Wildebeest analysis examples for:   tgl-tglulb   Word-Word.”    February 11, 2023 at 19:43    Script wb_pprint_html.py   by Ulf Hermjakob

306  GEN 12:7  Nagpakita si Yahweh kay Abram, at sinabing, “Ibibigay ko ang lupaing ito sa iyong mga kaapu-apuhan.” Kaya nagtayo roon si Abram ng altar para kay Yahweh, na nagpakita sa kaniya.
366  GEN 15:5  Pagkatapos siya ay dinala niya sa labas, at sinabing, “Tumingala ka sa langit, at bilangin mo ang mga bituin, kung kaya mo silang bilangin.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya,” Ganoon din karami ang iyong magiging mga kaapu-apuhan.”
991  GEN 34:10  Maninirahan kayo sa amin, at magiging bukas ang lupain para sa inyo para manirahan at makipagkalakalan, at makakuha ng ari-arian.”
1421  GEN 46:34  sabihin ninyo dapat na, 'Ang inyong mga lingkod ay tagapag-alaga ng mga hayop mula sa aming kabataan hanggang ngayon, kami at ang aming mga ninuno.' Gawin ninyo ito para kayo ay maaring manirahan sa lupain ng Gosen, dahil ang bawat pastol ay kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto.”
1602  EXO 3:22  Bawat babae ay hihingi ng pilak at gintong alahas at mga damit mula sa kapitbahay na taga-Ehipto at sinumang babaeng nanatili sa bahay ng mga kapitbahay niya. Ilalagay ninyo ang mga iyon sa inyong mga anak na lalaki at babae. Sa paraang ito ay lolooban ninyo ang mga taga-Ehipto.”
4216  NUM 16:21  “Ihiwalay ninyo ang inyong mga sarili mula sa sambayanang ito upang lipulin ko sila agad-agad.”
4240  NUM 17:10  “Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.
4277  NUM 18:19  Lahat ng dinalang handog ng banal na mga bagay na inalay ng mga tao ng Israel sa akin ay ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, sa iyong mga anak na babae bilang patuloy na bahagi. Tumatayo sila para sa isang tipan ng asin, isang umiiral na tipan magpakailanman, sa harap ko kasama mo at ng iyong mga kaapu-apuhan.”
4649  NUM 29:39  Ito ang dapat ninyong ihandog kay Yahweh sa inyong mga itinakdang pagdiriwang. Dapat ay karagdagan ang mga ito sa inyong mga panata at mga kusang handog. Dapat ihandog ninyo ang mga ito bilang inyong handog na susunugin, mga handog na butil, mga inuming handog, at handog para sa pagtitipon-tipon.”
4949  DEU 2:9  Sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag ninyong guguluhin ang Moab, at huwag kayong makikipag-away sa kanila sa labanan. Dahil hindi ko ibibibay ang kaniyang lupain sa inyo para inyong pag-arian, dahil ibinigay ko ang Ar sa mga kaapu-apuhan ni Lot, para sa kanilang pag-aari.”
7183  RUT 3:9  Sinabi niya, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako si Ruth, ang iyong babaeng lingkod. Ilatag mo ang inyong balabal sa iyong babaeng lingkod, dahil ikaw ay isang malapit na kamag-anak.”
7678  1SA 17:58  Sinabi ni Saul sa kanya, “Kaninong anak ka, binata?” At sumagot si David, “Anak ako ng iyong lingkod na si Jesse na taga-Bethlehem.”
7695  1SA 18:17  Pagkatapos sinabi ni Saul kay David, “Narito ang aking panganay na anak na babae, si Merab. Ibibigay ko siya sa iyo bilang asawa. Magpakatapang ka lamang para sa akin at lumaban sa labanan ni Yahweh.” Sapagkat inisip ni Saul, “Huwag hayaang pagbuhatan ko siya ng kamay, ngunit hayaang pagbuhatan siya ng kamay ng mga taga-Filisteo.”
8098  2SA 3:14  Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, “Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo.”
8131  2SA 4:8  Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, “Tingnan mo, ito ang ulo ni Isboset na lalaking anak ni Saul, ang iyong kaaway, na nagbabanta sa iyong buhay. Sa araw na ito pinaghigantihan ni Yahweh na ating panginoon si haring si Saul at kaniyang mga kaapu-apuhan.”
