59 | GEN 3:3 | pero tungkol sa bunga ng puno na nasa gitna ng hardin, sinabi ng Diyos, “Hindi ninyo maaaring kainin ito, ni hindi ninyo ito maaaring hawakan, o mamamatay kayo.'” |
1379 | GEN 45:20 | Huwag na kayong mag-alala tungkol sa inyong mga ari-arian, sapagkat sa inyo na ang kasaganahan ng lahat ng lupain sa Ehipto.'” |
1594 | EXO 3:14 | Sinabi ng Diyos kay Moises, “AKO AY SI AKO.” Sabi ng Diyos, “Dapat mong sabihin sa mga Israelita, 'SI AKO ang nagpadala sa akin sa inyo.'” |
1664 | EXO 6:8 | Dadalhin ko kayo sa lupain na aking sinumpaan para ibigay kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob. Ibibigay ko ito sa inyo bilang isang pag-aari. Ako si Yahweh.'” |
1695 | EXO 7:9 | “Kapag sinabi ni Paraon sa inyo, 'Gumawa kayo ng isang himala,' sa gayon sasabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at itapon sa harap ni Paraon, para ito ay maging isang ahas.'” |
1705 | EXO 7:19 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo kay Aaron, 'Kunin mo ang iyong tungkod at iabot mo ang kamay mo sa dako ng mga tubig ng Ehipto, sa dako ng kanilang mga ilog, mga batis, mga lawa, at lahat ng mga tubigan, para ang kanilang tubig ay maging dugo. Gawin mo ito para magkaroon ng dugo sa lahat ng buong lupain ng Ehipto, kahit na sa lalagyang kahoy at bato.'” |
1784 | EXO 10:6 | Pupunuin nila ang inyong mga tahanan, iyong lahat ng mga lingkod, at lahat ng mga taga-Ehipto—bagay na hindi pa kailanman nakita ng iyong ama maging ng iyong lolo, hindi pa kailanman nasaksihan mula noong araw na nasa mundo na sila hanggang sa kasalukuyan.'” Pagkatapos umalis si Moises at lumabas mula sa harap ni Paraon. |
1837 | EXO 12:20 | Dapat kayong kumain ng walang lebadura. Saanman kayo manirahan, dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura.'” |
1957 | EXO 16:9 | Sinabi ni Moises kay Aaron, “Sabihin mo sa lahat ng komunidad ng bayan ng Israel, 'Lumapit kayo kay Yahweh, dahil narinig niya ang inyong mga reklamo.'” |
1960 | EXO 16:12 | “Narinig ko ang mga reklamo ng bayan ng Israel. Kausapin mo sila at sabihin, 'Sa gabi ay kakain kayo ng karne, at sa umaga ay mabubusog kayo ng tinapay. Pagkatapos malalaman ninyong ako ay si Yahweh, na inyong Diyos.'” |
1964 | EXO 16:16 | Ito ang utos na ibinigay ni Yahweh sa inyo: 'Kayo ay dapat magtipon, bawat isa sa inyo, ng dami na kailangan ninyong kainin, isang omer sa bawat tao mula sa bilang ng inyong mga tao. Ganito ninyo titipunin iyon: Magtipon ng tama lang para kainin ng bawat taong naninirahan sa inyong tolda.'” |
1971 | EXO 16:23 | Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinabi ni Yahweh: 'Bukas ay isang taimtim na pamamahinga, isang banal na Araw ng Pamamahinga para sa karangalan ni Yahweh. Maghurno kayo ng gusto ninyong hurnuin at maglaga ng gusto ninyong ilaga. Ang lahat nang matira, itabi ninyo para sa inyong mga sarili hanggang umaga.'” |
1980 | EXO 16:32 | Sinabi ni Moises, “Ito ang inutos ni Yahweh: 'Hayaang itago ang isang omer na manna para sa kabuuan ng salinlahi ng inyong bayan para ang inyong mga kaapu-apuhan ay maaring makita ang tinapay na pinakain ko sa inyo sa ilang, matapos na ilabas ko kayo mula sa lupain ng Ehipto.'” |
2078 | EXO 20:26 | Huwag kang aakyat sa mga baitang patungo sa aking altar; ito ay hahadlang sa iyo mula sa paglantad ng pribadong bahagi ng iyong katawan.'” |
