311 | GEN 12:12 | Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto sasabihin nilang, 'Ito ay kaniyang asawa,' at ako ay papatayin nila, pero hahayaan ka nilang mabuhay. |
318 | GEN 12:19 | Bakit mo sinabing, 'Siya ay kapatid ko,' kaya kinuha ko siya na maging asawa ko? Kaya ngayon, narito ang iyong asawa. Isama mo siya, at umalis na kayo.” |
438 | GEN 18:13 | Sinabi ni Yahweh kay Abraham, “Bakit tumawa si Sarah at sinabing, 'Magkakaanak pa batalaga ako gayong matanda na ako?' |
501 | GEN 20:5 | Hindi ba sinabi niya mismo sa akin, 'Kapatid ko siya?'Kahit si Sarah, sinabi niya rin mismo sa akin na, 'Kapatid ko siya.' Nagawa ko ito sa katapatan ng aking puso at kamusmusan ng aking mga kamay.” |
507 | GEN 20:11 | Sumagot si Abraham, “Dahil naisip ko, 'Tiyak na walang kinatatakutan na Diyos ang mga tao sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.' |
509 | GEN 20:13 | Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na “'Kapatid ko siya.'''' |
599 | GEN 24:7 | Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon. |
606 | GEN 24:14 | Ganito nawa ang mangyari. Kapag sabihin ko sa isang dalaga, 'Pakiusap ibaba mo ang iyong pitsel upang makainom ako,' at sabihin niya sa akin, 'Uminom ka, at paiinumin ko rin ang iyong mga kamelyo,' pagkatapos ay hayaang siya na nga ang babaing iyong itinakda para sa iyong lingkod na si Isaac. Sa pamamgitan nito malalaman kong nagpakita ka ng tipan ng katapatan sa aking amo.” |
631 | GEN 24:39 | Sinabi ko sa aking amo, 'Baka hindi susunod sa akin ang babae.' |
632 | GEN 24:40 | Ngunit sinabi niya sa akin, 'Si Yahweh, na aking sinusunod, ay magpapadala ng kanyang anghel na makakasama mo at siya ay papatnubayan ang landas mo, upang makakakuha ka ng isang asawa para sa aking anak mula sa aking mga kamag-anak at mula sa linya na pamilya ng aking ama. |
634 | GEN 24:42 | Kaya dumating ako ngayon sa bukal, at sinabi, 'O Yahweh, Dios ng aking among si Abraham, pakiusap, kung tunay na nais mong magtagumpay ang aking paglalakbay— |
637 | GEN 24:45 | Bago pa man ako natapos mangusap sa aking puso, masdan, lumabas si Rebeca dala ang pitsel na pasan sa kanyang balikat at bumaba patungong bukal at sumalok ng tubig. Kaya sinabi ko sa kanya, 'Pakiusap bigyan mo ako ng maiinom.' |
639 | GEN 24:47 | Tinanong ko siya at sinabing, 'Kaninong anak ka?' Sinabi niya, 'Ang babaing anak ni Bethuel, na lalaking anak ni Nahor, na isinilang ni Milcah sa kanya.' Pagkatapos inilagay ko ang singsing sa kanyang ilong at ang pulseras sa kanyang mga braso. |
702 | GEN 26:9 | Ipinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya at sinabi, “Tingnan mo, tiyak nga na siya ay iyong asawa. Bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?” Sinabi ni Isaac sa kanya, “Dahil naisip ko na maaring mayroong pumatay sa akin para makuha siya.” |
735 | GEN 27:7 | 'Dalhan mo ako ng pinangasong hayop at gawan ako ng masarap na pagkain, upang kainin ko ito at pagpapalain ka sa harap ni Yahweh bago ang aking kamatayan.' |
882 | GEN 31:8 | Nang sinabi niya, 'Ang batik-batik na mga hayop ang ibibigay kong sahod sa iyo,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang batik-batik. At nang sinabi niya, 'Ang mga guhitan ang iyong magiging sahod,' sa gayon ang lahat ng buong kawan ay nagsilang ng mga batang guhitan. |
