11 | GEN 1:11 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang tumubo ang halaman sa lupa: mga pananim na nagbibigay ng buto at mga namumungang punong kahoy na kung saan ang buto nito'y nasa loob ng kanyang bunga, ayon sa kanyang sariling uri.” At nagkagayon nga. |
30 | GEN 1:30 | Sa bawa't hayop sa mundo, sa bawat ibon sa kalangitan, at sa lahat ng bagay na gumagapang sa ibabaw ng mundo, at sa bawat nilikhang may hininga ng buhay ibinigay ko ang bawat luntiang halaman para maging pagkain.” At nagkagayon nga. |
121 | GEN 5:15 | Nang nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Jared. |
127 | GEN 5:21 | Nang nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon, siya ay naging ama ni Metusalem. |
149 | GEN 6:11 | Ang mundo ay masama sa harapan ng Diyos, at ito'y puno ng karahasan. |
191 | GEN 8:7 | Nagpalipad siya ng isang uwak at ito ay nagparoo't nagparito hanggang sa natuyo ang tubig mula sa mundo. |
198 | GEN 8:14 | Sa pangalawang buwan ng ikadalawampu't pitong araw ng buwan, ang mundo ay tuyo na. |
244 | GEN 10:9 | Siya ay isang mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh. Kaya ang mga ito'y sinabi, “Tulad ni Nimrod, na mahusay na mangangaso sa harapan ni Yahweh.” |
287 | GEN 11:20 | Nang tatlumpu't dalawang taon na si Reu, siya ay naging ama ni Serug. |
453 | GEN 18:28 | Paano kung nabawasan ng lima ang limampung matuwid? Wawasakin mo ba ang buong lungsod dahil nabawasan ng lima? At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin kung may mahanap akong apatnapu't lima.” |
480 | GEN 19:22 | Bilisan mo! Tumakas ka na patungo roon, dahil hindi ko magagawa ang anumang bagay hangga't hindi ka nakararating doon.” Kaya tinawag na Zoar ang lungsod na ito. |
804 | GEN 29:8 | Sinabi nila, “Hindi namin sila mapapainum hangga't hindi pa sama-samang natitipon ang mga kawan. Saka pa lamang igugulong ng mga kalalakihan ang bato mula sa bunganga ng balon, at paiinumin namin ang mga tupa.” |
877 | GEN 31:3 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, “Bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninuno at sa iyong mga kamag-anak, at ako'y makakasama mo.” |
881 | GEN 31:7 | Nilinlang ako ng inyong ama at pinalitan ng sampung beses ang sahod ko, ngunit hindi siya pinahintulutan ng Diyos na ako'y masaktan. |
923 | GEN 31:49 | Tinawag din itong Mizpah, dahil sinabi ni Laban, “Nawa si Yahweh ang magbantay sa pagitan mo at ako, kung hindi natin nakikita ang isa't isa. |
927 | GEN 31:53 | Nawa'y ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Nahor, ang Diyos ng kanilang ama, ang humatol sa pagitan natin.” Nanumpa si Jacob sa Diyos, na kinatatakutan ng kanyang amang si Isaac. |
965 | GEN 33:4 | Tumakbo si Esau para salubungin siya, niyakap siya, niyapos ang kanyang leeg, at hinalikan siya. Pagkatapos sila'y nag-iyakan. |
967 | GEN 33:6 | Pagkatapos ang mga babaeng alipin ay lumapit kasama ang kanilang mga anak, at sila'y yumukod. |
974 | GEN 33:13 | Sinabi ni Jacob sa kanya, “Nalalaman ng aking panginoon na ang mga bata ay musmos pa lang, at ang mga tupa at mga baka ay nagpapasuso ng kanilang mga anak. Kung sila'y pipiliting maglakad ng mabilis kahit isang araw lang, ang lahat ng mga hayop ay mamamatay.” |
1003 | GEN 34:22 | Sa ganitong kondisyon lamang papayag ang mga kalalakihan na manirahan kasama natin at tayo'y maging isang bayan: kung tutuliin ang bawat lalaki sa atin, tulad ng sila ay tuli. |