2958 | LEV 9:4 | kumuha rin ng isang bakang lalaki at isang tupang lalaki para sa mga handog para sa kapayapaan para ialay sa harapan ni Yahweh, at isang handog na pagkaing butil na hinaluan ng langis, dahil sa araw na ito magpapakita sa inyo si Yahweh.'” |
2981 | LEV 10:3 | Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron, “Ito ang tinutukoy ni Yahweh nang sinabi niyang, 'Ihahayag ko ang aking kabanalan sa sinumang lalapit sa akin. Luluwalhatiin ako sa harapan ng lahat ng mga tao.'” Walang kahit anong sinabi si Aaron. |
3053 | LEV 12:8 | Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'” |
3202 | LEV 15:33 | para sa sinumang babaeng mayroong kabuwanang dalaw, para sa sinumang nilalabasan ng likido, kahit pa lalaki o babae, at para sa sinumang lalaki na sumiping sa maruming babae.'” |
3252 | LEV 17:16 | Subalit kung hindi niya nilabhan ang kanyang mga damit o pinaliguhan ang kanyang katawan, kung gayon dapat siyang managot sa kanyang kasalanan.'” |
3411 | LEV 23:8 | Dapat kayong mag-alay ng isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy para kay Yahweh sa loob ng pitong araw. Ang ikapitong araw ay isang pagpupulong na inihandog para kay Yahweh na kung saan dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho.'” |
3425 | LEV 23:22 | Kapag gagapasin ninyo ang ani ng inyong lupain, dapat hindi ninyo gagapasin nang lubos ang mga sulok ng inyong mga bukirin, at dapat hindi ninyo iipunin ang mga naipon ninyong ani. Dapat ninyong iwanan ang mga ito para sa mga mahihirap at para sa mga dayuhan. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'” |
3428 | LEV 23:25 | Dapat hindi kayo gagawa ng karaniwang trabaho, at dapat ninyong ialay ang isang handog na ginawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh.'” |
3469 | LEV 24:22 | Dapat kang magkaroon ng magkatulad na batas para sa kapwa dayuhan at dayuhang Israelita, dahil ako si Yahweh na inyong Diyos.'” |
3525 | LEV 25:55 | Para sa akin ang mga tao ng Israel ay mga lingkod. Mga lingkod ko sila na inilabas ko mula sa lupain ng Ehipto. Ako ay Yahweh na inyong Diyos.'” |
3824 | NUM 5:31 | Magiging malaya ang lalaki mula sa pagkakasala sapgkat dinala niyaang kaniyang asawa sa pari. Ang babae ay dapat niyang dalhin ang anumang kasalanang maaaring nasa kaniya.'” |
3845 | NUM 6:21 | Ito ang batas para sa Nazareo na nagpapanata ng kaniyang alay kay Yahweh para sa kaniyang pagkabukod. Kahit ano pa ang maaari niyang ibigay, dapat niyang panatilihin ang kaniyang tungkulin ng panata na kaniyang kinuha, upang panatilihin ang pangakong nakalakip sa pamamagitan ng batas para sa Nazareo.'” |
3850 | NUM 6:26 | Tingnan ka nawa si Yahweh nang may kabutihang loob at bigyan ka ng kapayapaan.'” |
4144 | NUM 14:35 | Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'” |
4219 | NUM 16:24 | “Magsalita ka sa buong sambayanan. Sabihin mo, 'Umalis kayo mula sa mga tolda nila Korah, Datan, at Abiram.'” |
4282 | NUM 18:24 | Sapagkat ang mga ikapu ng mga tao ng Israel, na kanilang inialay bilang handog para sa akin—ito ang mga ibinibigay ko sa mga Levita bilang kanilang mana. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila, 'Hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.'” |
4567 | NUM 27:11 | Kung walang kapatid na lalaki ang kaniyang ama, dapat ninyong ibigay ang kaniyang mana sa kaniyang malapit na kamag-anak sa kaniyang angkan, at dapat niya itong kunin para sa kaniyang sarili. Ito ay magiging isang batas na itatatag para sa mga tao ng Israel, ayon sa iniutos ni Yahweh sa akin.'” |
