Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   Word-Word    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

9  GEN 1:9  Sinabi ng Diyos, “Hayaang ang katubigang nasa ilalim ng langit ay sama-samang magtipon sa isang lugar, at hayaang lumitaw ang tuyong lupain.” At nagkagayon nga.
29  GEN 1:29  Sinabi ng Diyos, “Tingnan ninyo, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagbibigay ng buto na nasa ibabaw ng buong mundo, at bawat punong-kahoy kasama ang bungang may buto sa loob nito. Sila ay magiging pagkain ninyo.
40  GEN 2:9  Mula sa lupa Pinatubo ni Yahweh na Diyos ang bawat punong kaaya-aya sa paningin at mabuti para sa pagkain. Kasama rito ang puno ng buhay na nasa gitna ng hardin, at ang puno ng kaalaman ng mabuti at masama.
45  GEN 2:14  Ang pangalan ng pangatlong ilog ay Tigris, na umaagos sa silangan ng Asshur. Ang pang-apat na ilog ay ang Eufrates.
55  GEN 2:24  Kaya iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, makikipag-isa siya sa kanyang asawa, at sila ay magiging isang laman.
62  GEN 3:6  At nang nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao, kumuha siya ng bunga nito at kinain ito. At binigyan niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain niya ito.
63  GEN 3:7  Parehong nabuksan ang kanilang mga mata, at nalaman nilang sila ay hubad. Pinagsama-sama nilang tinahi ang mga dahon ng igos at gumawa ng mga pantakip para sa kanilang mga sarili.
64  GEN 3:8  Narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos na naglalakad sa hardin sa kalamigan ng araw, kaya ang lalaki at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa presensya ni Yahweh na Diyos sa mga punong-kahoy ng hardin.
87  GEN 4:7  Kung gagawin mo ang tama, hindi ka ba tatanggapin? Pero kung hindi mo ginagawa ang tama, ang kasalanan ay nag-aabang sa pinto at ninanais na mamahala sa iyo, subalit dapat mo itong pamunuan.”
92  GEN 4:12  Kapag ikaw ay magbubungkal ng lupa, mula ngayon hindi na nito isusuko sa iyo ang kanyang lakas. Magiging palaboy at pagala-gala ka sa mundo.”
94  GEN 4:14  Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako.”
107  GEN 5:1  Ito ang talaan ng mga kaapu-apuhan ni Adan. Sa araw na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, ginawa niya sila ayon sa kanyang wangis.
140  GEN 6:2  na nakita ng mga anak na lalaki ng Diyos na kaakit-akit ang mga anak na babae ng sangkatauhan. Kumuha sila ng mga asawa para sa kanilang sarili, kahit sino sa kanila na mapili nila.
167  GEN 7:7  Si Noe, ang kanyang mga anak na lalaki, ang kanyang asawa, at ang mga asawa ng kanyang mga anak na lalaki ay sama-samang pumasok sa arka dahil sa mga tubig ng baha.
171  GEN 7:11  Sa ika-anim na raang taon ng buhay ni Noe, sa pangalawang buwan sa ikalabimpitong araw ng buwan, sa parehong araw, ang lahat ng mga bukal ng kailaliman ay sumambulat, at ang mga bintana ng langit ay nabuksan.
185  GEN 8:1  Isinaalang-alang ng Diyos si Noe, lahat ng mga mababangis na hayop, at lahat ng alagang mga hayop na kasama niya sa arka. Ginawa ng Diyos na umihip ang isang hangin sa ibabaw ng mundo, at nagsimulang humupa ang tubig.
197  GEN 8:13  Nangyari na sa ika-anim na raan at isang taon, sa unang buwan, sa unang araw ng buwan, na natuyo na ang mga tubig mula sa mundo. Inalis ni Noe ang takip ng arka, tumingin sa labas, at masdan, nakita niya ang ibabaw ng lupa ay tuyo na.
205  GEN 8:21  Naamoy ni Yahweh ang kaaya-ayang halimuyak at sinabi niya sa kanyang puso, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa sangkatauhan, kahit na ang ninanais ng kanilang mga puso ay masama mula sa pagkabata. Ni muli kong wawasakin ang lahat ng may buhay, tulad nang ginawa ko.
