549 | GEN 22:1 | Nangyari na pagkatapos ng mga bagay na ito na sinubok ng Diyos si Abraham. Sinabi niya sa kanya, “Abraham!” Sumagot si Abraham, “Narito ako.” |
5839 | DEU 33:27 | Ang walang hanggang Diyos ay isang kublihan para sa kaniyang mga tao, at sa ilalim ay ang walang hanggang mga braso. Itutulak niya palabas ang kaaway mula sa harapan ninyo, at sasabihin niya, “Wasakin!” |
7578 | 1SA 15:16 | Pagkatapos sinabi ni Samuel kay Saul, “Sandali lang, at sasabihin ko sa iyo kung ano ang sinabi ni Yahweh sa akin ngayong gabi.” Sinabi ni Saul sa kanya, “Magsalita!” |
14334 | PSA 29:9 | Ang tinig ni Yahweh ang nagdudulot na manganak ang babaeng usa; kinakalbo nito ang mga gubat; pero sa kaniyang templo ang lahat ay nagsasabing, “Kaluwalhatian!” |
20643 | EZK 6:11 | Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Ipalakpak ang iyong kamay at ipadyak ang iyong paa! Sabihin, “O!” dahil sa lahat ng kasamaang kasuklam-suklam ng sambahayan ng Israel! Sapagkat babagsak sila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot. |
21430 | EZK 36:2 | Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sinabi ng kaaway tungkol sa iyo, “Aha!” at “Ang mga sinaunang matataas na lugar ay naging pag-aari namin.” |
24868 | MRK 14:45 | Pagdating ni Judas, kaagad niyang pinuntahan si Jesus at sinabi “Rabi!” At kaniyang hinalikan. |
26952 | JHN 20:16 | Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria!” Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, “Rabboni,” ibig sabihin “Guro.” |
27331 | ACT 10:3 | Bandang alas tres ng hapon, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya. Ang sabi ng anghel sa kaniya, “Cornelio!” |
30862 | REV 6:1 | Tumingin ako nang buksan ng Kordero ang isa sa pitong mga selyo, at narinig ko ang isa sa apat na buhay na nilalang na sinabi sa tinig na gaya ng tunog ng kulog, “Halika!” |
30864 | REV 6:3 | Nang buksan ng Kordero ang ikalawang selyo, narinig ko ang ikalawang buhay na nilalang na sinabi, “Halika!” |
30866 | REV 6:5 | Nang buksan ng Kordero ang ikatlong seal, narinig ko ang ikatlong buhay na nilalang na sinabi, “Halika!” Nakita ko ang isang kabayong itim, ang sakay ay may hawak na pares ng timbangan sa kaniyang kamay. |
30868 | REV 6:7 | Nang buksan ng Kordero ang ika-apat na selyo, narinig ko ang ika-apat na buhay na nilalang na sinabi, “Halika!” |
31166 | REV 22:17 | Sinasabi ng Espiritu at ng Babaeng ikakasal, “Halika! Hayaang sabihin ng nakaririnig, “Halika!” Sinuman ang nauuhaw, hayaan siyang lumapit, at sinuman ang nagnanais nito, hayaan siya na malayang magkaroon ng tubig ng buhay. |