885 | GEN 31:11 | Sinabi sa akin ng anghel ng Diyos sa panaginip, “Jacob.' Sumagot ako, 'Narito ako.' |
886 | GEN 31:12 | Sabi niya, 'Imulat mo ang iyong mga mata at tingnan mo ang lahat ng mga lalaking kambing na nagpaparami sa kawan. Sila ay mga guhitan, may batik-batik at may batik, sapagkat nakita ko ang lahat ng bagay na ginagawa ni Laban sa iyo. |
933 | GEN 32:5 | Inutusan niya sila at sinabing, “Ito ang sasabihin ninyo sa aking panginoon na si Esau: “Ito ang sinasabi ng iyong alipin na si Jacob: 'Naninirahan ako kapiling ni Laban hanggang ngayon. |
938 | GEN 32:10 | Sinabi ni Jacob, “Diyos ng aking amang si Abraham, Diyos ng aking amang si Isaac, Yahweh, na siyang nagsabi sa akin, 'Bumalik ka sa iyong bansa at sa iyong mga kamag-anak at pasasaganain kita,' |
946 | GEN 32:18 | Inutusan niya ang unang lingkod, na nagsasabing, “Kapag salubungin kayo ng aking kapatid at tanungin kayo, na nagsasabing, 'Kanino kayo nabibilang? Saan kayo pupunta? At kanino naman itong mga hayop sa harap ninyo?' |
947 | GEN 32:19 | Sa gayon sasabihin mong, 'Sila ay kay Jacob na iyong lingkod. Sila ay regalong pinadala sa aking among si Esau. At tingnan ninyo, siya ay paparating din kasunod namin.”' |
949 | GEN 32:21 | Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, “Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako.” |
1104 | GEN 37:20 | Halikayo, kung ganon, patayin na natin siya at ihulog siya sa isa sa mga balon. Sabihin natin, 'Sinakmal siya ng isang mabangis na hayop.' Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanyang mga panaginip.” |
1142 | GEN 38:22 | Bumalik siya kay Juda at sinabi, “Hindi ko siya nakita. Maging ang mga lalaki sa lugar ay nagsabi, 'Walang naging kultong babaeng bayaran dito. |
1275 | GEN 42:22 | Sinagot sila ni Reuben, “Hindi ba sinabi ko sa inyo, 'Huwag magkasala laban sa bata,' ngunit hindi kayo nakinig? Tingnan ninyo ngayon, ang kanyang dugo ay hinihingi sa atin.” |
1284 | GEN 42:31 | Sinabi namin sa kanya, 'Kami po ay mga lalaking tapat. Hindi po kami mga tikitk. |
1286 | GEN 42:33 | Sinabi sa amin ng lalaking panginoon ng lupain, 'Sa pamamagitan nito malalaman ko na kayo ay mga lalaking tapat. Iwan ninyo sa akin ang isa sa inyong kapatid na lalaki, kumuha kayo ng butil para sa tag-gutom sa inyong mga tahanan, at humayo na kayo sa inyong daan. |
1294 | GEN 43:3 | Sinabi sa kanya ni Juda “Mahigpit kaming binalaan ng lalaki, 'Hindi ninyo makikita ang aking mukha maliban na lamang kung kasama ninyo ang iyong kapatid. |
1298 | GEN 43:7 | Sinabi nila, “Nagtanong ang lalaki ng mga bagay tungkol sa amin at sa ating pamilya. Sinabi niya, 'Buhay pa ba ang iyong ama? Mayroon pa ba kayong ibang kapatid?' Sinagot namin siya ayon sa mga tanong na ito. Paano namin malalaman na sasabihin niyang, “Dalhin mo dito ang iyong kapatid?” |
1329 | GEN 44:4 | Nang sila ay nakalabas sa lungsod subalit hindi pa nakakalayo, sinabi ni Jose sa kanyang katiwala, “Tumayo ka, sundan mo ang mga lalaki, at kung maabutan mo sila, sabihin mo sa kanila, 'Bakit ninyo sinuklian ng kasamaan ang kabutihan? |
1344 | GEN 44:19 | Ang aking amo ay nagtanong sa kanyang mga lingkod, sinasabing, 'Mayroon pa ba kayong ama o kapatid? |
1345 | GEN 44:20 | At sinabi namin sa aming amo, 'Mayroon kaming matandang ama, at anak niya sa kanyang katandaan, isang bunso. At patay na ang kanyang kuya, at siya ay nag-iisa na lamang na naiwan mula sa kanyang ina, at mahal na mahal siya ng kanyang ama.' |
