24 | GEN 1:24 | Sinabi ng Diyos, “Hayaang magdulot ang mundo ng buhay na mga nilalang, bawat isa ayon sa kanyang sariling uri, mga hayop, mga gumagapang na bagay, at mga mababangis na hayop ng mundo, bawat isa nito ayon sa kanyang sariling uri”. Nagkagayon nga. |
390 | GEN 16:8 | Sinabi niya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” Sinabi niya, “Tumakas ako mula sa aking among babae na si Sarai”. |
391 | GEN 16:9 | Sinabi sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Bumalik ka sa iyong among babae, at sumailalim ka sa kaniyang kapangyarihan”. |
393 | GEN 16:11 | Sinabi rin sa kaniya ng anghel ni Yahweh, “Tingnan mo, ikaw ay buntis, at manganganak ka ng isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Ismael, dahil narinig ni Yahweh ang iyong paghihirap”. |
625 | GEN 24:33 | Naglapag sila ng pagkain sa harapan niya upang kainin, ngunit sinabi niya, “Hindi ako kakain hanggang sa masabi ko ang kailangan kong sabihin.” Kaya sinabi ni Laban, “Magsalita ka”. |
800 | GEN 29:4 | Sinabi ni Jacob sa kanila, “Mga kapatid ko, saan kayo nanggaling?” At sinabi nila, “Kami ay nanggaling sa Haran”. |
801 | GEN 29:5 | Sinabi niya sa kanila, “Kilala ba ninyo si Laban na anak ni Nahor?” At sinabi nila, “Kilala namin siya”. |
1157 | GEN 39:7 | Dumating ang panahon na pinagnanasaan si Jose ng asawa ng kanyang amo. Sinabi niya, “Sumiping ka sa akin”. |
1301 | GEN 43:10 | Kung hindi kami maaantala, sigurado ngayon nakabalik na kami dito nang pangalawang beses”. |
1320 | GEN 43:29 | Itinuon niya ang kanyang mga mata pataas at nakita si Benjamin ang kanyang kapatid na lalaki, ang anak ng kanyang ina, na nagsasabing, “Ito ba ang sinasabi mong nakababatang kapatid mo na iyong binabanggit sa akin? Sinabi niya, “Ang Diyos ay maging maawain sa iyo, aking anak”. |
1322 | GEN 43:31 | Naghilamos siya at lumabas. Pinigilan niya ang kanyang sarili, na nagsasabing “Ihain na ang pagkain”. |
1383 | GEN 45:24 | Kaya pinadala niya ng papalayo ang kanyang mga lalaking kapatid at sila ay umalis. Sinabi niya sa kanila, “Tiyakin ninyo na huwag kayong mag-aaway sa paglalakbay”. |
1385 | GEN 45:26 | Sinabi nila sa kaniya, “Buhay pa si Jose at siya ang namumuno sa buong lupain ng Ehipto”. At ang kanyang puso ay namangha, sapagkat hindi niya sila pinaniniwalaan. |
1563 | EXO 2:8 | Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa kaniya, “Pumunta ka”. Kaya nagpunta ang batang babae at kinuha ang ina ng sanggol. |
1744 | EXO 9:1 | Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”. |
2500 | EXO 34:3 | Walang sinumang aakyat kasama mo. Huwag mong hayaang kahit sino na makita kahit saan sa bundok. Walang mga kawan o pangkat ng mga hayop ang dapat manginain sa harap ng bundok”. |
4421 | NUM 23:4 | Nakipagkita ang Diyos sa kaniya, at sinabi ni Balaam sa kaniya, “Gumawa ako ng pitong altar, at nag-alay ako ng isang toro at isang lalaking tupa sa bawat isa”. |
7155 | RUT 2:4 | Masdan, si Boaz ay dumating mula Betlehem at sinabi sa mga mang-aani, “Sumainyo nawa si Yahweh.” Sumagot sila sa kaniya, “Pagpalain kayo nawa ni Yahweh”. |
