104 | GEN 4:24 | Kung ipaghihiganti si Cain ng makapitong ulit, sa gayon si Lamec ay ipaghihiganti ng pitumpu't-pitong ulit.” |
279 | GEN 11:12 | Nang tatlumpu't-limang taon na si Arfaxad, siya ay naging ama ni Selah. |
283 | GEN 11:16 | Nang tatlumpu't-apat na taon si Eber, siya ay naging ama ni Peleg. |
291 | GEN 11:24 | Nang dalawampu't-siyam na taon na si Nahor, siya ay naging ama ni Terah. |
303 | GEN 12:4 | Kaya humayo si Abram, gaya ng sinabi ni Yahweh na kaniyang gawin, at sumama si Lot sa kaniya. Pitumpu't-limang taong gulang si Abram nang umalis siya sa Haran. |
398 | GEN 16:16 | Si Abram ay walumpu't-anim na taong gulang nang isilang ni Agar si Ismael para kay Abram. |
399 | GEN 17:1 | Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, “Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid. |
422 | GEN 17:24 | Natuli si Abraham sa laman ng kanyang balat nang siya ay siyamnapu't-siyam na taong gulang. |
573 | GEN 23:1 | Nabuhay si Sara ng isandaan at dalawampu't-pitong taon. Ito ang mga taon ng buhay ni Sara. |
1780 | EXO 10:2 | Ginawa ko rin ito para maikuwento mo sa iyong mga anak at mga apo ang mga bagay na ginawa ko, kung paano ko pinagmalupitan ang Ehipto, at kung paano ko binigay ang iba't-ibang mga palatandaan ng aking kapangyarihan sa kanila. Sa ganitong paraan malalaman mo na ako si Yahweh.” |
2007 | EXO 18:7 | Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda. |
3964 | NUM 8:24 | “Ang lahat ng ito ay para sa mga Levitang dalawampu't-limang taong gulang pataas. Dapat silang sumama sa mga samahan upang maglingkod sa tolda ng pagpupulong. |
4954 | DEU 2:14 | Ngayon ang mga araw mula ng dumating tayo sa Kadesh Barnea hanggang tayo ay makatawid sa batis ng Zered, ay tatlumpu't-walong taon. Ito ay ang mga panahon na ang lahat ng salinlahi ng mga kalalakihan na angkop sa pakikipag-digma ay pumanaw mula sa mga tao, gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kanila. |
5983 | JOS 7:5 | Nakapatay ng mahigit tatlumpu't-anim na kalalakihan ang mga kalalakihan ng Ai habang tinugis nila sila mula sa tarangkahan ng lungsod hanggang sa tibagang bato, at pinatay nila sila habang bumababa sila sa isang burol. At natakot ang mga puso ng mga tao at iniwan sila ng kanilang tapang. |
7773 | 1SA 20:41 | Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak. |
7786 | 1SA 21:12 | Sinabi ng mga lingkod ni Aquis sa kanya, “Hindi ba si David ito, ang hari ng lupain? Hindi ba kumakanta sila sa isa't-isa tungkol sa kanya sa mga sayawan, 'Pinatay ni Saul ang kanyang libo-libo, at pinatay ni David ang kanyang sampung libo?'” |
7808 | 1SA 22:18 | Pagkatapos sinabi ng hari kay Doeg, “Bumalik at patayin ang mga pari.” Kaya bumalik si Doeg na taga-Edom at sinalakay ang mga pari; nakapatay siya ng walumpu't-limang mga tao na nakasuot ng isang telang efod sa araw na iyon. |
7941 | 1SA 27:8 | Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo) |
8603 | 2SA 21:20 | Nangyari sa isa pang labanan sa Gat na mayroong isang tao na napakataas na mayroong anim na daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa bawat paa, dalawampu't-apat sa bilang. Siya rin ay naggaling sa Refaim. |
