416 | GEN 17:18 | Sinabi pa ni Abraham sa Diyos, “Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan!” |
467 | GEN 19:9 | Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto. |
521 | GEN 21:7 | Sinabi rin niya, “Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magaalaga ng mga anak, at gayunpaman nagsilang ako sa kanya ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan!” |
559 | GEN 22:11 | Pero tinawag siya ng anghel ni Yahweh mula sa langit at sinabing, “Abraham, Abraham!” at sinabi niya, “Narito ako.” |
689 | GEN 25:30 | Sinabi ni Esau kay Jacob, “Pakainin mo ako niyang mapulang nilaga. Pakiusap, ako ay pagod!” Kaya iyon ang dahilan na ang kanyang pangalan ay tinawag na Edom. |
817 | GEN 29:21 | Pagkatapos sinabi ni Jacob kay Laban, “Ibigay mo na ang aking asawa, dahil ang mga araw ko ay natapos na—para mapakasalan ko na siya!” |
842 | GEN 30:11 | Sinabi ni Lea, “Ito ay napakapalad!” Kaya siya ay pinangalanan niyang Gad. |
1149 | GEN 38:29 | nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!” At pinangalanan siyang Perez. |
4229 | NUM 16:34 | Ang buong Israel na nakapalibot sa kanila ay tumakas mula sa kanilang hiyaw. Sinigaw nila, “Baka lamunin din tayo ng lupa!” |
4427 | NUM 23:10 | Sino ang makakapagbilang sa alikabok ni Jacob o makakapagbilang kahit na ang ikaapat lamang ng Israel? Hayaan akong akong mamatay sa kamatayan ng isang matuwid na tao, at hayaang maging katulad niya ang wakas ng aking buhay!” |
6083 | JOS 10:17 | Sinabi ito kay Josue, “Natagpuan sila! —ang limang hari na nagtago sa loob ng kuweba sa Maceda!” |
6668 | JDG 6:12 | Ang anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Si Yahweh ay kasama mo, ikaw na malakas na mandirigma!” |
6678 | JDG 6:22 | Naintindihan ni Gideon na ito ang anghel ni Yahweh. Sinabi ni Gideon, “O, Panginoong Yahweh, Dahil nakita ko ang anghel ni Yahweh na mukha sa mukha!” |
6741 | JDG 8:20 | Sinabi niya kay Jeter (kaniyang panganay na anak), “Bumangon ka at patayin sila!” Pero ang binata ay hindi bumunot ng kaniyang espada dahil takot siya, dahil siya ay bata pa lamang. |
6792 | JDG 9:36 | Nang makita ni Gaal ang mga kalalakihan, sinabi niya kay Zebul, “Tingnan, bumababa ang mga kalalakihan mula sa tuktok ng mga burol!” Sinabi ni Zebul sa kaniya, “Nakikita mo ang mga anino sa mga burol na para bang sila ay mga lalaki.” |
6841 | JDG 11:10 | Sinabi ng mga nakatatanda ng Galaad kay Jefta, “Nawa'y si Yahweh ang maging saksi sa pagitan natin kung hindi namin gagawin kung ano ang aming sinabi!” |
6896 | JDG 13:10 | Kaya agad na tumakbo ang babae at sinabi sa kaniyang asawa, “Tingnan mo! Ang tao na nagpakita sa akin—ang nagpunta sa akin noong isang araw!” |
6908 | JDG 13:22 | Sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo, dahil nakita natin ang Diyos!” |
6960 | JDG 16:9 | Ngayon mayroong mga lalaking lihim niyang itinatago, namamalagi sa sulok ng kaniyang kuwarto. Sinabi niya sa kaniya, “Ang mga Palestina ay papunta sa iyo Samson!” Pero naputol niya ang mga tali ng pana katulad ng isang sinulid ng estambre kapag nadikit sa apoy. At hindi nila nalaman ang lihim ng kaniyang lakas. |
6963 | JDG 16:12 | Kaya kumuha si Delilah ng dalawang sariwang lubid at tinalian siya sa pamamagitan ng mga ito, at sinabi sa kaniya, “Ang mga Palestina ay patungo sa iyo, Samson!” Nakahiga ang mga lalaki na naghihintay sa sulok ng kuwarto. pero natanggal ni Samson ang mga lubid mula sa kaiyang mga braso na para lamang isang sinulid ang mga ito. |