1346 | GEN 44:21 | At sinabi mo sa iyong mga lingkod, 'Dalhin ninyo siya rito sa akin para makita ko siya.' |
1347 | GEN 44:22 | At sinabi namin sa aming amo, 'Hindi kayang iwan ng bata ang kanyang ama. Sapagkat kung iiwan niya ang kaniyang ama ikamamatay ito ng kanyang ama.' |
1348 | GEN 44:23 | At sinabi mo sa iyong mga lingkod, 'Kung hindi ninyo kasama pababa ang bunso ninyong kapatid, hindi na ninyo muli makikita ang aking mukha.' |
1350 | GEN 44:25 | At sinabi ng aming ama, 'Umalis kayo muli, bumili kayo ng ilang makakain.' |
1351 | GEN 44:26 | At sinabi namin, 'Hindi na kami makabababa. Kung kasama namin ang aming nakababatang kapatid, kami ay makakaalis pababa, sapagkat hindi na kami hahayaan na makita pa muli ang mukha ng lalaki kung hindi namin kasama ang bunso naming kapatid.' |
1352 | GEN 44:27 | Sinabi ng aking ama na iyong lingkod, 'Alam ninyong dalawa lamang ang ipinanganak ng aking asawa. |
1357 | GEN 44:32 | Sapagkat ang iyong alipin ang katiyakan sa bata para sa aking ama at sinabi kong, 'Kung hindi ko madadala ang bata sa iyo, papasanin ko ang kasalanan magpakailanman sa aking ama. |
1368 | GEN 45:9 | Magmadali kayo at umakyat patungo sa aking ama at sabihin sa kanya 'Ito ang sinabi ng inyong anak na si Jose, ginawa ako ng Diyos na amo ng buong Ehipto. Bumaba ka dito sa akin at huwag mag-atubili. |
1376 | GEN 45:17 | Sinabi ng Paraon kay Jose, “Sabihin mo sa iyong mga lalaking kapatid, 'Gawin ito: lagyan ninyo ang inyong mga hayop at pumunta sa lupain ng Canaan. |
1378 | GEN 45:19 | Kayo ngayon ay inuutusan ko kayo 'Gawin ninyo ito, kumuha kayo ng mga karitela mula sa lupain ng Ehipto para sa inyong mga anak at mga asawa. Kunin ninyo ang inyong ama at pumarito. |
1418 | GEN 46:31 | Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki at sa bahay ng kanyang ama, “Aakyat ako at sasabihin kay Paraon na, 'Ang aking mga lalaking kapatid at ang tahanan ng aking ama na nasa lupain ng Canaan ay pumunta sa akin. |
1420 | GEN 46:33 | Darating ang oras, kapag tinawag at tinanong kayo ng Paraon, 'Ano ang inyong hanap-buhay?' |
1421 | GEN 46:34 | sabihin ninyo dapat na, 'Ang inyong mga lingkod ay tagapag-alaga ng mga hayop mula sa aming kabataan hanggang ngayon, kami at ang aming mga ninuno.' Gawin ninyo ito para kayo ay maaring manirahan sa lupain ng Gosen, dahil ang bawat pastol ay kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto.” |
1456 | GEN 48:4 | at sinabi sa akin, 'Tingnan mo, palalaguin kita, at pararamihin kita. Gagawin kitang kapulungan sa mga bansa. Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan bilang isang walang hanggang pag-aari.' |
1472 | GEN 48:20 | Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, “Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'.” Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses. |
1512 | GEN 50:5 | 'Pinanumpa ako sa aking ama, sinabing, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, Ilibing mo ako sa aking libingan na hinukay ko doon sa lupain ng Canaan. Doon mo ako ilibing.” Ngayon hayaan ninyo akong umakyat at ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay babalik din ako.” |