206  GEN 8:22  Habang ang mundo ay nananatili, ang panahon ng pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi ay hindi hihinto.”
214  GEN 9:8  At nakipag-usap ang Diyos kay Noe at sa kanyang mga anak na kasama niya, sinabing,
215  GEN 9:9  “Samantala ako, makinig kayo! Itatatag ko ang kasunduan sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhang susunod sa inyo,
222  GEN 9:16  Ang bahag-hari ay mapapaloob sa mga ulap at makikita ko ito, upang gunitain ang walang hangang kasunduan sa pagitan ng Diyos at bawat nabubuhay na nilalang ng lahat ng laman na nasa mundo.”
236  GEN 10:1  Ito ang mga kaapu-apuhan ng mga anak na lalaki ni Noe, iyon ay, sina Sem, Ham at Jafet. Nagkaanak sila ng mga lalaki pagkatapos ng baha.
240  GEN 10:5  Mula sa mga ito humiwalay ang mga taong taga baybay-dagat at umalis papunta sa kani-kanilang mga lupain, bawat isa ay may sariling wika, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa kanilang mga bansa.
243  GEN 10:8  Si Cus ang naging ama ni Nimrod, ang naging kauna-unahang manlulupig sa mundo.
271  GEN 11:4  Sinabi nila, “Halikayo, magtayo tayo ng isang lungsod at isang tore para sa atin kung saan ang tuktok ay aabot hanggang langit, at gumawa tayo ng pangalan para sa ating mga sarili. Kung hindi natin gagawin ito, magkakawatak-watak tayo sa buong mundo.”
272  GEN 11:5  Kaya bumaba si Yahweh para tingnan ang lungsod at ang toreng itinayo ng mga kaapu-apuhan ni Adan.
277  GEN 11:10  Ito ang mga kaapu-apuhan ni Sem. Si Sem ay isandaang taong gulang, at naging ama ni Arfaxad dalawang taon matapos ang baha.
294  GEN 11:27  Ngayon ito ang mga kaapu-apuhan ni Terah. Si Terah ay naging ama nina Abram, Nahor, at Haran, at si Haran ay naging ama ni Lot.
298  GEN 11:31  Kinuha ni Terah ang anak niyang si Abram, si Lot na anak ng kaniyang anak na si Haran, Sarai na kaniyang manugang, asawa ng kaniyang anak na si Abram, at sama-sama nilang iniwan ang Ur ng mga Caldeo, para pumunta sa lupain ng Canaan. Pero sila ay dumating sa Haran at nanatili roon.
304  GEN 12:5  Isinama ni Abram si Sarai, na kaniyang asawa, si Lot, na anak na lalaki ng kaniyang kapatid, lahat ng mga ari-arian na kanilang naipon, at mga nakuha nilang mga tauhan sa Haran. Umalis sila patungo sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupain ng Canaan.
311  GEN 12:12  Kapag nakita ka ng mga taga-Ehipto sasabihin nilang, 'Ito ay kaniyang asawa,' at ako ay papatayin nila, pero hahayaan ka nilang mabuhay.
313  GEN 12:14  Nang papasok na si Abram sa Ehipto, nakita ng mga taga-Ehipto na napakaganda ni Sarai.
315  GEN 12:16  Pinakitunguhan nang mabuti ni Paraon si Abram alang-alang sa kaniya, at binigyan siya ng mga tupa, mga baka, mga lalaking asno, mga lalaki at babaeng lingkod, mga babaeng asno, at mga kamelyo.
325  GEN 13:6  Dahil ang kanilang mga ari-arian ay napakarami, hindi na kayang tugunan ng lupain ang kanilang pangangailangan na manirahang magkasama, kaya hindi na sila maaaring magsama.
334  GEN 13:15  Lahat ng lupaing ito na nakikita mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan magpakailanman.
335  GEN 13:16  At gagawin kong kasindami ng alikabok sa lupa ang iyong mga kaapu-apuhan, kaya kung mabibilang ng isang tao ang alikabok ng mundo, sa gayon ay mabibilang din ang mga kaapu-apuhan mo.