8887  1KI 5:20  Kaya ngayon utusan mo sila na magputol ng mga sedar mula sa Lebanon para sa akin. At ang aking mga lingkod ay tutulong sa iyong mga lingkod, at babayaran kita para sa iyong mga lingkod sa gayon bayad ka ng patas sa lahat ng bagay na sinang-ayunan mong gawin. Dahil alam mo na walang sinuman sa amin ang nakakaalam kung paano magputol ng troso gaya ng mga taga-Sidon.”
9545  2KI 1:8  Sumagot sila sa kaniya, “Nakasuot siya ng damit na gawa sa buhok at mayroong balat na sinturon na nakasuot sa kaniyang baywang.” Kaya sumagot ang hari, “Si Elias iyon na taga-Tisbe.”
11644  2CH 21:15  Magkakaroon ka ng malubhang sakit dahil sa isang karamdaman sa iyong bituka, hanggang sa lumabas ang iyong bituka dahil sa sakit, araw-araw.”
12829  EST 8:8  Sumulat ka ng iba pang kautusan para sa mga Judio sa pangalan ng hari, at selyuhan ito sa pamamagitan ng singsing ng hari. Sapagkat ang kautusang naisulat na sa pangalan ng hari at naselyuhan sa pamamagitan ng singsing ng hari ay hindi maaaring mapawalang-bisa.”
12897  JOB 2:2  Tinanong ni Yahweh si Satanas, “Saan ka naman nanggaling ngayon?” Sumagot si Satanas, “Galing ako sa paglalakad sa lupa nang pabalik-balik.”
13536  JOB 28:28  Sa mga tao sinabi niya, 'Tingnan ninyo, ang takot sa Panginoon — iyan ang karunungan; ang lumayo sa kasamaan ay pang-unawa.”
14705  PSA 50:5  “Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
16720  PRO 9:12  Kung matalino ka, matalino ka para sa sarili mo, pero kung mangungutya ka, dadalhin mo ito nang mag-isa.”
16725  PRO 9:17  “Ang ninakaw na tubig ay matamis, at ang tinapay na kinain ng palihim ay kaaya-aya.”
17670  SNG 5:2  Ako ay natutulog, pero ang puso ko ay gising sa isang panaginip. Naroroon ang tunog ng aking minamahal na kumakatok at sinasabi, “Pagbuksan mo ako, aking kapatid na babae, aking mahal, aking kalapati, aking dalisay, dahil ang ulo ko ay basa sa hamog, ang buhok ko sa gabing mamasa-masa.”
17863  ISA 7:11  “Humingi ka ng tanda ni Yahweh, ang iyong Diyos; hingin mo ito sa kailaliman o sa kataas-taasan.”
18071  ISA 18:4  Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh, “Tahimik akong magmamasid mula sa tahanan ko, gaya ng matinding init sa sikat ng araw, gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.”
18442  ISA 37:20  Pero ngayon, Yahweh aming Diyos, iligtas mo kami mula sa kanyang kapangyarihan, para malaman ng lahat ng kaharian sa mundo na ikaw Yahweh ang nag-iisa.”
18845  ISA 57:10  Kayo ay napagod mula sa inyong mahabang paglalakbay, pero hindi ninyo kailanman sinabi “Ito ay walang pag-asa.” Natagpuan ninyo ang buhay sa inyong mga kamay; kaya hindi kayo nanghina.
19292  JER 10:22  Dumating na ang ulat ng mga balita, “Tingnan ninyo! Parating na ito! Isang malakas na lindol ang paparating mula sa hilagang lupain upang sirain ang mga lungsod ng Juda at maging taguan ng mga asong-gubat.”
19423  JER 16:18  Una kong pagbabayarin ng dalawang beses ang kanilang kasamaan at kasalanan dahil dinungisan nila ang aking lupain ng kanilang mga kasuklam-suklam na diyus-diyosang imahen, at dinungisan nila ang aking mana ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan.”
20034  JER 41:8  Ngunit mayroong sampung kalalakihan na kasama nila ang nagsabi kay Ismael, “Huwag mo kaming patayin, sapagkat may mga pagkain sa aming bukid: trigo at sebada, langis at pulot-pukyutan.” Kaya hindi niya sila pinatay pati ang iba pa nilang mga kasama.
20223  JER 49:27  “Sapagkat magsisindi ako ng apoy sa pader ng Damasco, at lalamunin nito ang mga matibay ng tanggulan ni Ben-hadad.”