4881 | NUM 35:34 | Kaya dapat huwag ninyong dungisan ang lupaing inyong pinamumuhayan dahil ako ay namumuhay dito. Akong si Yahweh ay namumuhay kasama ng mga tao ng Israel.'” |
5802 | DEU 32:42 | Lalasingin ko ang aking mga palaso ng dugo, at ang aking espada ay lalamunin ang laman kasama ng dugo ng mga pinatay at ng mga bihag, at mula sa mga ulo ng mga pinuno ng kaaway.'” |
5903 | JOS 3:8 | Utusan mo ang mga pari na nagdala ng kaban ng tipan, 'Kapag nakarating na kayo sa gilid ng tubig ng Jordan, dapat muna kayong huminto sa Ilog Jordan.'” |
6448 | JOS 22:20 | Hindi ba si Acan anak na lalaki ni Zera, ang sumira ng pananampalataya sa kahalagahan ng mga bagay na iyon na nakalaan para sa Diyos? At hindi ba bumagsak ang poot sa buong bayan ng Israel? Hindi lamang ang lalaking iyon ang mag-isang napahamak dahil sa kaniyang kasamaan.'” |
6457 | JOS 22:29 | Huwag nawa mangyari sa amin ito na kami ay maghimagsik laban kay Yahweh, at tumalikod ngayon mula sa pagsunod sa kaniya sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang altar para sa handog na sinunog, para sa handog na butil, o para sa alay, maliban sa isang altar ni Yahweh aming Diyos na nasa harap ng kaniyang tabernakulo.'” |
6550 | JDG 2:3 | Kaya sinasabi ko ngayon, 'Hindi ko itataboy ang mga Cananeo sa harapan ninyo, pero sila ay magiging mga tinik sa inyong tagiliran, at ang kanilang mga diyus-diyosan ay magiging bitag para sa inyo.'” |
6608 | JDG 4:7 | Palalabasin ko si Sisera, na pinuno ng hukbo ni Jabin, para salubungin kayo sa ilog ng Kison, kasama ang kaniyang mga karwaheng pandigma at kaniyang hukbo, at bibigyan ko kayo ng tagumpay laban sa kaniya.'” |
6666 | JDG 6:10 | Sinabi ko sa inyo, “Ako si Yahweh na inyong Diyos; inutusan ko kayo na huwag sambahin ang mga diyus-diyosan ng mga Amoreo, na ang lupain ay inyong tinirahan.” Pero hindi ninyo sinunod ang tinig ko.'” |
6736 | JDG 8:15 | Dumating si Gideon sa mga kalalakihan ng Sucot at sinabing, “Tingnan sina Zeba at Zalmuna, sa kanilang ninyo ako kinutya at sa pagsasabing, 'Nalupig na ba ninyo sina Zeba at Zalmunna? Hindi namin alam na dapat kaming magbigay ng tinapay sa inyong hukbo.'” |
6893 | JDG 13:7 | Sinabi niya sa akin, 'Masdan mo! Mabubuntis ka, at manganganak ng isang batang lalaki. Kaya hindi ka iinom ng alak o matapang na inumin, at huwag kakain ng anumang pagkain na hinayag ng batas na marumi, dahil magiging isang Nazareo sa Diyos ang bata mula sa araw na nasa sinapupunan mo siya hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.'” |
7191 | RUT 3:17 | Sinabi niya, “Itong anim na sukat ng sebada ay kung ano ang ibinigay niya sa akin, dahil sinabi niya, 'Huwag kang umalis na walang dala sa iyong biyenan.'” |
7416 | 1SA 9:23 | Sinabi ni Samuel sa tagapagluto, “Dalhin mo ang bahaging ibinigay ko sa iyo, kung alin sinabi sa iyong, 'Itabi mo ito.'” |
7417 | 1SA 9:24 | Kaya kinuha ng tagapagluto ang hitang itinaas sa pag-aalay at kung ano ang kasama nito, at inilagay ito sa harapan ni Saul. Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Tingnan kung ano ang itinabi ko para sa iyo! Kainin mo ito, dahil itinabi ko ito hanggang sa itinakdang oras para sa iyo. Sa ngayon masasabi mong, 'Inanyayahan ko ang mga tao.'” Kaya kumain si Saul kasama ni Samuel sa araw na iyon. |
7456 | 1SA 11:9 | Sinabi nila sa mga dumating na mga mensahero, “Sabihin sa mga kalalakihan ng Jabes Gilead, 'Bukas, sa oras na mainit ang araw, ililigtas ko kayo.'” Kaya umalis ang mga mesahero at sinabihan ang mga kalalakihan ng Jabes at natuwa sila. |
