10150 | 2KI 22:1 | Si Josias ay walong taong gulang nang magsimula siyang maghari; naghari siya nang tatlumpu't isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Jedida (siya ang anak ni Adaya na taga-Boskat). |
11594 | 2CH 20:2 | At may ilang dumating na nagsabi kay Jehoshafat, “May isang malaking grupo ng mga tao ang paparating laban sa iyo mula sa ibayo ng Dagat na Patay, sa Aram. Tingnan mo, sila ay nasa Hazazon-tamar” (ito ay ang En-gedi). |
27127 | ACT 4:36 | Si Jose, na Levita, isang lalaking taga-Cyprus, ay binigyan ng pangalan ng mga apostol na Barnabas (na ang ibig sabihin ay anak ng pagpapalakas-loob). |