5 | GEN 1:5 | Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw. |
8 | GEN 1:8 | Tinawag ng Diyos ang puwang na “langit.” Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw. |
13 | GEN 1:13 | Naggabi at nag-umaga, ito ang ikatlong araw. |
19 | GEN 1:19 | Naggabi at nag-umaga, ito ang ikaapat na araw. |
23 | GEN 1:23 | Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalimang araw. |
31 | GEN 1:31 | Nakita ng Diyos ang lahat ng bagay na kanyang ginawa. Pagmasdan, ito ay napakabuti. Naggabi at nag-umaga, ito ang ika anim araw. |
169 | GEN 7:9 | dala-dalawa, lalaki at babae, ang pumunta kay Noe at pumasok sa arka, ayon sa iniutos ng Diyos kay Noe. |
206 | GEN 8:22 | Habang ang mundo ay nananatili, ang panahon ng pagtatanim at pag-aani, lamig at init, tag-araw at tagginaw, at ang araw at gabi ay hindi hihinto.” |
300 | GEN 12:1 | Ngayon sinabi ni Yahweh kay Abram, “Humayo ka mula sa iyong bansa, at mula sa iyong mga kamag-anak, at mula sa sambahayan ng iyong ama, sa lupaing ipakikita ko sa iyo. |
335 | GEN 13:16 | At gagawin kong kasindami ng alikabok sa lupa ang iyong mga kaapu-apuhan, kaya kung mabibilang ng isang tao ang alikabok ng mundo, sa gayon ay mabibilang din ang mga kaapu-apuhan mo. |
342 | GEN 14:5 | Pagkatapos sa ikalabing apat na taon, dumating at nilusob nina Kedorlaomer at ng mga haring kasama niya ang mga Refaita sa Astarot Karnaim, ang mga Zuzita sa Ham, ang mga Emita sa Save-Kiryatam, |
351 | GEN 14:14 | Ngayon nang marinig ni Abram na nabihag ng mga kaaway ang kaniyang kamag-anak, pinangunahan niya ang kaniyang tatlong daan at labing walong sinanay na tauhan, na ipinanganak sa kaniyang sambahayan, at tinugis niya sila hanggang sa Dan. |
353 | GEN 14:16 | Pagkatapos dinala niya ang lahat ng mga ari-arian, at dinala rin niya ang kaniyang kamag-anak na si Lot at ang kaniyang mga kagamitan, pati na rin ang mga kababaihan at ang iba pang mga tao. |
383 | GEN 16:1 | Ngayon si Sarai, asawa ni Abram, ay hindi nagkaanak sa kaniya, pero mayroon siyang babaeng lingkod, taga-Ehipto, na ang pangalan ay Agar. |
385 | GEN 16:3 | Iyon ay matapos na si Abram ay nanirahan ng sampung taon sa lupain ng Canaan nang ibinigay ni Sarai, asawa ni Abram, si Agar, na kaniyang lingkod na taga-Ehipto, sa kaniyang asawa bilang asawa. |
405 | GEN 17:7 | Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan. |
406 | GEN 17:8 | Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.” |
523 | GEN 21:9 | Nakita ni Sara na nangungutya ang anak ni Agar na taga-Ehipto, na isinilang niya kay Abraham. |
545 | GEN 21:31 | Kaya tinawag niya ang lugar na iyong Beer-seba, dahil doon sila kapwa nagsumpaan ng isang kasunduan. |
546 | GEN 21:32 | Gumawa sila ng isang kasunduan sa Beer-seba, at pagkatapos bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo. |
567 | GEN 22:19 | Kaya bumalik si Abraham sa kanyang mga tauhan, at umalis sila at magkakasamang pumunta sa Beer-seba, at nanirahan siya sa Beer-seba. |
581 | GEN 23:9 | Pakiusapan ninyo siyang ipagbili sa akin ang kuweba ng Makpela, na kanyang pagmamay-ari, na nasa dulo ng kanyang bukid. Para sa buong halaga hayaan niyang ipagbili ito sa akin nang hayagan bilang ari-arian para gawing libingan.” |
596 | GEN 24:4 | Ngunit pumunta ka sa aking bansa, at sa aking mga kamag-anak, at kumuha ng isang asawa para sa aking anak na si Isaac.” |