7544 | 1SA 14:34 | Sinabi ni Saul, “Pumunta kayo sa mga tao, at sabihan sila, 'Hayaang dalhin ng bawat tao ang kanyang kapong baka at kanyang mga tupa, patayin ang mga ito dito, at kainin. Huwag magkasala laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagkain kasama ang dugo.'” Kaya dinala ng bawat tao ang kanyang sariling kapong baka kasama niya nang gabing iyon at pinatay ang mga ito roon. |
7775 | 1SA 21:1 | Sinabi ni Jonatan kay David, “Humayo ka ng payapa, dahil pareho tayong nangako sa pangalan ni Yahweh at sinabing, 'Pumagitna nawa si Yahweh sa iyo at sa akin at sa pagitan ng aking mga kaapu-apuhan at iyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.'” Pagkatapos tumayo si David at umalis at bumalik si Jonatan sa lungsod. |
8283 | 2SA 11:21 | Sino ang pumatay kay Abimelec anak na lalaki Jerubeset? Hindi ba isang babae ang naghagis ng isang gilingang pang-ibabaw sa kaniya mula sa pader, kaya namatay siya sa Tebez? Bakit kayo lumapit ng husto sa pader?' Kung gayon ang dapat mong isagot, 'Ang lingkod mong si Urias na isa Heteo ay patay na rin.'” |
8527 | 2SA 19:14 | At sabihin kay Amasa, 'Hindi ba ikaw ang aking laman at aking buto? Gagawin sa akin ng Diyos, ng higit pa, kapag hindi ikaw ang kapitan ng aking hukbo mula ngayon sa lugar ni Joab.'” |
8663 | 2SA 23:7 | Ang taong gagalaw sa kanila, kailangang gumamit ng kasangkapang bakal o tungkod ng sibat. Kailangan silang tupukin kung saan sila nakakalat.'” |
8768 | 1KI 1:48 | Sinabi rin ng hari, 'Pagpalain nawa si Yahweh, na Diyos ng Israel, na nagbigay ng isang tao na mauupo sa aking trono balang-araw, at makita ito ng sarili kong mga mata.'” |
8803 | 1KI 2:30 | Kaya pumunta si Benaias sa tolda ni Yahweh at sinabi sa kaniya, “Ang sabi ng hari, 'Lumabas ka.'” Sumagot si Joab, “Hindi, mamamatay ako dito.” Kaya bumalik si Benaias sa hari, sinasabi niya, “Sinabi ni Joab na gusto niyang mamatay sa altar.” |
8842 | 1KI 3:23 | Pagkatapos ay sinabi ng hari, “Ang isa sa inyo ay sinasabi, 'Ito ang aking anak na nabubuhay, at ang iyong anak ay patay na,' at sinasabi ng isa pa, 'Hindi, ang anak mo ay ang patay na, at ang anak ko ay ang nabubuhay pa.'” |
9352 | 1KI 18:8 | Sumagot si Elias, “Ako nga ito. Pumunta ka at sabihin mo sa iyong panginoon, 'Masdan narito, si Elias.'” |
9388 | 1KI 18:44 | Sa ikapitong ulit sinabi ng lingkod, “Tingnan mo, may isang ulap na umakyat mula sa dagat, na kasingliit ng kamay ng isang tao.” Sumagot si Elias, “Pumunta ka at sabihin mo kay Ahab, 'Ihanda mo ang iyong karwahe, at bumaba bago ka mapigilan ng ulan.'” |
9422 | 1KI 20:11 | Ang hari ng Israel ay sumagot at sinabi, “Sabihin ninyo kay Ben Hadad, 'Walang sinuman ang nagsusuot ng baluti ang kailangan magyabang na para itong kaniya nang hinuhubad.'” |
9460 | 1KI 21:6 | Sumagot siya sa kaniya, “Nakipag-usap ako kay Nabot na taga-Jezreel at sinabi ko sa kaniya, 'Ibigay mo sa akin ang iyong ubasan kapalit ng pera, o kung ikalulugod mo, bibigyan kita ng ibang ubasan na magiging iyo.' At sumagot siya, 'Hindi ko ibibigay sa iyo ang aking ubasan.'” |
9464 | 1KI 21:10 | Maglagay ng dalawang lalaking hindi tapat kasama niya at hayaan silang tumestigo laban sa kaniya, na magsasabing, 'Sinumpa mo ang Diyos at ang hari.'” At ilabas ninyo siya at pagbabatuhin hanggang mamatay. |
9510 | 1KI 22:27 | 'Sinabi ng hari, ilagay ang lalaking ito sa bilangguan at pakainin ng kaunting tinapay at kaunting tubig, hanggang sa makarating akong ligtas.'” |
