1456 | GEN 48:4 | at sinabi sa akin, 'Tingnan mo, palalaguin kita, at pararamihin kita. Gagawin kitang kapulungan sa mga bansa. Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan bilang isang walang hanggang pag-aari.' |
2475 | EXO 33:1 | Kinausap ni Yahweh si Moises, “Umalis ka rito, kayo at ang bayan na dinala mo palabas mula sa lupain ng Ehipto. Puntahan mo ang lupain na kung saan ipinangako ko kina Abraham, Isaac, at Jacob, nang aking sinabi, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' |
5076 | DEU 5:21 | Huwag ninyong pagnasaan ang asawa ng inyong kapit-bahay, huwag ninyong pagnasaan ang bahay ng inyong kapit-bahay, kaniyang bukid, o kaniyang lalaking tagapaglingkod, o kaniyang babaeng tagapaglingkod, kaniyang baka, o kaniyang asno, o anumang bagay na pag-aari ng inyong kapit-bahay.' |
5845 | DEU 34:4 | Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ito ang lupain na ipinangako ko kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabing, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' Pinayagan kitang tingnan iyon sa iyong mga mata, pero hindi ka makakapunta roon.” |
7158 | RUT 2:7 | Sinabi niya sa akin, 'Pakiusap hayaan mo akong mamulot at magtipon ng mga uhay habang sumusunod ako sa mga nag-aani.' Kaya dumating siya rito at nagpapatuloy mula umaga hanggang ngayon, maliban na nagpahinga siya nang kaunti sa bahay.” |
8033 | 2SA 1:8 | Sinabi niya sa akin, 'Sino ka?' Sinagot ko siya, 'Ako ay taga-Amalek.' |
19146 | JER 5:19 | Mangyayari ito kapag sinabi ninyo, Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyos ang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin mo Jeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo si Yahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyong lupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang lupaing hindi ninyo pag-aari.' |
19903 | JER 35:11 | Ngunit nang nilusob ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang lupain, sinabi namin, 'Halikayo, dapat tayong pumunta sa Jerusalem upang tumakas mula sa mga hukbo ng Caldeo at ng taga-Siria.' Kaya naninirahan kami sa Jerusalem.” |
21373 | EZK 33:24 | “Anak ng tao, nagsasalita at nagsasabi ang mga naninirahan sa lugar ng pagkawasak sa lupain ng Israel ay nagsasalita at sinasabi, 'Nag-iisang tao lamang si Abraham, at minana niya ang lupain, ngunit marami tayo! Ang lupain ay ibinigay na sa atin bilang isang ari-arian.' |
26262 | JHN 4:37 | Dahil dito totoo ang kasabihan 'Isa ang nagtatanim, at iba ang nag-aani.' |