6965 | JDG 16:14 | Habang natutulog siya, pinag isa ang pitong tirintas ng kaniyang buhok ni Delilah sa isang tela sa loob ng panghabi at ipinulupot ito sa panghabi, at sinabi sa kaniya, “Papunta sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Pero gumising siya mula sa pagkakatulog at kaniyang hinila ang tela at ang aspile mula sa panghabi. |
6971 | JDG 16:20 | Sinabi niya, “Patungo sa iyo ang mga Palestina, Samson!” Gumising siya sa kaniyang pagkakatulog at sinabi, “Makakawala ako gaya ng dati at aalugin ang aking sarili na malaya. “Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Yahweh. |
6981 | JDG 16:30 | Sinabi ni Samson, “Hayaan akong mamatay kasama ng mga Palestina!” Itinulak niya sa pamamagitan ng kaniyang lakas, at bumagsak ang gusali sa mga pinuno at ang mga tao na nasa loob nito. Kaya ang mga tao na kaniyang napatay nang namatay siya ay mas marami kumpara doon sa kaniyang napatay sa panahon ng nabubuhay pa siya. |
6984 | JDG 17:2 | Sinabi niya sa kaniyang ina “Ang 1, 100 mga pirasong pilak na kinuha mula sa iyo, narinig ko ang tungkol sa sinabi mong isang sumpa, —tumingin dito! Nasa akin ang pilak. Ninakaw ko ito.” Sinabi ng kaniyang ina, “Pagpalain ka nawa ni Yahweh, aking anak!” |
7050 | JDG 19:24 | Tingnan ninyo, narito ang aking birheng anak na babae at ang isa pang asawa. Hayaang ilabas ko sila ngayon. Lapastanganin sila at gawin sa kanila ang anumang nais ninyo. Pero huwag gumawa ng masamang bagay sa lalaking ito!” |
7056 | JDG 19:30 | Sinabi ng lahat ng nakakita nito, “Hindi pa nangyari ang bagay o nakita mula sa araw na lumabas ang mga tao ng Israel mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa araw na ito. Isipin ang bagay na ito! Bigyan kami ng payo! Sabihin sa amin kung ano ang gagawin!” |
7063 | JDG 20:7 | Ngayon, lahat kayong mga Israelita, magsalita at ibigay ang inyong payo at pansin dito!” |
7079 | JDG 20:23 | At umakyat ang bayan ng Israel at sila ay umiyak sa harap ni Yahweh hanggang gabi. At humingi sila ng gabay mula kay Yahweh: “Dapat ba kaming bumalik muli para lumaban sa aming mga kapatid, ang mga tao ng Banjamin?” At sinabi ni Yahweh, “Lusubin sila!” |
7306 | 1SA 4:7 | Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, “Dumating ang Diyos sa kampo.” Sinabi nila, “Kapighatian sa atin!” Hindi pa nangyayari ito noon! |
7320 | 1SA 4:21 | Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!” dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa. |
7444 | 1SA 10:24 | Pagkatapos sinabi ni Samuel sa mga tao, “Nakikita ba ninyo ang lalaking pinili ni Yahweh?” Walang isa mang katulad niya sa lahat ng tao!” Sumigaw ang lahat ng tao, “Mabuhay ang hari!” |
7770 | 1SA 20:38 | At tinawag ni Jonatan ang binata, “Magmadali ka, bilisan mo, huwag kang tumigil!” Kaya tinipon ng binata ni Jonatan ang mga palaso at pumunta sa kanyang panginoon. |
8052 | 2SA 1:27 | Paano napabagsak ang magigiting, at ang mga sandata sa digmaan ay nasira!” |
8079 | 2SA 2:27 | Sumagot si Joab, “Hanggang sa nabubuhay ang Diyos, kung hindi mo sinabi iyan, ang aking mga tauhan ay patuloy na tutugisin ang kanilang mga kapatid na lalaki hanggang umaga!” |
8180 | 2SA 6:20 | Pagkatapos bumalik si David para pagpalain ang kaniyang pamilya. Dumating si Mical, ang babaeng anak ni Saul, para salubungin si David at sinabi, “Labis na pagpaparangal ang hari ng Israel sa araw na ito, na hinubaran ang kaniyang sarili sa harapan ng mga mata ng mga babaeng alipin na kaniyang mga lingkod, katulad ng isang taong walang hiya na hindi nahihiyang hubaran ang kaniyang sarili!” |