9546 | 2KI 1:9 | Pagkatapos nagpadala ang hari ng kapitan kasama ang limampung sundalo para kay Elias. Nagpunta ang kapitan kay Elias kung saan nakaupo siya sa tuktok ng burol. Nagsalita ang kapitan sa kaniya, ikaw na lingkod ng Diyos, sinabi ng hari, 'Bumaba ka.'” |
9548 | 2KI 1:11 | Muling nagpadala si Haring Ahazias ng isa pang kapitan na may kasamang limampung sundalo para kay Elias. Sinabi ng kapitan kay Elias, “Ikaw na lingkod ng Diyos, sabi ng hari, 'Magmadali kang bumaba.'” |
9650 | 2KI 4:43 | Sinabi ng kaniyang alipin, “Ano, dapat ko ba itong ihain sa harapan ng isang-daang lalaki?” Pero sinabi ni Eliseo, “Ibigay mo ito sa mga tao, para makakain sila, dahil sinabi ito ni Yahweh, 'Kakain sila at magkakaroon pa ng tira.'” |
9706 | 2KI 6:28 | Sinabi pa ng hari, “Ano ang bumabagabag sa iyo?” Tumugon siya, “Sinabi ng babeng ito sa akin, 'Ibigay mo sa akin ang iyong anak para kainin natin ngayon, at bukas kakainin natin ang anak ko.'” |
9712 | 2KI 7:1 | Sinabi ni Eliseo, “Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang sinasabi niya: 'Bukas, sa ganitong oras, isang takal ng mainam na harina ang ipagbibili kapalit ng isang sekel, at dalawang takal ng sebada ang ipagbibili kapalit ng isang sekel sa tarangkahan ng Samaria.'” |
9723 | 2KI 7:12 | Pagkatapos bumangon ang hari kinagabihan at sinabi sa kaniyang mga lingkod, “Sasabihin ko sa inyo ngayon ang ginawa ng mga Aramean sa atin. Alam nilang gutom tayo, kaya umalis sila ng kampo para magtago sa mga bukirin. Sinasabi nila, “Sa oras na lumabas sila sa lungsod, kukunin natin sila nang buhay, at papasok tayo sa lungsod.'” |
10053 | 2KI 18:25 | Naglakbay ba ako dito nang wala si Yahweh para labanan at wasakin ang lugar na ito? Sinabi sa akin ni Yahweh, 'Lusubin mo ang lupain at wasakin ito.'” |
10058 | 2KI 18:30 | Huwag ninyong hayaang pilitin kayo ni Hezekias na pagkatiwalaan si Yahweh, na sinasabing, “Siguradong ililigtas tayo ni Yahweh; hindi mapapasakamay ang lungsod na ito sa hari ng Asiria.'” |
10103 | 2KI 20:1 | Sa mga panahon na iyon ay may sakit si Hezekias na maaari niyang ikamatay. Kaya pinuntahan siya ni Isaias ang anak ni Amoz, at sinabi sa kaniya, “Sinasabi ni Yahweh, 'Ihanda mo ang iyong sambahayan; dahil mamamatay ka na, at hindi na mabubuhay.'” |
10108 | 2KI 20:6 | Dadagdagan ko ng labinlimang taon ang iyong buhay, at ililigtas kita at ang lungsod na ito mula sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, at ipagtatanggol ko ang lungsod na ito para sa sarili kong kapakanan at para sa kapakanan ng aking lingkod na si David.'” |
10120 | 2KI 20:18 | At ang mga anak na lalaki na nanggaling sa iyo, na ikaw mismo ang nag-alaga—dadalhin nila palayo, at sila ay magiging mga eunoko sa palasyo ng hari ng Babilonia.'” |
10166 | 2KI 22:17 | Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog ng insenso sa ibang mga diyus-diyosan, para galitin nila ako sa lahat ng kanilang mga ginawa - kaya ang aking galit ay nag-alab laban sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.'” |
10196 | 2KI 23:27 | Kaya sinabi ni Yahweh, “Aalisin ko rin ang Juda mula sa aking paningin, tulad ng pag-aalis ko sa Israel, at itatapon ko ang lungsod na ito na aking pinili, Jerusalem, ang tahanan na sinabi kong, 'Malalagay doon ang aking pangalan.'” |