9241 | 1KI 14:20 | Naghari si Jeroboam ng dalawampu't-dalawang taon at pagkatapos humimlay siyang kasama ang kaniyang mga ninuno, at si Nadab na kaniyang anak na lalaki ang naging hari na humalili sa kaniya. |
9242 | 1KI 14:21 | Ngayon si Rehoboam na anak ni Solomon ang naghahari sa Juda. Si Rehoboam ay apatnapu't-isang taong gulang noong siya ay naging hari, at siya ay labing pitong taong naghari sa Jerrusalem, ang lungsod na pinili ni Yahweh sa lahat ng mga lipi ng Israel para ilagay ang kaniyang pangalan. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na taga-Ammon. |
12009 | 2CH 36:11 | Dalawampu't-isang taong gulang si Zedekias nang magsimula siyang maghari. Naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. |
12763 | EST 3:12 | Pagkatapos ay pinatawag ang mga manunulat ng hari sa ikalabintatlong araw ng unang buwan, at isang utos na naglalaman ng lahat ng iniutos ni Haman ang sinulat para sa mga panlalawigang gobernador ng hari, iyong mga namumuno sa lahat ng lalawigan, sa mga gobernador ng iba't-ibang mga lahi, at sa lahat ng mga opisyal ng lahat ng tao, sa bawat lalawigan sa sarili nilang pagsulat, at sa bawat tao sa sarili nilang wika. Ito ay isinulat sa pangalan ni Haring Assuero at sinelyuhan ng kanyang singsing. |
12854 | EST 9:16 | Ang natirang mga Judio na nasa mga lalawigan ng hari ay nagsama-sama upang ipagtanggol ang kanilang mga buhay, at nagkaroon sila ng kaginhawaan mula sa kanilang mga kaaway at pumatay ng pitumpu't-limang libo sa mga namumuhi sa kanila, ngunit hindi nila ginalaw ang mga mahahalagang bagay ng mga pinatay nila. |
12860 | EST 9:22 | Ito ang mga araw na nakakuha ng kaginhawaan ang mga Judio mula sa kanilang mga kaaway, at ang panahon kung kailan ang kanilang pighati ay napalitan ng kagalakan, at mula sa pagluluksa naging isang araw ng pangilin. Gagawin nila ang mga iyon na araw ng kapistahan at pagsasaya, at ng pagpapadala ng mga regalong pagkain sa isa't-isa at mga regalo para sa mahirap. |
21252 | EZK 28:26 | At sila ay mamuhay ng matiwasay roon at magtatayo sila ng mga bahay, magtanim ng mga ubasan at mamuhay sila ng matiwasay kapag isakatuparan ko ang kahatulan sa lahat ng namumuhi sa kanila mula sa iba't-ibang dako; upang malaman nila na ako si Yahweh ang Diyos nila!”' |
21779 | EZK 48:8 | Ang handog na lupain na inyong gagawin ay sa tabi ng hangganan ng Juda at pinalawak mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran at magiging dalawampu't-limang libong siko ang lawak. Tumutugma ang haba nito sa isang bahagi ng tribo mula sa dakong silangan hanggang sa dakong kanluran at ang templo ang magiging gitna nito. |
21780 | EZK 48:9 | Itong lupain na ihahandog ninyo kay Yahweh ay dalawampu't-limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang luwang. |
21781 | EZK 48:10 | Ito ang mga nakatakda para sa bahaging ito ng banal na lupain: magkakaroon ng lupain ang mga pari na maitatalaga sa kanila na may sukat na dalwampu't-limang libong siko ang luwang sa dakong hilaga, sampung libong siko ang luwang sa dakong kanluran, sampung libong siko ang luwang sa dakong silangan at dalawampu't-limang libong siko ang haba sa dakong timog na nasa gitna nito ang banal na lugar ni Yahweh. |