8236 | 2SA 9:6 | Kaya nagtungo si Mefibosheth kay David anak na lalaki ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul at iniyuko ang kaniyang mukha sa lupa para gumalang kay David. Sinabi ni David, “Mefiboshet.” Sumagot siya, “Ako ang inyong lingkod!” |
8336 | 2SA 13:16 | Pero sumagot siya sa kaniya. “Hindi! Dahil ang malaking kasamaang ito na pagpapaalis mo sa akin ay mas masama pa sa kung ano ang ginawa mo sa akin!” Pero hindi nakinig si Amnon sa kaniya. |
8396 | 2SA 15:4 | Idinagdag ni Absalom, “Nais kong maging hukom ako sa lupain, para ang bawat taong may anumang alitan o dahilan ay maaaring makalapit sa akin at bibigyan ko siya ng katarungan!” |
8445 | 2SA 16:16 | Nang dumating kay Absalom si Cusai na Arkite, ang kaibigan ni David, na sinabi ni Cusai kay Absalom, “Mabuhay ng mahaba ang hari! Mabuhay ng mahaba ang hari!” |
8491 | 2SA 18:10 | Nakita ito ng isang tao at sinabihan si Joab, “Tingnan, nakita kong nakabitin si Absalom sa isang punong kahoy!” |
8514 | 2SA 19:1 | Pagkatapos kinabahan nang matindi ang hari at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang lumalakad nagdalamhati siya, “Absalom anak ko, anak ko, anak kong si Absalom! Ako nalang sana ang namatay sa halip na ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!” |
8518 | 2SA 19:5 | Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!” |
8671 | 2SA 23:15 | Nagnais si David ng tubig at sinabing, “Kung mayroon lamang magbibigay sa akin ng tubig na maiinom mula sa balon ng Bethlehem, ang balon na nasa tarangkahan!” |
8712 | 2SA 24:17 | At nakipag-usap si David kay Yahweh nang makita niya ang anghel na sumugod sa mga tao at sinabing, “Nagkasala ako” at “labis akong nagkamali. Pero itong mga tupa, ano ang kanilang nagawa? Pakiusap, hayaang ako at ang sambahayan ng aking ama ang parusahan ng inyong kamay!” |
8751 | 1KI 1:31 | Pagkatapos, yumuko si Batseba na ang kaniyang mukha ay nasa sahig at nagpatirapa sa harap ng hari at sinabi, “Nawa ang aking panginoon na si Haring David ay mabuhay magpakailanman!” |
8759 | 1KI 1:39 | Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!” |
9217 | 1KI 13:30 | Inilibing niya ang bangkay sa sarili niyang libingan, at sila ay nagluksa sa kaniya, na sinasabing, “Kaawa-awa ka, aking kapatid na lalaki!” |
9383 | 1KI 18:39 | Nang makita ng buong bayan ito, sila ay nagpatirapa sa lupa at sinabi, “Si Yahweh, siya ay Diyos! Si Yahweh, siya Diyos!” |
9519 | 1KI 22:36 | Pagkatapos ng paglubog ng araw, isang sigaw ang narinig ng buong hukbo, na nagsasabing, “Bawat lalaki ay dapat bumalik sa kaniyang lungsod, at bawat lalaki ay bumalik na sa kaniyang rehiyon!” |
9567 | 2KI 2:12 | Nakita iyon ni Eliseo at nanangis, “Ama ko, ama ko, ang mga karwahe ng Israel at kanilang kabalyero!” Hindi na niya nakita si Elias, at hinawakan ang kaniyang damit at pinunit sa dalawang bahagi. |
9570 | 2KI 2:15 | Nang nakita ng mga anak ng mga propeta na mula sa Jerico na nakatawid siya, sinabi nila, “Napunta ang espiritu ni Elias kay Eliseo!” Kaya nagpunta sila para salubungin siya, at iniyuko ang kanilang mga sarili sa lupa sa kaniyang harapan. |
9578 | 2KI 2:23 | Pagkatapos pumunta si Eliseo mula roon hanggang sa Bethel. Habang papunta siya sa kaniyang daraanan, may mga batang lalaki ang lumabas mula sa lungsod at hinamak siya; sinabi nila sa kaniya,” Umakyat ka, kalbo! Umaakyat ka, kalbo!” |
9603 | 2KI 3:23 | Sumigaw sila, “Dugo ito! Tiyak na nawasak na ang mga hari, at pinatay nila ang isa't-isa! Kaya ngayon, Moab, Nakawan na natin sila!” |