10679 | 1CH 11:2 | Sa nakalipas na panahon nang naghari si Saul sa atin, ikaw ang nanguna sa mga hukbong Israelita. Sinabi sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos, 'Ikaw ang mangangalaga sa aking bayang Israel at ikaw ang mamumuno sa aking bayang Israel.'” |
11423 | 2CH 11:4 | Sinabi ito ni Yahweh, 'Hindi ninyo dapat salakayin o kalabanin ang inyong mga kapatid. Dapat bumalik ang bawat isa sa kaniyang tahanan sapagkat ang bagay na ito ay pinahintulutan kong mangyari.'” Kaya nakinig sila sa mga salita ni Yahweh at hindi na nila kinalaban si Jeroboam. |
11557 | 2CH 18:10 | Si Zedekias na anak ni Quenaana ay gumawa ng mga sungay na bakal at sinabi, “Sinabi ni Yahweh ito: 'Sa pamamagitan nito itutulak mo ang mga taga-Aram hanggang sa sila ay maubos.'” |
11563 | 2CH 18:16 | Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko ang lahat ng Israel na nagkalat sa mga bundok gaya ng tupa na walang pastol, at sinabi ni Yahweh, 'Ang mga ito ay walang pastol. Hayaang umuwi ang bawat tao sa kaniyang bahay ng payapa.'” |
11573 | 2CH 18:26 | Sasabihin ninyo sa kaniya, 'Sinabi ng hari, Ikulong mo ang lalaking ito at pakainin siya ng kaunting tinapay at kaunting tubig lamang, hanggang sa makabalik ako nang ligtas.'” |
11702 | 2CH 24:20 | Dumating ang Espiritu ng Diyos kay Zacarias na anak ng paring si Joiada. Tumayo si Zacarias sa itaas ng mga tao at sinabi sa kanila, “Ito ang sinasabi ng Diyos, 'Bakit ninyo nilalabag ang mga kautusan ni Yahweh, nang sa gayon hindi kayo sumagana? Yamang tinalikuran na ninyo si Yahweh, tinalikuran rin niya kayo.'” |
18461 | ISA 38:1 | Nang mga araw na iyon, malubhang nagkasakit si Hezekias. Kaya dinalaw siya ni Isaias anak ni Amos, ang propeta, at sinabi sa kaniya, “pinasasabi ni Yahweh, 'Ilagay mo sa ayos ang iyong sambahayan; dahil mamamtay ka na at hindi na mabubuhay.'” |
18759 | ISA 51:16 | Nilagay ko ang aking mga salita sa inyong bibig, at tinakpan ko kayo ng anino ng aking kamay, para matanim ko ang kalangitan, mailatag ang mga pundasyon ng mundo, at sabihin sa Sion, 'Kayo ang aking bayan.'” |
19105 | JER 4:9 | Ito ang pahayag ni Yahweh. At mangyayari ito sa araw na iyon, na ang puso ng hari at ng kaniyang mga opisyal ay mamamatay. Manlulumo ang mga pari at manginginig sa takot ang mga propeta.'” |
19127 | JER 4:31 | Kaya narinig ko ang ingay ng pagdadalamhati, pagdaing gaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay ng anak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya ang kaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina ako dahil sa mga mamamatay-taong ito.'” |
19140 | JER 5:13 | Sapagkat naging walang silbi ang mga propeta gaya ng hangin at wala ni isa ang magpapahayag sa atin ng mga mensahe ni Yahweh. Hayaang dumating sa kanilang mga sarili ang kanilang mga pagbabanta.'” |
19181 | JER 6:23 | Kukuha sila ng mga pana at mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ng dagundong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay sila sa mga kabayo na nakahanay bilang mga mandirigma, anak na babae ng Zion.'” |
19266 | JER 9:21 | 'Ito ang pahayag ni Yahweh. 'Ipahayag ninyo ito, Malalaglag ang mga bangkay ng mga tao tulad ng dumi sa kabukiran at tulad ng mga tangkay ng butil sa likod ng manggagapas at walang sinuman ang magtitipon sa kanila.'” |
19275 | JER 10:5 | Tulad ng panakot ng ibon sa taniman ng pipino ang mga diyus-diyosang ito sapagkat hindi sila makapagsalita ng anuman. Kailangan silang buhatin, sapagkat hindi man lang sila makahakbang. Huwag ninyo silang katakutan, sapagkat hindi nila kayang gumawa ng masama ni makagagawa ng anumang mabuti.'” |
