Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   'Word,    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

2447  EXO 32:8  Mabilis silang umalis sa daan na aking inutos sa kanila. Nagmolde sila para sa kanilang sarili ng isang guya at sumamba dito at naghandog dito. Sinabi nila, 'Israel, “Ito ang inyong diyos na nagdala palabas sa lupain ng Egipto.”
3098  LEV 13:45  Ang tao na mayroong nakakahawang sakit ay kailangang magsuot ng mga punit na damit, ang kanyang buhok ay kailangang nakalugay, at dapat niyang takpan ang kanyang mukha hanggang sa kanyang ilong at sumigaw, 'Marumi, marumi.'
4392  NUM 22:16  Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinasabi ni Balak na anak ni Zippor, 'Pakiusap, wala nawang anumang bagay na hahadlang sa iyo sa pagparito sa akin,
4424  NUM 23:7  At nagsimulang sabihin ni Balaam ang kaniyang propesiya at sinabi, “Dinala ako ni Balak mula sa Aram. Ang hari ng Moab mula sa mga bundok sa silangan. 'Halika, isumpa mo si Jacob para sa akin,' sinabi niya. 'Halika, labanan mo ang Israel.'
6850  JDG 11:19  Nagpadala ng mga mensahero ang mga Israelita sa Sihon, sa hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon; sinabi sa kaniya ng Israel, 'Pakiusap, pahintulutan kaming kaming tumawid sa inyong lupain papunta sa aming lugar.'
7456  1SA 11:9  Sinabi nila sa mga dumating na mga mensahero, “Sabihin sa mga kalalakihan ng Jabes Gilead, 'Bukas, sa oras na mainit ang araw, ililigtas ko kayo.'” Kaya umalis ang mga mesahero at sinabihan ang mga kalalakihan ng Jabes at natuwa sila.
8300  2SA 12:11  Sinabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibabangon ko ang kapahamakan laban sa iyo mula sa iyong sariling bahay. Sa harapan ng iyong mga mata, kukunin ko ang iyong mga asawa at ibibigay sila sa iyong kapwa at sisipingan niya ang iyong mga asawa sa maliwanag na araw.
8325  2SA 13:5  Pagkatapos sinabi ni Jonadab sa kaniya, “Humiga ka sa iyong higaan at magkunwaring may sakit. Kapag dumating ang iyong ama para makita ka, hingin sa kanya, 'Pakiusap, maaari mo bang papuntahin ang aking kapatid na babaeng si Tamar para bigyan ako ng isang bagay na makakain at lutuin ito sa aking harapan, para maaari ko itong makita at kainin mula sa kaniyang kamay?'”
8842  1KI 3:23  Pagkatapos ay sinabi ng hari, “Ang isa sa inyo ay sinasabi, 'Ito ang aking anak na nabubuhay, at ang iyong anak ay patay na,' at sinasabi ng isa pa, 'Hindi, ang anak mo ay ang patay na, at ang anak ko ay ang nabubuhay pa.'”
9189  1KI 13:2  Ang lingkod ng Diyos ay sumigaw sa harapan ng altar sa pamamagitan ng salita ni Yahweh at sinabi, “Altar, o altar, sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, isang anak na lalaki ang isisilang sa pamilya ni David, sa pangalang Josias, at maghahandog siya sa iyo ng mga pari ng mga dambana na nagsusunog ng insenso sa iyo; susunugin nila ang mga buto ng kalalakihan sa iyo'.”
9712  2KI 7:1  Sinabi ni Eliseo, “Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh. Ito ang sinasabi niya: 'Bukas, sa ganitong oras, isang takal ng mainam na harina ang ipagbibili kapalit ng isang sekel, at dalawang takal ng sebada ang ipagbibili kapalit ng isang sekel sa tarangkahan ng Samaria.'”
13004  JOB 6:22  'Sinabi ko ba sa inyo na bigyan ninyo ako ng kahit ano?' 'O, regaluhan ninyo ako mula sa inyong kayamanan?'
18303  ISA 30:16  Sinabi ninyo, 'Hindi, dahil tatakas kami sakay ng mga kabayo,' kaya tatakas nga kayo; at, ' Sasakay kami sa matutulin na mga kabayo,' kaya ang mga hahabol sa inyo ay magiging matulin.
18691  ISA 48:7  Ngayon, at hindi mula nung una, nangyari sila, at bago ngayon hindi ninyo narinig ang tungkol sa kanila, kaya hindi ninyo masasabing, 'Oo, alam ko ang tungkol sa kanila.'
19541  JER 22:18  Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol kay Jehoiakim na anak ni Josias, hari ng Juda: Hindi nila siya tatangisan ng 'Aba, ang aking kapatid na lalaki!' o 'Aba, ang aking kapatid na babae!' At hindi sila tatangis ng “Aba, panginoon!' o 'Aba, kamahalan!'