20702  EZK 9:11  At masdan ninyo! Bumalik ang taong nakasuot ng lino na may kagamitan ng eskriba sa kaniyang tagiliran. Ibinalita niya at sinabi, “Nagawa ko na ang lahat ng iyong ipinag-uutos.”
22309  HOS 10:15  Kaya mangyayari din ito sa inyo, Bethel, dahil sa napakalaki mong kasamaan. Tiyak na mamamatay ang hari ng Israel sa pagsapit ng bukang-liwayway.”
22552  AMO 8:2  Sinabi niya, “Ano ang nakikita mo, Amos?” Sinabi ko, “Isang basket ng mga bungang pantag-araw.” At sinabi ni Yahweh sa akin, parating na ang katapusan ng aking bansang Israel; hindi ko na sila kaaawaan pa.
23841  MAT 19:10  Sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Kung ganyan ang kalagayan ng lalaki sa kaniyang asawa, mabuti pang hindi na mag-aasawa.”
24192  MAT 26:69  Ngayon si Pedro ay nakaupo sa labas ng patyo at isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at sinabi, “Kasama ka din ni Jesus na taga-Galilea.”
24194  MAT 26:71  Nang siya ay lumabas sa isang tarangkahan, isa pang utusang babae ang nakakita sa kaniya at sinabi sa mga nandoon, “Ang taong ito ay kasama din ni Jesus na taga-Nazaret.”
24351  MRK 2:22  Walang taong maglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat dahil kung ganoon ay masisira ng alak ang sisidlang-balat at kapwa masasayang ang alak at ang sisidlang balat. Sa halip ay maglagay ng bagong alak sa bagong sisidlang-balat.”
24893  MRK 14:70  Ngunit muli niya itong itinanggi. Hindi nagtagal sinabi kay Pedro ng mga nakatayo roon, “Siguradong isa ka sa kanila, sapagkat isa ka ring taga-Galilea.”
25066  LUK 2:24  Sila rin ay dumating upang mag-alay ng handog na alinsunod sa sinabi sa kautusan ng Panginoon, “dalawang kalapati o dalawang inakay na batu-bato.”
25159  LUK 4:27  Mayroon ding maraming mga ketongin sa Israel sa panahon ni propeta Eliseo, ngunit wala sa kanila ang gumaling maliban kay Naaman na taga-Siria.”
25211  LUK 5:35  Subalit darating ang mga araw na aalisin mula sa kanila ang lalaking ikakasal, at sa mga araw na iyon sila ay mag-aayuno.”
25543  LUK 12:15  At sinabi niya sa kanila, “Mag-ingat na kayo ay hindi masakop ng lahat ng kasakimang pagnanasa, dahil ang buhay ng isang tao ay hindi batay sa kasaganaan ng kaniyang mga ari-arian.”
25992  LUK 22:59  Pagkatapos ng isang oras iginiit ng isa pang lalaki at sinabi, “Totoo na ang lalaking ito ay kasama niya, sapagkat siya ay taga-Galilea.”
26172  JHN 2:8  Pagkatapos ay sinabi niya sa mga lingkod, “Kumuha kayo ng kaunti at ibigay sa punong tagapag-silbi.” Kaya ginawa nga nila.
26333  JHN 6:7  Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang tinapay na nagkakahalaga ng dalawang daang denario ay hindi magkakasya para sa bawa't isa kahit na bigyan ng tig-kakaunti.”
26412  JHN 7:15  Namanghang ang mga Judio at sinasabi, “Paano nagkaroon ng maraming karunungan ang taong ito? Hindi naman siya nakapag-aral.”
26979  JHN 21:12  Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo at mag-almusal.” Wala sa mga alagad ang nagtangkang magtanong sa kaniya na, “Sino ka?” Alam nila na siya ang Panginoon.
28108  ROM 4:18  Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, nagtiwala ng lubusan si Abraham sa Diyos para sa hinaharap. Kaya naging ama siya ng maraming bansa, tulad ng sinabi, “... Magiging ganoon ang iyong mga kaapu-apuhan.”
28230  ROM 9:7  Hindi rin lahat ng kaapu-apuhan ni Abraham ay tunay niyang mga anak. Ngunit, “Sa pamamagitan ni Isaac tatawagin ang iyong mga kaapu-apuhan.”