19485 | JER 19:9 | Ipapakain ko sa kanila ang laman ng kanilang mga anak, kakainin ng bawat isa ang laman ng kaniyang kapwa sa pagkakulong at sa kagipitan na dinala sa kanila ng kanilang mga kaaway at ng mga naghahangad ng kanilang buhay.'” |
19489 | JER 19:13 | kaya magiging katulad ng Tofet ang mga bahay ng Jerusalem at ng mga hari ng Juda—lahat ng mga tahanan na ang bubungan ay pinagsasambahan ng mga hindi malinis na tao sa lahat ng mga bituin sa langit at nagbubuhos ng inuming mga alay sa ibang mga diyos.'” |
19491 | JER 19:15 | “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, Diyos ng Israel, 'Makinig kayo, magdadala ako sa lungsod na ito at sa lahat ng bayan nito ng sakuna na aking ipinahayag laban dito, sapagkat pinatigas nila ang kanilang leeg at tumangging makinig sa aking mga salita.'” |
19528 | JER 22:5 | Ngunit kung hindi kayo makikinig sa mga salitang ito mula sa akin na inihayag ko—ito ang pahayag ni Yahweh—kung gayon ang maharlikang palasyong ito ay masisira.'” |
19593 | JER 23:40 | Pagkatapos ay ilalagay ko kayo sa walang hanggang kahihiyan at lalaitin kayo ng hindi malilimutan.'” |
19647 | JER 26:6 | kaya gagawin ko ang tahanang ito na tulad ng Shilo. Gagawin kong isinumpa ang lungsod na ito sa paningin ng lahat ng mga bansa sa lupa.'” |
19680 | JER 27:15 | 'Sapagkat hindi ko sila isinugo dahil nagpapahayag sila ng panlilinlang sa aking pangalan upang ipatapon ko kayo at mamamatay, kayo at ang mga propeta na nagpapahayag sa inyo. Ito ang pahayag ni Yahweh.'” |
19687 | JER 27:22 | 'Dadalhin ang mga ito sa Babilonia at mananatili doon hanggang sa dumating ang araw na aking itinakda para sa mga ito at dadalhin ko ang mga ito at ibabalik sa lugar na ito.'” Ito ang pahayag ni Yahweh. |
19807 | JER 32:7 | 'Tingnan mo, pupunta sa iyo si Hanamel ang lalaking anak ng iyong tiyuhin na si Salum at sasabihin, “Bilhin mo ang aking bukid na nasa Anatot para sa iyong sarili, sapagkat nasa iyo ang karapatang bilhin ito.'” |
19860 | JER 33:16 | Sa mga araw na iyon, maliligtas ang Juda, at mamumuhay nang matiwasay ang Jerusalem, sapagkat ito ang itatawag sa kaniya, “Si Yahweh ay ang ating katuwiran.'” |
19862 | JER 33:18 | ni ang isang lalaki mula sa mga Levitang pari ay magkukulang sa aking harapan na magtaas ng mga sinunog na handog, upang maghandog ng mga pagkaing susunugin, at upang maghandog ng mga butil sa lahat ng panahon.'” |
19990 | JER 38:26 | pagkatapos sabihin mo sa kanila, 'Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik sa bahay ni Jonatan upang mamatay doon.'” |
20062 | JER 42:18 | Sapagkat si Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel ang nagsasabi nito: Tulad ng aking matinding poot at galit na ibinuhos sa mga naninirahan sa Jerusalem, ganoon din ang aking galit na ibubuhos ko sa inyo kung pupunta kayo sa Egipto. Kayo ay magiging isang sinumpaang bagay at isang katatakutan, isang bagay sa pagsasabi ng mga sumpa, at isang bagay na kahiya-hiya. At ang lugar na ito ay hindi na ninyo muli makikita.'” |
20142 | JER 46:28 | Ikaw, lingkod kong Jacob, huwag kang matakot—Ito ang pahayag ni Yahweh—sapagkat kasama mo ako, kaya magdadala ako ng ganap na pagkawasak laban sa lahat ng bansa kung saan ko kayo ikinalat. Ngunit hindi kita lubusang wawasakin. Gayon pa man, makatarungan kitang didisiplinahin at tiyak na hindi kita iiwang hindi napaparusahan.'” |