1152 | GEN 39:2 | Si Yahweh ay kasama ni Jose at siya'y naging mayamang tao. Nanirahan siya sa bahay ng kanyang amo na taga-Ehipto. |
1254 | GEN 42:1 | Ngayon, napagalaman ni Jacob na may butil sa Ehipto. Sinabi niya sa kanyang mga anak na lalaki, “Bakit kayo nakatingin sa isa't isa?” |
1267 | GEN 42:14 | Sinabi ni Jose sa kanila. “Iyon na nga ang sinasabi ko sa inyo; kayo'y mga ispiya. |
1279 | GEN 42:26 | Pinasanan ng mga magkakapatid ng butil ang kanilang mga asno at sila'y umalis na roon. |
1305 | GEN 43:14 | Nawa'y kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos sa harap ng taong iyon, upang palayain niya sa inyo ang iba niyong mga kapatid at si Benjamin. Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati. |
1317 | GEN 43:26 | Nang dumating si Jose sa bahay, dinala nila ang mga regalo na nasa kamay nila doon sa bahay, at sila'y yumuko sa harapan niya sa sahig. |
1325 | GEN 43:34 | Nagpadala si Jose ng mga parte sa kanila mula sa pagkain na nasa harapan niya. Pero ang parte ng kay Benjamin ay limang beses ang dami kaysa sa kanyang mga kapatid. Sila'y nag inuman at nagpakasaya na kasama niya. |
1326 | GEN 44:1 | Inatasan ni Jose ang katiwala ng kanyang bahay, sinabing, “Punuin mo ang sako ng mga lalaki ng pagkain, hangga't sa makakaya nilang buhatin, at ilagay ang bawat pera ng lalaki sa ibabaw ng kanyang sako. |
1339 | GEN 44:14 | Si Juda at ang kanyang mga kapatid ay pumunta sa tahanan ni Jose. Siya ay nanatili pa roon, at sila'y yumuko sa lupa sa harapan nito. |
1402 | GEN 46:15 | (ito ang mga anak na lalaki ni Lea na ipinanganak kay Jacob sa Paddan Aram, kabilang ang anak niyang babae na si Dina. Ang bilang ng lahat ng kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay tatlumpu't tatlo); |
1413 | GEN 46:26 | Lahat ng mga taong dumating kasama ni Jacob sa Ehipto na kanyang mga kapu-apuhan, bukod sa kanyang mga manugang na babae ay animnapu't anim lahat. |
1449 | GEN 47:28 | Si Jacob ay tumira sa Ehipto ng labimpitong taon, kaya ang mga taon ng buhay ni Jacob ay isandaan at apatnapu't pitong taon. |
1693 | EXO 7:7 | Si Moises ay walumpung taong gulang, at si Aaaron ay walumpu't tatlong taong gulang nang nakipag-usap sila kay Paraon. |
1835 | EXO 12:18 | Dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura mula sa takipsilim ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng taon, hanggang sa takipsilim ng ikadalawampu't isang araw ng buwan. |
1963 | EXO 16:15 | Nang makita iyon ng bayan ng Israel, sinabi nila sa isa't isa, “Ano ito?” Hindi nila alam kung ano iyon. Sinabi ni Moises sa kanila, “Iyan ang tinapay na bigay ni Yahweh sa inyo para kainin. |
2071 | EXO 20:19 | Sinabi nila kay Moises, “Makipag-usap ka sa amin at kami'y makikinig; pero huwag mong payagan makipag- usap sa amin ang Diyos, o lahat kami ay mamamatay.” |
2097 | EXO 21:19 | pagkatapos kung ito'y gumaling na at maaring makalakad gamit ang kaniyang tungkod, ang taong nanakit sa kaniya ay dapat magbayad sa nasayang nitong panahon; dapat din itong magbayad para sa kaniyang ganap na gagaling. Pero ang taong iyon ay mapapawalang-sala. |
2238 | EXO 26:2 | Ang haba ay dalawampu't walong kubit, ang lapad ay apat na kubit. Dapat magkaparehong sukat ang lahat ng mga kurtina. |