1524 | GEN 50:17 | 'Ganito ang sabihin ninyo kay Jose, “Pakiusap patawarin mo ang kasalanan ng iyong mga kapatid at ang kamalian na kanilang nagawa nang pinagmalupitan ka nila.” Ngayon pakiusap patawarin mo ang mga lingkod ng Diyos ng iyong ama. Si Jose ay umiyak nang dinala ang mensahe sa kanila. |
1593 | EXO 3:13 | Sinabi ni Moises sa Diyos, “Pagpunta ko sa mga Israelita at sabihin sa kanilang, 'Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay pinadala ako sa inyo,' at kung sabihin nila sa akin, 'Ano ang pangalan niya?' ano ang dapat kong sabihin sa kanila?” |
1594 | EXO 3:14 | Sinabi ng Diyos kay Moises, “AKO AY SI AKO.” Sabi ng Diyos, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'SI AKO ang nagpadala sa akin sa inyo.'” |
1595 | EXO 3:15 | Sinabi rin ng Diyos kay Moises, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ay nagpadala sa akin sa inyo. Ito ang aking pangalan magpakailanman, at ganito ako mapapanatili sa isipan ng lahat ng mga salinlahi.' |
1596 | EXO 3:16 | Lumakad ka at sama-samang tipunin ang mga nakatatanda ng Israel. Sabihin sa kanila, 'si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac, at ni Jacob, ay nagpakita sa akin at nagsabi, “Tunay ngang napagmasdan ko kayo at nakita ang ginawa sa inyo sa Ehipto. |
1598 | EXO 3:18 | Makikinig sila sa iyo. Ikaw at ang mga nakatatanda ng Israel ay dapat pumunta sa hari ng Ehipto, at dapat mong sabihin sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay kinatagpo kami. Kaya ngayon hayaan mo kaming maglakbay ng tatlong araw sa ilang, para makapaghandog kami kay Yahweh, na aming Diyos.' |
1603 | EXO 4:1 | Sumagot si Moises, “Pero paano kung hindi sila maniwala o makinig sa akin pero sa halip na sabihin, 'Si Yahweh ay hindi nagpakita sa iyo'?” |
1624 | EXO 4:22 | Kailangan mong sabihin kay Paraon, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: ang Israel ay aking anak, ang aking panganay, |
1634 | EXO 5:1 | Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.” |
1641 | EXO 5:8 | Gayun pa man, dapat pa rin ninyong hihingiin sa kanila ang parehong bilang ng mga laryo na ginawa nila noon. Huwag ninyong tanggapin ang anumang kakaunti, dahil sila ay tamad. Kaya nga sila ay tumatawag at sinasabing, 'Payagan ninyo kaming umalis at mag-alay sa aming Diyos.' |
1643 | EXO 5:10 | Kaya ang mga mahihigpit na tagapangasiwa at katiwala ay lumabas at pinaalam sa mga tao. Sinabi nila, ''Ito ang sinasabi ni Paraon: 'Hindi na ako kailanman magbibigay ng kahit anong dayami sa inyo. |
1649 | EXO 5:16 | Wala nang dayaming binibigay sa iyong mga lingkod, pero sinasabi pa rin nila sa amin, 'Gumawa kayo ng mga laryo!' Kami, ang iyong mga lingkod, ay binubugbog maski ngayon, pero kagagawan ito ng sarili mong bayan.” |
1650 | EXO 5:17 | Pero sinabi ni Paraon, “Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.' |
1662 | EXO 6:6 | Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol. |
1695 | EXO 7:9 | “Kapag sinabi ni Paraon sa inyo, 'Gumawa kayo ng isang himala,' sa gayon sasabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at itapon sa harap ni Paraon, para ito ay maging isang ahas.'” |
1702 | EXO 7:16 | Sabihin mo sa kaniya, 'Si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo ay pinadala ako sa iyo para sabihin, “Payagan mong umalis ang aking bayan, para sambahin nila ako sa ilang. Hanggang ngayon ay hindi ka nakikinig.” |
1705 | EXO 7:19 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'” |
