14034 | PSA 9:3 | Magagalak ako at magsasaya sa iyo; aawit ako ng papuri sa iyong pangalan, Kataas-taasan! |
14547 | PSA 39:13 | Pakinggan mo ang aking dalangin, Yahweh, makinig ka sa akin, makinig ka sa aking pag-iyak! Huwag kang maging bingi sa akin, dahil tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan tulad ng lahat ng aking mga ninuno. |
17830 | ISA 5:21 | Kaawa-awa silang matalino sa sarili nilang mga mata, at marunong sa sarili nilang pang-unawa! |
17980 | ISA 13:4 | Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, ay gaya ng maraming tao! Ang ingay ng kaguluhan sa mga kaharian ay gaya ng maraming bansa na nagtipon-tipon! Tinitipon ni Yahweh ng mga hukbo ang mga kawal para sa labanan. |
18065 | ISA 17:12 | Kaawa-awa! Ang paghihiyawan ng mga tao, ang pag-ugong gaya ng pag-ugong ng mga dagat, at ang pagragasa ng mga bansa, gaya ng rumaragasang malalakas na tubig! |
18509 | ISA 40:19 | Isang diyus-diyusan! Isang mahusay na manggagawa ay hinubog ito: ang panday-ginto ay pinapatungan ito ng ginto at dinikitan ito ng pilak na kuwintas. |
18704 | ISA 48:20 | Lumabas kayo mula sa Babilonia! Tumakas kayo mula sa mga taga-Caldea! Sa tunog ng hiyaw ay ipahayag ninyo ito! Ipaalam ninyo ito, paabutin ninyo ito sa dulo ng mundo! Sabihin ninyo, 'Niligtas ni Yahweh ang kaniyang lingkod na si Jacob.' |
18934 | ISA 62:10 | Lumabas kayo, lumabas kayo sa mga tarangkahan! Ihanda ang daan para sa bayan! Itayo ito, itayo ang daanang-bayan! Alisin ang mga bato! Magtaas ng isang hudyat na bandera para sa mga bansa! |
19059 | JER 2:25 | Dapat mong iwasan na walang suot ang iyong mga paa at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw! Ngunit sinabi mo, 'Walang pag-asa! Hindi, iniibig ko ang mga dayuhan at sasama ako sa kanila!' |
20672 | EZK 7:26 | Sunod-sunod na sakuna ang darating at magkakaroon ng sunod-sunod na bulung-bulungan! Pagkatapos, maghahanap sila ng pangitain mula sa isang propeta, ngunit mawawala ang kautusan mula sa mga pari at payo mula sa sa mga nakatatanda. |
20806 | EZK 14:6 | Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Magsisi na kayo at talikuran na ninyo ang inyong mga diyus-diyosan! Tumalikod na kayo sa lahat ng inyong mga kasuklam-suklam na gawain! |
20854 | EZK 16:23 | Kaawa-awa! Kaawa-awa ka! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—samakatuwid, dagdag pa sa lahat ng iyong kasamaan, |
21036 | EZK 21:28 | Ito ay parang walang kabuluhang panghuhula sa paningin ng mga nasa Jerusalem, silang mga nanumpa ng isang panata sa mga taga-Babilonia! Ngunit aakusahan sila ng hari ng paglabag sa kanilang kasunduan upang makubkub sila! |
21101 | EZK 23:25 | Dahil itatakda ko ang aking galit sa inyo, at pakikitunguhan nila kayo ng may matinding galit! Tatapyasin nila ang iyong mga ilong at inyong mga tenga, at ang mga natira sa inyo ay papatayin sa pamamagitan ng espada! Kukunin nila ang inyong mga anak na lalake at inyong mga anak na babae, kaya lalamunin ng apoy ang inyong mga kaapu-apuhan! |
21534 | EZK 39:17 | Ngayon sa iyo, anak ng tao, ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sabihin mo sa lahat ng mga ibong may pakpak at sa lahat ng mga mababangis na hayop sa mga bukirin, 'Halikayo at magtipun-tipon! Magtipun-tipon mula sa lahat ng dako patungo sa handog na ako mismo ang gumagawa para sa inyo, isang malaking handog sa mga kabundukan ng Israel upang maaari ninyong kainin ang laman at inumin ang dugo. |
21696 | EZK 44:28 | At ito ang kanilang mana: Ako ang magiging mana nila! Kaya hindi ninyo dapat sila bigyan ng ari-arian sa Israel; Ako ang kanilang ari-arian! |
22551 | AMO 8:1 | Ito ang ipinakita sa akin ng Panginoong Yahweh. Tingnan, isang basket ng mga bungang pantag-araw! |
22815 | HAB 1:15 | Inangat silang lahat sa pamamagitan ng pamingwit, kinakaladkad nila palayo ang mga tao gamit ang mga lambat at iniipon sila sa kanilang lambat. Ito ang dahilan kaya sila ay nagagalak at sumisigaw nang masayang-masaya! |
23080 | ZEC 9:12 | Bumalik kayo sa matibay na tanggulan, mga bilanggo ng pag-asa! Kahit ngayon, ihahayag ko na babalik ako ng dalawang beses sa inyo, |
23135 | ZEC 13:7 | “Espada! Gisingin mo ang iyong sarili labanan mo ang aking pastol, ang lalaki na nakatayo ng malapit sa akin” —Ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.” Patayin ang pastol, at ang kawan ay magkakawatak-watak! Sapagkat ipipihit ko ang aking kamay laban sa mga mahihina. |
24024 | MAT 23:37 | Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon! |
28843 | 1CO 15:57 | Ngunit salamat sa Diyos, na siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo! |
29190 | GAL 3:21 | Kung gayon ang kautusan ba ay laban sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Sapagkat kung ang kautusan ay ibinigay at may kakayahang magbigay ng buhay, tiyak na ang katuwiran ay dumating sa pamamagitan ng kautusan. |