2576 | EXO 36:9 | Ang haba ng bawat kurtina ay dalawampu't walong kubit, ang lapad ay apat na kubit. Lahat ng mga kurtina ay magkakatulad ang sukat. |
2588 | EXO 36:21 | Ang haba ng bawat tabla ay sampung kubit, at ang lapad ng mga ito ay isa't kalahating kubit. |
2658 | EXO 38:24 | Ang lahat ng ginto na ginamit para sa proyekto, sa lahat ng trabaho na karugtong sa banal na lugar—ang ginto na mula sa handog na tinanghal—ay dalawampu't siyam na talento at 730 sekel, sinukat ng pamantayan ng sekel ng santuwaryo. |
2946 | LEV 8:28 | Kaya kinuha ni Moises ang mga ito mula sa kanilang mga kamay at sinunog ang mga ito sa ibabaw ng altar para sa mga handog na susunugin. Ang mga ito'y isang handog ng pagtatalaga at naglabas ng mabangong halimuyak. Ito ay isang paghahandog na ginawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh. |
3031 | LEV 11:33 | Sapagka't bawat palayok na mahulugan ng anumang maruming hayop, magiging marumi anuman ang nasa palayok, at dapat ninyong wasakin ang palayok na iyon. |
3047 | LEV 12:2 | “Kausapin ang mga tao ng Israel, sabihin, 'kung nabuntis ang isang babae at nanganak ng isang batang lalaki, sa gayon siya ay magiging marumi sa loob ng pitong araw, halos katulad ng siya'y marumi noong mga araw ng kaniyang buwanang pagdurugo. |
3065 | LEV 13:12 | Kung ang sakit ay malawak na ang pagkalat sa balat at natatakpan na ang buong balat ng taong may sakit mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa, hangga't nakikita iyon ng pari, |
3298 | LEV 19:16 | Huwag maglibot sa pagkalat ng maling tsismis sa inyong mga bayan, nguni't protektahan ang buhay ng inyong kapwa. Ako si Yahweh. |
3300 | LEV 19:18 | Huwag maghiganti o magtanim ng sama ng loob laban sa sinuman sa inyong kapwa, nguni't sa halip mahalin ninyo ang inyong kapwa gaya ng inyong sarili. Ako si Yahweh. |
3301 | LEV 19:19 | Dapat ninyong ingatan ang aking mga utos. Huwag subukang palahian ang inyong mga hayop ng iba't ibang uri ng mga hayop. Huwag ihalo ang dalawang magkaibang uri ng buto kapag nagtatanim sa inyong kabukiran. Huwag magsuot ng damit na gawa sa dalawang uri ng materyal na magkasama. |
3441 | LEV 23:38 | Mga pistang ito'y magiging dagdag sa mga Araw ng Pamamahinga para kay Yahweh at inyong mga regalo, lahat ninyong mga panata at lahat ninyong kusang loob na mga handog na inyong ibibigay kay Yahweh. |
3478 | LEV 25:8 | Dapat kayong bumilang ng pitong taon ng mga Araw ng Pamamahinga, iyon ay, pitong ulit na pitong taon, upang magkaroon ng pitong mga Araw ng Pamamahingang taon, na binubuo ng apatnapu't siyam na taon. |
3484 | LEV 25:14 | Kung magbebenta kayo ng anumang lupa sa inyong kapit-bahay o bibili ng anumang lupa mula sa inyong kapit-bahay, hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa. |
3487 | LEV 25:17 | Hindi ninyo dapat dayain o gawan ng masama ang isa't isa; sa halip, dapat ninyong parangalan ang inyong Diyos, sapagkat ako ay Yahweh, na inyong Diyos. |
3559 | LEV 26:34 | Pagkatapos magsasaya ang lupain sa mga Araw ng Pamamahinga nito hangga't nananatili itong pinabayaan at nasa lupain kayo ng inyong mga kaaway. Sa panahong iyon, mamamahinga ang lupain at magpapakasaya sa mga Araw ng Pamamahinga nito. |
3560 | LEV 26:35 | Hangga't nananatili itong pinabayaan, maangkin nito ang pamamahinga, pamamahinga na hindi nito naangkin sa inyong mga Araw ng Pamamahinga, noong nanirahan kayo sa lupaing iyon. |