1712 | EXO 7:26 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Puntahan mo si Paraon at sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni 'Yahweh: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin. |
1716 | EXO 8:1 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong kamay at ang iyong tungkod sa ibabaw ng mga ilog, sa mga sapa at sa mga tubigan at dalhin mo ang mga palaka doon sa lupain ng Ehipto.”' |
1727 | EXO 8:12 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Iunat mo ang iyong tungkod at hampasin mo ang alikabok sa lupa, para ito ay maging niknik sa lahat ng lupain ng Ehipto.”' |
1731 | EXO 8:16 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga at tumayo sa harapan ni Paraon habang siya ay papunta ng ilog. Sabihin mo sa kaniya, 'Ito ang sinabi ni Yahweh: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para sila ay sumamba sa akin. |
1744 | EXO 9:1 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”. |
1756 | EXO 9:13 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga, tumayo ka sa harapan ni Paraon, at sabihin sa kaniya, 'si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, sinasabi ito: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para maari silang sumamba sa akin. |
1781 | EXO 10:3 | Kaya pumunta sina Moises at Aaron sa Paraon at sinabi sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: 'Hanggang kailan mo tatanggihan ang pagpapakumbaba ng iyong sarili sa aking harapan? Hayaan mo nang umalis ang aking bayan para sumamba sila sa akin. |
1811 | EXO 11:4 | Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi. |
1815 | EXO 11:8 | Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit. |
1820 | EXO 12:3 | Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan. |
1843 | EXO 12:26 | Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?' |
1844 | EXO 12:27 | At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh. |
1876 | EXO 13:8 | Sa araw na iyon sasabihan ninyo ang inyong mga anak, 'Dahil ito ang ginawa ni Yahweh para sa akin nang lumabas ako mula sa Ehipto.' |
1882 | EXO 13:14 | Sa darating na panahon, kapag nagtanong ang iyong anak na lalaki, “Ano ang ibig sabihin nito?' pagkatapos sabihin mo sa kaniya, 'Nakalabas tayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng lakas ng kamay ni Yahweh, mula sa bahay ng pagkaalipin. |
1893 | EXO 14:3 | Sasabihin ni Paraon ang tungkol sa mga Israelita, 'Naliligaw sila sa mga lupain. Sinara sila ng ilang. |
1902 | EXO 14:12 | Hindi ba ito ang sinabi namin sa iyo sa Ehipto? Sinabi namin sa iyo, 'Iwanan kami dito, para makapagtrabaho kami sa mga taga-Ehipto. Mas mabuti pa sa amin ang magtrabaho para sa kanila kaysa kami ay mamatay dito sa ilang.”' |
1930 | EXO 15:9 | Sinabi ng kaaway, 'Hahabol ako, mangunguna ako, ipamamahagi ko ang nasamsam ko; masisiyahan sila sa ang aking ninanais; Bubunutin ko ang aking espada; ang aking kamay ang sisira sa kanila.' |
1957 | EXO 16:9 | Sinabi ni Moises kay Aaron, “Sabihin mo sa lahat ng komunidad ng bayan ng Israel, 'Lumapit kayo kay Yahweh, dahil narinig niya ang inyong mga reklamo.'” |
1960 | EXO 16:12 | “Narinig ko ang mga reklamo ng bayan ng Israel. Kausapin mo sila at sabihin, 'Sa gabi ay kakain kayo ng karne, at sa umaga ay mabubusog kayo ng tinapay. Pagkatapos malalaman ninyong ako ay si Yahweh, na inyong Diyos.'” |