599 | GEN 24:7 | Si Yahweh, ang Diyos ng langit, na kumuha sa akin mula sa tahanan ng aking ama at mula sa lupain ng aking mga kamag-anak, siya na taimtim na nangako sa aking, 'Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong supling,' ipapadala niya ang kanyang anghel para manguna sa iyo, at kukuha ka ng asawa para sa aking anak mula roon. |
630 | GEN 24:38 | Sa halip, dapat kang pumunta sa pamilya ng aking ama, at sa aking mga kamag-anak, at kumaha ng isang asawa para sa aking anak.' |
679 | GEN 25:20 | Si Isaac ay apatnapung taong gulang nang mapangasawa niya si Rebeca, na anak na babae ni Bethuel ang Arameo ng Padan-aram, ang kapatid na babae ni Laban na Arameo. |
696 | GEN 26:3 | Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama. |
717 | GEN 26:24 | Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.” |
727 | GEN 26:34 | Nang si Esau ay apatnapung taong gulang na, siya ay nag-asawa, si Judit ang anak ni Beeri na mga anak ni Heth, at saka si Basemat ang anak na babae ni Elon na mga anak ni Heth. |
776 | GEN 28:2 | Tumayo ka, pumunta ka sa Paddan-aram, sa bahay ni Bethuel na ama ng iyong ina, at kumuha ka ng asawa mula roon, sa isa sa mga anak ni Laban, na kapatid ng iyong ina. |
778 | GEN 28:4 | Ibigay niya nawa sa iyo ang pagpapala ni Abraham, sa iyo, at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, para manahin mo ang lupain kung saan ka naninirahan, na ibinigay ng Diyos kay Abraham.” |
779 | GEN 28:5 | Kaya pinaalis ni Isaac si Jacob. Pumunta si Jacob sa Paddan-aram, kay Laban na anak ni Bethuel na Aramean, kapatid ni Rebeca na ina nina Esau at Jacob. |
788 | GEN 28:14 | Ang iyong mga kaapu-apuhan ay magiging tulad ng alikabok sa mundo, at ikaw ay kakalat sa kanluran, sa silangan, sa hilaga, at sa timog. Sa iyo at iyong mga kaapu-apuhan, ang lahat ng mga pamilya sa mundo ay pagpapalain. |
877 | GEN 31:3 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Jacob, “Bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninuno at sa iyong mga kamag-anak, at ako'y makakasama mo.” |
892 | GEN 31:18 | Pinauna niya ang kanyang mga alagang hayop, kasabay ng lahat ng kanyang mga ari-arian, pati na ang mga alagang hayop na nakuha niya sa Paddan Aram. Pagkatapos humayo siya patungo sa lupain ng Canaan sa kanyang amang si Isaac. |
906 | GEN 31:32 | Kung sino man ang nagnakaw ng iyong mga diyos-diyosan ay hindi na patuloy na mabubuhay. Sa harap ng ating mga kamag-anak, alamin mo kung anong mayroon sa akin ang sa iyo at kunin mo.” Pagkat hindi alam ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw sa mga iyon. |
911 | GEN 31:37 | Hinanapan mo na ang lahat ng aking ari-arian. Anong natagpuan mong iyong mga pansambahayang bagay? Ilagay ang mga iyon dito sa harap ng ating mga kamag-anak, upang humatol sila sa pagitan nating dalawa. |
920 | GEN 31:46 | Sinabi ni Jacob sa kanyang mga kamag-anak, “Magtipon kayo ng mga bato.” Kaya kumuha sila ng mga bato at gumawa ng isang tumpok. Pagkatapos doon sila kumain sa may tumpok. |
921 | GEN 31:47 | Tinawag ni Laban itong Jegar-sahaduta, ngunit tinawag ni Jacob itong Galeed. |
949 | GEN 32:21 | Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, “Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako.” |