19817  JER 32:17  'Oh, Panginoong Yahweh! Tingnan mo! Ikaw lamang ang lumikha sa kalangitan at sa lupa sa pamamagitan ng iyong dakilang lakas at sa pamamagitan ng iyong nakataas na braso. Wala kang sinabi na napakahirap para sa iyo na gawin.
19828  JER 32:28  Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnan, ibibigay ko ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo at kay Nebucadnezar, ang hari ng Babilonia. Sasakupin niya ito.
19903  JER 35:11  Ngunit nang nilusob ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang lupain, sinabi namin, 'Halikayo, dapat tayong pumunta sa Jerusalem upang tumakas mula sa mga hukbo ng Caldeo at ng taga-Siria.' Kaya naninirahan kami sa Jerusalem.”
20817  EZK 14:17  O kung magpapadala man ako ng espada laban sa lupain na iyon at sabihin, 'Espada, pumunta ka sa mga lupain at patayin mo ang tao at hayop mula rito'—
23340  MAT 5:37  Ngunit hayaan mo ang iyong salita ay maging, 'Oo, kung oo' o 'Hindi, kung hindi.' Anuman ang lalabis pa sa mga ito ay galing sa kaniya na masama.
23406  MAT 7:21  Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit.
23407  MAT 7:22  Maraming tao ang magsasabi sa akin sa araw na iyon, 'Panginoon, Panginoon, hindi ba kami nagsabi ng propesiya sa iyong pangalan, sa iyong pangalan ay nagpalayas ng mga demonyo, at sa iyong pangalan ay gumawa ng maraming makapangyarihang gawain?'
23635  MAT 13:27  Dumating ang mga tagapaglingkod ng may-ari ng lupa at sinabi sa kaniya, 'Ginoo, hindi ba mabuti ang inihasik mong mga binhi sa iyong bukirin? Papaanong nagkaroon ito ng mga damo?'
23637  MAT 13:29  Sinabi ng may-ari ng lupa, 'Huwag, sapagkat kapag binunot ninyo ang mga damo, baka mabunot niyo din ang mga trigo kasama nito.
23822  MAT 18:26  Kaya lumuhod ang utusan, yumuko sa kaniyang harapan, at sinabi, 'Amo, pagtiisan mo ako, at babayaran ko ang lahat.'
23874  MAT 20:13  Subalit sumagot ang may-ari ng ubasan at nagsabi sa isa sa kanila, 'Kaibigan, wala akong nagawang mali sa iyo, Hindi ba't nagkasundo tayo sa isang denaryo?
23925  MAT 21:30  At ang taong ito ay pumunta sa kaniyang pangalawang anak at nagsabi ng ganoon din. Sumagot ang anak na ito at nagsabi, 'Ginoo, pupunta ako.' Ngunit hindi siya pumunta.
23953  MAT 22:12  Sinabi ng hari sa kaniya, 'Kaibigan, paano ka nakapasok dito nang walang pangkasal na kasuotan?' At walang maisagot ang tao.
24088  MAT 25:11  Pagkatapos nito ang ibang mga birhen ay dumating din at nagsabi, 'Panginoon, panginoon, pagbuksan ninyo kami.'
24098  MAT 25:21  Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting mga bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
24099  MAT 25:22  Dumating din ang utusan na nakatanggap ng dalawang talento, at sinabi niya, 'Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento. Tingnan mo, nagkaroon ako ng dalawa pang talento.'
24100  MAT 25:23  Sinabi ng amo sa kaniya, 'Magaling, mabuti at matapat na utusan! Naging tapat ka sa kaunting bagay. Gagawin kitang tagapamahala sa maraming bagay. Makibahagi ka sa kagalakan ng iyong amo.'
24101  MAT 25:24  Pagkatapos nito, ang utusan na nakatanggap ng isang talento ay dumating at nagsabi, 'Panginoon, alam ko na mahigpit kang tao. Gumagapas ka kung saan hindi ka nagtanim, at umaani kung saan hindi ka naghasik.
24111  MAT 25:34  At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, pinagpala kayo ng aking Ama, mamanahin ninyo ang kaharian na inihanda para sa inyo mula pa noong likhain ang mundo.
24114  MAT 25:37  At sasagot ang mga matuwid at sasabihin, 'Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom at pinakain, o nauhaw at binigyan ng inumin?
25155  LUK 4:23  Sinabi ni Jesus sa kanila, “Tinitiyak kong sasabihin ninyo ang kawikaang ito sa akin, 'Manggagamot, gamutin mo ang iyong sarili. Anuman ang aming narinig na ginawa mo sa Capernaum, gawin mo din dito sa iyong bayang kinalakihan.”'
25257  LUK 6:42  Paano mo masasabi sa iyong kapatid, 'Kapatid, hayaan mong tanggalin ko ang maliit na dayami na nasa iyong mata,' kung ikaw mismo ay hindi nakikita ang troso sa iyong sariling mata? Ikaw na mapagkunwari! Tanggalin mo muna ang troso sa iyong mata, at nang sa gayon ay malinaw kang makakakita para alisin ang piraso ng dayami sa mata ng iyong kapatid.
