8 | GEN 1:8 | Tinawag ng Diyos ang puwang na “langit.” Naggabi at nag-umaga, ito ang ikalawang araw. |
10 | GEN 1:10 | Tinawag ng Diyos ang tuyong lupain na “lupa” at ang natipong tubig ay tinawag niyang “dagat.” Nakita niyang ito ay kaaya-aya. |
714 | GEN 26:21 | Pagkatapos naghukay sila ng isa pang balon, at nag-away rin sila nito, kaya binigyan niya ito ng pangalang “Sitnah.” |
956 | GEN 32:28 | Sinabi ng tao sa kanya, “Ano ang pangalan mo?” Sinabi ni Jacob, “Jacob.” |
1721 | EXO 8:6 | Sinabi ni Paraon, “Bukas.” Sinabi ni Moises, “Mangyayari ayon sa sinabi mo, para malaman mo na walang ibang katulad ni Yahweh, ang aming Diyos. |
1979 | EXO 16:31 | Tinawag ng mga tao ng Israel ang pagkaing iyon na “manna.” Ito ay maputi tulad ng buto ng kulantro at ang lasa ay parang apa na ginawang may pulot. |
2502 | EXO 34:5 | Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang “Yahweh.” |
4406 | NUM 22:30 | Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na sinasakyan mo sa buong buhay mo hanggang sa mga araw na ito? Ugali ko bang gawin ang mga ganitong bagay sa iyo dati?” Sinabi ni Balaam, “Hindi.” |
6877 | JDG 12:6 | Sa ganun sasabihin nila sa kaniya, “Sabihing: “Shibolet.” At kung sinabi niyang “Sibolet” (dahil hindi niya mabigkas ang salita ng tama), huhulihin at papatayin siya ng mga taga-Galaad sa tawiran ng Jordan. Apatnapu't dalawang libong taga-Efraim ang namatay sa panahong iyon. |
7284 | 1SA 3:6 | Tumawag muli si Yahweh, “Samuel.” Bumangon muli si Samuel at nagtungo kay Eli at sinabing, “Narito ako, dahil tinawag mo ako.” Sumagot si Eli, “Hindi kita tinawag, aking anak; humiga ka muli.” |
8236 | 2SA 9:6 | Kaya nagtungo si Mefibosheth kay David anak na lalaki ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul at iniyuko ang kaniyang mukha sa lupa para gumalang kay David. Sinabi ni David, “Mefiboshet.” Sumagot siya, “Ako ang inyong lingkod!” |
8504 | 2SA 18:23 | “Anuman ang mangyayari,” sabi ni Ahimaaz, “Tatakbo ako.” Kaya sinagot siya ni Joab, “Takbo.” Pagkatapos tumakbo si Ahimaaz sa daan ng kapatagan at naunahan ang Cusita. |
8786 | 1KI 2:13 | Pagkatapos, pumunta si Adonias na anak ni Haguit kay Batsheba na ina ni Solomon. Sinabi niya, “Pumunta ka ba dito nang may kapayapaan?” Sinagot niya, “Mapayapa.” |
9425 | 1KI 20:14 | Sumagot si Ahab, “Sa pamamagitan nino?” Sumagot at sinasabi ni Yahweh, “Sa pamamagitan ng mga batang opisyal na naglingkod sa gobernador sa mga lalawigan.” Pagkatapos sinabi ni Ahab, “Sino ang magsisimula ng labanan? Sumagot si Yahweh, “Ikaw.” |
9680 | 2KI 6:2 | Hayaan mo kaming pumunta sa Jordan, at magputol ng puno roon at magtayo ng matitirahan.” Tumugon si Eliseo sinabing, “Sige.” |
15766 | PSA 106:48 | Si Yahweh nawa, ang Diyos ng Israel, ay purihin mula sa lahat ng panahon. Ang lahat ng tao ay sumagot ng, “Amen.” Purihin si Yahweh. Ikalimang Aklat |
18928 | ISA 62:4 | Hindi ka na kailanman tatawaging, “Pinabayaan”; ni ang inyong lupain ay kailanman tatawaging, “Malungkot.” Sa katunayan, kayo ay tatawaging “Ang aking kaluguran ay nasa kaniya,” at ang iyong lupain “May asawa,” dahil si Yahweh ay nasisiyahan sa inyo, at ang inyong lupain ay ikakasal. |
20715 | EZK 10:13 | Habang nakikinig ako, tinawag ang mga gulong na, “Umiikot.” |
22936 | HAG 2:12 | Kung magdadala ang isang tao ng isang karne na naitalaga kay Yahweh sa laylayan ng kaniyang damit, at kung masagi ng laylayan ng kaniyang damit ang tinapay o sabaw, alak o langis, o anumang pagkain, magiging banal din ba ang mga pagkaing iyon?” Sumagot ang mga pari at sinabi, “Hindi.” |