340  GEN 14:3  Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin).
341  GEN 14:4  Labindalawang taon silang nanilbihan kay Kedorlaomer, pero naghimagsik sila sa ika-labintatlong taon.
350  GEN 14:13  Pumunta at nagsalaysay ang isang nakatakas kay Abram na Hebreo. Naninirahan siya sa may mga kakahuyan na pagmamay-ari ni Mamre, na Amoreo, kapatid nina Escol at Aner, na pawang mga kakampi ni Abram.
353  GEN 14:16  Pagkatapos dinala niya ang lahat ng mga ari-arian, at dinala rin niya ang kaniyang kamag-anak na si Lot at ang kaniyang mga kagamitan, pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao.
374  GEN 15:13  Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Abram, “Alamin mong tiyak na ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging dayuhan sa lupaing hindi kanila, at sila ay gagawing alipin at aapihin sa loob ng apatnaraang taon.
379  GEN 15:18  Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
386  GEN 16:4  Kaya nagkaroon siya ng kaugnayan kay Agar, at nabuntis siya. At nang makita niyang nabuntis siya, tiningnan niya ng may pag-aalipusta ang kaniyang among babae.
392  GEN 16:10  Pagkatapos sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan para maging napakarami nila para bilangin.
406  GEN 17:8  Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.”
407  GEN 17:9  Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, “Para sayo, dapat mong ingatan ang aking tipan, ikaw at ang susunod mong kaapu-apuhan hanggang sa kanilang buong salinlahi.
408  GEN 17:10  Ito ang aking tipan sa pagitan ko at sa pagitan mo at sa susunod mong mga kaapu-apuhan na dapat mong ingatan: Lahat ng lalaki sa inyo ay dapat matuli.
417  GEN 17:19  Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan.
420  GEN 17:22  Nang siya ay tapos ng makipag-usap sa kanya, umakyat ang Diyos mula kay Abraham.
431  GEN 18:6  Pagkatapos dali-daling pumunta si Abraham sa tolda ni Sarah at sinabi, “Bilisan mo, magdala ka ng tatlong takal ng harina, masahin mo ito, at gawing tinapay.”
449  GEN 18:24  Marahil mayroong limampung matuwid sa loob ng lungsod. Lilipulin niyo ba ito at hindi ililigtas ang lugar alang-alang sa kapakanan ng limampung matuwid na naroon?
452  GEN 18:27  Sumagot si Abraham at sinabi, “Tingnan mo ang aking ginawa, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon, kahit na alikabok at abo lamang ako!
454  GEN 18:29  Muli siyang nakipag-usap sa kanya at sinabing, “Paano kung apatnapu ang makita roon? Sumagot siya, “Alang-alang sa apatnapu, hindi ko ito gagawin.”
456  GEN 18:31  Sinabi niya, “Tingnan mo, nangahas akong makipag-usap sa aking Panginoon! Marahil dalawampu ang makita roon.” Tumugon siya, “Hindi ko ito gagawin alang-alang sa dalawampu.”
457  GEN 18:32  Sinabi niya, “Pakiusap, huwag kayong magalit, Panginoon, sasabihin ko ito sa huling pagkakataon. Marahil sampu ang makita roon.” At sinabi niya, “Hindi ko ito wawasakin alang-alang sa sampung natira.”
458  GEN 18:33  Nagtungo na si Yahweh sa kaniyang paroroonan matapos siyang makipag-usap kay Abraham, at bumalik na si Abraham sa kanyang tahanan.
466  GEN 19:8  Tingnan ninyo, narito ang aking dalawang anak na babae na hindi pa nasisipingan ng sinumang lalaki. Hayaan ninyo, nakikiusap ako, na dalhin ko sila sa inyo at gawin ninyo sa kanila ang katanggap-tanggap sa inyong mga mata. Huwag lang dito sa mga lalaking ito dahil sila ay nasa loob ng aking pamamahay.”
473  GEN 19:15  Nang mag-uumaga na, inudyakan ng mga anghel si Lot at sinabi, “Umalis ka na, kunin mo ang iyong asawa at dalawang anak na babae na narito, para hindi kayo maisama sa kaparusahan ng lungsod.”