9643 | 2KI 4:36 | Kaya tinawag ni Eliseo si Gehazi, “Tawagin mo ang Sunamita!” Kaya tinawag niya ito, at nang pumunta siya sa silid, sabi ni Eliseo, “Kunin mo ang iyong anak.” |
9647 | 2KI 4:40 | Kaya binuhos nila ang nilaga para kainin ng mga tao. Kinalaunan, habang kumakain sila, sumigaw sila at sinabi, “Lingkod ng Diyos, may kamatayan sa palayok!” At hindi na sila makakain. |
9683 | 2KI 6:5 | Pero habang nagpuputol ang isa sa kanila, nalaglag ang ulo ng palakol sa tubig; sumigaw siya at sinabinig, “Naku, panginoon, hiniram ko lang iyon!” |
9690 | 2KI 6:12 | Kaya sinabi ng isa sa kaniyang mga lingkod, “Hindi, panginoong hari, dahil si Eliseo na propeta ng Israel ang nagsasabi sa hari ng Israel ng mga sinasabi mo sa iyong silid!” |
9845 | 2KI 11:12 | Pagkatapos inilabas ni Jehoiada si Joas ang anak ng hari, ipinatong ang korona sa kaniya, at ibinigay sa kaniya ang tipan ng mga utos. Ginawa nila siyang hari at pinahiran siya ng langis. Nagpalakpakan sila at sinabing, “Mabuhay ang hari!” |
9847 | 2KI 11:14 | Tiningnan niya, at nakita ang hari na nakatayo sa gilid ng mga poste, gaya ng nakaugalian, at ang mga pinuno at manunugtog ng trumpeta ay kasama ng hari. Lahat ng tao sa lupain ay nagdiriwang at hinihipan ang trumpeta. Pagkatapos pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Taksil! Taksil!” |
9889 | 2KI 13:14 | Ngayon, si Eliseo ay nagkasakit na kaniyang ikinamatay kalaunan, kaya si Joas ay bumaba at nanangis sa kaniya. Sinabi niya, “Ama ko, ama ko, ang mga karwahe ng Israel at mga mangangabayo ay kinukuha ka palayo!” |
10399 | 1CH 4:10 | Nanalangin si Jabes sa Diyos ng Israel at nagsabi, “Pagpalain mo nawa ako, at palawakin ang aking nasasakupan. Nawa ang iyong kamay ay suma akin; ilayo mo ako sa kasamaan upang hindi ko na kailangang makaranas ng hirap!” At sinagot ng Diyos ang kaniyang panalangin. |
10694 | 1CH 11:17 | Nanabik sa tubig si David at sinabi, “Kung may magbibigay sana sa akin ng tubig upang inumin mula sa balon ng Betlehem, sa balon na malapit sa tarangkahan!” |
11377 | 2CH 9:8 | Purihin si Yahweh na iyong Diyos na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono upang maging hari ni Yahweh na iyong Diyos. Dahil mahal ng iyong Diyos ang Israel, ginawa ka niyang hari ng lahat upang patatagin sila magpakailanman upang gawin mo kung ano ang makatarungan at makatuwiran!” |
11674 | 2CH 23:13 | At tumingin siya, at masdan, ang hari ay nakatayo sa kaniyang haligi sa pasukan, at nasa tabi ng hari ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Nagsasaya at umiihip ng mga trumpeta ang lahat ng tao sa lupain at ang mga mang-aawit ay tumutugtog ng mga instrumentong pangmusika at nangunguna sa pagkanta ng papuri. At pinunit ni Atalia ang kaniyang damit at sumigaw, “Pagtataksil! Pagtataksil!” |
12168 | EZR 6:12 | Nawa ang Diyos na nabubuhay doon ay ibabagsak ang sinumang hari at mga tao na lalabag sa tahanang ito ng Diyos sa Jerusalem. Akong, si Dario, ang siyang nag-uutos nito. Gawin ninyo ito nang lubusan!” |
12367 | NEH 3:35 | Si Tobias na Ammonita ay kasama niya, at sinabi niya, “Kung ang isang asong-gubat ay aakyat sa kanilang itinatayo, maaaring ikabagsak ito ng kanilang pader na bato!” |
12395 | NEH 5:8 | at sinabi sa kanila, “Tayo, hangga't makakaya natin, ay muling binili mula sa pagkaalipin ang ating mga kapatid na Judio na naipagbili sa mga bansa, pero kayo ipinagbibili pa ninyo ang inyong mga kapatid na lalaki at babae para muling maipagbili sa amin!” Tahimik sila at ni minsan ay walang masabi ni isang salita. |