23104 | ZEC 11:7 | Kaya ako ang naging pastol ng mga kawan na itinalaga upang katayin, para sa mga nagbebenta ng tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isang tungkod ay tinawag kong “Kagandahang loob” at ang isa ay tinawag kong “Pagkakaisa.” Sa ganitong paraan ko ipapastol ang mga kawan. |
23659 | MAT 13:51 | Naiintindihan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Sinabi ng mga alagad sa kaniya, “Oo.” |
23695 | MAT 14:29 | Sinabi ni Jesus, “Halika.” Kaya bumaba si Pedro sa bangka at lumakad sa tubig papunta kay Jesus. |
23794 | MAT 17:25 | Sinabi niya, “Oo.” Ngunit nang pumunta si Pedro sa bahay, una siyang kinausap ni Jesus at sinabi, “ Ano sa palagay mo, Simon? Ang mga hari sa lupa, kanino sila tumatanggap ng buwis o ng pagpupugay? Mula sa kanilang mga mamamayan o mula sa mga dayuhan?” |
24574 | MRK 8:5 | Tinanong sila ni Jesus, “Ilang tinapay ang mayroon kayo?” Sinabi nila, “Pito.” |
24588 | MRK 8:19 | Nang hinati ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket ang inyong napuno ng mga hinati-hating tinapay?” Sinabi nila sa kaniya, “Labindalawa.” |
24589 | MRK 8:20 | “At nang hinati-hati ko ang pitong tinapay para sa apat na libo, ilang basket ang inyong napuno?” Sinabi nila sa kaniya, “Pito.” |
25968 | LUK 22:35 | At sinabi ni Jesus sa kanila. “Nang ipinadala ko kayo na walang pitaka, supot ng mga kakailanganin, o sapatos, nagkulang ba kayo ng kahit na ano?” At sumagot sila, “Hindi.” |
26134 | JHN 1:21 | Kaya siya ay tinanong nila, “Ano ka kung gayon? Ikaw ba si Elias?” Sabi niya, “Hindi ako.” Sabi nila, “Ikaw ba ang propeta?” Sumagot siya, “Hindi.” |
26871 | JHN 18:17 | Pagkatapos, sinabi ng babaeng lingkod na nagbabantay sa pinto kay Pedro, “Hindi ba isa ka rin sa mga alagad ng lalaking ito?” Sinabi niya, “Hindi.” |
26879 | JHN 18:25 | Ngayon si Simon Pedro ay nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili. At sinabi ng mga tao sa kaniya, “Hindi ba isa ka rin sa kaniyang mga alagad? Itinanggi niya ito at sinabi, “Hindi.” |
26952 | JHN 20:16 | Sinabi sa kaniya ni Jesus, “Maria!” Iniharap niya ang kaniyang sarili, at sinabi sa kaniya sa Aramaic, “Rabboni,” ibig sabihin “Guro.” |
26972 | JHN 21:5 | At sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga kabataan, mayroon ba kayong kahit anumang makakain? Sumagot sila sa kaniya, “Wala.” |
27321 | ACT 9:36 | Ngayon mayroon alagad sa Joppa na ang pangalan ay Tabitha, na kung isasalin ay “Dorcas.” Ang babaeng ito ay puno ng mga mabubuti at maawaing gawa, na ginagawa niya para sa mahihirap. |
27799 | ACT 22:27 | Pumunta ang punong kapitan at sinabi sa kaniya, “Sabihin mo sa akin, isa ka nga bang Romano?” sinabi ni Pablo, “Oo.” |
28886 | 2CO 1:18 | Ngunit kung paanong ang Diyos ay tapat, hindi natin sasabihin ng sabay ang “Oo” at “Hindi.” |
28887 | 2CO 1:19 | Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi “Oo” at “Hindi.” Kundi laging “Oo”. |
30432 | JAS 5:11 | Tingnan ninyo, tinatawag namin ang mga nagtitiyaga, na “pinagpala.” Narinig ninyo ang pagtitiis ni Job, at alam ninyo ang layunin ng Panginoon para kay Job, kung paano ang Panginoon ay puno ng kahabagan at awa. |
30497 | 1PE 3:6 | Sa ganitong paraan sumunod si Sara kay Abraham at tinawag siyang kaniyang “panginoon.” Kayo ngayon ay kaniyang mga anak kung ginagawa ninyo ang mabuti at kung hindi kayo natatakot sa kaguluhan. |