3562 | LEV 26:37 | Madadaganan ninyo ang isa't isa na parang tinatakbuhan ninyo ang espada, kahit na wala namang humahabol sa inyo. Hindi kayo magkakaroon ng kapangyarihan na tumayo sa harap ng inyong mga kaaway. |
3568 | LEV 26:43 | Pinabayaan nila ang lupain, nang sa ikalugod nito ang mga Araw ng Pamamahinga hangga't nananatili itong pinabayaan nila. Kinailangan nilang pagbayaran ang kaparusahan para sa kanilang mga kasalanan sapagkat sila mismo ang tumanggi sa aking mga iniatas at namuhi sa aking mga batas. |
3732 | NUM 3:39 | Binilang nina Moises at Aaron ang lahat ng mga lalaki sa mga angkan ni Levi na may edad isang buwang gulang at pataas, gaya ng iniutos ni Yahweh. Dalawampu't dalawang libong kalalakihan ang nabilang nila. |
3799 | NUM 5:6 | “Magsalita ka sa mga tao ng Israel. Kapag nakagawa ang isang lalaki o babae ng anumang kasalanang tulad ng ginagawa ng mga tao sa isa't isa, at hindi tapat sa akin, ang taong iyon ay nagkasala. |
3939 | NUM 7:88 | Mula sa lahat ng kanilang mga alagang hayop, nagbigay sila ng dalawampu't apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung lalaking tupang isang taong gulang, bilang alay na handog para sa pagtitipon-tipon. Para ito sa paglalaan ng altar, nang binuhusan ito ng langis. |
4453 | NUM 24:6 | Katulad ng mga lambak sila'y inilatag, katulad ng mga hardin sa tabing ilog, katulad ng mga mabangong punong itinanim ni Yahweh, katulad ng mga sedar sa gilid ng mga tubig. |
4481 | NUM 25:9 | Dalawampu't apat na libo ang bilang ng mga namatay sa pamamagitan ng salot. |
4704 | NUM 31:38 | Talumpu't anim na libo ang lalaking baka kung saan 72 ang buwis ni Yahweh. |
4710 | NUM 31:44 | talumpu't anim na libong lalaking baka, |
4738 | NUM 32:18 | Hindi kami babalik sa aming mga tahana hangga't ang mga tao ng Israel, ang bawat lalaki ay magkaroon ng mana. |
4853 | NUM 35:6 | Anim sa mga lungsod na iyong ibibigay sa mga Levita ay dapat magsilbing mga lungsod ng kanlungan. Dapat mong ilaan ang mga ito bilang mga lugar na maaaring matakasan ng mga akusadong mamamatay-tao. Maglaan ka rin ng ibang apatnapu't dalawang lungsod. |
4854 | NUM 35:7 | Ang mga lungsod na ibibigay mo sa mga Levita ay may kabuuang apatnapu't walo. Dapat mong ibigay ang kanilang mga lupaing pastulan kasama ng mga ito. |
4905 | DEU 1:11 | Nawa'y si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ama, ay gawin kayong makalibo pa sa dami ninyo ngayon at pagpalain kayo, gaya ng ipinangako niya sa inyo! |
4935 | DEU 1:41 | Pagkatapos kayo ay sumagot at sinabi sa akin, 'Nagkasala tayo laban kay Yahweh; aakyat tayo at makipaglaban at susundin natin ang lahat ng iniutos ni Yahweh na ating Diyos.' Bawat lalaki sa inyo ay ilagay ang kaniyang mga sandatang pandigma at tayo'y handa para lusubin ang maburol na bansa. |
5034 | DEU 4:28 | Doon kayo ay maglilingkod sa ibang mga diyos, ang gawa ng mga kamay ng tao, kahoy at bato, kung saan alinma'y hindi nakakakita, nakakarinig, nakakakain, ni nakakaamoy. |
5158 | DEU 8:19 | Ito ay mangyayari na, kung inyong kalilimutan si Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa ibang mga diyos, sambahin sila, at gagalangin sila, patutunayan ko laban sa inyo ngayon na kayo'y tunay na mapupuksa. |