1047 | GEN 36:6 | Dinala ni Esau ang kanyang mga asawa, mga anak na lalaki, mga anak na babae, lahat ng mga kabilang sa kanyang sambahayan, kanyang mga alagang hayop—lahat ng kanyang mga hayop, at lahat ng kanyang mga ari-arian, na tinipon niya sa lupain ng Canaan, at pumunta sa lupaing malayo sa kanyang kapatid na si Jacob. |
1151 | GEN 39:1 | Dinala si Jose pababa sa Ehipto. Binili siya ni Potipar, na isang opisyal at kapitan ng mga bantay ni Paraon at isang taga-Ehipto, mula sa mga Ismaelita, na nagdala sa kanya doon. |
1155 | GEN 39:5 | Dumating ang panahon na ginawa siyang tagapangasiwa ng kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pagmamay-ari, kaya pinagpala ni Yahweh ang buong bahay ng taga-Ehipto dahil kay Jose. Ang pagpapala ni Yahweh ay nasa lahat ng bagay na pagmamay-ari ni Potipar sa kanyang bahay at sa kanyang bukid. |
1189 | GEN 40:16 | Nang makita ng punong panadero na ang paliwanag ay kaaya-aya, sinabi niya kay Jose, “Nagkaroon din ako ng panaginip at narito, tatlong mga sisidlan ng tinapay ang nasa aking ulo. |
1280 | GEN 42:27 | Habang ang isa sa kanila ay nagbubukas ng kanyang sako para ipakain sa kanyang asno sa isang lugar-panuluyan, nakita niya ang kanyang pera. At narito, nasa bukana ito ng kanyang sako. |
1302 | GEN 43:11 | Sinabi ng kanilang ama na si Israel, “Kung ganoon, gawin ninyo ito ngayon. Kumuha kayo ng mga pinaka magandang produkto sa ating lupain sa inyong mga sisidlan. Magdala kayo ng regalo sa taong iyon: tulad ng balsamo at pulot-pukyutan, pabango at mirra, pili at almendra. |
1353 | GEN 44:28 | At ang isa ay nawala mula sa akin at sinabi ko. “Talaga ngang siya ay nagkapira-piraso, at hindi ko na siya nakita mula noon.” |
1379 | GEN 45:20 | Huwag na kayong mag-alala tungkol sa inyong mga ari-arian, sapagkat sa inyo na ang kasaganahan ng lahat ng lupain sa Ehipto.'” |
1413 | GEN 46:26 | Lahat ng mga taong dumating kasama ni Jacob sa Ehipto na kanyang mga kapu-apuhan, bukod sa kanyang mga manugang na babae ay animnapu't anim lahat. |
1422 | GEN 47:1 | Pagkatapos pumasok si Jose at sinabi sa Paraon, “Ang aking ama at ang aking mga kapatid na lalaki, ang kanilang mga hayop, ang kanilang mga alagang kawan, at ang lahat ng kanilang pagmamay-ari, ay dumating na galing sa lupain ng Canaan. Tingnan mo, sila ay nasa lupain na ng Gosen. |
1511 | GEN 50:4 | Nang matapos ang mga araw ng pag-iyak, nakipag-usap si Jose sa hukuman ng Paraon at sinabing, “Kung ngayon may nahanap akong pabor sa iyong mga mata, pakiusap, kausapin mo si Paraon, sabihing, |
1518 | GEN 50:11 | Nang nakita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang pagluluksa sa giikan ni Atad, kanilang sinabi, “Ito ay isang napakalungkot na pagluluksa ng mga Ehipto.” Kaya ang pangalang itinawag sa lugar na iyon ay Abel-Mizraim, na nasa kabilang dako ng Jordan. |
1545 | EXO 1:12 | Habang inaapi sila ng mga taga-Ehipto, mas dumarami ang bilang ng mga Israelita at kumakalat. Kaya sinimulan ng mga taga-Ehipto para mangamba ang mga Israelita. |
1601 | EXO 3:21 | Bibigyan ko ang mga taong ito ng pabor mula sa mga taga-Ehipto, kaya sa pag-alis ninyo, hindi kayo aalis na walang dala. |
1661 | EXO 6:5 | Dagdag pa doon, narinig ko ang mga daing ng mga Israelita na siyang inalipin ng mga taga-Ehipto, at inalala ko ang aking tipan sa kanila. |