21784 | EZK 48:13 | Ang lupain ng mga Levita sa tabi ng hangganan kasama ang lupain ng mga pari ay magiging dalawampu't-limang libong siko ang haba at sampung libong siko ang lawak. Ang kabuuang haba ng dalawang sukat ng lupain ay magiging dalawampu't-limang libong siko at dalawampung libong siko ang lawak. |
21792 | EZK 48:21 | Ang natitirang lupain sa magkabilang bahagi ng banal na handog at ang bahagi ng lungsod ay para sa prinsipe. Ang sukat ng lupain ng prinsipe sa silangan ay aabot ng dalawampu't-limang libong siko mula sa hangganan ng banal na handog hanggang sa silanganing hangganan at ang kaniyang sukat sa kanluran ay palalawakin ng dalawampu't-limang libong siko hanggang sa kanluraning hangganan. Sa gitna nito ay ang banal na handog at ang banal na lugar ng templo. |
21981 | DAN 6:8 | Lahat ng mga pinunong tagapamahala ng kaharian, ang mga gobernador ng mga rehiyon, at ang mga gobernador ng lalawigan, ang mga tagapayo, at ang mga gobernador ay sumangguni sa isa't-isa at nagpasya na ikaw, ang hari, ay kailangang maglabas ng isang batas at kailangan itong ipatupad, upang ang sinumang gumawa ng panalangin sa anumang diyos o tao sa loob ng tatlumpung araw, maliban sa iyo, o hari, dapat maihagis ang taong iyon sa yungib ng mga leon. |
22097 | DAN 10:13 | Tinanggihan ako ng prinsipe ng kaharian ng Persia, at ako ay nanatili roon kasama ang mga hari ng Persia ng dalawampu't-isang araw. Subalit si Miguel, isa sa mga pinakapunong prinsipe, pumunta at tinulungan ako. |
22954 | ZEC 1:7 | Nang ikadalawampu't-apat na araw ng ikalabing isang buwan, na siyang buwan ng Sebath, na ikalawang taon ng paghahari ni Dario, dumating ang salita ni Yahweh kay Zacarias na anak ni Berequias na anak ni propeta Iddo na nagsasabi, |
25193 | LUK 5:17 | At nangyari nga sa isa sa mga araw na iyon na siya ay nagtuturo, at mayroong mga Pariseo at mga tagapagturo ng kautusan ang nakaupo roon na nagmula pa sa mga iba't-ibang lugar sa mga rehiyon ng Galilea at Judea, at mula rin sa lungsod ng Jerusalem. Ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kaniya upang magpagaling. |
25318 | LUK 8:4 | Ngayon, nang ang napakaraming bilang ng tao ay nagtipun-tipon, kasama ang mga tao na pumupunta sa kaniya mula sa iba't-ibang mga lungsod, siya ay nagsalita sa kanila gamit ang isang talinghaga. |
27374 | ACT 10:46 | Dahil narinig nila ang mga Gentil na nagsasalita ng iba't-ibang wika at nagpupuri sa Diyos. Pagkatapos sinabi ni Pedro, |
29669 | 1TH 3:12 | Nawa palaguin kayo at pasaganahin ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't-isa at sa lahat ng tao, na gaya ng ginagawa namin sa inyo. |
29926 | 2TI 3:6 | Sapagkat ilan sa kanila ay pumapasok sa mga bahay at nang-aakit ng mga mangmang na babae. Ang mga babaeng ito ay patong-patong ang mga kasalanan at natatangay ng iba't-ibang pagnanasa. |
30031 | HEB 1:1 | Noon unang panahon, nakipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta ng maraming beses at sa iba't-ibang paraan. |
30182 | HEB 9:10 | Mga pagkain at inumin lamang ang mga ito na kaugnay ng iba't-ibang uri ng seremonya ng paglilinis. Ang lahat ng ito ay alituntunin para sa laman na inilaan hanggang sa maganap ang bagong kaayusan. |
30430 | JAS 5:9 | Huwag magreklamo, mga kapatid, laban sa isa't-isa upang kayo ay hindi mahatulan. Tingnan ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan. |