8696 | 2SA 24:1 | Muling sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel at pinakilos niya si David laban sa kanila sa pagsasabi, “Bilangin ang Israel hanggang Juda”. Pagkatapos sinabi ni David “Sige, bilangin ang Israel at Juda.” |
9812 | 2KI 10:15 | Nang umalis doon si Jehu, nakasalubong niya si Jonadab anak na lalaki ni Rechab na dumarating para makipagkita sa kaniya. Binati siya ni Jehu at sinabi sa kaniya, “Buong puso ka bang makikiisa sa akin, gaya ng pagiging matapat ko sa iyo? Sumagot si Jonadab, “Oo” Sabi ni Jehu, kung ganoon nga, iabot mo sa akin ang iyong kamay”. At iniabot ni Jonadab ang kaniyang kamay, kaya pinasakay siya ni Jehu sa kaniyang karwahe. |
10667 | 1CH 10:4 | Pagkatapos nito, sinabi ni Saul sa tagadala ng kaniyang mga baluti. “Hugutin mo ang iyong tabak at isaksak mo ito sa akin. Kung hindi, darating ang mga hindi tuli at aabusuhin ako”. Ngunit ayaw gawin ng tagadala ng kaniyang mga baluti, sapagkat siya ay takot na takot. Kaya hinugot ni Saul ang sariling tabak at sinaksak ang kaniyang sarili. |
17643 | SNG 3:2 | Sabi ko sa aking sarili, “Babangon ako at pupunta sa iba't ibang dako ng lungsod, sa mga lansangan at mga plasa; hahanapin ko ang aking minamahal”. Hinanap ko siya pero, hindi ko siya matagpuan. |
18101 | ISA 20:2 | Sa panahon na iyon, nagsalita si Yahweh kay Isaias ang anak na lalaki ni Amoz at sinabing, “Hubarin mo ang iyong sako sa iyong baywang, at tanggalin mo ang iyong sandalyas”. Ginawa niya ito, naglalakad ng hubad at nakayapak. |
18274 | ISA 29:11 | Ang lahat ng mga paghahayag ay naging sa inyo tulad ng mga salita sa isang aklat na selyado, na maaaring ibigay ng mga tao sa isang may pinag-aralan, na sinasabing “Basahin mo ito”. Sinasabi rin niya, “Hindi maaari, dahil ito ay selyado.” |
18275 | ISA 29:12 | Kung ang aklat na ito ay ibinigay sa isa na hindi makabasa, na sinasabing. “Basahin mo ito”, sinasabi niya, “hindi ako makabasa”. |
19980 | JER 38:16 | Ngunit sumumpa si Haring Zedekias nang palihim kay Jeremias at sinabi, “Sapagkat buhay si Yahweh, ang gumawa sa atin, hindi kita papatayin o ibibigay sa kamay ng mga kalalakihang iyon na naghahangad sa iyong buhay”. |
23251 | MAT 2:13 | Pagkatapos nilang umalis, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita kay Jose sa panaginip at sinabi, “Bumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kaniyang ina at tumakas kayo patungong Egipto. Manatili kayo doon hanggang sa sasabihin ko, sapagkat hahanapin ni Herodes ang bata upang patayin siya”. |
24125 | MAT 26:2 | “Alam ninyo na pagkalipas ng dalawang araw darating ang Paskua, at ang Anak ng Tao ay ibibigay upang maipako sa krus”. |
25057 | LUK 2:15 | At nangyari nang umalis ang mga anghel mula sa kanila patungong langit, sinabi ng mga pastol sa bawat isa, “Tayo na pumunta sa Betlehem, at tingnan ang bagay na ito na nangyari na ipinaalam ng Panginoon sa atin”. |
25180 | LUK 5:4 | Nang matapos na siyang magsalita, sinabi niya kay Simon, “Dalhin mo ang bangka sa mas malalim na tubig at ibaba ang inyong mga lambat para manghuli”. |
26094 | LUK 24:34 | sinasabi, “Totoo ngang muling nabuhay ang Panginoon, at nagpakita siya kay Simon”. |