12503 | NEH 8:6 | Si Ezra ay nagbigay ng pasasalamat kay Yahweh, ang dakilang Diyos, at lahat ng mga tao ay itinaas ang kanilang mga kamay at sumagot, “Amen, Amen!” Pagkatapos, iniyuko nila ang kanilang mga ulo at sumamba kay Yahweh na nakasayad ang kanilang mukha sa lupa. |
12696 | NEH 13:21 | Pero binalaan ko sila, “Bakit kayo nananatili sa labas ng pader? Kung uulitin niyo iyan, pagbubuhatan ko kayo ng kamay!” Mula nang panahong iyon hindi na sila pumunta sa Araw ng Pamamahinga. |
12808 | EST 6:11 | Pagkatapos kinuha ni Haman ang mga balabal at ang kabayo. Binihisan niya si Mordecai at pinasakay sa kabayo patungo sa mga lansangan ng siyudad. Ipinahayag sa unahan niya, “Ganito ang ginagawa sa tao na kinalulugdang parangalan ng hari!” |
12817 | EST 7:6 | Sinabi ni Esther, “Ang taong napopoot, ang kaaway na iyon, ay itong masamang si Haman!” Pagkatapos lubhang nasindak si Haman sa harap ng Hari at ng reyna. |
13471 | JOB 25:6 | Gaano pa kaya ang tao, na isa lamang uod — isang anak ng tao, na isang uod!” |
14310 | PSA 27:8 | Sinasabi ng aking puso tungkol sa iyo, “Hanapin ang kaniyang mukha!” Hahanapin ko ang iyong mukha, Yahweh! |
14564 | PSA 40:16 | Hayaan mo silang masindak dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi sa akin ng, “Aha, aha!” |
16712 | PRO 9:4 | “Hayaan ang mga hindi naturuan na lumapit dito!” sinasabi niya roon sa mga walang alam. |
17038 | PRO 20:14 | '“Masama! Masama!” sabi ng mga bumibili, pero kapag umalis siya, siya ay nagmamayabang. |
17046 | PRO 20:22 | Huwag sabihing, “Gagantihan kita para sa pagkakamaling ito!” Hintayin si Yahweh at siya ang sasagip sa iyo. |
17121 | PRO 23:7 | sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo. |
17149 | PRO 23:35 | “Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.” |
17828 | ISA 5:19 | sila na nagsasabi, “Hayaan nating magmadali ang Diyos, hayaan natin siyang kumilos agad, para makita natin na mangyayari ito; at hayaan natin na ang mga plano ng Banal ng Israel ay mabuo at dumating, para makilala natin sila!” |
17844 | ISA 6:5 | Pagkatapos sinabi ko, “Kaawa-awa ako! Mapapahamak ako dahil ako ay isang taong marumi ang labi, at namumuhay kasama ng mga taong marurumi ang mga labi, dahil nakita ng aking mga mata ang Hari, si Yahweh, si Yahweh na pinuno ng mga hukbo!” |
18181 | ISA 24:16 | Mula sa pinakamalayong bahagi ng mundo aming narinig ang mga awit, “Kaluwalhatian sa matuwid!” Pero sinabi ko, “Sinayang ko lang, sinayang ko lang, kasawian ay sa akin! Ang taksil ay gumagawa ng pagtataksil; oo, ang taksil ay gumagawa ng matinding pagtataksil.” |
18499 | ISA 40:9 | Umakyat ka sa mataas na bundok Sion, tagapagdala ng mabuting balita; buong lakas mong itaas ang iyong tinig, ipahayag mo sa Jerusalem ang mga mabuting balita. Sumigaw ka nang malakas; huwag kang matakot. Sasabihin mo sa mga lungsod ng Juda, “Narito ang inyong Diyos!” |
18572 | ISA 42:22 | Pero ito ang mga taong nanakawan at nasamsaman; silang lahat ay nakulong sa mga hukay, nabihag sa mga bilangguan; sila ay naging isang inagaw na walang sinumang makakasagip sa kanila at walang makakapagsabi, “ibalik sila!” |
18772 | ISA 52:6 | Kaya makikilala ng aking bayan ang pangalan ko; malalaman nila sa araw na iyon na ako nga ang siyang nagsabi nito. Oo, ako nga ito!” |
18773 | ISA 52:7 | Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!” |