5163 | DEU 9:4 | Huwag sabihin sa inyong puso, matapos silang itulak palabas ni Yahweh na inyong Diyos mula sa inyong harapan, 'dahil ako ay matuwid kaya dinala ako ni Yahweh para angkinin ang lupang ito,' dahil ito sa kasamaan nitong mga bansa kaya't pinaaalis sila ni Yahweh palabas mula sa harapan ninyo. |
5164 | DEU 9:5 | Hindi ito dahil sa inyong pagkamatuwid o sa kabutihan ng inyong puso na makakapasok kayo para angkinin ang kanilang lupain; pero dahil sa kasamaan ng mga bansang ito kaya't papaalisin sila ng inyong Diyos palabas mula sa inyong harapan, at para magawa niyang tuparin ang salita na pinangako niya sa inyong mga ninuno, kay Abraham, Isaac, at Jacob. |
5165 | DEU 9:6 | Kaya alamin ninyo, na hindi nagbigay si Yahweh na inyong Diyos sa inyo nitong masaganang lupain para angkinin dahil sa inyong pagkamatuwid, sapagkat kayo'y suwail na sangkatauhan. |
5226 | DEU 11:16 | Bigyang pansin ang inyong mga sarili, para hindi malinlang ang inyong puso, at kayo'y lumihis at sumamba sa ibang mga diyus-diyosan, at yumukod sa kanila; |
5261 | DEU 12:19 | Bigyang pansin ang inyong sarili na hindi ninyo pababayaan ang mga Levita hangga't naninirahan kayo sa inyong lupain. |
5313 | DEU 14:21 | Hindi ninyo dapat kainin ang anumang hayop na kusang namatay; maaari ninyo itong ibigay sa dayuhan na nasa inyong mga tarangkahan, na maaari niyang kainin ito; o maaari ninyo itong ipagbili sa isang dayuhan. Sapagka't kayo ay isang bansa na inilaan para kay Yahweh na inyong Diyos. Dapat huwag ninyong pakuluan ang isang batang kambing sa gatas ng ina nito. |
5345 | DEU 16:1 | Tandaan ang buwan ng Abib, at panatilihin ang Paskua para kay Yahweh na inyong Diyos, sapagka't sa buwan ng Abib dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos palabas ng Ehipto sa gabi. |
5381 | DEU 17:15 | pagkatapos dapat ninyong tiyakin na magtakda bilang isang hari para sa inyong sarili, isang tao na siyang pipiliin ni Yahweh na inyong Diyos. Dapat kayong magtakda ng isang hari para sa inyong sarili, isang tao na mula sa inyong mga kapatid. Nawa'y hindi ka magtakda ng isang dayuhan, na hindi ninyo kapatid, para sa inyong sarili. |
5392 | DEU 18:6 | Kung may isang Levita na dumating mula sa alinman sa inyong mga bayan na mula sa buong Israel kung saan siya namumuhay, at nagnanais ng buong kaluluwa na siya'y pumunta sa lugar na pipiliin ni Yahweh, |
5413 | DEU 19:5 | gaya nang isang taong pumunta sa kagubatan kasama ang kaniyang kapitbahay para pumutol ng kahoy, at ipapalo ang kaniyang kamay gamit ang palakol para pumutol ng isang puno, at nadulas ang ulo mula sa hawakan at tinamaan ang kaniyang kapitbahay kung kaya't namatay siya— kaya dapat na tumakas ang taong iyon sa isa sa mga lungsod na iyon at mabuhay. |
5414 | DEU 19:6 | Kung hindi maaaring habulin ng tagapaghiganti sa dugo kung sino ang kumitil sa buhay, at sa matinding galit maabutan siya dahil isang mahabang paglalakbay ito. At hinampas niya siya at pinatay, kahit na hindi karapat-dapat na mamatay ang taong iyon; at kaya't hindi siya karapat-dapat sa parusang kamatayan dahil hindi niya kinamuhian ang kaniyang kapit-bahay bago pa ito nangyari. |
5419 | DEU 19:11 | Pero kung sinuman ang nagagalit sa kaniyang kapit-bahay, inabangan siya, mangibabaw laban sa kaniya, at malubha siyang sinugatan kung kaya't namatay siya, at kung tatakas siya papunta sa isa sa mga lungsod na iyon— |