1964 | EXO 16:16 | Ito ang utos na ibinigay ni Yahweh sa inyo: 'Kayo ay dapat magtipon, bawat isa sa inyo, ng dami na kailangan ninyong kainin, isang omer sa bawat tao mula sa bilang ng inyong mga tao. Ganito ninyo titipunin iyon: Magtipon ng tama lang para kainin ng bawat taong naninirahan sa inyong tolda.'” |
1971 | EXO 16:23 | Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'” |
1980 | EXO 16:32 | Sinabi ni Moises, “Ito ang inutos ni Yahweh: 'Hayaang itago ang isang omer na manna para sa kabuuan ng salinlahi ng inyong bayan para ang inyong mga kaapu-apuhan ay maaring makita ang tinapay na pinakain ko sa inyo sa ilang, matapos na ilabas ko kayo mula sa lupain ng Ehipto.'” |
2050 | EXO 19:23 | Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Hindi makakaakyat ang mga tao sa bundok, ito ang inutos mo sa amin: 'Maglagay ng mga hangganan sa palibot ng bundok at ihandog ito kay Yahweh.''' |
2074 | EXO 20:22 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Ito ang sasabihin mo sa mga Israelita: 'Nakita mo na nakipag-usap ako sa iyo mula sa langit. |
2414 | EXO 30:31 | Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'Ito dapat ang langis ng pagpapahid na inilaan kay Yahweh sa buong salinlahi ng iyong bayan. |
2434 | EXO 31:13 | “Sabihin mo sa mga Israelita: 'Dapat ninyong panatilihing tiyak ang mga Araw ng Pamamahinga ni Yahweh, dahil ito ang magiging tanda sa pagitan niya at sa inyo sa buong salinlahi ng iyong bayan kaya malalaman ninyo na siya ay si Yahweh, siyang nagtakda sa iyo para sa kaniya. |
2463 | EXO 32:24 | Kaya sinabi ko sa kanila, 'Kung sinuman ang mayroong anumang ginto, hayaang tanggalin niya ito. Binigay nila sa akin ang ginto at itinapon ko ito sa apoy, at ito ay naging isang guya.” |
2466 | EXO 32:27 | Sinabi niya sa kanila, “Yahweh, ang Diyos ng Israelita, sanasabi ito, 'Hayaang ang bawat lalaki ay ikabit ang kaniyang espada sa kaniyang gilid at magbalik at bumalik mula sa pasukan hanggang pasukan ng buong kampo, at patayin ang kaniyang kapatid na lalaki, kaniyang kasamahan at kaniyang kapitbahay.” |
2475 | EXO 33:1 | Kinausap ni Yahweh si Moises, “Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' |
2479 | EXO 33:5 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.''' |
2486 | EXO 33:12 | Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Tingnan mo, sinasabi mo sa akin, 'Dalhin mo ang mga taong ito sa kanilang paglalakbay,' pero hindi mo pinaalam sa akin kung sino ang ipapadala mo na kasama ko. Sinabi mo, 'Nakikilala mo ako sa pangalan, at ikaw din ang nakatagpo ng pabor sa aking paningin.' |
2748 | LEV 1:2 | “Kausapin mo ang bayan ng Israel at sabihin sa kanila, 'Kapag sinumang tao mula sa inyo ang magdadala ng isang handog kay Yahweh, dalhin bilang inyong handog ang isa sa inyong mga hayop, alinman mula sa pangkat ng mga hayop o mula sa kawan. |
2798 | LEV 4:2 | “Sabihin mo sa bayan ng Israel, 'Kapag nagkasala ang sinuman na hindi sinasadyang magkasala, sa paggawa ng alinmang bagay na inutos ni Yahweh na huwag gawin, at kung nakagawa siya ng isang bagay na ipinagbabawal, dapat gawin ang sumusunod. |
2859 | LEV 6:2 | “Utusan mo si Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki, at sabihin mo, 'Ito ang batas ng handog na susunugin: Dapat nasa ibabaw ng dapog ng altar ang handog na susunugin sa buong gabi hanggang umaga, at pananatilihing umaapoy ang apoy ng altar. |