang haligi ng usok na tumaas mula sa lungsod, bumalik ang mga Benjamita at nakita ang usok na tumataas sa himpapawid mula sa buong lungsod. |
7097 | JDG 20:41 | Pagkatapos bumalik ang bayan ng Israel laban sa kanila. Natakot ang kalalakihan ng Benjamin, dahil nakita nila ang kapahamakan ay dumating sa kanila. |
7099 | JDG 20:43 | Pinalibutan nila ang mga Benjaminita at nilusob nila; At kanilang niyurakan sila sa Nohah, at pinatay sila papuntang silangang bahagi ng Gibea. |
7100 | JDG 20:44 | Mula sa lipi ng Benjamin, 18, 000 sunadol tao ang namatay, lahat sila ay kalalakihan na tanyag sa labanan. |
7102 | JDG 20:46 | Ang lahat ng mga sundalo ng Benjamin na pinatumba sa araw na iyon ay 25, 000—kalalakihan na tinuruan para lumaban gamit ang espada; lahat sila ay tanyag sa labanan. |
7104 | JDG 20:48 | Bumalik ang mga sundalo ng Israel laban sa mga tao ng Benjamin at inatake at pinatay sila—ang buong lungsod, ang mga baka, at lahat ng mga bagay na kanilang makikita. Sinunog din nila ang bawat bayan sa kanilang madaanan. |
7105 | JDG 21:1 | Ngayon gumawa ng isang pangako ang mga kalalakihan ng Israel sa Mizpa, “Wala sa amin ang magbibigay ng kaniyang anak na babae para ipakasal sa isang Benjaminita.” |
7110 | JDG 21:6 | May malasakit ang mga tao ng Israel sa kapatid nilang si Benjamita. Sinabi nila, “Ngayong araw isang lipi ang ititiwalag mula sa Israel. |
7117 | JDG 21:13 | Nagpadala ng isang mensahe ang buong kapulungan at sinabi sa mga tao ng Benjamin na naroon sa bato ng Rimon na sila ay nag-handog ng kapayapaan. |
7118 | JDG 21:14 | Kaya bumalik ang Benjaminita sa panahon na iyon at binigyan sila ng kababaihan sa Jabesh Gilead. Dahil hindi sapat ang kababaihan para sa kanilang lahat. |
7119 | JDG 21:15 | Nalungkot ang mga tao sa nangyari kay Benjamin, dahil gumawa si Yahweh ng isang pagkakahati-hati sa pagitan ng mga lipi ng Israel. |
7120 | JDG 21:16 | Pagkatapos sinabi ng mga namumuno ng kapulungan, “Paano natin aayusin ang mga asawang babae para sa mga Benjamita na naiwan, simula nang pinatay ang mga kababaihan ni Benjamin?” |
7121 | JDG 21:17 | Sinabi nila,” Dapat na mayroong isang pamana para sa mga nakaligtas na Benjaminta, para hindi mawasak ang isang lipi mula sa Israel. |
7122 | JDG 21:18 | Hindi namin sila mabibigyan ng mga asawa mula sa aming mga anak na babae. Dahil gumawa ng isang pangako ang tao ng Israel, 'Sumpain ang sinumang magbigay ng asawa sa lipi ng Benjamin.”' |
7124 | JDG 21:20 | Binigyan nila ng tagubilin mga kalalakihan ni Benjamin, sinasabing, “Humayo at magtago ng palihim at maghintay sa mga ubasan. |
7125 | JDG 21:21 | Bantayan ang pagkakataon kapag lumabas na ang mga kababahan para sumayaw mula sa Silo, magmadaling pumunta sa mga ubasan at dapat na kumuha ng isang asawa mula sa mga kababahan ng Silo ang bawat isa sa inyo, pagkatapos bumalik sa lupain ng Benjamin. |
7127 | JDG 21:23 | Iyon nga ang ginawa ng mga tao ni Benjamin, kinuha nila ang bilang ng mga asawang kinakailangan nila mula sa mga kababaihan na sumasayaw, at sila ay dinala nila palayo para maging kanilang mga asawa. Sila ay umalis at bumalik sa lugar na kanilang minana; muli nilang itinayo ang mga bayan, at doon sila namuhay. |
7311 | 1SA 4:12 | Tumakbo ang isang lalaki ng Benjamin mula sa hanay ng labanan at nakarating sa Silo sa parehong araw, dumating na punit ang kanyang mga damit at may lupa sa kanyang ulo. |
7373 | 1SA 8:2 | Joel ang pangalan ng panganay niya at Abija ang pangalan ng pangalawa niyang anak na lalaki. Mga hukom sila sa Beer-seba. |
7394 | 1SA 9:1 | May isang lalaki mula sa Benjamin, isang lalaking maimpluwensiya. Kish ang pangalan niya, anak na lalaki ni Abiel na anak na lalaki ni Zeror ng Becorat na anak na lalaki ni Afia, na anak na lalaki na taga-Benjamin. |
7397 | 1SA 9:4 | Kaya dumaan si Saul sa maburol na lugar ng Efraim at nagtungo sa lupain ng Salisa, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon. Dumaan sila sa lupain ng Shaalim, pero wala roon ang mga iyon. Pagkatapos dumaan sila sa lupain ng mga taga-Benjamin, ngunit hindi nila natagpuan ang mga iyon. |
7409 | 1SA 9:16 | “Bukas sa mga ganitong oras ipapadala ko sa iyo ang isang lalaki mula sa lupain ng Benjamin, at papahiran mo siya ng langis para maging prinsipe ng aking bayang Israel. Ililigtas niya ang bayan ko mula sa kamay ng mga Filisteo. Dahil naawa ako sa aking bayan sapagkat nakarating sa akin ang paghinigi nila ng tulong sa akin.” |
7414 | 1SA 9:21 | Sumagot si Saul at sinabing, “Hindi ba ako taga- Benjamin, mula sa pinakamaliit na lipi ng Israel? Hindi ba ang aking angkan ang pinakamaliit sa lahat ng angkan ng lipi ni Benjamin? Bakit ka nagsalita sa akin sa ganitong paraan?” |
7422 | 1SA 10:2 | Kapag iniwan mo ako ngayon, may matatagpuan kang dalawang lalaki sa puntod ni Raquel, sa nasasakupan ng Benjamin at Zelza. Sasabihin nila sa iyo, 'Natagpuan na ang hinahanap mong mga asno. Ngayon, tumigil ang iyong ama sa pag-aalala tungkol sa mga asno, at nababalisa na tungkol sa iyo, sinasabing, “Ano ang dapat kong gawin sa anak ko?'” |
7440 | 1SA 10:20 | Kaya dinala ni Samuel palapit ang lahat ng lipi ng Israel, at napili ang lipi ni Benjamin. |
7441 | 1SA 10:21 | Pagkatapos dinala niya palapit ang lipi ni Benjamin ayon sa kanilang mga angkan; at napili ang angkan ng mga Matrites; at napili si Saul na anak ni Kish. Subalit nang siya ay hinahanap nila, hindi siya matagpuan. |
7489 | 1SA 13:2 | pumili siya ng tatlong libong kalalakihan ng Israel. Dalawang libo ang kasama niya sa Micmas at sa maburol na lugar ng Bethel, habang isang libo ang kasama ni Jonatan sa Gibea ng Benjamin. Pinauwi niya ang mga natitirang sundalo, bawat lalaki sa kanyang tolda. |