19021 | JER 1:6 | “O! Panginoong Yahweh!” Sinabi ko, “Hindi ako marunong magsalita sapagkat napakabata ko pa.” |
19076 | JER 3:5 | Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bang itatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mo na gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kaya ipagpatuloy mo itong gawin!” |
19087 | JER 3:16 | At mangyayari nga na dadami kayo at mamumunga sa lupain sa mga araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh. Hindi na nila sasabihin, “Ang kaban ng tipan ni Yahweh!” Hindi na aalalahanin ng kanilang mga puso ang bagay na ito, sapagkat hindi na nila iisipin ang tungkol dito o bibigyang pansin ito. Ang pahayag na ito ay hindi na gagawin.' |
19093 | JER 3:22 | Magbalik kayo, mga taong taksil! Pagagalingin ko kayo sa inyong kataksilan!” “Masdan! Lalapit kami sa iyo, sapagkat ikaw si Yahweh na aming Diyos! |
19192 | JER 7:4 | Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mga sarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, “Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!” |
19300 | JER 11:5 | Sundin ninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na aking ipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa na ibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas at pulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon.”' At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, “Oo, Yahweh!” |
19567 | JER 23:14 | At maging sa mga propeta sa Jerusalem ay nakita ko ang mga kakila-kilabot na mga bagay: Nangalunya at lumalakad sila sa kasinungalingan. Pinapalakas nila ang mga kamay ng mga gumagawa ng masama: walang isa man ang tumalikod mula sa kaniyang ginagawang kasamaan. Lahat sila ay naging tulad ng Sodoma sa akin at ang mga naninirahan dito ay tulad ng Gomorra!” |
19652 | JER 26:11 | Nakipag-usap ang mga pari at ang mga propeta sa mga opisyal at sa lahat ng tao. Sinabi nila, “Marapat lamang na mamatay ang taong ito, sapagkat nagpahayag siya laban sa lungsod na ito, gaya ng mga narinig ng inyong mga tainga!” |
19875 | JER 34:5 | Mamatay ka sa kapayapaan. Gaya ng pagsusunog sa paglilibing sa iyong mga ninuno, na mga haring nauna sa iyo, susunugin nila ang iyong katawan. Sasabihin nila, “Aba sa iyo, panginoon!” Tatangis sila para sa iyo. Ngayon, nagsalita ako—ito ang pahayag ni Yahweh.” |
20032 | JER 41:6 | Kaya lumabas si Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa upang salubungin sila habang naglalakad at umiiyak. At nangyari ito nang masalubong niya sila, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam!” |
20225 | JER 49:29 | Kukunin ng kaniyang hukbo ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga tabing ng tolda at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kukunin nila ang kanilang mga kamelyo mula sa mga tao ng Kedar at isisigaw sa kanila, 'Katakot-takot ang nasa lahat ng dako!” |
20388 | LAM 1:9 | Naging marumi siya sa ilalim ng kaniyang mga palda. Hindi niya inisip ang tungkol sa kaniyang kinabukasan. Kakila-kilabot ang kaniyang pagbagsak. Walang sinuman ang umaaliw sa kaniya. Sumigaw siya, “'Tingnan mo ang aking dalamhati, Yahweh, nagiging napakalakas ng mga kaaway!” |
20417 | LAM 2:16 | Lahat ng inyong mga kaaway ay bubuksan ang kanilang mga bibig at kukutyain kayo. Sisipol sila at nagngangalit ang kanilang mga ngipin; sinasabi nila, “Nilamon namin siya! Tunay na ito ang araw na ating hinihintay! Nakita natin ito!” |
20477 | LAM 3:54 | Dumaloy ang tubig sa aking ulo, sinabi ko, “Nilagot ako!” |