474  GEN 19:16  Pero nag-alinlangan siya. Kaya hinawakan ng mga lalaki ang kanyang kamay, at ang kamay ng kanyang asawa, at mga kamay ng kanyang dalawang anak na babae, dahil mahabagin si Yahweh sa kanya. Sila ay inilabas nila, at dinala sa labas ng lungsod.
477  GEN 19:19  Ang inyong lingkod ay nakatanggap ng pabor sa inyong paningin at pinakitaan ninyo kami ng dakilang kagandahang-loob sa pagligtas sa aking buhay, pero hindi ako makakatakas sa mga bundok dahil aabutan din ako ng sakuna at mamamatay ako..
490  GEN 19:32  Halika ating painumin ng alak ang ating ama at sisipingan natin siya para mapalawig natin ang kaapu-apuhan ng ating ama.
509  GEN 20:13  Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na “'Kapatid ko siya.''''
526  GEN 21:12  Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, “Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki, at dahil sa iyong babaeng lingkod. Pakinggan mo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa bagay na ito, dahil sa pamamagitan ni Isaac makikilala ang mga kaapu-apuhan mo.
528  GEN 21:14  Maagang bumangon si Abraham, kumuha siya ng tinapay at isang lalagyang tubig at nilagay ito sa balikat ni Agar. Dinala niya ang batang lalaki sa kanya at pinaalis siya. Umalis siya at nagpagala-gala sa ilang na lugar ng Beer-seba.
550  GEN 22:2  Pagkatapos sinabi ng Diyos, “Kunin mo ang iyong anak, ang kaisa-isa mong anak, na iyong minamahal, si Isaac, at pumunta ka sa lupain ng Moria. Ialay mo siya roon bilang handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na ituturo ko sa iyo.”
560  GEN 22:12  Sinabi niya, “Huwag mong pagbuhatan ng kamay, ni gumawa ng anuman para saktan siya, sapagkat ngayon alam kong may takot ka sa Diyos, nakikita kong hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac sa akin.
564  GEN 22:16  at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak,
565  GEN 22:17  tiyak na pagpapalain kita at labis kong pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng bituin sa kalangitan, at gaya ng buhangin sa dalampasigan; at aangkinin ng iyong mga kaapu-apuhan ang tarangkahan ng kanilang mga kaaway.
575  GEN 23:3  Pagkatapos, tumayo si Abraham at umalis mula sa namatay niyang asawa, at nakipag-usap sa mga anak na lalaki ni Het, na nagsabing,
576  GEN 23:4  “Ako ay isang dayuhan sa inyo. Pakiusap bigyan ninyo ako ng isang ari-arian para gawing libingan dito, para mailibing ko ang aking patay.”
580  GEN 23:8  Nagsalita siya sa kanila, na nagsabing, “Kung sumasang-ayon kayo na dapat kong ilibing ang aking patay, dinggin ninyo ako at pakiusapan si Efron na anak ni Zohar, para sa akin.
581  GEN 23:9  Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan.”
592  GEN 23:20  Kaya ang bukid at ang kuwebang naroon ay naipasa kay Abraham mula sa mga anak ni Het bilang ari-arian upang gawing libingan.
594  GEN 24:2  Sinabi ni Abraham sa kanyang lingkod, ang pinakamatanda sa kanyang sambahayan, ang kaniyang katiwala sa lahat ng pag-aari niya, “Ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita
614  GEN 24:22  Nang natapos sa pag-inom ang mga kamelyo, inilabas ng lalaki ang isang gintong singsing sa ilong na tumitimbang ng kalahating siklo, at dalawang gintong pulseras para sa kanyang mga braso na tumitimbang ng sampung siklo
619  GEN 24:27  Sinabi niya, “Pagpalain si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, na hindi pinabayaan ang kanyang tipan ng katapatan at kanyang pagiging mapagkakatiwalaan patungo sa aking amo. Para sa akin, tuwiran akong pinangunahan ni Yahweh sa bahay ng mga kamag-anak ng aking amo.”
628  GEN 24:36  Si Sara, ang asawa ng aking amo, ay nagsilang ng isang anak na lalaki sa aking amo nang siya ay matanda na, at ibinigay niya ang lahat ng kanyang mga aria-arian sa kanya.