1662 | EXO 6:6 | Kaya, sabihin sa mga Israelita, 'Ako si Yahweh. Dadalhin ko kayo palabas mula sa pagkaalipin sa ilalim ng mga taga-Ehipto, at palalayain ko kayo mula sa kanilang kapangyarihan. Kayo ay aking ililigtas sa pagpapakita ng aking kapangyarihan, at makapangyarihang mga gawa ng paghatol. |
1689 | EXO 7:3 | Pero patitigasin ko ang puso ni Paraon, at magpapakita ako ng maraming palatandaan ng aking kapangyarihan, maraming kamangha-mangha, sa lupain ng Ehipto. |
1737 | EXO 8:22 | Sinabi ni Moises, “Hindi tama sa amin na gawin iyan, dahil ang mga handog na aming ginagawa para kay Yahweh na aming Diyos ay karumal-dumal para sa mga taga Ehipto. Kapag gumawa kami ng pag-aalay na karumal-dumal sa paningin ng mga taga-Ehipto, hindi ba nila kami babatuhin? |
1814 | EXO 11:7 | Pero kahit hindi tumahol ang isang aso laban sa alinmang taga-Israel, sinuman laban sa tao o hayop. Sa ganitong paraan malalaman ninyo ang pagkakaiba ng pagtrato ko sa mga taga-Ehipto at sa mga Israelita.' |
1915 | EXO 14:25 | Ang gulong ng kanilang mga karwahe ay nabaon, at ang mga nangangabayo ay nahirapang magpatakbo. Kaya sinabi ng mga taga-Ehipto, “Tumakas na tayo mula sa Israel, dahil si Yahweh ay lumalaban para sa kanila laban sa atin. |
1916 | EXO 14:26 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat para ang tubig ay bumalik sa mga taga-Ehipto, kanilang mga karwahe at sa kanilang mga nangangabayo. |
1920 | EXO 14:30 | Iniligtas ni Yahweh ang Israel sa araw na iyon sa kamay ng mga taga-Ehipto, at nakita ng Israel ang mga patay na mga taga-Ehipto sa dalampasigan. |
1921 | EXO 14:31 | Nang makita ng Israel ang kapangyarihan ni Yahweh na ginamit laban sa mga taga-Ehipto, pinarangalan ng mga tao si Yahweh, at sila ay nagtiwala kay Yahweh at sa kaniyang lingkod na si Moises. |
1947 | EXO 15:26 | Sinabi niya, “Kung papakinggan ninyong mabuti ang tinig ni Yahweh na inyong Diyos, at gagawin kung ano ang tama sa aking mga mata, at kung makikinig kayo sa mga kautusan ko at susundin ang lahat ng mga batas ko—hindi ako maglalagay sa inyo ng anumang mga sakit na inilagay ko sa mga taga-Ehipto, dahil ako ay si Yahweh na nagpapagaling sa inyo.” |
2021 | EXO 18:21 | At saka, dapat pumili ka ng mga lalaking bihasa mula sa lahat ng mga tao, mga lalaking may takot sa Diyos, mga lalaking mapagpatotoo na napopoot sa hindi makatarungan. Dapat ilagay mo sila sa mga tao para maging mga pinuno na nangangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu at sampu-sampo. |
2025 | EXO 18:25 | Pinili ni Moises ang mga lalaking bihasa mula sa lahat ng Israel at ginawa silang mga pinuno ng mga taong, tagapangasiwa sa libu-libo, daan-daan, lima-limampu, at sampu-sampo. |
2031 | EXO 19:4 | Nakita mo ang aking ginawa sa mga taga-Ehipto, kung paano ko kayo inakay sa pakpak ng agila at dinala kayo para sa akin. |
2057 | EXO 20:5 | Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin. |
2076 | EXO 20:24 | Kailangan gumawa ka ng isang makalupang altar para sa akin at kailangang ihain mo itong mga handog na susunugin, mga handog ng pagtipon-tipon, tupa at mga baka. Sa bawat lugar na kung saan pararangalan ang pangalan ko, pupuntahan at pagpapalain kita. |
2081 | EXO 21:3 | Kung dumating siyang mag-isa, aalis siyang malaya mag-isa; kung siya ay may asawa, aalis kasama niyang malaya ang kaniyang asawa. |
