5 | GEN 1:5 | Tinawag ng Diyos ang liwanag na “araw,” at ang kadiliman ay tinawag niyang “gabi”. Naggabi at nag-umaga, ito ang unang araw. |
10032 | 2KI 18:4 | Tinanggal niya ang mga dambana, winasak ang mga sagradong poste na gawa sa bato, at pinutol ang mga poste ni Asera. Pinagpira-piraso niya ang tansong ahas na ginawa ni Moises, dahil sa mga panahon na iyon nagsusunog dito ng insenso ang bayan ng Israel; tinawag itong “Nehustan”. |
18496 | ISA 40:6 | Sinabi ng tinig, “umiyak”. Sumagot ang isa “Ano ang dapat kong iiyak?” “Ang lahat ng laman ay damo, at lahat ng kanilang katapatan sa tipan ay tulad ng bulaklak sa bukid. |
28887 | 2CO 1:19 | Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi “Oo” at “Hindi.” Kundi laging “Oo”. |
30088 | HEB 4:7 | Muli ang Diyos ay nagtakda ng tiyak na araw, na tinatawag na “Ngayon”. Itinakda niya ang araw na ito nang nakipag-usap siya sa pamamagitan ni David, na sinabi noon pa pagkatapos ng unang pagsasabi nito, “Ngayon, kung pakikinggan ninyo ang kaniyang tinig, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.” |