26745 | JHN 14:8 | Ang sabi ni Felipe kay Jesus, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at iyon ay sapat na sa amin”. |
26953 | JHN 20:17 | Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Huwag mo akong hawakan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama; ngunit pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin sa kanila na aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Diyos at inyong Diyos”. |
26965 | JHN 20:29 | Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Dahil nakita mo ako, ikaw ay naniwala”. Pinagpala silang mga hindi nakakita ngunit naniwala.” |
26983 | JHN 21:16 | Sa pangalawang pagkakataon, sinabi niya muli sa kaniya, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako? Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Alagaan mo ang aking mga tupa”. |
26984 | JHN 21:17 | Sinabi ni Jesus sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro dahil sinabi sa kanya ni Jesus ng ikatlong beses, “Mahal mo ba ako?” Sinabi niya sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking tupa”. |
27323 | ACT 9:38 | Dahil malapit ang Lida sa Joppa, at narinig ng mga alagad na naroon si Pedro, nagsugo sila ng dalawang lalaki at pumunta sa kaniya, nagmamakaawa na sinabi sa kaniyang, “Sumama ka sa amin agad”. |
27532 | ACT 15:21 | Mula sa mga nagdaang salinhali may mga tao na nagpapahayag at nagbabasa ng katuruan ni Moises sa sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga”. |
28166 | ROM 7:7 | Kaya ano ang sasabihin natin? Ang kautusan ba mismo ay kasalanan? Huwag nawa itong mangyari. Gayunpaman, hindi ko sana malalaman ang kasalanan, kung hindi dahil sa kautusan. Sapagkat hindi ko sana malalaman ang tungkol sa kasakiman kung hindi sinabi ng kautusan na, “Huwag kang maging sakim”. |
28374 | ROM 15:3 | Sapagkat kahit si Cristo ay hindi nagbigay-lugod sa kaniyang sarili. Sa halip, gaya ng nasusulat, “Ang mga panlalait ng mga nanlait sa iyo ay sa akin bumabagsak”. |
28497 | 1CO 3:19 | Sapagkat ang karunungan sa mundong ito ay kamangmangan sa Diyos. Sapagkat nasusulat, “Hinuhuli niya ang marunong sa kaniyang katusuhan”. |
28565 | 1CO 7:10 | Ngayon sa mga may asawa ibinibigay ko ang utos na ito—hindi ako, kundi ang Panginoon: “Ang babae ay hindi dapat humiwalay sa kaniyang asawa”. |
28596 | 1CO 8:1 | Ngayon tungkol sa pagkain na inialay sa mga diyus-diyosan: Alam natin na “tayong lahat ay may kaalaman”. Ang kaalaman ay nakapagpapalalo ngunit ang pag-ibig ang nagpapatibay. |
28600 | 1CO 8:5 | Sapagkat marami ang tinatawag na mga diyus-diyosan sa langit o sa lupa, gaya ng marami ang mga “diyus-diyosan at mga panginoon”. |
29081 | 2CO 11:24 | Mula sa mga Judio nakatanggap ako ng limang “apatnapung latigo binawasan ng isa”. |
30052 | HEB 2:8 | Inilagay mo ang lahat na mapasailalim sa kaniyang mga paa”. Sapagkat ipinasailalim ng Diyos ang lahat sa sangkatauhan. Wala siyang iniwan na anuman na hindi naipasailalim sa kaniya. Ngunit ngayon, hindi pa natin makita ang lahat na ipinasailalim sa kaniya. |
30922 | REV 9:14 | Sinabi ng tinig sa ika-anim na anghel na may trumpet, “Pakawalan ang apat ng anghel na nakagapos sa dakilang ilog Eufrates”. |