2114 | EXO 21:36 | Pero kung nalaman na ang baka ay may ugaling nanunuwag sa nakaraan, at hindi ito kinulong ng may-ari, dapat siguraduhin siyang magbayad ng baka para sa baka at ang namatay na hayop ay magiging kaniyang pag-aari. |
2117 | EXO 22:2 | Pero kung sumikat ang araw bago niya sinira, salang pagpatay ng tao ang ipapataw sa taong pumatay sa kaniya. Ang magnanakaw ay dapat gumawa ng pagbabayad-pinsala. Kung wala siyang pag-aari, pagkatapos dapat siyang ipagbili dahil sa kaniyang pagnanakaw. |
2118 | EXO 22:3 | Kung ang ninakaw na hayop ay natagpuang buhay sa kaniyang pag-aari, maging ito ay isang asno, o isang tupa, dapat siyang magbayad ng doble. |
2121 | EXO 22:6 | Kung magbibigay ng pera o ari-arian ang isang lalaki sa kaniyang kapitbahay para sa ligtas na pag-iingat, at kung ito ay ninakaw mula sa bahay ng lalaki, kung natagpuan ang magnanakaw, ang magnanakaw na iyon ay dapat magbayad ng doble. |
2127 | EXO 22:12 | Kung ang hayop ay nagkagutay-gutay, hayaan na dalhin ng isang tao ang hayop bilang katibayan. Hindi siya kailangang magbayad kung anuman ang nasira. |
2128 | EXO 22:13 | Kung hihiram ang isang tao ng anumang hayop mula sa kaniyang kapitbahay at ang hayop ay nasaktan o namatay na hindi ito kasama ng may-ari, ang ibang tao ay dapat siguraduhing gumawa ng pagbabayad-pinsala. |
2161 | EXO 23:16 | Dapat ipagdiwang mo ang Pista ng Pag-aani, ang unang mga bunga ng iyong pinagtrabahuhan nang nagtanim ka ng buto sa iyong bukirin. At saka dapat mong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa katapusan ng taon, kapag nalikom ninyo ang iyong inani mula sa bukirin. |
2182 | EXO 24:4 | Pagkatapos sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ni Yahweh. Umagang-umaga, nagtayo si Moses ng altar sa paanan ng bundok at inayos ang labing dalawang mga haligi na bato, kaya ang mga batong iyon ang siyang kumatawan sa labing dalawang lipi ng Israel. |
2350 | EXO 29:13 | Dapat mong kunin ang lahat ng taba na nakatakip sa mga lamang-loob, at saka kumuha ng panakip sa atay at sa dalawang lapay na may kasamang taba na nasa kanila; sunugin ang lahat ng ito sa altar. |
2354 | EXO 29:17 | Dapat mong hiwain ang lalaking tupa na pira-piraso at hugasan ang mga lamang-loob at ang mga binti, at ilagay mo ang lamang-loob, sabay ng pira-piraso at kasama ang ulo nito, |
2359 | EXO 29:22 | Dapat mong kunin ang mga lalaking tupa, ang taba ng buntot, ang taba na nakatakip sa lamang-loob, ang panakip sa atay, ang dalawang lapay, at ang kanang hita—dahil ang lalaking tupang ito ay para sa pagtatalaga sa mga pari para sa akin. |
2424 | EXO 31:3 | Pinuno ko si Bezalel ng aking Espiritu, para bigyan siya ng karunungan, pang-unawa, at kaalaman, para sa lahat ng uri ng gawain, |
2451 | EXO 32:12 | Bakit kailangang sabihin ng mga taga-Ehipto, “Pinangunahan niya sila nang may masamang layunin, para patayin sila sa mga bundok at para wasakin sila sa ibabaw ng mundo? Magbalik ka mula sa iyong nagsusumiklab na galit at mahabag ang loob mula sa kaparusahan ng iyong bayan. |
2485 | EXO 33:11 | Kinakausap ni Yahweh si Moises ng harap-harapan, tulad ng isang lalaking nakikipag-usap sa kaniyang kaibigan. Pagkatapos bumabalik si Moises sa kampo, pero ang kaniyang lingkod na si Josue anak ni Nun, isang binata, ay nananatili sa tolda. |
2503 | EXO 34:6 | Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan, |
2518 | EXO 34:21 | Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga. |
