949 | GEN 32:21 | Sasabihin din ninyo, 'Ang iyong lingkod na si Jacob ay darating kasunod namin.''' Pagkat naisip niya, “Mapapalubag ko siya sa mga regalong pinapadala kong nauna sa akin. Sa gayon maya-maya, kapag nagkita kami, marahil tatanggapin niya ako.” |
2050 | EXO 19:23 | Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Hindi makakaakyat ang mga tao sa bundok, ito ang inutos mo sa amin: 'Maglagay ng mga hangganan sa palibot ng bundok at ihandog ito kay Yahweh.''' |
2479 | EXO 33:5 | Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita, 'Kayo ay isang bayang matitigas ang ulo. Kung sasama ako sa inyo kahit sandali lamang, wawasakin ko kayo. Kaya ngayon, alisin ninyo ang inyong mga alahas kaya makakapagpasya ako kung ano ang gagawin ko sa inyo.''' |
3361 | LEV 21:15 | Dapat niyang sundin ang mga patakarang ito, upang hindi niya madungisan ang kaniyang mga anak sa kaniyang lahi, sapagkat Ako si Yahweh, na naghandog sa kaniya para sa aking sarili.''' |
3369 | LEV 21:23 | Gayunman, hindi siya dapat pumasok sa loob ng kurtina o lumapit sa altar, dahil siya ay may kapansanan sa katawan, upang hindi niya madungisan ang aking banal na lugar, dahil ako si Yahweh, ang siyang naghandog sa kanila para sa aking sarili.''' |
3942 | NUM 8:2 | “Kausapin mo si Aaron. Sabihin mo sa kaniya, 'Dapat magbigay ng liwanag ang pitong ilawan sa harapan ng patungan ng ilaw kapag sinindihan mo ang mga ito.''' |
6785 | JDG 9:29 | Hiling kong ang mga taong ito ay nasa ilalim ng aking kautusan! Pagkatapos aalisin ko si Abimelec. Sasabihin ko kay Abimelec, 'Tawagin mo ang lahat ng iyong mga hukbo.''' |
7287 | 1SA 3:9 | Pagkatapos sinabi ni Eli kay Samuel, “Umalis ka at humigang muli; kung tatawagin ka niya muli, dapat mong sabihin, 'Magsalita ka, Yahweh, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.''' Kaya umalis si Samuel at minsan pang humiga sa kanyang sariling lugar. |
8137 | 2SA 5:2 | Sa nakaraang panahon, nang si Saul pa ang hari sa ating lahat, ikaw itong nangunguna sa hukbo ng Israelita. Sinabi ni Yahweh sa iyo, 'Magiging pastol ka ng aking bayan ng Israel, at magiging pinuno ka ng buong Israel.''' |
8468 | 2SA 17:16 | Kaya ngayon, magmadaling umalis at ibalita kay David; sabihin sa kaniya, 'Huwag magkampo ngayong gabi sa mga tawiran ng Araba, pero tiyaking tumawid sa lahat ng paraan, o masasakmal ang hari kasama ang lahat ng taong kasama niya.''' |
19892 | JER 34:22 | Tingnan ninyo, magbibigay ako ng isang utos—ito ang pahayag ni Yahweh—at ibabalik ko sila sa lungsod na ito upang makipagdigma laban dito at sasakupin, at sunugin nila ito. Sapagkat gagawin kong nawasak na mga lugar ang mga lungsod ng Juda kung saan walang makakatira roon.''' |
23050 | ZEC 8:5 | At mapupuno ang mga lansangan ng lungsod ng mga batang lalaki at batang babaing naglalaro dito.''' |
23066 | ZEC 8:21 | Pupunta ang mga naninirahan sa isang lungsod patungo sa ibang lungsod at sasabihin, ''Magmadali tayong pumunta upang humingi ng tulong kay Yahweh at upang hanapin si Yahweh ng mga hukbo! Pupunta rin kami mismo.''' |
23711 | MAT 15:9 | Sinasamba nila ako na walang kabuluhan, dahil ang itinuturo nila bilang mga doktrina ay ang mga utos ng mga tao.''' |
27472 | ACT 13:41 | 'Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at mamangha kayo at saka mamamatay sapagkat isasagawa ko ang gawain sa inyong mga araw, isang gawaing hindi ninyo paniniwalaan kailanman, kahit pa mayroong maghayag nito sa inyo.''' |
30152 | HEB 7:21 | Ngunit ang Diyos ay gumawa ng isang panunumpa nang sinabi niya ang tungkol kay Jesus, ''Ang Panginoon ay nangako at hindi na magbabago ang kaniyang isip: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman.''' |