25261  LUK 6:46  Bakit mo ako tinatatawag na, 'Panginoon, Panginoon,' ngunit hindi mo sinusunod ang mga bagay na sinasabi ko?
25476  LUK 11:2  Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo ay mananalangin, sabihin ninyo, 'Ama, sambahin ang iyong pangalan. Ang kaharian mo ay dumating.
25479  LUK 11:5  Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sino sa inyo ang mayroong kaibigan, at pupunta ka sa kaniya sa hating gabi, at sasabihin mo sa kaniya, 'Kaibigan, pahiramin mo ako ng tatlong tinapay,
25612  LUK 13:25  Kapag tumayo na ang may-ari ng bahay at isinara ang pintuan, at kayo ay tatayo sa labas at kakalabugin ang pinto at sasabihin, 'Panginoon, Panginoon, papasukin mo kami.' At siya ay sasagot at sasabihin sa inyo, 'Hindi ko kayo kilala o kung taga-saan kayo.'
25632  LUK 14:10  Ngunit kapag ikaw ay inanyayahan, pumunta ka at umupo sa kababababaang dako, upang kung dumating ang taong nag-anyaya sa iyo, maaari niyang sabihin sa iyo, 'Kaibigan, lumipat ka sa mas mataas.' At ikaw ay mapararangalan sa harapan ng lahat ng kasalo mo sa hapag.
25639  LUK 14:17  Nang maihanda na ang hapunan, inutusan niya ang kaniyang utusan na sabihin sa mga naanyayahan, 'Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.'
25644  LUK 14:22  Sinabi ng utusan, 'Panginoon, ang iyong iniutos ay nagawa na, ngunit mayroon pa ring silid.'
25669  LUK 15:12  at sinabi ng nakababata sa kanila sa kaniyang ama, 'Ama, ibigay mo na sa akin ngayon ang ari-arian na nararapat na manahin ko.' Kaya hinati niya ang kaniyang kayamanan sa pagitan nila.
25688  LUK 15:31  Sinabi ng ama sa kaniya, 'Anak, lagi kitang kasama, at lahat ng sa akin ay sa iyo.
25714  LUK 16:25  Ngunit sinabi ni Abraham, 'Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo, natanggap mo ang mga magagandang bagay, at si Lazaro sa ganoon ding paraan ay masasamang bagay. Ngunit ngayon, siya ay inaaliw dito, at ikaw ay nagdurusa.
25719  LUK 16:30  Sumagot ang mayamang tao, 'Hindi, Amang Abraham, ngunit kung may pumunta sa kanila mula sa mga patay, magsisisi sila.'
25768  LUK 18:11  Tumayo ang Pariseo at ipinanalangin ang mga bagay na ito tungkol sa kaniyang sarili, 'Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo dahil hindi ako katulad ng ibang taong magnanakaw, mga hindi matuwid, mga mangangalunya, o tulad ng maniningil ng buwis na ito.
25770  LUK 18:13  Ngunit ang maniningil ng buwis, na nakatayo sa di-kalayuan, ayaw man lang tumingin sa langit, ngunit dinadagukan niya ang kaniyang dibdib, sinasabi, 'Diyos, kaawaan mo ako, na isang makasalanan.'
25816  LUK 19:16  Ang una ay lumapit sa kaniyang harapan, sinasabi, 'Panginoon, ang iyong mina ay nadagdagan pa ng sampung mina.'
25817  LUK 19:17  Sinabi ng maharlika sa kaniya, 'Magaling, mabuting lingkod. Dahil ikaw ay naging tapat sa kakaunti, ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa sampung lungsod.'
25820  LUK 19:20  At dumating ang isa pa, sinasabi, 'Panginoon, narito ang iyong mina, na maingat kong itinago sa isang tela,
25825  LUK 19:25  Sinabi nila sa kaniya, 'Panginoon, mayroon siyang sampung mina.'
26676  JHN 12:27  Ang aking kaluluwa ay nababagabag ngayon, “Ano ang aking sasabihin? 'Ama, iligtas mo ako sa oras na ito'? Subalit dahil dito, naparito ako sa oras na ito.
27779  ACT 22:7  Natumba ako sa lupa at nakarinig ng tinig na nagsabi sa akin, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?'
27782  ACT 22:10  Sinabi ko, 'Panginoon, ano ang dapat kong gawin?' Sinabi ng Panginoon sa akin, 'Tumayo ka at magtungo sa Damasco; doon sasabihin sa iyo ang lahat ng iyong gagawin.'
27791  ACT 22:19  Sinabi ko, 'Panginoon, sila mismo ang nakakaalam na ako ay nagpabilanggo at nagparusa ng mga sumampalataya sa iyo sa bawat sinagoga.
27905  ACT 26:14  Nang bumagsak kaming lahat sa lupa, nakarinig ako ng tinig na nagsasalita sa akin na nag sabi sa wikang Hebreo, 'Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Mahirap para sayo na sumipa sa matulis na tungkod.'