2567 | EXO 35:35 | Sila ay pinuspos niya ng kakayahan para gumawa ng lahat ng uri ng gawain, para maging taga-gawa ng sining, mga mag-uukit, tagaburda ng asul, lila at pinong lino, at bilang manghahabi. Sila ay manggagawa ng sining sa lahat ng uri ng gawain at sila ay masining na mga taga-disenyo. |
2657 | EXO 38:23 | Si Oholiab na anak na lalaki ni Ahisamach, mula sa lipi ni Dan, nagtrabaho kasama ni Bezalel bilang tagapag-ukit, bilang isang bihasang manggagawa at bilang mangbuburda ng asul, lila, matingkad na pulang lana, at pinong lino. |
2782 | LEV 3:3 | Iaalay ng lalaki ang handog kay Yahweh na isang alay para sa pagtitipon-tipon sa pamamagitan ng apoy. Ang tabang bumabalot o nakadikit sa lamang-loob, |
2788 | LEV 3:9 | Maghahandog ang lalaki ng alay ng mga handog para sa pagtitipon-tipon bilang isang handog na gawa sa pamamagitan ng apoy kay Yahweh. Aalisin ang taba, ang buong taba ng buntot hanggang sa gulugod, at ang tabang bumabalot sa lamang-loob at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob, |
2793 | LEV 3:14 | Ihahandog ng lalaki ang kaniyang alay kay Yahweh na gawa sa pamamagitan ng apoy. Aalisin niya ang tabang bumabalot sa lamang-loob, at ang lahat ng tabang malapit sa lamang-loob. |
2934 | LEV 8:16 | Kinuha niya ang lahat ng taba sa laman-loob, ang bumabalot sa atay, at ang dalawang bato at ang kanilang taba, at sinunog ni Moises ang lahat ng ito sa ibabaw ng altar. |
2943 | LEV 8:25 | Kinuha niya ang taba, ang taba ng buntot, ang lahat ng taba sa mga laman-loob, ang bumabalot sa atay at ang dalawang bato at ang kanang hita. |
2949 | LEV 8:31 | Kaya sinabi ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, “Pakuluan ninyo ang karne sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, at doon kainin ito at ang tinapay na nasa basket ng pagtatalaga, ayon sa aking ipinag-utos, na nagsasabing, 'Sina Aaron at ang kaniyang mga anak na lalaki ang kakain nito. |
2984 | LEV 10:6 | Pagkatapos sinabi ni Moises kay Aaron at kay Eleazar at kay Itamar na kaniyang mga anak na lalaki, “Huwag ninyong hayaan ang buhok sa inyong mga ulo na nakalugay, at huwag punitin ang inyong mga damit, para hindi kayo mamatay at para hindi mapoot si Yahweh sa buong kapulungan. Pero hayaan ninyo ang inyong mga kamag-anak, ang buong bahay ng Israel ang magluksa para sa mga sinunog ng apoy ni Yahweh. |
3015 | LEV 11:17 | Dapat din ninyong kasuklaman ang maliit na kuwago at ang malaking kuwago, ang maninisid-isda, |
3053 | LEV 12:8 | Kung siya ay walang kakayahang bumili ng isang tupa, kung gayon dapat siyang kumuha ng dalawang kalapati o dalawang batang batu-bato, isa bilang isang handog na susunugin at ang iba bilang isang handog para sa kasalanan, at ang pari gagawa ng pambayad ng kasalanan para sa kaniya; pagkatapos magiging malinis siya.'” |
3072 | LEV 13:19 | at sa bahagi ng pigsa ay mayroong puting pamamaga o isang malinaw na batik, namumulang-puti, kung gayon ay kailangan itong ipakita sa pari. |
3096 | LEV 13:43 | Kung gayon ay dapat siyang suriin ng pari para makita kung ang pamamaga ng maysakit na bahagi sa kanyang kalbong ulo o noo ay namumulang-puti, kagaya ng itsura ng isang nakakahawang sakit sa balat. |
3142 | LEV 14:30 | Dapat niyang ihandog ang isa sa mga kalapati o mga batu-bato, na nakayang kunin ng tao— |