632  GEN 24:40  Ngunit sinabi niya sa akin, 'Si Yahweh, na aking sinusunod, ay magpapadala ng kanyang anghel na makakasama mo at siya ay papatnubayan ang landas mo, upang makakakuha ka ng isang asawa para sa aking anak mula sa aking mga kamag-anak at mula sa linya na pamilya ng aking ama.
633  GEN 24:41  Ngunit magiging malaya ka lamang mula sa aking tagubilin kung darating ka sa aking mga kamag-anak at hindi nila siya ibibigay sa iyo. Sa gayon magiging malaya ka mula sa aking kasunduan.'
640  GEN 24:48  Pagkatapos lumuhod ako at sinamba si Yahweh, at pinagpala si Yahweh, ang Diyos ng aking among si Abraham, ang siyang nanguna sa akin sa tamang landas upang matagpuan ang babaing anak ng kamag-anak ng aking amo para sa kanyang anak.
652  GEN 24:60  Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.”
662  GEN 25:3  Si Jokshan ay naging ama nina Sheba at Dedan. Ang mga kaapu-apuhan ni Dedan ay ang lahi ng Assyria, ang lahi ng Letush at ang lahi ng Leum.
663  GEN 25:4  Ang mga anak na lalaki ni Midian ay sina Ephah, Epher Hanoch, Abida at si Eldaah. Lahat ng mga ito ay mga kaapu-apuhan ni Keturah.
664  GEN 25:5  Ibinigay ni Abraham ang lahat ng kanyang pag-aari kay Isaac.
667  GEN 25:8  Inihinga ni Abraham ang kanyang huli at namatay sa isang kalugud-lugud na katandaan, isang matandang lalaking puno ng buhay. At siya ay natipon sa kanyang bayan.
671  GEN 25:12  Ngayon ang mga ito ay ang mga kaapu-apuhan ni Ismael, na anak na lalaki ni Abraham, kay Hagar na taga Ehipto, na lingkod ni Sara, nagsilang mula kay Abraham.
672  GEN 25:13  Ang mga ito ay ang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Ismael, ayon sa pagkakasunud-sunud ng kapanganakan: Nebayot—ang panganay ni Ismael, Kedar, Abdeel, Mibsam,
697  GEN 26:4  Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat na mga lupaing ito. Sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain.
706  GEN 26:13  Naging mayaman siya, at lumago ng higit-higit pa hanggang siya ay naging napakadakila.
708  GEN 26:15  Ngayon ang lahat ng mga balon na hinukay ng mga lingkod ng kanyang ama sa panahon ni Abraham, na hininto ng mga Palestina sa pamamagitan ng pag-tambak ng lupa.
713  GEN 26:20  Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi “Ang tubig na ito ay sa amin.” Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon na “Esek,” dahil nakipag-away sila sa kanya.
714  GEN 26:21  Pagkatapos naghukay sila ng isa pang balon, at nag-away rin sila nito, kaya binigyan niya ito ng pangalang “Sitnah.”
715  GEN 26:22  Umalis siya doon at naghukay muli ng isa pang balon, subalit hindi na nila pinag-awayan ang isang iyon. Kaya tinawag niya itong Rehobot, at sinabi niya, “Ngayon ay gumawa si Yahweh ng kaluwagan sa amin, at tayo ay sasagana sa lupa.”
717  GEN 26:24  Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
726  GEN 26:33  Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito.
780  GEN 28:6  Ngayon nakita ni Esau na pinagpala ni Isaac si Jacob at pinapunta siya sa Paddan-aram para kumuha ng asawa roon. Nakita rin niya na pinagpala siya ni Isaac at binigyan siya ng utos, na nagsasabing, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihan ng Canaan.”
784  GEN 28:10  Nilisan ni Jacob ang Beer-seba at nagpunta sa Haran.
786  GEN 28:12  Siya ay nanaginip at nakakita ng hagdanang itinayo sa mundo. Ang tuktok nito ay umaabot sa langit at ang mga anghel ng Diyos ay akyat-panaog doon.
788  GEN 28:14  Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain.