8937 | 1KI 6:38 | Sa ika-labing-isang taon, sa buwan ng Bul, na ika-walong buwan, ang templo ay natapos sa lahat ng mga bahagi nito at umayon sa lahat ng mga detalye nito. Inabot ng pitong taon si Solomon para maitayo ang templo. |
9649 | 2KI 4:42 | Isang lalaking taga-Baal-salisa ang lumapit sa lingkod ng Diyos at nagdala ng labingdalawang trigong tinapay sa kaniyang sako mula sa bagong ani, at sariwang aning butil. Sinabi niya, “Ibigay mo ito sa mga tao para makakain sila.” |
10674 | 1CH 10:11 | Nang marinig ng mga taga-Jabes-Gilead ang lahat ng ginawa ng mga Filisteo kay Saul, |
12402 | NEH 5:15 | Pero ang mga dating gobernador na nauna sa akin ay nagpatong ng mabibigat na mga pasanin sa mga tao, at kinuha mula sa kanila ang apatnapung sekel ng pilak para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at alak. Kahit ang kanilang mga lingkod ay pinahirapan ang mga tao. Pero hindi ko ito ginawa dahil sa takot sa Diyos. |
12418 | NEH 6:12 | Napag-isip-isip ko na hindi ang Diyos ang nagpadala sa kanya, kundi nagpropesiya siya laban sa akin. Binayaran siya nina Tobias at Sanbalat. |
12675 | NEH 12:47 | Sa mga araw ni Zerubabel at sa mga araw ni Nehemias, lahat ng mga Israelita ay nagbigay ng kanilang pang-araw-araw na mga bahagi para sa mga mang-aawit at mga tagapagbantay ng tarangkahan. Itinabi nila ang bahagi na para sa mga Levita, at ang mga Levita ay itinabi ang bahagi para sa mga kaapu-apuhan ni Aaron. |
18401 | ISA 36:1 | Sa ika-labing-apat na taon ni Haring Hezekias, si Senaquerib, Hari ng Asiria, ay nilusob ang lahat ng pinagtibay na lungsod ng Juda at nabihag ang mga ito. |
24740 | MRK 11:31 | At sila ay nag-usap-usap at nagtalu-talo at sinabi, “Kung sasabihin nating, 'Sa langit,' sasabihin niyang, 'Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?' |
24827 | MRK 14:4 | Ngunit may ilang nagalit. Nag-usap-usap ang bawat isa at sinabi, “Ano ang dahilan sa pag-aaksayang ito? |
25226 | LUK 6:11 | Ngunit sila ay napuno ng galit, at sila ay nag-usap-usap kung ano ang maari nilang gawin kay Jesus. |
25674 | LUK 15:17 | Ngunit nang nakapag-isip-isip ang nakababatang anak, sinabi niya, 'Napakaraming mga upahang utusan ng aking ama ang may higit pa sa sapat na pagkain, at ako ay nandito, namamatay sa gutom! |
25862 | LUK 20:14 | Ngunit nang makita siya ng mga magtatanim ng ubas, nag-usap-usap sila, sinasabing, 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapunta sa atin ang kaniyang mana.' |
26432 | JHN 7:35 | Kaya nag-usap-usap ang mga Judio, “Saan papunta ang taong ito na hindi natin siya kayang hanapin? Pupunta ba siya sa Pagkakalat sa mga Griyego at tuturuan ang mga Griyego? |
26908 | JHN 19:14 | Ngayon, ito ay ang araw ng paghahanda para sa Paskwa, nang mag-iika-anim na oras. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Tingnan ninyo, narito ang inyong hari!” |
27106 | ACT 4:15 | Ngunit pagkatapos nilang utusan ang mga apostol na iwan ang pagpupulong ng konseho, nag-usap-usap sila. |
27922 | ACT 26:31 | nang umalis sila ng bulwagan, nag-usap-usap ang bawat isa at nagsabing, “Ang taong ito ay walang ginawa na ano man na karapatdapat sa kamatayan o pagkabilanggo.” |