5472 | DEU 21:23 | sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana. |
5531 | DEU 24:4 | pagkatapos ang kaniyang dating asawa na unang nagpalayas sa kaniya, maaaring hindi niya ito tanggapin na kaniyang asawa, matapos na siya'y maging marumi, dahil iyon ay hindi kalugod-lugod sa harapan ni Yahweh. Hindi ka dapat na magdulot sa lupain na maging makasalanan, ang lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana. |
5536 | DEU 24:9 | Isaisip kung ano ang ginawa ni Yahweh na iyong Diyos kay Miriam, nang kayo'y lumabas sa Ehipto. |
5549 | DEU 24:22 | Dapat ninyong isaisip na kayo ay naging isang alipin sa lupain ng Ehipto; kaya't itinuturo ko sa inyo na sundin ang utos na ito. |
5578 | DEU 26:10 | Ngayon tingnan, dinala ko ang unang ani ng lupain sa iyo Yahweh, na nagbigay sa akin.' Dapat ninyong ilagay ito sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos at siya'y sambahin sa kaniyang harapan; |
5589 | DEU 27:2 | Sa araw na inyong tatawirin ang Jordan patungo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, dapat maglagay kayo ng ilang malalaking mga bato at ito'y palitadahan ang ito ng palitada. |
5591 | DEU 27:4 | Kapag nakatawid na kayo ng Jordan, ilagay ninyo ang mga batong ito sa Bundok Ebal na iniutos ko sa inyo ngayon, at ito'y palitadahan ito ng palitada. |
5699 | DEU 29:17 | kung kaya't marapat na wala sinumang sa inyo, lalaki, babae, pamilya, o lipi na ang puso ay tatalikod ngayon mula kay Yahweh na ating Diyos, para sumamba sa mga diyus-diyosan ng mga bansang iyon—kung kaya't marapat na wala sa inyo ang anumang ugat na nagbubunga ng apdo at halamang mapait, |
5799 | DEU 32:39 | Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas. |
5825 | DEU 33:13 | Tungkol kay Jose, sinabi ni Moises: Nawa'y pagpalain ni Yahweh ang kaniyang lupain at ng kaniyang mahahalagang mga bagay sa langit, kasama ang hamog, At ng nakapaloob sa ilalim nito. |
5837 | DEU 33:25 | Nawa'y ang rehas ng iyong lungsod ay maging bakal at tanso; hangga't kayo ay nabubuhay, ganun din kahaba ang iyong magiging kaligtasan. |
5840 | DEU 33:28 | Nawa'y ang Israel ay mamumuhay na may kaligtasan. Ang bukal ni Jacob ay ligtas sa isang lupain ng butil at bagong alak; tunay nga, hayaan ang langit na bumagsak ang hamog sa kaniya. |
5870 | JOS 1:17 | Susundin ka namin tulad ng pagsunod namin kay Moises. Nawa'y samahan ka ni Yahweh, tulad ng pagsama niya kay Moises. |
6156 | JOS 12:24 | at ang hari ng Tirsa. Ang kabuuang bilang ng mga hari ay tatlumpu't isa. |
6199 | JOS 14:10 | Ngayon, tingnan mo! Pinanatili akong buhay ni Yahweh nitong apatnapu't limang taon, gaya ng kaniyang sinabi—mula sa panahon nang sinabi ni Yahweh ang salitang ito kay Moises, habang naglalakad ang Israel sa ilang. Ngayon, tingnan mo! Walumpu't limang taong gulang na ako. |
6315 | JOS 18:20 | Nabuo nito ang hangganan ng Jordan sa silangang bahagi. Ito ang pamana sa lipi ni Benjamin, at ibinigay ito sa bawa't isa sa kanilang mga angkan, hangganan pagkatapos ng hangganan, sa buong palibot. |
6353 | JOS 19:30 | Umma, Apek, at Rehob. Mayroong dalawampu't dalawang lungsod, hindi kabilang ang kanilang mga nayon. |
6424 | JOS 21:41 | Ang mga lungsod ng mga Levita na kinuha sa gitna ng lupaing inangkin ng bayan ng Israel ay apatnapu't walong lungsod, kasama ang kanilang mga lupang pastulan. |