670 | GEN 25:11 | Pagkatapos ng kamatayan ni Abraham, pinagpala ng Diyos si Isaac na kanyang anak, at si Isaac ay nanirahan malapit sa Beer-lahai-roi. |
7131 | RUT 1:2 | Elimelek ang pangalan ng lalaki at Naomi ang pangalan ng kaniyang asawa. Ang pangalan ng kaniyang dalawang anak na lalaki ay sina Mahlon at Quelion, na mga Efrateo na taga-Bethlehem-Juda. Nakarating sila sa bansa ng Moab at nanirahan doon. |
11683 | 2CH 24:1 | Pitong taong gulang si Joas nang magsimulang maghari; naghari siya ng apatnapung taon sa Jerusalem. Sibias ang pangalan ng kaniyang ina na taga-Beer-seba. |
25356 | LUK 8:42 | dahil sa siya ay may kaisa-isang anak na babae, na nasa labindalawang taon ang edad, at siya ay nag-aagaw-buhay. Ngunit nang papunta siya kay Jesus, maraming tao ang nagsisiksikan sa kaniya. |
30697 | 1JN 5:6 | Ito ang siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo-Jesu-Cristo. Siya ay dumating hindi lamang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. |